LOGINNAGLALAKAD-lakad ako sa daan habang busy sa kakukuha ng litrato. Lahat ng nakikita ko maganda. Magandang object, mukha ng tao, displays, at lugar. Hindi na maalis-alis ang malaking ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa nga bata ibata. Ang cute nila habang naglalakad sa daan. Ang liliit ng mga hakbang niya habang nakatingin sa mga paa nito.
Their small legs were trying to walk and impressed their parents, sister and brother. I focus my camera in a baby like who had her hair tie as a bun in two. She's so cute. Wearing a floral maxi dress with her cute white shoes. She's smiling while looking at her cute legs before she takes a step. And then she will look at her brother beside her. Her cute, dark, and round eyes give her a smile. It melts me. Gosh! She's irresistible. "I do like babies. And I want four babies with Aekim. If God makes it happen." wala sa isip na wika ko habang nakangiti ng malaki habang nakatingin sa batang babae. Iniwas ko ang mga mata ko ng bigla napatingin sa gawi ko ang magkapatid. "Nope. I don't want kids. Mahal ang gatas. Mahal ang diaper. Hindi ako makakatulog ng maayos sa gabi at sa araw hindi ako makakapagtrabaho ng maayos. Maglilinis ng bahay. Maglalaba. Mamalantsa. Magtutupi ng damit at marami pang iba. Kaya, it's a NO." wika habang naglalakad ng matulin. Ngunit agad naman akong napahinto sa pag-llalakad nang maalala ko na mayaman pala kami kaya di ko kailangan gawin ang ibang gawaing bahay. Dahil sa naisip kong iyon ay napahalakhak ako at nahinto din sa kalaunan ng maalala ko na nagmumukha na akong baliw. Nagsasalitang mag-isa at tumatawang mag-isa. Damn! Do I need to make an appointment with a psychiatrist? __________ Nandito ako ngayon sa Chao Phraya River habang tahimik na nakatingin sa tahimik na tubig. Gusto ko maging masaya ngayon ngunit taliwas iyon sa nararamdaman ko. Tahimik na binuksan ko ang beer in can na dala ko pagkatapos ay ininom ko na ito ng paunti-unti. Inilabas at binuksan ko ang dala kong chichirya na binili ko kanina sa Seven Eleven bago dumiretso dito sa Chao Phraya River. Ito ang pulutan ko ngayong araw. Beer sa tanghaling tapat para sa tulad kong nasasaktan dahil sa pag-ibig. Humugot ako ng tissue saka suminga pagkatapos ipinasok ito sa loob ng isang medium size plastic na hiningi ko sa Ale nang bumili ako ng bottled water. Kahit dito pala sa Thailand may naglalako akala ko sa Pilipinas lang. Muling umagos ang mga luha ko habang ngumunguya ako nang chichirya. Mahirap din pala umiyak habang kumakain, hindi ako makahinga. "Hindi ako makahinga!" reklamo ko. Naudlot tuloy ang pagnguya ko at pinipilit na kinakalma ang sarili para makahinga ako ng maayos. "Pati ba naman sa pag-iyak ko ay masasaktan ako? Nakakamatay pala 'to." inis na wika ko sabay lapag nang plastic ng chichirya sa semento, sa harap ko. Itinigil ko ang pagnguya at bahagyang tumingala dahil sa nagbabadyang sipon. Tutulo. Bumunot ako ng tissue saka inilapat ito sa bandang ilong ko saka suminga. Ibinuka ko ang bibig ko dahil hindi p'wede nakatikom, nakakamatay. Pagkatapos kong suminga ay laking pasalamat ko dahil sa medyo nakahinga na ako nang maayos-ayos. Pinagpatuloy ko ang pagnguya dahil sa