Share

WANTED : Perfect Mommy
WANTED : Perfect Mommy
Author: KimAthena

Prologue :

Author: KimAthena
last update publish date: 2026-09-17 14:44:34

"She's not his wife. She's not the child's mother. But one little girl has already made her choice."

******

"Mommy!" Umalingawngaw ang manipis ngunit sabik na boses ng isang batang babae sa gitna ng mabigat na trapiko.

Kasabay ng malakas na pagbukas ng p***o ng isang mamahaling itim na SUV, mabilis na tumakbo ang bata patungo sa sidewalk na puno ng mga nagmamadaling tao.

"Amerie!" sigaw ng lalaking kasunod nito.

Napalingon ang ilang nasa pedestrian, sunod-sunod ang busina ng mga sasakyan.

May mga driver pang napamura nang biglang sumingit ang maliit na bata sa pagitan ng mga nakahintong kotse.

"Amerie, stop!" Mahaba ang mga hakbang ng lalaking humahabol sa kanya.

Kahit nananatiling kalmado ang mukha nito, kitang-kita sa bilis ng paghinga ang takot na bihirang maranasan ng isang taong sanay kontrolado ang lahat.

Ngunit hindi na lumingon ang bata. Diretso lang ang tingin niya sa isang babaeng bagong tanggal ang malaking ulo ng mascot costume na suot nito.

Pawis na pawis ang babae, namumula ang pisngi. Hingal na hingal matapos ang ilang oras na pagtayo sa ilalim ng araw.

Habang pinupunasan niya ang noo gamit ang maliit na bimpo, wala siyang kamalay-malay na may isang batang mabilis na tumatakbo palapit sa kanya.

Hanggang sa, mahigpit siyang nayakap.

"Mommy! I Knew it! It's you! I miss you mommy"

Napakurap siya "Ay hala!?"

Napatitig siya sa batang nakakapit sa kanyang baywang na tila natatakot siyang pakawalan siya. Unti-unting nangingilid ang luha ng bata.

Pagkatapos ay marahan itong nagsalita. "Mommy."

Tuluyang natigilan ang babae. Awtomatiko siyang napatingin sa lalaking kararating lang sa likuran ng bata, Matangkad, naka-itim na suit.

Perpektong plantsado ang suot, at Oh lala ang gwapo!!! Sobrang gwapo. Napanganga siya ng bahagya.

Ngunit ang seryoso nitong mukha ay hindi maitago ang pag-aalala. Huminga ito nang malalim bago bahagyang yumuko.

"I'm sorry." Mahina ngunit magalang ang boses nito. "Nagkamali lang siya."

Hindi agad nakasagot ang babae, kumurap kurap at muli niyang tiningnan ang batang mahigpit pa ring nakakapit sa kanya.

Hindi ito mukhang nagbibiro.

Hindi rin ito mukhang nalilito.

Para bang, matagal na talaga siyang hinahanap nito. Dahan-dahan siyang lumuhod hanggang magpantay ang kanilang mga mata.

Ngumiti siya. "Hello."

Lalo pang kumislap ang mga mata ng bata.

"I knew it!" Mahina nitong bulong "I found you."

Napakagat-labi ang babae,alam niyang isang salita lang ang kailangan niyang sabihin upang matapos ang lahat. "Hindi ako ang mommy mo." yun lang sasabihin niya dapat.

Ngunit nang makita niyang nanginginig na ang labi ng bata at tila anumang sandali ay iiyak ito.

Hindi niya nagawang bigkasin ang mga salitang iyon.

Sa halip ay marahan niyang hinaplos ang buhok nito. "What's your name?"

Ngumiti ang bata. "You know my name."

Bahagyang natawa ang babae "Hindi pa."

"Kaya nga tinatanong kita."

Umiling ang bata, Hindi, hindi siya nagkakamali.

Hindi kailanman. Lalo na pagdating sa mukha ng mga tao.

"Amerie" Mahina nitong sagot."Amerie De Silva."

Tumango ang babae. "Hello, Amerie."

