Accueil / Romance / WANTED : Perfect Mommy / Chapter 4 : The Woman Behind The Rabbit

Partager

Chapter 4 : The Woman Behind The Rabbit

Auteur: KimAthena
last update Date de publication: 2026-09-18 07:17:19

Third Person POV :

"May mga pagkakataong kahit alam mong mali ang isang bagay, hindi mo ito mapigilang yakapin, lalo na kung ang yakap na iyon ang unang nagparamdam sa'yo na kumpleto ka."

_______

"Mommy!" Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Amerie sa binti ng malaking pink rabbit.

Sa loob ng mascot costume, halos hindi na alam ni Bella ang gagawin.

Ano'ng nangyayari?

Marahan niyang hinaplos ang likod ng bata gamit ang malambot na mascot paw.

"Sweetie" Mahina niyang sabi. "Baka nagkakamali ka."

Umiling si Amerie. "No! Mommy."

Napakagat ng labi si Bella. Hindi niya kayang itulak ang bata. Lalo na't ramdam niyang nanginginig ito sa kaiiyak.

Kaya dahan-dahan siyang lumuhod. "What's your name?"

Humihikbi pa ring tumingala si Amerie.

"I'm Amerie"

Napangiti si Bella sa loob ng costume. "Ang ganda naman ng pangalan mo."

"You gave it to me." Natigilan siya.

"H-Ha?" nalilito pa ding sabi ng dalaga.

"You said Amerie means miracle." Napakamot siya sa loob ng mascot head.

"Naku, Lord... mukhang malala na 'to." Bago pa siya makapagsalita, may isang malamig na boses ang narinig niya sa likuran.

"Amerie." Malalim, punong-puno ng awtoridad ang boses.

Lumingon si Bella. Kahit hindi niya makita nang maayos dahil sa mascot head, alam niyang may lalaking nakatayo ilang hakbang ang layo.

Matangkad, kaka-itim na suit. At seryosong-seryoso ang mukha.

"Daddy" Mas lalong yumakap si Amerie kay Bella.

"I found Mommy."

Huminga nang malalim si Luca. "I know."

"She's really Mommy."

"Amerie, I checked." Napapikit si Luca.

"I compared the pictures, same eyes, same smile."

"And the mole"

Napahawak si Luca sa noo.

Si Bella naman ay tuluyan nang nalito. "Pictures? Mole? Daddy?" Hindi na niya talaga maintindihan ang nangyayari.

Lumapit si Jerome habang pilit na pinipigilan ang tawa.

"Little boss" Mahina niyang sabi. "Baka pwede mo nang pakawalan si Miss Rabbit?"

Umiling si Amerie "No."

"Bakit?"

"She'll disappear again, if i would" malungkot na sabi nito

Napahinto si Jerome. Maging si Bella ay hindi nakapagsalita.May kung anong kirot siyang naramdaman sa simpleng linyang iyon.

"She'll disappear again."

Hindi niya alam kung bakit, pero parang biglang bumigat ang puso niya.

"Sweetheart..." Mahina niyang sabi.

"Hindi ako mawawala." Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Siguro,

Dahil ayaw niyang mas umiyak ang bata.

Biglang umangat ang mukha ni Amerie. "Promise?"

Napalunok si Bella. Sandaling napatingin siya sa lalaking nasa harapan niya. Walang emosyon ang mukha nito.Pero nakatingin lang ito sa kanya.

Parang hinihintay ang isasagot niya.

Napabuntong-hininga siya. "Promise..."

Ngumiti si Amerie, sa unang pagkakataon simula nang tumakbo ito palabas ng sasakyan. Tumigil ang pag-iyak nito.

Napakamot si Jerome sa batok. Mahina siyang lumapit kay Luca saka pabulong na nagsalita. "Sir" Hindi ito sumagot. "Feeling ko.." Huminto siya para pigilan ang sariling tumawa."na-demote ka na."

Dahan-dahang napalingon si Luca."Ano?"

"Ikaw na lang yata ang second favorite."

Tiningnan lang siya ni Luca."Shut up, Jerome."

Napakamot na lang si Jerome sa ilong "Copy, boss."

Sa di kalayuan, sumigaw ang event coordinator.

"Miss Rabbit!"

Napalingon si Bella. "Picture taking na!"

Napataas siya ng kamay. "Coming po!"

Susubukan sana niyang tumayo, pero hindi pa rin bumibitaw si Amerie.

Napatawa siya nang mahina "Sweetie..."

"Hmm?"

"Hindi makakalakad si Rabbit kapag yakap mo pa rin siya."

Nag-isip ang bata, pagkatapos dahan-dahan nitong binitiwan ang binti ni Bella.Ngunit,

hinawakan naman nito ang kamay ng mascot.

Mahigpit.

