Masuk"Uminom ka pa ulit."
Nagulat ako ng bigla nalang may nagsalita. Hindi ko man lang namalayan at naramdaman ang paglapit nito sa akin. At anong sabi niya kulang pa 'yan? Siraulo ba siya? Sobrang sakit kaya. Hindi ako katulad niya na lasinggero. Itulad niya pa ako sa kan'ya. Close ba kami? Ang kabet niya kamo ang magaling sa tunggahan idadamay pa ako. Lumapit sa kinaroroonan ko si Aekim habang bitbit nito ang isang kulay brown na tray. Nakita kong nakalapag sa ibabaw ng tray ang isang puting tasa na umuusok pa. Kape. Langhap na langhap ko ang matapang na amoy kape ng dala nito. Ang bango. Sa tabi nito ay may puting platito na may lamang sandwich? "Inumin mo 'to." utos sa akin ni Aekim sabay lapag ng tray sa ibabaw ng kama ko. "Tapos ito." dugtong pa nito na ang tinutukoy nito ay ang aspirin tablet na nakalagay sa tabi nang platito na may lamang sandwich. "No." mahinang wika habang nakatingin sa tableta. "Dapat nga pabayaan na lang kitang mamatay sa daan. Ang kaso, ako ang sisingilin ng mga magulang natin." galit na wika sa akin ni Aekim sabay hawak sa leeg ko. "Gamot para sa sakit ng ulo." "Hangover itong sa akin." "Aspirin ay gamot sa sakit ng ulo. Tanga." sagot naman niya at agad pinasok sa bibig ko ang tableta nang walang pasabi. "Aray!" halos sigaw ko habang ang isang kamay nito ay sumasakal sa leeg ko. Akala ko ba pai-inumin nang gamot. Mukhang pinapatay na niya ako. "H-hindi ako makahinga! K-kailan lang naging gamot ang sakal?" wika ko sabay tanggal ng kamay nito sa leeg ko. "Ano sa tingin mo? Diba mabisa? Hindi ka na umaaray." "Akala ko ba kape lang, okay na." "Akala mo lang 'yon. Maligo ka na nga muna bago kumain. Ang baho mo." "Sorry. Kung maligo pa ako ngayon lalamig na ang kape." "Bahala ka na nga pati ako namomroblema sa'yo. Diyan ka na nga." iritadong wika nito sa akin saka tumalikod sa akin ngunit napatigil ito ng magsalita ako. "Saglit lang may itatanong lang ako." pigil ko. "Paano nga pala ako nakauwi kahapon?" nagtataka na tanong ko sa kaniya. Humarap sa akin si Aekim saka sumagot. "Alalahanin mo?" inis na sagot nito sa akin saka inirapan ako. Luh, si Aekim, nang-iirap. Babae yarn. Bakla style. "Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko maalala." nakanguso kong sagot dito. "Kasalanan mo 'yan. Ang lakas din ng loob mo na maglasing dito sa Thailand. Hindi tayo taga-rito Valentina. Mag-isip ka." galit na wika sagot ni Aekim. Galit na naman siya sa akin. Sobrang iksi talaga ng pasensiya nito kapag ako ang kaharap. "E ano naman ngayon kung naglasing ako? Matanda na ako, Mr. Melicio. So, don't worry about me, worry about yourself." "Really, Valentina? Worry -about myself? E ikaw nga itong lasing na tumawag sa akin kahapon at napagkamalan mo pa akong taxi driver." galit na wika sa akin ni Aekim at lumapit pa ito sa akin. Napatingin ako sa galit na mukha nito na nakaawang ang bibig. "Hindi siya ang tinawagan mo, Valentina, diba? Taxi iyon diba?" tanong ko sa utak ko habang kunot ang noo na nakatingin sa galit na mukha ni Aekim. "Taxi po iyon, Mister." mahinang sagot ngunit hindi sigurado. Tumawa si Aekim nang nakaka-insulto habang ang mga mata nito ay tila bubuga na ng apoy sa galit. "Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako, Valentina? Na gawa-gawa ko lang ang mga sinasabi ko sa iyo ngayon?" "Aba, malay ko!" ani ko sabay yuko ng ulo na naguguluhan. "Check your phone." ma-utoridad na utos nito sa akin. "Kung gusto mo pala akong mamamatay e di sana hinayaan mo nalang ako doon sa ilog. Mukhang masamang-masama ang loob mo e." "Hindi lang masama ang loob ko. Nabu-buwisit din ako. Nasa gitna ako ng meeting tapos tatawag ka at magpasundo sa sakin. It's fucking twenty four kilometers from here. Paano ka napadpad doon?" "Syempre sumakay ng train." sagot ko kay Aekim na nakadungo ang ulo. "Malay ko ba na gano'n na pala kalayo ang napuntahan ko. Basta