Tahimik ang loob ng ospital. Masyadong tahimik.Ang amoy ng disinfectant ay parang paulit-ulit na paalala ng lahat ng nangyari — ng lahat ng nawala. Sa loob ng private rehabilitation suite, ramdam ang bigat ng oras. Mabagal ang takbo ng oras sa kwartong iyon. Mabigat ang hangin. Parang kahit ang mga alaala, naglalakad nang dahan-dahan.Renzo pushed the door open quietly.“Bro,” he said softly.Nasa bintana si Julius. Nakaupo sa wheelchair, nakatalikod. Mahaba na ulit ang buhok, malinis ang hiwa ng buhok sa gilid, pero maputla pa rin ang kutis. May manipis na kumot sa tuhod niya at IV drip sa kabilang braso.Paglingon nito, ngumiti si Julius — mahina, pero totoo.“Tagal mong nawala,” sabi niya, paos pa rin ang boses.“May inasikaso lang,” Renzo lied, pero hindi rin nag-effort na gawing totoo. Umupo siya sa tabi ng kapatid, ibinagsak ang bag sa sahig.Tahimik silang dalawa saglit. Tumunog ang monitor sa gilid — mahinang beeping. Sa labas ng bintana, kita ang mga ulap na parang gumuguhit
Terakhir Diperbarui : 2025-07-10 Baca selengkapnya