Na para bang natatakot ulit siyang mawala ito.

Napailing na lang si Bella.

Mukhang, hindi talaga siya makakatakas ngayon.

Hindi pa rin bumibitaw si Amerie.

Mahigpit pa rin nitong hawak ang malambot na kamay ng pink rabbit mascot na para bang isang kisapmata lang ay mawawala na naman ito.

Napabuntong-hininga si Bella."Mukhang hindi talaga ako makakaalis hangga't hindi ito kumakalma."

Sa kabilang banda, halos mawalan na ng pasensya ang event coordinator. "Miss Rabbit!"

Napalingon silang lahat."Picture taking na po! Ang dami nang batang naghihintay!"

Napakamot si Bella sa ulo—o sa mascot head pala. "Pasensya na po!"

Pagkatapos ay yumuko siya kay Amerie. "Sweetie."

Mahina niyang sabi "Can Mommy, I mean..."

Napapikit siya."Bella! Ano ba'ng sinasabi mo?" saway niya sa sarili.

Napatawa si Jerome.Narinig iyon ni Bella.

Napairap siya kahit hindi nila makita ang mukha niya. "Can Ate Rabbit take pictures with the other kids first?"

Umiling si Amerie "No."

"Five minutes lang."

"No."

"Three?"

"No."

"One?"

"No."

Napailing si Bella "Ang hirap mo namang kausap."

Napangiti ang bata "Because I'm smart."

Napahalakhak si Jerome. "Sir, mana sa'yo. Parehong matigas ang ulo."

Hindi siya nilingon ni Luca. "Jerome."Stop talking."

"Copy." Tahimik itong umurong ng dalawang hakbang. Pero makikita sa mukha nitong gustong-gusto na niyang tumawa.

Lumuhod si Luca sa harap ng anak."Amerie."

The little girl looked at him. "Listen to Daddy."

"But Daddy, I found Mommy."

"I know." he tapped her head gently.

"And she'll leave again." maiiyak na namang sabi nito

Napakurap si Bella. May kung anong kumurot sa puso niya.Hindi niya kilala ang batang ito.

Hindi niya alam ang buong kuwento.

Pero ramdam niya ang takot sa boses nito.

Takot na maiwan, takot na mawalan.

Takot na muling maghintay. Napabuntong-hininga si Bella.

Marahan niyang hinaplos ang ulo ng bata.

"Sweetheart"

Napatingin sa kanya si Amerie."I'm not going anywhere." Huminto siya"for now."

Ngumiti ang bata."Promise?"

"Promise." Hindi niya alam kung bakit ang dali niyang magbitaw ng pangako. Siguro dahil,

hindi niya kayang makitang umiiyak ang isang bata.

"Excuse me." Napalingon silang lahat sa event coordinator."Miss Rabbit, puwede bang matapos na tayo?"

"Ah" Napatingin si Bella kay Amerie. "Sweetie..."

"Will you wait for me?"

Hindi agad sumagot ang bata, sa halip... Lumingon ito kay Luca.

"Daddy, Can Mommy work first?" inosenteng tanong nito.

Napabuntong-hininga si Luca. "Yes."

Unti-unting binitiwan ni Amerie ang kamay ni Bella.

Pero bago ito tuluyang umatras, may inilabas siya mula sa maliit niyang backpack.

Isang maliit na pink na hair clip.

May hugis itong paru-paro.

Iniabot niya iyon kay Bella"For you."

Napakurap si Bella "Hala, akin na to?"

Amerie nodded "So you'll remember me."

Biglang nanikip ang lalamunan ni Bella.

Hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang maiyak.

Tinanggap niya ang hair clip "Thank you."

"I'll wait here." desididomg sabi ng bata

Napangiti siya. "Okay."

Halos isang oras ding natapos ang programa.

Habang sumasayaw. Habang nagpapakuha ng litrato. Habang nagpapatawa sa mga bata,

paminsan-minsan ay napapatingin si Bella sa isang direksyon.

Naroon pa rin ang maliit na babae.Tahimik lang itong nakaupo sa bench. Katabi ang seryosong mukhang ama, at ang lalaking mukhang comedian na panay ang daldal.

Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya.May mga matang nakatingin sa kanya buong oras.

Natapos din sa wakas ang event. Pagod na pagod na hinubad ni Bella ang mascot head.

Agad niyang sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"Grabe, hindi pala rabbit" Mahina ang boses ni Jerome. "ang nasa loob."

Napalingon si Bella."Ha?"

Ngumiti ito. "Akala ko kasi cute lang ang mascot."

"Sirain mo na lang araw ko" asik ni bella

Napatawa si Jerome. "Sorry,Natural beauty pala."

Napairap si Bella. "Kuya, lahat ba ng nakikita mo binobola mo?"

"Hindi totoo naman 'yon."

