Home / Romance / WANTED : Perfect Mommy / Chapter 1 : Dream Don't Pay Bills

Share

Chapter 1 : Dream Don't Pay Bills

Author: KimAthena
last update publish date: 2026-09-17 15:31:52

Bella's POV

Kung may award para sa pinakamaraming sideline sa loob ng isang araw, malamang nakauwi na ako ng trophy.

Alas-singko pa lang ng umaga, gising na ako para magluto ng almusal. Pagsapit ng alas-siyete, waitress na ako sa maliit na café sa kabilang barangay.

Kapag tanghali, mascot. Kapag gabi, tutor. Kapag walang tumatawag na sideline, nagtitinda ako online ng kung anu-anong puwedeng pagkakitaan.

Hindi dahil ambisyosa ako, kundi dahil mahal magkasakit. At mas lalong mahal ang maintenance ng tatay kong matigas ang ulo.

"Bella!" Napalingon ako nang marinig ang malakas na boses ni Boss Linda mula sa counter.

"Opo, Boss?"

"Table six! Kanina pa naghihintay!" masakit sa tainga ang boses nito.

Napakagat ako sa labi. "Ay, naku!"

Mabilis kong pinulot ang tray na may dalawang iced coffee, isang clubhouse sandwich at isang slice ng blueberry cheesecake bago halos patakbong lumapit sa mesa.

"Good morning po!" nakangiti kong bati. "Pasensya na po sa paghihintay. Libre na po ang extra ketchup at mas marami kong ilalagay na fries para hindi na kayo magalit."

Napatawa ang matandang lalaki. "May promo ba kayo?"

"Wala po."

"E bakit libre?" tanobg ng lalaki

"Kasi mas mahal po ang one-star review."

Napahagalpak ang mag-asawa. "Ang kulit mo naman."

"Occupational hazard lang po."

"Hazard?"

"Kapag hindi ka po kasi marunong ngumiti sa customer, baka customer ang ngumiti habang papaalis." kwelang paliwanag biya.

Lalo silang natawa. Napailing ang matandang babae habang inaayos ang salamin nito.

"Ilang taon ka na ba, hija?"

"Twenty-three po."

"Nag-aaral ka pa?"

"Opo."

"Anong course?"

Napangiti ako. "Wala na po."

Nakita kong bahagyang nalungkot ang mukha ng babae. "Hindi mo tinuloy?"

"Tinuloy ko po" Bahagya akong tumawa "ang pagtatrabaho."

Hindi ko alam kung bakit, pero mas madali para sa akin gawing biro ang mga bagay na minsang nagpaluha sa akin.

"Pangarap ko talagang maging flight attendant."

"Talaga?" tanong ng babae.

Tumango ako. "Noong bata pa ako, lagi kong sinasabihan si Mama na balang araw, lilibot ako ng mundo."

"Nasaan na ang mama mo ngayon?" Sandaling natigilan ang ngiti ko. "Wala na po."

Agad napahawak sa bibig ang matandang babae. "Naku... pasensya ka na."

Ngumiti lang ako. "Okay lang po."

Hindi na ako umiiyak kapag napag-uusapan si Mama, hindi dahil hindi masakit kundi dahil i'll already get used to it, ano daw? Napapa-english tuloy ako.

Siguro dahil matagal na rin. O baka dahil wala na akong oras umiyak.

"

Bella!" Napapitlag ako. "Nandito na naman ang delivery!"

"Coming!" Humingi ako ng paumanhin sa mag-asawa bago mabilis na nagtungo sa stockroom.

Habang chine-check ko ang mga kahon ng bagong supplies, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Tatay Calling...

Parang kusang bumigat ang dibdib ko.

Agad kong sinagot ang tawag. "Tay?"

"Anak..." Mahina ang boses nito.

Napahinto ako sa pagbubukas ng isang karton.

"Bakit po? Kumusta pakiramdam n'yo?"