ang alam ko, masaya ako." sagot ko. "Mabuti na lang at naka-register sa phone ko iyang email mo at na trace kita dahil doon. Nang tumawag ka sa akin hindi mo pa alam kung nasaan ka. Basta ang sabi mo lang sa akin nasa ilog ka may may walang katapusan na pag-agos!" bulyaw nito sa akin. "Talaga namang walang katapusan na umaagos ang tubig a." rason ko pa. "Subukan mo lang ulit gawin ang ginawa mo kahapon at aagos ka talaga sa akin. Huwag mo akong subukan." "Opo, Tatay." "Tatay mo mukha mo!" sigaw sa akin ni Aekim sabay angat ng kamay nito sa ere, ngunit hindi naman nito itinuloy. Muntik na akong sampalin ni Aekim. Biglang nagsikip ang aking dibdib dahil sa ginawa nito. Sasampalin ako ni Aekim. Sabagay, ilang beses na nga niya akong sinakal at tinulak kaya talagang masasampal niya ako sa mga susunod pa na mga araw. 'He never love me.' wika ko sa isip ko sabay lakad papuntang banyo. Ayaw ko pa sana maligo pero dahil sa ginawa ni Aekim, piliin ko na lang ang maligo at doon ibuhos ang mga luha pumupuno sa aking mga mata ngayon. Hindi ako p'wedeng umiyak sa harap niya. Ayokong ipakita sa kaniya na mahina ako dahil mahina talaga ako. "If you want to die, don't implicate me. Lalo na kapag ako ang kasama mo. Ayoko maging number suspect kahit na ayaw ko sa'yo. I am not murderer." pahabol na wika ni Aekim at pagkasabi nito ay siya rin ang pagsara nang pintuan. Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa pinto. "Mahirap ba akong mahalin?" tanong ko. Habang ang mga ko ay malayang umaagos sa aking mga pisngi. "Mamahalin mo rin ako pabalik balang araw." Humihikbi na pumasok ako sa shower room at agad na naghubad ng aking kasuotan at in-on ang heater. "Ano ang mayro'n si Leona na wala ako, Aekim?""Si Aekim, wala pa ba?" tanong ko sa mga kasama ko sa bahay. "Wala pa po, Ma'am Lala." "Bakit kaya wala pa siya? Alas nueve na ng gabi." nag-alala kong wika. Hindi ako sanay na sa ganitong oras wala pa si Aekim. Simula kasi ng magising ito palagi na itong umuuwi ng maaga.Nag-alala na dinial ko ang number ni Aekim ngunit out of coverage ito. “Saan ka, Aekim?” nag-alala kong wika saka palakad-lakad.“Lanie, pakitwag nga si Ramon, aalis kami ngayon.” utos ko sa isa kong kasama sa bahay bago naglakad paakyat ng kuwarto para magbihis. Ngunit bago pa man ako nakapagpalit ng damit bigla na lang tumunog ang SMS ringtone ko. Kinuha ko anv cellphone ko at binuksan ang message. Galing ito kay Aekim at sinabi nito sa text na niyaya siya ni Benny na kaibigan niyang mag-Tagaytay. Biglang nawala ang pag-alala ko kaya hindi ko na itinuloy ang pagbihis. Bagkus, lumapit ako sa intercom para ipaalam kay Lanie na hindi na kami tutuloy ni Ramon. “Lanie, pakisabi kay Ramon na hindi na kami aalis. N
"Lily, sa tingin ko unti-unti ng bumabalik ang alaala ni Aekim." wika ko kay Balaeng Lily na ina ni Valentina. Kausap ko siya ngayon sa telepono dahil tinawagan ko siya para ibalita ang mga galaw ng anak ko. Hindi sa tina-traidor ko ang anak ko, kundi pino-protektahan ko lamang siya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari ngayong magaling na si Leona. Ang babaeng 'yon. Hinding-hindi ko siya palalampasin. Kapag naiisip ko si Leona umiiba kaagad ang tinpla ng utak ko, ang tibok ng puso ko. Gusto siyang magbayad sa ginawa niya kay Valentina. Hindi siya puwedeng makalaya pa. Idagdag ko sa kaso niya ang nangyari kay Aekim. Kung hindi dahil sa ginawa niya kay Valentina, hindi si Aekim na-coma at nagka-amnesia. "Hindi natin mapipigilan 'yan, Lala. As of now, hayaan muna natin siya sa mga gusto niyang gawin." sagot nito. "Kawawa din ang anak mo, Balae, pero mas kawawa ang anak ko sa kaniya." "Pasensiya ka na, Balae, ha. Siraulo kasi ang anak ko, kaya kung ano man ang desisyon ni
