Tahimik ang loob ng ospital. Masyadong tahimik.
Ang amoy ng disinfectant ay parang paulit-ulit na paalala ng lahat ng nangyari — ng lahat ng nawala. Sa loob ng private rehabilitation suite, ramdam ang bigat ng oras. Mabagal ang takbo ng oras sa kwartong iyon. Mabigat ang hangin. Parang kahit ang mga alaala, naglalakad nang dahan-dahan. Renzo pushed the door open quietly. “Bro,” he said softly. Nasa bintana si Julius. Nakaupo sa wheelchair, nakatalikod. Mahaba na ulit ang buhok, malinis ang hiwa ng buhok sa gilid, pero maputla pa rin ang kutis. May manipis na kumot sa tuhod niya at IV drip sa kabilang braso. Paglingon nito, ngumiti si Julius — mahina, pero totoo. “Tagal mong nawala,” sabi niya, paos pa rin ang boses. “May inasikaso lang,” Renzo lied, pero hindi rin nag-effort na gawing totoo. Umupo siya sa tabi ng kapatid, ibinagsak ang bag sa sahig. Tahimik silang dalawa saglit. Tumunog ang monitor sa gilid — mahinang beeping. Sa labas ng bintana, kita ang mga ulap na parang gumuguhit sa langit. “How’s therapy?” tanong ni Renzo. Julius shrugged. “Same. Masakit. Nakakainis. Nakakasuya. Pero… I’m walking a few more steps now.” “Proud ako sa’yo,” he said, and meant it. Julius turned his head toward him. “Lagi mong sinasabi ‘yan.” “Dahil totoo.” Tahimik ulit. And then, out of nowhere, Julius asked: “Bakit parang may bumabagabag sa’yo?” Renzo stiffened. “Wala.” “Lorenzo,” the younger man said quietly, “don’t bullshit me. I might be broken, but I’m not blind.” Renzo let out a breath. Napahawak siya sa batok niya, parang biglang naging masikip ang mundo. “May nakita ako.” Julius’s brows drew together. “Ano?” He hesitated. “Isang babae. May post siya sa I*******m. Matagal nang kuha… pero may car siya—identical sa nakabangga sa’yo.” Biglang natahimik si Julius. Renzo glanced at him, watching for any flicker of memory. And then… Julius looked down at his lap. Tahimik. Pero mahigpit ang hawak sa armrest. “I’ve been… remembering things,” bulong niya. “Flashes. Hindi malinaw. Pero may… tunog. Amoy. Yung exhaust ng sasakyan. Parang may music. Malakas. Tapos may amoy ng pabango — sweet pero nakakasulasok.” Renzo’s heart clenched. “Babae?” tanong niya, almost afraid of the answer. “I don’t know,” sagot ni Julius. “Hindi ko siya nakita. Pero alam kong hindi lalaki ang nagmamaneho. Or at least… hindi mabigat ang apak sa gas. Paiba-iba. Parang takot.” A chill ran down Renzo’s spine. That matched the theory he had. Someone panicked. Someone who didn’t mean to do it… but ran anyway. “What if,” Renzo said slowly, “I told you I might know who it is?” Julius looked at him, eyes sharp despite the weakness. “Then I’d tell you not to let it go. Hindi ako makakatulog nang maayos hangga’t walang hustisya.” Renzo nodded, fists clenching at his sides. “I won’t let it go,” he said. “I swear. Kahit sino pa siya… I’ll find the truth.” At kahit pa ang babaeng ‘yon ang tanging tao sa mundo na nagpaparamdam sa kanyang buhay siya… he would choose justice. Even if it meant destroying her. Tumayo si Renzo at lumapit sa gilid ng bintana. Pinagmasdan niya ang langit na unti-unting dumidilim — parang pinaparamdam sa kanya na may bagay sa mundo na mas mahirap pang basahin kaysa sa mga ulap. Julius’s words echoed in his head. “May naaalala ka pa ba?” tanong niya, marahan, parang natatakot