"Huwag kang mag-alala..." Iyon pa lang ang unang linya niya, alam ko nang may problema.

"Naubos na pala maintenance ko."

Napapikit ako. "Kailan pa?"

"

Kagabi."

"Bakit hindi n'yo sinabi agad?"

"Ayoko ka nang dagdagan ng isipin."

Napaupo ako sa isang kahon. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Ang marinig na ubos na ang gamot niya? O ang marinig na pilit niya iyong itinago para hindi ako mag-alala?

"Tay, ilang beses ko na pong sinabi sa inyo."

Mahina kong pinisil ang tulay ng ilong ko.

"kapag gamot ang usapan, bawal n'yo pong tipirin."

"Tinitipid ko lang naman ang sarili ko."

"Lalo pong bawal 'yon."

Narinig ko ang mahina niyang tawa."Mana ka talaga sa nanay mo."

Napangiti ako. "Sabi rin ng kapitbahay."

"Magkano pa ba ang kulang?"

"Huwag na."

"Tay."

"Kaya ko pa."

"Tay wag kang makulit!"

Napabuntong-hininga siya. "Dalawang libo."

Dalawang libo, isinandal ko ang ulo ko sa pader.

May pambayad ako.

Pero ibig sabihin, halos wala na naman akong matitira hanggang sa susunod na sahod.

"Sige po."Mamaya dadaan ako sa botika."

"Anak..Pasensya ka na." Napangiti ako kahit unti-unti nang kumikirot ang dibdib ko.

"Bakit kayo nagsosorry?"

"Dahil imbes na ini-enjoy mo ang edad mo ikaw pa ang bumubuhay sa akin."

Napatingala ako sa kisame.Pinigilan kong mangilid ang luha "Tay, kahit kailan n'yo ba ako huling nakitang malungkot?"

Hindi siya sumagot. "Kaya tigilan n'yo na ang pagsosorry."

"Pero—"

"Ang gusto ko lang..." Napangiti ako. "uminom kayo ng gamot sa oras."

Narinig ko ang mahinang tawa niya. "Sige."

"Promise?"

"Promise anak"

Pagkababa ko ng tawag, ilang segundo akong nanatiling nakaupo.

Huminga ako nang malalim,pagkatapos...

Tumayo ulit. Dahil hindi naman titigil ang mundo para hintayin akong mapagod.

"Bella!" Sigaw na naman ni Boss Linda mula sa labas.

"Nasaan ka na?"

Napatawa ako. "Coming na po!"

At muli kong isinuot ang pinakamatibay kong sandata.

Ang aking ngiti.

Paglabas ko ng stockroom, sinalubong agad ako ng amoy ng bagong timplang kape at bagong lutong tinapay. Halos puno na ang café.

May estudyanteng nagre-review sa sulok, may magkasintahang tahimik na nagkukuwentuhan, at may isang batang halos kasing-edad lang ng pamangkin ng kapitbahay namin na umiiyak habang pilit siyang pinapakain ng nanay niya.

"Mommy, ayoko nga!" malakas nitong iyak.

Napailing ako habang naglalakad.

Kung may isang bagay akong napansin sa buhay, iyon ay ang mga bata. Kahit gaano pa sila kakulit, hindi ko kayang mainis sa kanila.

Habang inilalapag ko ang order sa kabilang mesa, biglang tumakbo ang batang umiiyak.

"Oops!" Muntik na itong mabangga sa tray na hawak ko."Easy..."

Mabilis kong naibalanse ang tray bago ako lumuhod sa harap ng bata.

"Ano'ng pangalan mo?" Humihikbi itong tumingin sa akin.

"J-Jared..."

"Wow. Astig naman ng pangalan mo."

Suminghot ito. "Totoo?"

"Oo naman. Mas astig pa sa pangalan ko."

"Bakit?"

"Kasi Bella lang ako."