JULY 19, 2024."Mama, nasaan po kayo? May dala po akong cake para sa'yo!" tawag ko kay Mama Lala habang nakangiti na nilalapag ang dalawang layer na ng cake. Birthday kasi ngayon ni Mama Lala kaya heto ang anak niyang paborito. Bumili ng cake para sa paboritong Ina."Saglit lang anak!" sigaw ni Mama sa akin. Mukhang nasa kusina ito at nagluluto.Maya-maya ay sumulpot na si Mama habang nagpupunas ng kamay sa suot nitong aphron. “Nagluluto ka, Ma?” “Oo, anak. Gusto kita ipagluto. Isa pa kaarawan ko ngayon kaya nasa mood.” “Gano’n po ba?” wika ko saka inakbayan si Mama at sabay kaming naglakad patungo sa dining area. “Gusto mo kain tayo sa labas, Ma?” “Huwag na, Anak, baka mapagod ka pa. Dalawang taon kang na-coma at ng magising ka nagkaroon ka naman ng amnesia. Ayoko nang maulit pa iyon.” wika na Mama na naiiyak. Napahinga ako ng malalim saka pilit na winawaksi ang nakaraan.Wala man akong maalaa dati pero ngayon, naalala ko na ang lahat. Walang alam si Mama at hindi ko muna sasabih
Araw ng sabado ngunit wala akong ganang bumangon. Kagabi nga lang ako nakatulog kung hindi ako hinatak ni Mama Lala sa kuwarto. Kung hindi dahil kay Mama, wala na akong radon pa para magpahinga. Walang rasob para huminto ako sa paghahanap sa nawawala kong asawa. Bawat araw na lumilipas para sa akin ay parusa. Bakit ba buhay pa ako? Bakit kasi iniligtas pa nila ako ng mawalan ako ng malay sa tubig. Habang ang asawa ko ay hindi ko mahagilap kung saan. Paano na siya ngayon? Ano na ang ginagawa niya ngayon? Umiiyak ba siya sa lamig? Hinihintay ba niya ako? Nakakatulog ba siya ng maayos? May nakahanap ba sa kaniya? Sana ligtas siya. Sana buhay ang asawa ko.It's been a week since Valentina is missing. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin matagpuan ang asawa ko. My wife is still missing. Nang araw na nahulog si Valentina sa tulay ay siya ring araw ng aking unang kamatayan. Hinanap ko siya nang hinanap, hanggang sa mawalan ako ng malay. At sa araw din na iyon ay isinugod ako sa hospital
“Ma, Pa, uwmuwi ba dito ang asawa ko?” Nagtinginan muna si Mama at Papa bago sumagot sa akin. Parang may gusto silang ipa-abot sa isa't-isa na hindi ko ma-gets. "Ma, Pa, nandito ba ang asawa ko?" tanong ko ulit sa kanila."W-wala anak." si Mama ang sumagot sa akin."Kung gano'n, saan siya pumunta?" tanong kasabay ng pagbuo ng aking mga luha. “Kagabi ko pa siya hinahanap."H-hindi ko alam, Aekim. Nandito ba siya sa Madrid?” si Papa. "Sigurado po ba kayo? Baka naman tinatago n'yo lang po sa akin ang asawa ko. Baka nandito lang siya at ayaw n'yong ipakausap siya sa akin." wika ko sabay pahid ng isang butil ng luha na tumulo mula sa aking mata. "Mama, naman e. Pa, baka naman nandito lang siya. Hindi pa naman niya alam dito. Hindi niya memorize ang babaan at sakayan. Hindi rin siya magaling magsalita ng Español." natataranta kong wika kay Mama at Papa. "Tumawag ka na ba sa Pulis? Nag-report ka na ba?” si Papa."Opo. Ang kaso hindi pa nila ako kinuhanan nang statement dahil wala pa daw
PAGKA-ALIS ni Leona umalis din kaagad ako para puntahan ang Rancho. Kukumustahin ko lang Tiyahin ko na siyang namamahala ngayon. Pagkatapos kasi ng nangyari, ayoko na paubaya sa kamag-anak ni Mama Lala, alanganin na ako sa kanila. Pati si Mama umaayaw na rin. Idagdag mo pa na pumunta daw sa rancho ang sugarol kong pinsan. Nabahala tulou ako, baka kung ano na naman ang gagawin nito doon. Baka maubos na ang ang mga kabayo at baka namin. Pagkarating ko sa rancho, wala na din ang pinsan ko. Kaya minabuti ko na lang na tingnan isa-isa ang mga alaga namin bago umuwi ng bahay. Pagdating ko hinanap ko ang asawa ko ngunit wala na si Valentina. Halos halughugin mo na ang buong bahay, ngunit hindi ko na si Valentina. Aside sa sulat na iniwan niya sa akin na kakikita ko pa lang. Kinakabahan na kinuha ko ang sulat at binuksan ko ito. Huminga muna ako nang malalim bago binasa ang sulat. To My Love, I'm sorry kung ikinulong kita sa isang pangakong kailanma'y hindi totoo. Pasensiya dahil sa







