MasukLuca's POV
Three years ago, I buried my wife. The only person who still believes she's alive is my daughter. And every single day... I lie to keep that smile on her face. ________ "Good morning, Daddy." Eksaktong alas-sais ng umaga nang marinig ko ang maliit ngunit pamilyar na boses mula sa pintuan ng library. Hindi ko na kailangang lumingon.vIisa lang ang taong pumapasok sa opisina ko nang hindi kumakatok. "My little boss is here." Ibinaba ko ang fountain pen at saka tumingala. Nakatayo si Amerie sa may pintuan, yakap ang maliit niyang unicorn pillow habang maayos na nakasuklay ang mahaba niyang buhok. Suot pa rin niya ang pink na pajama na regalo ng lolo niya noong birthday niya. Pero ang pinakaunang napansin ko, may hawak siyang tablet. At alam ko na agad kung ano ang sasabihin niya. "Daddy." "Hmm? Yes baby?!" "Mommy sent another email." Napapikit ako sandali. Of course she did. Dahil ako rin naman ang nagsend no'n kagabi. Tumayo ako mula sa swivel chair at lumapit sa anak ko. "Can I see?" Iniabot niya ang tablet. From: Captain Sophia De Silva Subject: My Brave Little Princess Good morning, my little sunshine, Mommy is currently assigned to another international peacekeeping mission. We rescued thirty-two children today. They were very brave, just like you. Daddy told me you've been eating vegetables. I'm so proud of you. I'll come home as soon as the world becomes peaceful. Love you forever. — Mommy. Tahimik kong ibinalik ang tablet. "Did you like Mommy's letter?" Tumingala siya sa akin "I loved it." Napangiti ako. "Really?" "Yes." Huminto siya, pagkatapos ay seryoso akong tiningnan "But..."Napataas ang kilay ko. "Mommy used twelve commas." Patay kang bata ka. "Last week she only used eight.Her writing pattern changed." Napahawak ako sa noo. Photographic memory. Iyon ang pinakamalaking regalo,at pinakamalaking problema ng anak ko. "What do you think?" Tanong niya. Mabilis akong nakaisip ng dahilan "Maybe, She's tired." Tumango siya. "Possible."Pagkatapos ay ngumiti. "I'll remind her to rest." Huminga ako nang maluwagz nakalusot na naman. Tatlong taon. Tatlong taon ko nang ginagawa ang kasinungalingang ito. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa batang ito. Dahil hindi ko kayang makita siyang lumaking iniisip na iniwan siya ng sarili niyang ina. Sa mundo niya, hindi patay ang Mommy niya. Isa lang itong sundalong lumalaban para iligtas ang mundo. "Daddy?"When Mommy comes home" Tumigil siya."Can we eat together?" Parang may humigpit na kamay sa dibdib ko. Lumuhod ako sa harap niya at marahan kong inayos ang naligaw na hibla ng buhok niya. "Of course baby, we will." "When?" Hindi ako agad nakasagot. Mahina kong hinaplos ang pisngi niya "Soon." Ngumiti siya "I'll wait." At iyon ang pinakamasakit, dahil alam kong, Ako lang ang naghihintay ng himala. Ilang segundo akong napatitig kay Amerie matapos niyang sabihin iyon. Dalawang simpleng salita. Dalawang salitang paulit-ulit na bumabasag sa bawat pader na pilit kong itinayo sa loob ng tatlong taon. "Go change, sweetheart." hinalikan siya sa noo. "Okay, Daddy." Masigla siyang tumakbo palabas ng library habang yakap pa rin ang tablet. Naiwan akong nakatingin sa p***o. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung tama ba ang ginagawa ko. Minsan naiisip kong sabihin na ang totoo. Na wala nang mommy na babalik. Na ang huling mission nito, ay ang flight na hindi na nakarating sa destinasyon. Pero tuwing maiisip kong makita siyang umiiyak, Mas pipiliin kong akuin ang kasalanan ng pagsisinungaling. Kaysa sirain ang pagkabata niya. "Sir." Naputol ang pag-iisip ko nang bumukas ang p***o. Hindi na ako lumingon. "You're late, Jerome." "Pambihira naman, sir. Seven-thirty pa lang boss." "Seven twenty-nine." Narinig ko ang mahabang buntong-hininga niya. "Iyon nga." Tumayo ako at inayos ang cuff ng puting polo. "Report." "Good news o bad news?" "Straight to the point." Ngumisi si Jerome habang inilalapag ang tablet sa mesa. "Kapag talaga ikaw ang kausap, feeling ko nasa military ako." Hindi ako sumagot. "Okay, okay." Binuksan niya ang tablet. "Singapore contract signed." Tumango ako. "Hong Kong investors confirmed." "Good." "Mining issue settled." "Next." Huminto siya. May bahagyang nawala ang ngiti sa mukha niya. "May gumagalaw ulit." Napatingin ako sa kanya. "Sino?" "Wala pa kaming pangalan." nag alangang sabi niya "Evidence?" "Three warehouse was burned." Nagsalubong ang kilay ko. "Coincidence?" "Doesn't look like one." Tahimik akong lumapit sa bintana. Tatlong taon. Tatlong taon ding walang gumalaw laban sa DeSilva Family. Ngayon, May kung sinong muling sumusubok. "Continue monitoring." sabi ko "Already did." "Double it." "Copy boss" Tumango siya. Pagkatapos, Bigla siyang ngumisi. "Pero bago ang lahat..." Napataas ang kilay ko."...may mas malaking problema." Hindi ako nagsalita. "Daughter mo." Napabuntong-hininga ako. "Ano na naman?" "Pinapahanap ako ng eroplano. As in totoong fighter jet. Sabi niya kasi gusto raw niyang sunduin si Mommy." Napapikit ako. "Sir." Hindi pa rin ako nagsasalita. "Sa totoo lang..." Humalukipkip siya. "Hindi ko na alam kung sino ang mas genius." "Sino?" "Ikaw ba..o si Amerie." "Bakit?" "Kasi tatlong taon mo nang napapaniwala ang batang 'yon." Hindi ako sumagot. "Kaso..." Mahina niyang dagdag. "hanggang kailan?" Hindi ko din alam. At iyon ang pinakamasakit. "Daddy!" Kasabay ng masiglang sigaw ni Amerie ang maliliit niyang yabag pababa ng grand staircase. Suot na nito ang school uniform.Maayos ang pagkakatali ng ribbon. At gaya ng lagi, may backpack siyang halos kasinlaki niya. "Good morning, Uncle Jerome!" magalang na sabi ng anak ko Lumuhod agad si Jerome. "Good morning, little boss!" "I checked your necktie." seryosong sabi ng anak ko Napakurap siya. "Huh?" "Crooked." Napatingin siya sa salamin. "Teka..." Inayos niya ang necktie. Napanganga siya. "Sir..." Mahina niyang bulong. "How did she..." Hindi ko na siya pinansin. Sanay na ako. "Ready?" Tumango si Amerie. "Yes daddy!." Pagpasok namin sa dining hall, nakahanda na ang almusal. Pancakes. Eggs. Fresh fruits. Orange juice. Eksaktong ganoon ang gusto ni Amerie "Daddy." "Yes baby?" She tilted her head "You forgot your vitamins." Napahinto ako. Hindi ko nga naiinom. Napailing si Jerome. "I surrender." Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. Halos hindi na niya kailangan ng calendar, notea o reminders. Lahat ng makita niya, hindi niya nakakalimutan. "Daddy.When Mommy comes home..." Napatigil siya sa paglalagay ng syrup sa pancake. "I'm going to cook for her." Tumigil ang kamay ko. "You'll cook?" "Yes." She smiled proudly. "Scrambled eggs." Napatawa si Jerome. "Little boss, baka sunog na scrambled eggs 'yan." "No." Seryosong umiling si Amerie. "I already memorized the recipe." "From where baby?" tanong ko "YouTube." Hindi ko napigilang mapailing. Minsan nakakalimutan kong apat na taong gulang pa lang ang anak ko. "Daddy." "Yes?" "When Mommy comes home" Mahina niyang tanong. "...will she recognize me?" Para akong nawalan ng boses. Ibinaba ko ang kutsara. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "She never forgot you." Unti-unti ring ngumiti si Amerie. "I knew it." Tumayo siya at isinukbit ang backpack. "I'm ready." Tumayo rin ako. "Let's go." Habang naglalakad kami palabas ng mansion, napatingala si Amerie sa malinaw na langit. "Daddy, I think..." She smiled "today is a lucky day." Hindi ko alam noon, na tama pala siya. Dahil sa araw ding iyon, may makikilala siyang isang babae. At sa unang tingin pa lang, hindi na siya magdadalawang-isip na tawagin itong— "Mommy.""May recording ako ng gabing pinapirma kami." Nasa study pa rin si Luca De Silva, ang cellphone nasa tenga, ang original minute book nasa harap ng mesa, bukas sa pahina na may bilog na pula sa dalawang pirma. Si Jerome nasa gilid, hawak pa rin ang vault case, si Bella nasa may pintuan kasama si Amerie. Si Luca, kusang gumalaw ang kamay ibabaw ng minute book, bahagyang pinisil ang gilid ng pahina. Kapagdakay mahinahon siyang nagsalita."Kung ganoon, hindi kita tatawagan para pakiusapan," sabi ni Luca. "Tatawagan kita para protektahan." Dinig ang marahas na buntong-hininga sa kabilang linya, parang ilang araw nang hindi nakakatulog ang kausap. "Hindi mo alam ang pinapasok mo, Mr. De Silva," sabi ng dating board member. "Mali," sagot ni Luca, inilapat ang likod sa upuan ng study, nakatingin siya sa bintana. "Limang taon na akong nasa loob niyan. Ngayon lang ako nagsisimulang lumaban. At kapag lumaban ako, sinisigurado kong may matitira pa para sa pamilya ko."Hindi nakaimik ang b
"Sigurado ka bang patay na siya, Attorney?"Hindi agad sumagot si Atty. Vergara. Nakatitig lang siya sa pangalan na nasa turnover form, si Rogelio Santos, Senior Security Custodian, at dahan-dahang kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng coat na nakapatong sa sandalan ng upuan.Binuksan niya ang lumang case file na may listahan ng mga empleyadong nag-retire, may mga note ng HR na kulay dilaw at may mga pirma sa gilid. Nag-scroll siya nang mabilis at huminto sa isang pahina na may larawan ng isang lalaking nasa mid-50s, nakangiti at may suot na lumang security uniform ng De Silva Tower."I attended his wake," mahina niyang sabi, boses may bigat at may pagod na hindi naitago. "Dalawang linggo pa lang ang nakalipas. Nasa Loyola pa ang pamilya niya noong pumunta ako, kasama ang asawa niya at dalawang anak. Labingwalong taon siyang nasa Tower, simula pa noong itinayo ang lumang building sa Makati."Bumigat ang hangin sa sala. Si Bella, napahawak sa braso ni Luca at napabaling sa screen na ma
"Attorney... limang taon na akong naghahanap ng sagot. Ngayong gabi, isa lang ang hihilingin ko sa inyo. Huwag ninyo akong kaawaan. Sabihin ninyo lang ang totoo."Pagbukas ng pinto, iyon agad ang bungad ni Luca De Silva. Alas nuebe ng gabi sa isang lumang subdivision sa Quezon City. Ang gate may bahagyang kalawang sa gilid. Sa likod ni Luca si Jerome, hawak ang brown folder.Nakatayo sa may hamba ang abogado, mga late fifties, naka simpleng polo, ang reading glasses nakasabit sa dibdib."Luca De Silva," sabi ng abogado. "Ikaw ang asawa ni Sofia.""Ako nga," sagot ni Luca. "At ikaw ang huling legal adviser na nakausap niya bago ang Flight 702.""Pumasok kayo," sabi ng abogado.Simple lang ang sala, may estante na puno ng law books, may amoy ng lumang papel at bagong timplang kape."Hindi ko siya nakalimutan," sabi ng abogado pagkaupo. "Hindi dahil asawa mo siya. Kundi dahil siya lang ang taong nagtanong sa akin kung legal ba ang isang appointment.""Ano ang gusto niyang malaman?" tanon