guluhin ang utak ng kapatid. Julius took a shaky breath. “Hindi ko alam kung totoo o panaginip lang. Pero paulit-ulit siyang bumabalik…” Renzo turned back, watching him. “I remember... music,” Julius whispered. “Sobrang lakas. Parang galing sa loob ng kotse. May tumutugtog… I think it was ‘Stay’ ni Rihanna, or something similar. I remember the beat. Tapos may halakhak.” “Halakhak?” Renzo repeated, confused. “Yeah,” Julius nodded slowly. “Isang tili. Hindi masaya. Hindi rin eksaktong takot. Pero parang gulat. Hysteria. Then... brakes. Tires skidding. Squealing. Tapos…” He swallowed. “Impact.” Renzo’s jaw clenched. “I don’t remember the face,” Julius said quietly. “Pero may pabango. Floral. Matamis. Yung tipo na suot ng mga mayaman. Hindi basta-basta.” “Designer scent,” Renzo muttered. “Basta distinct. Hindi ko makalimutan. Gusto kong sukaan kapag naamoy ko sa nurse minsan.” Julius chuckled bitterly. “Weird, ‘no?” Renzo didn’t answer. Dahil sa isipan niya, isang imahe lang ang lumilitaw. Celestine. Her soft perfume. Yung floral musk na amoy kahit ilang hakbang palayo. “She didn’t stop,” Julius added. His voice cracked. “Narinig ko ‘yung makina. Tumigil saglit. Then umarangkada ulit. Iniwan ako sa kalsada.” Silence fell again — heavier now. Mas mabigat. Mas madilim. Renzo closed his eyes. Pinilit niyang i-block ang tunog ng boses ni Celestine. Yung mga gabing tinawag nito ang pangalan niya sa pagitan ng halinghing at pag-iyak. Yung mga sandaling akala niya… totoo siya para rito. “Bro…” Julius said softly. “May iniisip ka ba?” Renzo looked at him, eyes guarded. “Wala pa. Hindi pa sapat ang alam ko.” “But may suspect ka,” Julius said. “Ayaw mo lang sabihin.” “Hindi ako sigurado,” sagot ni Renzo. “Ayokong magsalita hangga’t walang pruweba. Pero kapag nakumpirma ko…” Julius held his gaze. “Lorenzo, huwag mong hayaang mawala ‘yan. Yung gut instinct mo — hindi ‘yan nagkakamali. You always knew when someone was lying. Kung may pinagdududahan ka... sundan mo.” Renzo nodded slowly. He would. Pero paano kung ang katotohanan ang tuluyang sisira sa taong nagsimulang magpabuo sa kanya? Tumayo si Renzo mula sa gilid ng kama ni Julius, pero hindi pa rin umaalis ang tensyon sa kanyang mga balikat. Ang mga sinabi ng kapatid niya ay parang balang pumutok sa katahimikan ng silid — tahimik pero matalim, umaalingawngaw sa isipan niya. Floral perfume. Tawa. Halakhak. Musikang maririnig mo lang sa mamahaling sasakyan. At isang makina ng kotse na muling umarangkada habang may duguang katawan na naiwan sa gitna ng kalsada. Hindi lang ito memorya. It was a confession. A key. And now, may mukha nang bumubuo sa kanyang mga hinala. Celestine Alvarado. “Hindi ako titigil,” mahina pero matatag niyang sabi, halos parang panata. Julius turned his head slowly toward him. “Lorenzo…” Renzo met his brother’s eyes. “Kahit sino pa siya, kahit anong apelyido pa ang dala niya — babagsak siya.” Tahimik si Julius. May pag-aalinlangan sa tingin nito, pero nandoon rin ang tiwala. Alam niyang kapag si Renzo na ang nagsabi ng ganun, hindi ito basta salita lang. Renzo clenched his fists. “Tatapusin ko ’to, Jules. Kung siya nga ang dahilan kung bakit ka muntik nang mamatay… I’ll drag her secrets into the fucking light. Kahit anong pagkukunwari pa ang itago niya sa likod ng malamig na ngiti. I don’t