แชร์

Chapter 5

ผู้เขียน: Ashlie Dreamer
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2023-11-22 15:07:19

PUMUNTA ng CR si Margaux, doon niya nilabas ang lahat na pagtitimpi niya para sa lalaking ‘yun. Kaunting-konti na lang at talagang mauubos na ang pasensya niya para kay Calyx. Saan kaya pinaglihi ang kurimaw na ‘yon? Napaka kulit, sobra! Sambit niya sa sarili. Nang makuntento na siya at lumuwag na ang pakiramdam niya ay lumabas na rin si Margaux mula sa loob ng Cr. Ngunit hindi siya kaagad bumalik doon sa upuan niya. Mas pinili muna ng dalaga na umupo sa bakanteng upuan. Nakailang beses na siyang palipat-lipat sa tuwing bumabalik ang nakaupo sa upuan iyon hanggang sa wala ng bakanteng upuan. No choice na siya kung ‘di ang bumalik sa orihinal niyang upuan.

SAMANTALA lihim na sinusulyapan ni Calyx, ang dalagang katabi niya sa upuan kani-kanina lang. Pumunta ito sa maliit na cr ng eroplanong sinasakyan nila. Nang lumabas na ito mula roon hindi rin agad bumalik sa tabi niya. Sa halip naupo ito sa bakanteng upuan. Nakikita niya rin nakai ilang beses na rin itong palipat-lipat ng upuan. Hanggang sa wala ng bakanteng upuan ito. Nang makita niya naglalakad na ang dalaga pabalik dito. Nagkunwari naman si Calyx na natutulog.

“Mr, excuse me." Wika ng dalaga sa mahina nitong boses.

Naririnig naman ni Calyx ang sinabi ni Margaux pero nanatili nakapikit ang kanyang mga mata at nagkukunwaring natutulog.

"Hey! Mr, excuse me." Medyo may kalakasan na sabe uli ni Margaux.

"My name is Calyx Raider, I'm not hey." Nakangiting saad niya. Hindi na rin siya nakatiis na balewala ito.

"I called you, whatever I want." Nakataas ang kilay na sabi ni Margaux.

Ngumisi si Calyx. "So, what about the one night stand? Papayag ka na?"

"Anak ng pating. Ganyan ka na ba talaga ka manyak?" Naiinis na sabi ni Margaux. "Pwede ba padadaanin mo na ako. Nangangawit na ang mga paa ko,kanina pa ako nakatayo.”Reklamo ni Margaux.

Maluwag na ngumiti siya."Sure, Babe." Si Calyx na kinindatan pa ang dalaga.

PASALAMPAK naupo si Margaux sa katabing upuan ni Calyx. Pakiramdam niya pati buon-buunan niya ay umuusok na rin sa inis nararamdaman niya para sa kurimaw na'to. Tila nag-eenjoy naman ito sa pang-aasar sa kanya.

Pang-aasar nga lang ba na gusto ka niyang maka-sex sa isang gabi? Paano kung totohanin niya? Hiyaw ng isang bahagi ng isip niya. Hinarap niya si Calyx. "Don't talk so much or else..." Sinadyang niyang binitin ang sasabihin.

"Or else...?" Panggagaya ng sabi ni Calyx.

"You feel sorry."

"Ganito na lang kung sino ang unang magsasalita. Manglilibre ng pagkain pagdating natin doon sa Caticlan. Deal or no deal?" Nakangising sabi ni Calyx. Nilaro-laro ang bola na hawak niya.

"Deal," sagot ni Margaux. Ipinikit niya na lamang ang kanyang mga mata para iwasan na lang ang lalaking katabi na ubod sa kakulitan.

Hindi na malayan ni Margaux nakaidlip na pala siya. Naalimpungatan na lamang siya ng narinig niya ang nagsasalita mula sa speaker. Malamang ang piloto ng eroplano ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Subalit hindi niya gaano naiintindihan.

"Nakalapag na ba tayo? Nandito na ba tayo sa Caticlan Airport." Wala sa sariling naitanong niya sa katabing si Calyx.

Bumaling ito sa kanya pero hindi nagsasalita. Ngunit may ngiting nakapaskil sa mga labi nito at ang ngiting iyon abot sa mga mata nito.

Natampal ni Margaux ang sariling noo ng maalala ang kasunduan nila ng binata.