may naiwan pang chichirya sa bunganga ko. At sa pagkakataong ito ay pigil na pigil ako sa pag-iyak. Nang malunok ko na ang chichirya na nasa bunganga ko muli akong umiyak saka dinampot ang beer at lumagok. "Mas okay palang umiiyak habang umiinom kaysa ngumunguya." wika ko sabay inom ng beer ulit. "Buwisit! Bagong karanasan at bagong natuklasan." wika ko saka nagpunas ng mga luha. "Always keep in mind, don't eat or chew while you're crying, it's a deadly trick." Tumayo ako habang bitbit ko ang beer saka sumigaw ng malakas. "P*****a ka, Aekim! Siraulo ka! Ni hindi mo man lang ako kayang mahalin. Hindi ba ako maganda?" sigaw saka muling uminom. Muli akong sumigaw ngunit tanging ang tubig sa ilog lang na ito ang nakakarinig. Hindi si Aekim. At higit sa lahat, ang puso ko lang ang nakaramdam ng sakit hindi si Aekim. Napatingin ako sa hawak kong beer saka tumawa. "P'wede na pala ako maging lasinggera." wika habang nakatingin pa rin sa beer kong hawak saka muling humagolgol ng iyak. "Ang sakit ng puso ko!" sigaw ko saka napatingin sa dalawang batang lalaki na dumaan. Lumingon ang mga ito sa akin saka tumakbo ng mabilis. "Hindi pa ako baliw, ha." wika ko saka tumingin babaeng naglalakad kasunod ng dalawang bata na nakatingin din sa akin. "Ay, hindi mo pala ako maintindihan." wika ko saka humagikgik. Nang ma-realiza ko ang ginawa napasabunot ako sa buhok ko. Umayos ako ng upo nang may mag-jowa na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Ang sweet pa ni boy kay girl at may pa-kiss pa ito sa noo ni girl saka hinawakan ang kamay nito. Napalabi ako bago nagsalita. "Maghihiwalay din kayo. Mga anak ng patis kayo!" sigaw ko sa mag-jowa na ngayon ay nakatingin na sa akin. "Naiintindihan ba nila ako?" nagatataka kong tanong sa sarili ko habang sinusundan ng tingin ang dalawa na nasa harap ko na. "Hindi ako baliw, no." mahina kong wika ng makalagpas na sila sa akin. Hayst. "Tanga ka talaga, Valentina. Sa ginawa mo mas lalo kang napagkamalan na baliw." saway ko sa sarili ko na may pailing-iling pa. Inalog-alog ko ang beer na hawak ko at napag-alaman kong kunti nalang ito. "How sad." matamlay kong wika saka inisang lagok ang natirang laman. Naiiyak na napatingin ako sa wala ng lamang lata saka umiyak. "U-ubosh na? Bakit?" maungkot na wika ko saka kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko para mag-book ng grab taxi. ____________ Napaungol ako sa sakit ng aking ulo saka dahan-dahan na minulat ang aking mga mata. Ngayon ramdam na ramdam ko ang sobrang sakit ng ulo ko na tila pinopokpok ng martilyo. Hindi kasi ako sanay uminom pero gjnawa ko pa rin dahil sa heartbroken ako ngayon? Naglasing? Napabalikwas ako ng bangon saka iginala ang aking mga mata. "Bakit nandito ako?" gulat kong sambit habang nakatingin sa aking sarili at sa kama. "Sino ang nag-uwi sa akin? Sino ang nagpalit ng damit ko?" tanong ko ulit saka tumingin sa higaan ni Aekim ngunit wala siya doon. Hinanap ko ang cellphone ko mabuti naman at nakalagay ito sa ibabaw ng bedside table ko. Kaagad ko itong kinuha para tingnan ang oras. "Whoa! What? It's nine thirteen in the morning! Totoo ba ito?" gulat na tanong ako. Saka pinatay ang cellphone ko at muling binuhay. Baka