"Jerome."Muli na namang nagsalita si Luca.

"Enough."

"Okay na po." Napakamot ito sa batok.

Napatingin naman si Bella kay Luca.Ito ang unang pagkakataong nakita niya nang malinaw ang mukha nito, matangos ang ilong. matalim ang panga, mga matang malamig tumingin

At parang, hindi marunong ngumiti.

"Grabe naman 'to, mukhang ipinanganak na galit sa mundo."

"Miss" Napatuwid siya.

"Yes?" Iniabot ni Luca ang isang mamahaling business card.

Tinanggap niya iyon. LUCA DE SILVA President & CEO— De Silva Global Holdings

Nanlaki ang mga mata niya. "CEO?!"

"Tomorrow." Napakurap siya.

"What? ano po? di ko kayo maintindihan" naguguluhang sabi niya.

"Nine o'clock."

Napatingin siya sa card. Tapos sa lalaki. "Bakit po?"

"I need to talk to you." he sounded like it was a commancd.

"Tungkol saan po?"

"I'll explain." Napakunot-noo siya.

"Pwede n'yo na lang pong sabihin ngayon? May tatlo pa po akong sideline mamaya."

Hindi sumagot si Luca, bagkus, tumingin lang ito sa kanya. "I'll pay for your time."

Napairap si Bella. "Sir" Itinupi niya ang business card at ibinalik sa kamay nito. "Hindi po lahat nadadaan sa pera."

Sandaling natahimik ang paligid. Maging si Jerome ay napaawang ang bibig. Mukhang hindi ito sanay na may tumatanggi sa boss niya.

Ngunit bago pa makapagsalita si Luca, biglang hinila ni Amerie ang laylayan ng damit ni Bella.

Tumingala ito habang nakangiti "Mommy,Please come tomorrow. I'll be waiting."

Napayuko si Bella. Sumulyap siya sa inosenteng mukha ng bata.

Unti-unti niyang pinisil ang business card sa kamay. Nung nakita niya nag inosenteng mukha ng bata at lungkot sa mga mga nito.

Nagdalawang-isip siyang tumanggi.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 65 : The Old Case

    "It's an invitation."Nanatili ang chess knight sa palad ni Luca. Itim, may gasgas sa gilid, may nakaukit na agila na may sirang pakpak.Sa loob ng vault, amoy pa ng kemikal at may puting ilaw na nanginginig sa kisame."May gustong ipaalala sa atin ang taong 'yon, Luca," sabi ni Lolo Geronimo at idiniin ang tungkod sa bakal na sahig."Open the old case," sabi ni Luca at inilapag ang knight sa mesa. "The case about my wife's death."Sina Jerome at Lolo Geronimo nagtinginan ng makahulugan.Sa underground conference room, nakaupo na silang apat. Si Luca sa gitna, hawak pa rin ang knight. Si Lolo Geronimo sa kaliwa, hawak ang tungkod. Si Jerome nakatayo sa likod na may iPad. Si Atty. Rafael tahimik na nagbukas ng itim na folder."Three years akong naniwalang aksidente iyon, Lo," sabi ni Luca at inilapag ang knight sa gitna ng mesa. "Three years kong pinaniwalaan na walang may kasalanan.""Because that's what I wanted you to believe, Luca," sagot ni Lolo Geronimo at bahagyang inilapit ang

  • WANTED : Perfect Mommy   Chaper 64 : Face The Enemy

    "Finally, nahuli din kita!" may babala sa tono ni Luca.Hindi agad lumingon ang Intruder. Nanatili ang dalawang kamay na nakababa sa gilid ng black case na bukas. May itim na velvet box sa loob at may folder na may pulang selyo. Sa likuran niya, tatlong metro ang layo, nakatayo si Luca.Nakatutok ang baril, nakasukbit ang coat na itim sa balikat at nakapolo na puti na may bahagyang gusot sa kwelyo galing sa pagbaba sa Basement."Hands where I can see them," sabi ni Luca.Pareho silang hindi kumikilos na parang naghihintayan kung sino ang unang magkakamali at may ilaw na puti na kumikislap sa kisame.Dahan-dahang itinaas ng Intruder ang dalawang kamay na may dumi ng langis sa daliri at may gasgas sa kuko. Pero hindi takot ang balikat. Hindi rin nagmamadali ang galaw. Parang matagal nang hinihintay ang sandaling ito.Bahagyang kumunot ang noo ni Luca. Hindi ito kilos ng ordinaryong magnanakaw na papasok sa De Silva vault na may dalang duplicate ID at toolbox na may gulong.Mas lalo siy