Muling niyakap siya ng bata. Mas mahigpit kaysa kanina. "Mommy..."

Napatitig ang lalaki sa eksenang nasa harapan niya.

Hindi niya alam kung ano ang mas mahirap

Ang pigilan ang anak niyang umiyak?

O ang ipaliwanag sa isang estrangherang babae kung bakit tinatawag siyang "Mommy" ng batang hindi naman niya anak?

At hindi rin alam ni Bella Mendoza...

Na ang simpleng yakap na iyon ang tuluyang babago sa buhay nilang tatlo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 84 : The Dead Man's Signature

    "Sigurado ka bang patay na siya, Attorney?"Hindi agad sumagot si Atty. Vergara. Nakatitig lang siya sa pangalan na nasa turnover form, si Rogelio Santos, Senior Security Custodian, at dahan-dahang kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng coat na nakapatong sa sandalan ng upuan.Binuksan niya ang lumang case file na may listahan ng mga empleyadong nag-retire, may mga note ng HR na kulay dilaw at may mga pirma sa gilid. Nag-scroll siya nang mabilis at huminto sa isang pahina na may larawan ng isang lalaking nasa mid-50s, nakangiti at may suot na lumang security uniform ng De Silva Tower."I attended his wake," mahina niyang sabi, boses may bigat at may pagod na hindi naitago. "Dalawang linggo pa lang ang nakalipas. Nasa Loyola pa ang pamilya niya noong pumunta ako, kasama ang asawa niya at dalawang anak. Labingwalong taon siyang nasa Tower, simula pa noong itinayo ang lumang building sa Makati."Bumigat ang hangin sa sala. Si Bella, napahawak sa braso ni Luca at napabaling sa screen na ma

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 70 : The Legal Adviser

    "Attorney... limang taon na akong naghahanap ng sagot. Ngayong gabi, isa lang ang hihilingin ko sa inyo. Huwag ninyo akong kaawaan. Sabihin ninyo lang ang totoo."Pagbukas ng pinto, iyon agad ang bungad ni Luca De Silva. Alas nuebe ng gabi sa isang lumang subdivision sa Quezon City. Ang gate may bahagyang kalawang sa gilid. Sa likod ni Luca si Jerome, hawak ang brown folder.Nakatayo sa may hamba ang abogado, mga late fifties, naka simpleng polo, ang reading glasses nakasabit sa dibdib."Luca De Silva," sabi ng abogado. "Ikaw ang asawa ni Sofia.""Ako nga," sagot ni Luca. "At ikaw ang huling legal adviser na nakausap niya bago ang Flight 702.""Pumasok kayo," sabi ng abogado.Simple lang ang sala, may estante na puno ng law books, may amoy ng lumang papel at bagong timplang kape."Hindi ko siya nakalimutan," sabi ng abogado pagkaupo. "Hindi dahil asawa mo siya. Kundi dahil siya lang ang taong nagtanong sa akin kung legal ba ang isang appointment.""Ano ang gusto niyang malaman?" tanon

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 69 : The First Verification

    "Hindi si Leon."Walang ingay sa buong sala maliban sa electric fan. Si Luca nanatili sa harap ni Carlo Fernando, ang folder hawak nang mahigpit, ang balikat bahagyang nakaangat."Kung hindi si Leon," sabi ni Jerome sa mahinang boses, hawak pa rin ang notebook, "sino ang legal adviser na nakita ninyo sa telebisyon?"Inilapat ni Carlo ang palad sa armrest at pinisil ang tela na parang kumukuha ng lakas para maalala."Hindi ko na maalala ang pangalan," sagot ni Carlo. "Pero sigurado akong adviser siya ng De Silva Foundation. Corporate event. May oath taking. May camera. Nandoon siya sa likod ng mga opisyal. Naaalala ko kasi sinabi ng asawa ko habang nanonood kami, 'Siya yung lalaking nakita mo noon sa may gate ng Records.'"Sumandal si Luca sa sofa, pero ang mata hindi umalis kay Carlo. "Mr. Fernando," sabi ni Luca, kalmado pero may diin, "kung may makita kayong picture ng mga legal advisers namin, makikilala ninyo ba siya?""Oo," sagot ni Carlo. "Hinding hindi ko makakalimutan ang muk