care how rich, how powerful her family is.” “Baka delikado…” Julius warned. “Baka mas malaking gulo ‘yan kaysa sa iniisip mo.” Renzo shook his head. “I don’t care. You deserve the truth. And she—whoever she really is—deserves to face what she did.” Naglakad siya papunta sa bintana ng ospital. Pinagmasdan ang langit na ngayon ay ganap nang kulay abo. Hindi siya sigurado kung anong mas mahirap — ang malaman na si Celestine nga ang salarin, o ang amining gusto pa rin niya ito sa kabila ng lahat. Pero hindi na mahalaga ‘yon ngayon. Ang mahalaga… ang hustisya. At kung si Celestine nga ang dahilan ng pagkawasak ng kapatid niya? Then nothing — not even her softest moans, her trembling lips, or the way her eyes begged him to stay — could save her. He would burn it all.Hindi ako huminga. Hindi ko na kaya. The moment he turned his back on me, pakiramdam ko may sumabog na bomba sa loob ng dibdib ko. I stood there — frozen, shaking, helpless — habang nakatingin sa kanya. Nakatalikod siya, pero ramdam ko ‘yung bigat ng bawat hakbang niya palayo. “Renzo…” I whispered, almost inaudible. “Please…” Huminto siya sa tapat ng pinto. Pero hindi siya lumingon. He clenched his fists. His whole body tense. Then — mabagal siyang humarap sa akin. At sa wakas, nagtagpo ulit ang mga mata namin. But it wasn’t the same. Wala na ang init. Wala na ang lalim. What I saw in his eyes… was frost. Rage. And a pain so deep it refused to cry. “You know what’s funny, Celle?” mahina niyang sabi, pero parang dagundong sa tenga ko. “I almost convinced myself na may dahilan ka. Na baka may dahilan kung bakit hindi mo sinabi. Na baka hindi mo lang talaga kaya.” “Renzo, I—” “But it’s all bullshit, right?” His voice cracked. “You lied. And you kept lying. Alam mo bang halo
RENZO POVPagkauwi ko sa condo, walang salita.Walang luha. Walang sigaw.Tahimik lang akong naupo sa kama.Hinugot ang phone. At isa-isa…Tinapos ko ang lahat.CELLE – Blocked.Instagram – Blocked.Facebook – Blocked.Messenger – Blocked.Viber, Telegram, WhatsApp – Blocked.Spotify playlist – Deleted.Photos – Erased.Call history – Cleared.Messages – Wiped.Lahat ng pwedeng magsilbing alaala…Pinatay.Sa loob ng ilang minuto, parang na-delete ko rin ang parte ng sarili ko na minahal siya.No goodbyes.No explanations.No mercy.I severed every tie.At nang matapos ko, binitawan ko ang cellphone.Pinikit ang mga mata.At sa wakas…Tahimik na lang ang mundo.CELLE POVNagising ako sa ingay ng notification sa phone ko.Pero pagtingin ko... wala pala.Ilang beses kong chineck ang Wi-Fi. Pinatay at binuksan ulit.Nag-log out. Nag-log in.Pero wala talaga.Wala ni isang mensahe mula kay Renzo.Kinabahan ako.Binuksan ko ang Instagram —“User not found.”Facebook —Wala na siya sa listah
Renzo. Nandun na sila near the bar, hawak ang baywang ng isang babae, habang sinasayawan siya nito nang halos nakapatong na sa kanya. Hindi ko na nakita ang mukha ng babae. Hindi ko na kailangan. Ang tanging nakita ko lang... ay ang mga labi ni Renzo — nakangiti. At ilang segundo lang... Naghalikan na naman sila. "Putangina." Parang may sumabog sa loob ko. Biglang naglaho ang ingay ng club. Ang lahat ng tao, nagblur. Ang puso ko lang ang malakas — umaalingawngaw sa loob ng dibdib ko. Naramdaman ko ang kamay ng chinito guy na kasayaw ko. Gwapong lalaki, mapungay ang mata. Humakbang siya papalapit. He held my waist. “You okay?” I nodded, kahit hindi. Kahit sira-sira na ang mundo ko. Then... He leaned in. At hindi ako umatras. Our lips touched. His kiss was gentle, searching. Walang pwersa. Walang galit. Pero... hindi ko siya ramdam. Wala akong maramdaman. And just as fast — natauhan ako. Napatulak ako palayo. “Sorry. I need to go—” Lumakad