kasi namali lang ako ng tingin sa oras. "Oh my gulay! Alas nueve na nga. It's nine fifteen in the morning. Shutakils. Ang haba ng tulog ko." Muli akong napasapo sa pumipintig kong ulo, sobrang masakit. "Aray!" daing ko. "Ang sakit, ayoko na talagang uminom!" mangiyak-ngiyak kong wika habang ang dalawang kamay ko ay nasa magkabila kong ulo. Huhuhu. "Kulang pa nga 'yan.""Si Aekim, wala pa ba?" tanong ko sa mga kasama ko sa bahay. "Wala pa po, Ma'am Lala." "Bakit kaya wala pa siya? Alas nueve na ng gabi." nag-alala kong wika. Hindi ako sanay na sa ganitong oras wala pa si Aekim. Simula kasi ng magising ito palagi na itong umuuwi ng maaga.Nag-alala na dinial ko ang number ni Aekim ngunit out of coverage ito. “Saan ka, Aekim?” nag-alala kong wika saka palakad-lakad.“Lanie, pakitwag nga si Ramon, aalis kami ngayon.” utos ko sa isa kong kasama sa bahay bago naglakad paakyat ng kuwarto para magbihis. Ngunit bago pa man ako nakapagpalit ng damit bigla na lang tumunog ang SMS ringtone ko. Kinuha ko anv cellphone ko at binuksan ang message. Galing ito kay Aekim at sinabi nito sa text na niyaya siya ni Benny na kaibigan niyang mag-Tagaytay. Biglang nawala ang pag-alala ko kaya hindi ko na itinuloy ang pagbihis. Bagkus, lumapit ako sa intercom para ipaalam kay Lanie na hindi na kami tutuloy ni Ramon. “Lanie, pakisabi kay Ramon na hindi na kami aalis. N
"Lily, sa tingin ko unti-unti ng bumabalik ang alaala ni Aekim." wika ko kay Balaeng Lily na ina ni Valentina. Kausap ko siya ngayon sa telepono dahil tinawagan ko siya para ibalita ang mga galaw ng anak ko. Hindi sa tina-traidor ko ang anak ko, kundi pino-protektahan ko lamang siya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari ngayong magaling na si Leona. Ang babaeng 'yon. Hinding-hindi ko siya palalampasin. Kapag naiisip ko si Leona umiiba kaagad ang tinpla ng utak ko, ang tibok ng puso ko. Gusto siyang magbayad sa ginawa niya kay Valentina. Hindi siya puwedeng makalaya pa. Idagdag ko sa kaso niya ang nangyari kay Aekim. Kung hindi dahil sa ginawa niya kay Valentina, hindi si Aekim na-coma at nagka-amnesia. "Hindi natin mapipigilan 'yan, Lala. As of now, hayaan muna natin siya sa mga gusto niyang gawin." sagot nito. "Kawawa din ang anak mo, Balae, pero mas kawawa ang anak ko sa kaniya." "Pasensiya ka na, Balae, ha. Siraulo kasi ang anak ko, kaya kung ano man ang desisyon ni
JULY 19, 2024."Mama, nasaan po kayo? May dala po akong cake para sa'yo!" tawag ko kay Mama Lala habang nakangiti na nilalapag ang dalawang layer na ng cake. Birthday kasi ngayon ni Mama Lala kaya heto ang anak niyang paborito. Bumili ng cake para sa paboritong Ina."Saglit lang anak!" sigaw ni Mama sa akin. Mukhang nasa kusina ito at nagluluto.Maya-maya ay sumulpot na si Mama habang nagpupunas ng kamay sa suot nitong aphron. “Nagluluto ka, Ma?” “Oo, anak. Gusto kita ipagluto. Isa pa kaarawan ko ngayon kaya nasa mood.” “Gano’n po ba?” wika ko saka inakbayan si Mama at sabay kaming naglakad patungo sa dining area. “Gusto mo kain tayo sa labas, Ma?” “Huwag na, Anak, baka mapagod ka pa. Dalawang taon kang na-coma at ng magising ka nagkaroon ka naman ng amnesia. Ayoko nang maulit pa iyon.” wika na Mama na naiiyak. Napahinga ako ng malalim saka pilit na winawaksi ang nakaraan.Wala man akong maalaa dati pero ngayon, naalala ko na ang lahat. Walang alam si Mama at hindi ko muna sasabih
