Share

Chapter 27

last update Last Updated: 2023-05-06 11:25:35

Hindi na nagsalita si Cally dahil mukang seryoso nga ito sa sinabing hahalikan siya kaya itinikom na lang niya ang kanyang bibig.

"Dapat pala sa 'yo ganu'n ang ibinabanta para lang mag-behave ka, takot ka naman palang mahalikan," sabi ni Vin na tila gustong matawa sa pananahimik nito.

"Bwisit ka," angil ni Cally sabay irap.

Sabay pang napalingon sina Vin at Cally nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sina Fredrico at Ryan na biglang umaliwas ang mga mukha ng makita gising na siya.

"Apo! You're awake!" masayang bungad ni Federico kagaya lang ng reaksyon ni Vin kanina.

"Mabuti naman Ma'am, gising na kayo," segunda ni Ryan na masaya rin.

"Yes I am, so stop worrying about me." Nakangiting sabi ni Cally sa kanila na ikinahinga ng maluwag ng kanyang Lolo.

"H'wag mo nang uuliting magkasakit, hindi mo ako pinatulog na bata ka," sabi ni Fredrico na may pagaalala pa rin sa boses.

"Kontrol ko po bang magkasakit?" pilosopong tanong ni Cally sa kanyang Lolo ngunit si Vin ang sumagot.

"Hindi m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • WANTED MR. GROOM   Chapter 52

    "Lolo... I-I'm s-sorry... I didn't mean to—" hindi na naituloy ni Cally ang sanang sasabihin niya nang putilin siya ng kanyang Lolo."No, it's okay. Tama naman ang sinabi mo hija, I was the one who's always in control of our marriage kaya nasakal na ang Lola mo sa 'kin, kaya ikaw, palagi mong ipaglalaban ang kung anong karapatan mo, para hindi dumating ang araw na parehas kayong magsisi," malungkot na sabi ni Frederico sabay tayo at tumalikod na.Naiwan mag-isang nakatulala si Cally habang nakatanaw sa papalayong pigura ng kanyang Lolo, miski siya nagulat sa sinabi niya at hindi niya intensyon sagiin ang damdamin nito.Labis siyang nilukob ng kunsensya kaya napasabunot na lang siya sa kanyang sarili sabay sandal sa sandalan ng silya, nawalan na siya ng ganang kumain kaya tumayo na rin siya para magpallt ng damit.Wala sana siyang balak pumasok ng office ngayon kahit kaka-day off niya lang kahapon, pero dahil siguradong masama ang loob sa kanya ng kanyang Lolo ay hindi muna siya magpap

  • WANTED MR. GROOM   Chapter 51

    Nagising si Cally mula sa masarap na tulog, bumangon siya at nag-inat ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya nang mapagtanto niyang umaga na pala.Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya sa sasakyan ni Vin kagabi habang nasa biyahe sila pauwi. Ganu'n ba siya ka-pagod kaya hindi na siya nakaramdaman ng kamalayan?Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang gawin ang pang-umagang routine, humarap siya sa salamin at sabay hawak sa suot niyang damit simula pa kahapon."Hindi man lang ako nakapag-linis ng katawan at nakapagpalit ng damit," sabi niya sa sarili.Agad na niyang hinubad ang suot at sumalang sa shower, may kalahating oras siyang naligo at agad na tinapos. Kinuha niya ang bathrobe at isinuot, saka siya lumabas para magbihis.Nang masigurado niyang maayos na ang sarili ay bumaba na siya ng kanyang silid para mag-breakfast. Pagkarating niya sa dining room ay agad siyang binati ng mga servant at ng kanyang Lolo."Kamusta ang naging tulog mo?" tanong ni F