"Hindi si Leon."Walang ingay sa buong sala maliban sa electric fan. Si Luca nanatili sa harap ni Carlo Fernando, ang folder hawak nang mahigpit, ang balikat bahagyang nakaangat."Kung hindi si Leon," sabi ni Jerome sa mahinang boses, hawak pa rin ang notebook, "sino ang legal adviser na nakita ninyo sa telebisyon?"Inilapat ni Carlo ang palad sa armrest at pinisil ang tela na parang kumukuha ng lakas para maalala."Hindi ko na maalala ang pangalan," sagot ni Carlo. "Pero sigurado akong adviser siya ng De Silva Foundation. Corporate event. May oath taking. May camera. Nandoon siya sa likod ng mga opisyal. Naaalala ko kasi sinabi ng asawa ko habang nanonood kami, 'Siya yung lalaking nakita mo noon sa may gate ng Records.'"Sumandal si Luca sa sofa, pero ang mata hindi umalis kay Carlo. "Mr. Fernando," sabi ni Luca, kalmado pero may diin, "kung may makita kayong picture ng mga legal advisers namin, makikilala ninyo ba siya?""Oo," sagot ni Carlo. "Hinding hindi ko makakalimutan ang muk
"Paano po ninyo nalaman ang pangalan ng asawa ko?"Hindi agad sumagot si Carlo Fernando. Ilang segundo siyang nanatili sa hamba ng pinto, ang palad nakapatong sa kahoy, ang daliri bahagyang pinisil ang lumang barnis. Ang init ng alas dos dumadaan sa dahon ng mangga at gumuguhit ng anino sa semento ng bakuran. Sa likod niya, ang electric fan sa sala gumagawa ng mahinang ugong."Dahil dalawang araw bago ang Flight 702," sabi niya sa mababang boses, "nagkita kami ng asawa mo. Sa Records Office."Si Jerome bahagyang nabitawan ang strap ng bag. Si Luca nanatili sa tayo, pero ang hawak niya sa gilid ng leather folder dumidiin. Ang folder na iyon limang taon na niyang dala sa bawat opisina."Sigurado kayo?" tanong ni Luca. Hindi tumaas ang boses. Bawat salita may bigat ng taong sanay kumuha ng malinaw na sagot."Hinding-hindi ko siya makakalimutan," sagot ni Carlo. "Iba siya. Iba ang tanong."Pinapasok sila ni Carlo sa sala. Simple lang ang bahay. Lumang sofa na may crochet na sapin na kupas
"Sino ang naunang naghanap sa kanya?"Sandaling walang sumagot sa kabilang linya. Parang pinutol ang hangin sa loob ng library. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita ang babae mula sa Records Office, ang boses bumaba at naging maingat."Sir... wala na po akong puwedeng sabihin sa telepono."Nawala ang tawag. Naiwan ang paulit-ulit na dial tone na kumalat sa buong library, sumasayad sa mataas na kisame at bumabalik sa mga estanteng may leather-bound folders.Si Jerome ang unang kumilos, pinatay ang loudspeaker at ibinalik ang telepono sa ibabaw ng mahogany table. Ang ballpen nasa pagitan ng daliri niya, paikot-ikot na parang hindi mapakali."Sir... hindi normal 'yon," Sabi ni Jerome, ang mata nasa teleponong patay na.Hindi inalis ni Luca ang kamay sa ibabaw ng mesa, ang wedding ring bahagyang lumulubog sa kahoy. Ang panga niya naka-lock, ang mata nakatuon pa rin sa lugar kung saan nanggaling ang boses."Hindi," sagot ni Luca, mababa ang boses pero buo at may bigat. "May iban