Araw ng sabado ngunit wala akong ganang bumangon. Kagabi nga lang ako nakatulog kung hindi ako hinatak ni Mama Lala sa kuwarto. Kung hindi dahil kay Mama, wala na akong radon pa para magpahinga. Walang rasob para huminto ako sa paghahanap sa nawawala kong asawa. Bawat araw na lumilipas para sa akin ay parusa. Bakit ba buhay pa ako? Bakit kasi iniligtas pa nila ako ng mawalan ako ng malay sa tubig. Habang ang asawa ko ay hindi ko mahagilap kung saan. Paano na siya ngayon? Ano na ang ginagawa niya ngayon? Umiiyak ba siya sa lamig? Hinihintay ba niya ako? Nakakatulog ba siya ng maayos? May nakahanap ba sa kaniya? Sana ligtas siya. Sana buhay ang asawa ko.It's been a week since Valentina is missing. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin matagpuan ang asawa ko. My wife is still missing. Nang araw na nahulog si Valentina sa tulay ay siya ring araw ng aking unang kamatayan. Hinanap ko siya nang hinanap, hanggang sa mawalan ako ng malay. At sa araw din na iyon ay isinugod ako sa hospital
“Ma, Pa, uwmuwi ba dito ang asawa ko?” Nagtinginan muna si Mama at Papa bago sumagot sa akin. Parang may gusto silang ipa-abot sa isa't-isa na hindi ko ma-gets. "Ma, Pa, nandito ba ang asawa ko?" tanong ko ulit sa kanila."W-wala anak." si Mama ang sumagot sa akin."Kung gano'n, saan siya pumunta?" tanong kasabay ng pagbuo ng aking mga luha. “Kagabi ko pa siya hinahanap."H-hindi ko alam, Aekim. Nandito ba siya sa Madrid?” si Papa. "Sigurado po ba kayo? Baka naman tinatago n'yo lang po sa akin ang asawa ko. Baka nandito lang siya at ayaw n'yong ipakausap siya sa akin." wika ko sabay pahid ng isang butil ng luha na tumulo mula sa aking mata. "Mama, naman e. Pa, baka naman nandito lang siya. Hindi pa naman niya alam dito. Hindi niya memorize ang babaan at sakayan. Hindi rin siya magaling magsalita ng Español." natataranta kong wika kay Mama at Papa. "Tumawag ka na ba sa Pulis? Nag-report ka na ba?” si Papa."Opo. Ang kaso hindi pa nila ako kinuhanan nang statement dahil wala pa daw
PAGKA-ALIS ni Leona umalis din kaagad ako para puntahan ang Rancho. Kukumustahin ko lang Tiyahin ko na siyang namamahala ngayon. Pagkatapos kasi ng nangyari, ayoko na paubaya sa kamag-anak ni Mama Lala, alanganin na ako sa kanila. Pati si Mama umaayaw na rin. Idagdag mo pa na pumunta daw sa rancho ang sugarol kong pinsan. Nabahala tulou ako, baka kung ano na naman ang gagawin nito doon. Baka maubos na ang ang mga kabayo at baka namin. Pagkarating ko sa rancho, wala na din ang pinsan ko. Kaya minabuti ko na lang na tingnan isa-isa ang mga alaga namin bago umuwi ng bahay. Pagdating ko hinanap ko ang asawa ko ngunit wala na si Valentina. Halos halughugin mo na ang buong bahay, ngunit hindi ko na si Valentina. Aside sa sulat na iniwan niya sa akin na kakikita ko pa lang. Kinakabahan na kinuha ko ang sulat at binuksan ko ito. Huminga muna ako nang malalim bago binasa ang sulat. To My Love, I'm sorry kung ikinulong kita sa isang pangakong kailanma'y hindi totoo. Pasensiya dahil sa