July 22, 2022 "This is the first time I’ll write everything. No lies. No edits. No filters." "Because if I die tomorrow, at least the truth stays on paper." "I was almost raped." "By Marco Elianes." This is the truth. The one I’ve buried deep — under silence, under guilt, under fear. Hindi ko dapat pinilit ang sarili kong sumama. Hindi ko dapat pinagbigyan si Tori. Pero gusto kong makalimot. Gusto kong maging normal kahit isang gabi lang — hindi bilang anak ng gobernador, hindi bilang babae na laging kontrolado. Pero hindi pala lahat ng “normal” ay ligtas. That night in Cavite… everything changed. Nasa terrace ako ng resthouse, holding a glass of wine I didn’t even want. At doon ko unang napansin si Marcus Elianes — anak ng politiko, lasing sa sarili niyang kapangyarihan. Puro tanong. Puro titig. Puro pangungulit. When his hand brushed my thigh, I knew I had to leave. Pero sinundan niya ako sa garden. Sinampal niya ako. Tumama ang labi ko. Dumugo. I can
Tumayo ako sa harap ng pintuan ng condo ni Celle, nanginginig ang kamao ko. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko ring tanungin kung paano niya nagawang saktan kami ng ganito. Pero higit sa lahat, gusto ko siyang marinig — mula sa kanya mismo. Kahit masakit. Bumukas ang pinto. Nakatayo siya roon. Maputla. Magulo ang buhok. Namamaga ang mga mata. Walang makeup. Walang depensa. Isang Celle na hindi ko pa nakikita. “Renzo…” Hindi ko siya sinagot. Dumaan lang ako at pumasok. Tahimik. Mabigat. Nasa gitna kami ng sala, parehong nakatayo, parehong alam kung anong susunod — pero parehas natatakot. “Sabihin mo,” boses ko’y mababa, punit, puno ng poot. “Ako na ang magtatanong, ikaw ang sasagot.” Napalunok siya. Tumulo agad ang luha sa pisngi. “Renzo… I’m sorry…” Tumawa ako ng mapait. “Sorry? Iyan lang ang meron ka?” Hindi siya nakaimik. Niyakap niya ang sarili niya, nanginginig. “Sino ang babaeng nakita sa CCTV? Yung may duguang labi, naka-silver na sas
CELLE POV Flashback Hindi ko dapat pinilit ang sarili kong sumama. Hindi ko dapat pinagbigyan si Tori. Pero gusto kong makalimot, kahit isang gabi lang. Gusto kong makaramdam ng normal — hindi bilang anak ng gobernador, hindi bilang isang babae na palaging nasa lilim ng kontrol. Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa terrace ng isang private resthouse sa Cavite, hawak ang kalahating baso ng wine na hindi ko naman gustong inumin. The air was heavy. Hindi ko alam kung dahil ba sa hangin o sa mga matang kanina pa nakatitig sa akin. Marcus. Isa sa mga bisita. Businessman daw, anak ng politiko rin. Too smooth. Too confident. Too loud. Nagsimula siya sa maliliit na tanong — saan ako nag-aaral, bakit tahimik ako, may boyfriend ba ako? Pilit akong ngumiti. Pero nang simulang lumapit ang kamay niya sa hita ko habang tumatawa, tumayo na ako. “Excuse me,” mahinahon kong sabi. “I need some air.” “Hindi ka pa pwedeng umalis,” sabi niya, tinapik ang upuan sa tabi niya. “Stay for one