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 68 : Before Flight 702

    "Paano po ninyo nalaman ang pangalan ng asawa ko?"Hindi agad sumagot si Carlo Fernando. Ilang segundo siyang nanatili sa hamba ng pinto, ang palad nakapatong sa kahoy, ang daliri bahagyang pinisil ang lumang barnis. Ang init ng alas dos dumadaan sa dahon ng mangga at gumuguhit ng anino sa semento ng bakuran. Sa likod niya, ang electric fan sa sala gumagawa ng mahinang ugong."Dahil dalawang araw bago ang Flight 702," sabi niya sa mababang boses, "nagkita kami ng asawa mo. Sa Records Office."Si Jerome bahagyang nabitawan ang strap ng bag. Si Luca nanatili sa tayo, pero ang hawak niya sa gilid ng leather folder dumidiin. Ang folder na iyon limang taon na niyang dala sa bawat opisina."Sigurado kayo?" tanong ni Luca. Hindi tumaas ang boses. Bawat salita may bigat ng taong sanay kumuha ng malinaw na sagot."Hinding-hindi ko siya makakalimutan," sagot ni Carlo. "Iba siya. Iba ang tanong."Pinapasok sila ni Carlo sa sala. Simple lang ang bahay. Lumang sofa na may crochet na sapin na kupas

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 67 : The First Witness

    "Sino ang naunang naghanap sa kanya?"Sandaling walang sumagot sa kabilang linya. Parang pinutol ang hangin sa loob ng library. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita ang babae mula sa Records Office, ang boses bumaba at naging maingat."Sir... wala na po akong puwedeng sabihin sa telepono."Nawala ang tawag. Naiwan ang paulit-ulit na dial tone na kumalat sa buong library, sumasayad sa mataas na kisame at bumabalik sa mga estanteng may leather-bound folders.Si Jerome ang unang kumilos, pinatay ang loudspeaker at ibinalik ang telepono sa ibabaw ng mahogany table. Ang ballpen nasa pagitan ng daliri niya, paikot-ikot na parang hindi mapakali."Sir... hindi normal 'yon," Sabi ni Jerome, ang mata nasa teleponong patay na.Hindi inalis ni Luca ang kamay sa ibabaw ng mesa, ang wedding ring bahagyang lumulubog sa kahoy. Ang panga niya naka-lock, ang mata nakatuon pa rin sa lugar kung saan nanggaling ang boses."Hindi," sagot ni Luca, mababa ang boses pero buo at may bigat. "May iban

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 66 : The Name On The Report

    "Impossible..." Halos malakumos ni Luca ang hawak na report ng Flight 702 na nasa gitna ng mahogany table ng library. Sa authorization page ng investigation, sa baba ng listahan ng CAAP panel, malinaw ang pirma - Leon De Silva, with a date na limang taon na ang nakalipas at may stamp na Confidential. "Bakit pangalan ni Leon De Silva ang nasa authorization page ng Flight 702 investigation ng asawa ko?" Tanong ni Luca, ang boses mababa pero may bigat na hindi maitago. Sina Lolo Geronimo at Atty. Rafael na nakaupo sa tapat ng mesa, hindi agad nakaimik. Hawak ng mahigpig gng tungkod na nakasandal sa paa ng mesa, si Rafael inaayos ang salamin sa mata at binalingan ang digital copy sa tablet. "Lo, siya ba ang nag-handle ng kaso ni Sofia?" Tanong ni Luca at inilapag ang report nang may kontrol, sapat para gumalaw ang ibang papel sa mesa. Hindi na umiwas si Geronimo sa mata ng apo, kinuha ang baso ng tubig at inilapag ulit nang hindi iniinom. "Hindi siya lead investigator, Luca," sagot

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status