Share

CHAPTER THIRTEEN

TAHIMIK na nakatalungko si Zalheia sa gilid na bahagi ng kaniyang kama. Nakatakip sa hubad niyang katawan ang puting kumot na may bahid ng dugo. Sa namagitan sa kanila ni Morgan ay wala siyang pinagsisisihan. She dearly loved the man na pinag-alayan niya ng kaniyang dangal.

Palihim niyang sinulyapan ang binata na kasalukuyan nang inaayos ang sinturon ng suot nitong denim jeans. Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa nagkalat na bahid ng dugo sa kama. Naroon sa guwapo nitong mukha ang labis na pagtataka at pagkatuliro.

Alam niya kung bakit ganoon ang ekspresiyon nito. Sigurado siyang hindi ito makapaniwala sa natuklasan—na birhen pa siya. That wasn't surprising, though, dahil ang buong akala nito'y may anak na siya sa katauhan ni Charlotte.

Mayamaya pa'y naramdaman niya ang marahas na pag-upo nito sa gilid ng kama. Medyo nakatalikod ito sa kaniya kaya't malaya niya itong napagmasdan.

Morgan was wearing fitted white shirt kaya naman bakat na bak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status