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 63 : The Intruder

    "May mali."Napalingon agad si Bella kay Luca."Ano'ng nangyari?"Hindi siya sumagot, hawak pa rin niya ang cellphone na sunod-sunod ang pag-vibrate sa palad. Pula ang ilaw ng screen.UNKNOWN ACCESS STILL ACTIVE.Mabilis na nawala ang lambing sa mukha ni Luca. Bumalik ang talim ng tingin, bumalik ang pagiging alerto na mabilis magbasa ng sitwasyon, isang CEO na hindi nagkakamali kapag instinct ang kumakausap sa kanya.Mabilis siyang kumilos, inilapag niya ang cellphone sa mesa, kinuha ang intercom na nasa gilid ng bakal na pinto ng penthouse na naka-lock pa rin, at nagsalita nang isang beses na parang tapos na ang diskusyon."Security Head, lock Basement Three, close every exit and service elevator, no one leaves without my clearance," utos niya."Copy, Sir Luca, sealing now," sagot ng nasa kabila.Isinara ni Luca ang intercom at isinuot ang coat na nasa sandalan ng upuan."Luca..." tawag ni Bella at hinawakan ang laylayan ng cardigan na nasa balikat. "Iwan mo ako dito?""Bella, I nee

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 62 : Locked Inside The Penthouse

    "Boss... bad news."Katatapos lang ng morning meeting ni Luca nang kumatok si Jerome sa pinto ng opisina. Sumilip lang ang kalahati ng mukha na parang batang may kasalanan at hawak ang iPad na nakabaliktad.Hindi iniangat ni Luca ang tingin mula sa dokumentong may tatak na confidential at hawak ang fountain pen na ginto ang dulo."How bad?" tanong niya habang pinirmahan ang gilid ng papel."Depende po kung kanino," sagot ni Jerome at pumasok na tuluyan habang dala ang tasa ng kape na hindi sa kanya.Isinara ni Luca ang fountain pen at sumandal sa upuan na yari sa itim na leather."Explain," sabi niya.Huminga si Jerome at inilapag ang iPad sa mesa na may tunog."...Nawala po si Little Boss," sabi niya.Tumayo agad si Luca at kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng upuan."What?" malamig niyang sabi at binuksan ang drawer para kunin ang susi ng elevator.Bago pa siya makalabas ng opisina, bumukas ang pinto at pumasok si Amerie na may suot na pink backpack na may kumikinang na unicorn

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 61 : Morning After

    "Mommy... bakit pareho kayong late gumising ni Daddy?"Halos mabitawan ni Bella ang kumot na nakatakip sa dibdib niya.Kakasikat pa lang ng araw at dumudulas ang ginintuang liwanag sa manipis na kurtina ng master's bedroom. Magulo ang unan sa sahig, bahagyang nakabukas ang drawer ng bedside table, at amoy pa rin ng kape ang kumot na kulay cream.Nakahiga pa si Luca na nakapikit, isang braso nakadikit sa baywang ni Bella sa ilalim ng kumot, mainit ang palad na parang ayaw pakawalan kahit sa pagtulog.Nasa pintuan si Amerie, yakap ang unicorn pillow na mas malaki pa sa kanya, nakasuot ng pink pajama na may maliliit na bituin, at pinag-aaralan silang dalawa na may seryosong mukha."...Good morning?" bati nito at itinaas ang unan."Amerie!" bulalas ni Bella at hinila ang kumot hanggang leeg, inayos ang buhok na nakaharang sa mukha gamit ang nanginginig na daliri.Iminulat ni Luca ang mga mata. Isang sulyap lang sa pinto, nakuha na agad ang sitwasyon. Hindi siya nagmamadaling bumitaw kay B

  • WANTED : Perfect Mommy   Chapter 60 : The Anniversary They Never Had

    "We never had an anniversary."Bahagyang tinaas ni Bella ang tingin habang inaayos ang maliit na bag sa may garden entrance. Hawak pa rin niya ang strap at hindi makatingin nang diretso."Sir... wala naman talaga tayong ipinagdiriwang. Hindi naman tayo dumaan sa ligawan, hindi tayo nag-first date," sabi ni Bella na medyo nahihiya at bahagyang inayos ang laylayan ng dress.Nakatayo si Luca sa ilalim ng lumang acacia tree na may nakasabit na maliliit na warm lights. Nakasuot siya ng simpleng white polo at black pants, hindi yung pang-board meeting. Nakalagay ang isang kamay sa bulsa at ang isa ay may hawak na baso."Exactly," sagot ni Luca na kalmado at lumapit nang bahagya. "That's why I'd like to create one. Gusto kong gumawa tayo ng una nating date, kahit late na."Si Amerie at Jerome ang may sabwatan ng lahat. Kaninang ala-singko ng hapon, biglang hinila ni Amerie si Bella papunta sa kwarto nito. Hawak nito ang maliit na unicorn pillow at nakangiti."Mommy, may family dinner kayo ni

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status