Napangiti ang bata. "Alam mo, Jared..." bulong ko habang inilalabas ang ballpen sa bulsa ng apron ko. "May magic pen ako."

"Magic?"

"Ssshh..." Kinuha ko ang paper napkin sa mesa at mabilis na gumuhit ng isang malaking smiley face na may dalawang sungay "Ayan."

Napakunot-noo ang bata "Bakit may sungay?"

"Kasi bad mood " Napatawa ito.

Mabilis kong dinagdagan ng pakpak ang drawing. "O ngayon?"

"Angel na!"

"E di ibig sabihin kunwari'y" seryoso kong sabi, "kapag ngumiti ka, magiging angel ka rin."

Tuluyan nang natawa ang bata. Napailing ang nanay nito habang lumalapit.

"Naku, Miss, salamat. Halos kalahating oras ko na siyang sinusuyo."

Ngumiti lang ako."May sariling mood talaga ang mga bata."

"Teacher ka ba?" "Hindi po."

"Nurse?"

Umiling ako. "Professional ate lang po."

Napatawa pati ang nanay nito.

"Bella!" Napalingon ako kay Boss Linda. "May naghahanap sa'yo."

"Sino po?"

"Nasa labas."

Nagulat ako nang makita ang rider ng botikang binibilhan namin ng gamot ni Tatay.

"Miss Bella?"In-order na po ba ninyo ang maintenance ni Mang Dodong?"

Napailing ako "Hindi pa eh."

"Pasensya na po. Tumawag kasi siya kanina. Sabi niya, huwag na raw muna kung wala pa kayong pambayad." Para akong sinuntok sa dibdib.

Napabuntong-hininga ako. "Kuya..."

Mahina kong tawag. "Pakisabi sa pharmacist, kukunin ko po mamayang hapon. Huwag lang po sanang ibigay sa iba."

Tumango ito."Sige po."

Pagkaalis ng rider, napayuko ako.Alam kong ganoon si Tatay. Mas gugustuhin pa niyang tiisin ang sakit kaysa isipin kong nahihirapan siya.

"Bella." Napalingon ako kay Boss Linda.

Nakahawak ito sa isang puting sobre.

"May good news ako."

Napakunot-noo ako. "Good news?"

"Tinawagan ako ng Events Galaxy."

Yumuko ako para kunin ang tray sa counter.

"Sila po ba 'yung agency?"

"Oo."

"Hindi ba next week pa ang booking ko?"

"Nag-cancel ang isang mascot." Napahinto ako.

"Kaya, kailangan nila ng kapalit." anito

"Saan po boss?" tanong ko.

"Grand opening ng isang malaking toy store."

"Anong costume?" Napatingin siya sa papel

"Pink na rabbit."

Napatawa ako. "Bagay."

"Triple ang bayad" Napatigil ang kamay kong nag-aayos ng mga baso.

"Triple?"

"Oo."

"Hindi ba typo lang?"

"Hindi."

Hindi ko na napigilang mapangiti.Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Kasya na ang gamot. May matitira pa para sa bayarin sa kuryente.

"Anong oras po?"

"Nine in the morning, kaso..." seryosong sabi ni Boss Linda. "Hanggang hapon ang event."

Napakagat ako sa labi. May tutorial pa ako mamayang alas-sais.

Kung tatanggapin ko, pagod na naman.

Kung hindi, bitin ang budget.

Hindi ko na kailangang mag-isip nang matagal.

"Boss, kukunin ko."

Napangiti siya "Alam kong hindi ka tatanggi."

"Kilala na kita, para rakit sige!" sabi ng boss niya

Napatawa ako. "Actually, wala naman talaga akong balak tumanggi."

Sabay kaming natawa.Inabot niya ang sobre.

"Nandiyan ang venue, schedule at contact number ng coordinator."

Tinanggap ko iyon. Pagkabukas ko ng sobre, bumungad ang address ng mall at ang malaking logo ng event organizer.

Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam akong gumapang sa dibdib ko.

Para bang, may mangyayaring hindi ko inaasahan.

"Bella!" "Late ka na sa susunod mong sideline!"

Napailing ako "Oo nga pala!"

Mabilis kong isinilid ang sobre sa bag ko bago muling ngumiti.

Isa na namang mahabang araw. Isa na namang laban.

Hindi ko pa alam, na ang pagtanggap ko sa mascot job na iyon ang tuluyang magpapabago sa buhay ko.

At sa buhay ng isang batang matagal nang naghihintay sa kanyang "Mommy."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 7 : Mission : Win Mommy's Heart

    THIRD PERSON'S POV :"Children don't make complicated plans. They simply fight for the people they love."******Pagkayakap ni Amerie kay Bella, parang wala na itong balak bumitaw.Nakasabit pa ang maliit nitong stuffed bunny sa isang kamay habang ang kabilang braso ay mahigpit na nakapulupot sa bewang ng babae."Daddy," masayang sabi ni Amerie habang tumingala kay Luca. "I told you Mommy would come."Napakagat ng labi si Bella.Reflex lang ang ginawa niyang pagyakap pabalik sa bata. Hindi niya namalayang napapangiti na rin siya."Sweetheart..." mahinahon niyang sabi habang inaayos ang hibla ng buhok na tumabing sa noo ni Amerie. "Hindi muna tayo puwedeng magdesisyon nang ganyan. Baka pagalitan ako ng daddy mo.""No." Umiling agad si Amerie. "Daddy never scolds beautiful girls."Napasinghap si Bella saka napatingin kay Luca."Sir... tinuturuan n'yo ba siyang mangbola?"Hindi sumagot si Luca. Sa halip, tumingin lang siya sa anak. "I didn't teach her that.""See?" nakangiting sabi ni Be

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 6 : The Mos Ridiculous Job Offer

    Bella's POV: "Sometimes, the most impossible offer is the one that changes your entire life."*******Hindi ako agad nakasagot, pakiramdam ko, may tumigil na makina sa loob ng utak ko.Nakatingin lang ako kay Luca De Silva habang paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang sinabi niya."Pretend to be Amerie's mother" Kung may camera man sa paligid, baka lumingon na ako para hanapin kung saan nakatago, baka prank, baka social experiment.O baka may hidden camera si Boss Toyo.Huminga ako nang malalim bago ko itinuro ang sarili ko. "Sir... ako po ba talaga ang kausap n'yo?"Hindi man lang kumurap si Luca "Yes.""Teka lang po." Itinaas ko ang isang palad na parang traffic enforcer. "Pakiulit nga.""I want you to pretend to be Amerie's mother."Napailing ako habang napapatawa. "Hindi, Sir. Ang sabi ko po, ulitin n'yo. Hindi 'yong dagdagan n'yo pa."Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon niya. "I'm serious."Napabuga ako ng hangin. "Sige nga po... ako naman ang magtatanong." Inayos ko ang upo ko

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 5 : The Truth Behind Every Letter

    Bella's POV :"May mga taong nagsisinungaling para manloko. Pero mayroon ding mga taong nagsisinungaling dahil iyon na lang ang natitirang paraan para maprotektahan ang taong pinakamamahal nila."___________Tatlong beses ko nang inilabas ang business card sa bag ko. Tatlong beses ko na rin itong ibinalik.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako pumayag na pumunta rito.Kung tutuusin, puwede ko namang hindi siputin ang lalaking iyon.Hindi ko naman siya kilala.At lalong wala akong obligasyon sa kanya.Pero sa tuwing maiisip kong umiiyak si Amerie habang mahigpit na nakayakap sa akin kahapon, may kung anong humihila sa konsensya ko.."Please come tomorrow" naalala kong sabi niya. Napabuntong-hininga ako. "Hindi talaga marunong tumanggi sa bata ang puso mo, Bella."Pagbaba ko ng jeep, agad kong napaangat ang ulo. Halos matakpan ng napakataas na gusali ang sikat ng araw.DE SILVA GLOBAL HOLDINGS.Kumikinang ang salamin ng gusali.May fountain sa gitna. May mga empley