  • WANTED MR. GROOM   Chapter 50

    "You know how to do house chores?" manghang tanong ni Cally."Of course, ilan taon din kaming magkasama ni Ryan sa iisang condo, madalas ako naiiwan palagi kaya ako ang gumagawa lahat," sagot ni Vin na ikinabigla ng dalaga kaya nanlalaki ang mga mata nitong tinapunan siya ng tingin."Magkakilala kayo ni Ryan?!" gulantang na tanong ulit ni Cally na ikinatango nito."Yes, we have known each other since we were little," pag-amin ni Vin kaya hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."Bakit ngayon mo lang sinabi??" angil ng dalaga."For some reason, alam mo naman kung bakit. Ngayon wala na 'kong dahilan para ilihim pa, ayoko nang mag-sikreto sa 'yo," paliwanag ni Vin."Mabuting sinabi mo na hangga't maaga hindi 'yung ako pa mismong makakaalam lalo lang akong magagalit sa 'yo dahil may inililihim ka na naman sa 'kin," sabi ni Cally at kumalma na."Last na 'yan, wala na 'kong tinatago. Buong identity ko alam mo na, disorder ko alam mo na rin," pagtatapat ni Vin ng lahat."Meron pa," hirit ng

  • WANTED MR. GROOM   Chapter 49

    Napahinto sila sa paguusap nang biglang may mag-door bell sa labas ng condo ni Ellise kaya nagkatinginan silang dalawa."May iba ka pa atang bisitang inaasahan?" tanong ni Cally ngunit umiling lang ito."Wala, pati anong oras na," sagot ni Ellise sabay tumayo na para tingnan kung sinong nasa labas.Tiningnan niya ang intercom at laking gulat niya nang makita si Vin na matiyagang nakatayo sa labas ng pinto."Vin! Naparito ka?" Nakangiting bungad na tanong ni Ellise pagbukas niya ng pinto sabay kaway nito sa kanya."Nandito ako para sunduin si Cally," sagot ni Vin kaya nilawakan ni Ellise ang pakakabukas ng pinto para papapasukin ito."Pasok ka, nando'n siya sa may living room," pagpapatuloy ni Ellise sa binata kaya naman dumiretso na ito papasok."Nandito ang boyfriend mo, sinusundo ka na, anong oras na kasi hindi ka pa umuuwi," sabi ni Ellise nang makarating na sila sa living room kasunod si Vin.Agad namang napalingon si Cally at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Vin sa condo

  • WANTED MR. GROOM   Chapter 48

    "We're getting married this week," imporma ni Cally sa kaibigan na halos ikalaglag ng panga nito."Agad-agad? Akala ko ba ayaw mo makasal? Anyare, bakit nag-iba ata ihip ng hangin? Iba 'to sa pinalano mo ah?" nabibiglang tanong ni Ellise kaya huminga ng malalim si Cally bago ito sagutin."Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo, madami kasing nangyari nitong nakalipas na mga araw, after ng pagtatalo namin ni Vin nang makalabas ako ng hospital," sagot ni Cally na ikinasalubong naman ng dalawa nitong kilay."Friend, paki-diretso ako kasi ayoko ng paligoy-ligoy eh! So, after that, ano nangyari?" inip na tanong ni Ellise habang matamang nakatitig sa mukha ng kaibigan, naghihintay ng kwento nito."Sinuyo niya 'ko at dinala sa pribadong lugar na pagmamayari ng family niya and that place was so beautiful, and... and..." sagot ni Cally na may pabitin sabay napakagat labi dahil bigla siyang nahiya nang maalala niya ang ginawa ni Vin na paghalik sa kanya nang gabing 'yon."And?" Kunot noon

  • WANTED MR. GROOM   Chapter 47

    Palabas na sila ng Club Solitas para sana umuwi na nang may isa na namang kakilala si Vin ang humarang sa kanila nang patungo na sila sa exit."Vin? Is that you?" may gulat na tanong ni Nat, ang lalaking minsan nang nakainitan ni Vin noon, ilan taon na ang nakakalipas."Woah, ikaw nga... Kamusta na pare? Long time no see ah?" pangangamusta nito ngunit halata kay Vin na hindi niya ito gustong makita."Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta ang ilegal mong negosyo? Going smooth pa rin ba?" sarkastikong tugon ni Vin at talagang sinadya niyang sabihin 'yon kahit na kasama niya ang Lolo ni Cally.Naramdaman naman ni Vin ang pagsiko ni Frederico na tila sinasaway siya nito sa paraan ng pakikitungo niya."Pasmado pa rin bibig mo kahit kailan, oo naman pre, going smooth pa rin," tila proud pang sagot nito habang nakangising loko.Dumako naman ang tingin nito sa kasama ni Vin na si Don Frederico at ganu'n na lang din ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa gulat nang makilala ang matanda."Don Fred

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status