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 4 : The Woman Behind The Rabbit

    Third Person POV :"May mga pagkakataong kahit alam mong mali ang isang bagay, hindi mo ito mapigilang yakapin, lalo na kung ang yakap na iyon ang unang nagparamdam sa'yo na kumpleto ka."_______"Mommy!" Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Amerie sa binti ng malaking pink rabbit.Sa loob ng mascot costume, halos hindi na alam ni Bella ang gagawin.Ano'ng nangyayari?Marahan niyang hinaplos ang likod ng bata gamit ang malambot na mascot paw."Sweetie" Mahina niyang sabi. "Baka nagkakamali ka."Umiling si Amerie. "No! Mommy."Napakagat ng labi si Bella. Hindi niya kayang itulak ang bata. Lalo na't ramdam niyang nanginginig ito sa kaiiyak.Kaya dahan-dahan siyang lumuhod. "What's your name?"Humihikbi pa ring tumingala si Amerie."I'm Amerie"Napangiti si Bella sa loob ng costume. "Ang ganda naman ng pangalan mo.""You gave it to me." Natigilan siya."H-Ha?" nalilito pa ding sabi ng dalaga."You said Amerie means miracle." Napakamot siya sa loob ng mascot head."Naku, Lord... mukhang ma

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 3 : Mommy

    Third Person POV ; "Minsan, ang pinakamalaking himala ay nagsisimula sa isang simpleng pagkakamali... o baka, sa isang batang ayaw maniwalang nagkakamali siya." _________ Mainit ang sikat ng araw kahit alas-nuwebe pa lamang ng umaga. Dahil Sabado, halos hindi na gumagalaw ang mahabang pila ng mga sasakyan sa pangunahing kalsada ng lungsod. Nagmistulang parking lot ang buong highway. Sa loob ng isang itim na SUV, tahimik na nakaupo si Luca De Silva habang walang emosyong nakatingin sa unahan. "Estimated travel time?" Hindi inaalis ni Jerome ang tingin sa traffic. "Kung pagbabasehan natin ang bilis ng mga sasakyan ngayon..." Sinilip nito ang oras sa dashboard "mga dalawang birthday pa, sir." Napalingon si Luca " What the f--????" Napakamot si Jerome. "Joke lang." Makalipas ang ilang segundo, "Pero seryoso, sir. Mukhang may event sa mall." Napabuntong-hininga si Luca. Sa backseat, abala si Amerie sa tablet nito. Hindi siya naglalaro, may nakabukas na folder. Mommy's Missio

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 2 : My Superhero Mommy

    Luca's POV Three years ago, I buried my wife. The only person who still believes she's alive is my daughter. And every single day... I lie to keep that smile on her face.________"Good morning, Daddy." Eksaktong alas-sais ng umaga nang marinig ko ang maliit ngunit pamilyar na boses mula sa pintuan ng library.Hindi ko na kailangang lumingon.vIisa lang ang taong pumapasok sa opisina ko nang hindi kumakatok."My little boss is here." Ibinaba ko ang fountain pen at saka tumingala.Nakatayo si Amerie sa may pintuan, yakap ang maliit niyang unicorn pillow habang maayos na nakasuklay ang mahaba niyang buhok. Suot pa rin niya ang pink na pajama na regalo ng lolo niya noong birthday niya.Pero ang pinakaunang napansin ko, may hawak siyang tablet. At alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya."Daddy.""Hmm? Yes baby?!""Mommy sent another email."Napapikit ako sandali. Of course she did.Dahil ako rin naman ang nagsend no'n kagabi.Tumayo ako mula sa swivel chair at lumapit sa anak ko. "Ca

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status