"So, promise is promised. Don't forget, you treat me." May nakakalokong ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

"Oo na," napipilitan sabi ni Margaux. Nakikita niyang nag sitayuan na ang kapwa pasahero. Iyong iba naman na nasa unahan naglalakad na ang mga iyon pababa mula sa eroplanong sinakyan nila mula Maynila.

Tumayo si Calyx, bumaling ito sa kanya."Let's go."

Hindi niya na pinansin si Calyx, sa halip pinukol niya ng masamang tingin ito. Tila naiintindihan nito ang ibig niyang sabihin.

Hinakbang ni Calyx ang mga paa pababa mula sa loob ng eroplano. Nakasunod naman si Margaux sa kanya.

MABILIS ang mga hakbang ng mga paa ni Margaux palabas mula sa loob ng Caticlan Airport. Kailangan niyang makahabol sa maagang sasakyan na babyahe papuntang Iloilo.

Ngunit malaki ang pagkadismaya niya ng sinabi ng despatser na kakalabas lang ng huling van na biyahe patungong Iloilo. At ang susunod na van ay mamayang 10:30 ng umaga pa aalis. Ala-una ng hapon ang appointment niya sa kleyente niya. Napaigtad si Margaux ng may humawak sa kanyang seko. Lumingon siya upang tingnan kung sino man ang humawak sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino 'to.

"Ikaw?!" Aniya naiinis. Kung hindi lang nakakahiya gustong-gusto niya ng pumadyak o di kaya sinipa niya na ang mokong na 'to. "Hindi mo ba talaga ako titigilan, hah?"

"Sa Iloilo rin pala ang punta mo?" Baliwalang tanong ni Calyx.

"Kailan ka pa naging imbestigador, Mr?"

"Lets go." Narinig niyang sabe ni Calyx. Walang babala na hinawakan siya sa kamay nito atsaka sabay hatak sa kanya. Wala nang magawa pa si Margaux kung di ang sumunod na lamang sa binata.

"Where we are going?" Hindi maiwasan tanong niya habang naka sunod dito na naglalakad.

"Follow me." Maikling sagot ni Calyx. Patuloy lang ito sa paglalakad.

Walang nagawa si Margaux kung di ang sumunod na lamang dito.

"Here we are." Sabay turo ni Calyx sa bus na kulay dilaw na pampasahero.

"Manong, diin di ang bus nga manogguwa pakadto sa Iloilo? Kuya, alin bus ang bumabyahe papuntang Iloilo?" Tanong ni Calyx sa salitang hiligaynon.

"Marunong ka magsalita ng salita ng tagarito?" Namamangha na tanong ni Margaux. Laking Maynila kasi siya kung kaya naman hindi siya marunong magsalita ng hiligaynon at 'di rin makakaintindi.

Ngumiti si Calyx. Tila ba trademark na nito ang ngumiti. Kung sabagay tuwing ngumingiti ito lalong nagiging guwapo ito. Pinilig ni Margaux ang sariling ulo sa isipin iyon. Ngayon marunong ka ng uma-appreciate na guwapo si Calyx? Samantala kanina inis na inis ka sa kanya. Tudyo ng isang bahagi ng isip niya. Guwapo naman talaga siya. 'Di ba nga ang daming nagkakagusto sa kanya. Pagtatanggol naman ng isang bahagi ng isip niya. Natigil na lamang siya sa pakikipagsagutan sa sarili ng magsalita si Kuya para sagutin ang tanong ni Calyx.

“Yung dating Yaya ko ay taga Iloilo kaya marunong at nakakaintindi ako ng salita ng taga rito.” turan ni Calyx naroon pa rin ng ngiti sa mga labi nito.

"Ang bus nga na Sir, manogguwa na. Ang bus na'yan Sir, palabas na papuntang Iloilo." Sagot ni Kuya sabay turo sa sasakayan na kulay dilaw.

"Madamo gid nga salamat manong. Salamat nang marami Kuya." Sabi ni Calyx. Humarap ito sa kanya. Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya.

"Puwede ba bitawan mo na 'yung kamay ko." Sabay pumiglas ni Margaux mula sa pagkakahawak ni Calyx sa kanyang kamay. Ngunit hindi ito natinag. Bagkus mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

"Ano ba?" Angil ni Margaux.

Ngumisi si Calyx. Tila tuwang-tuwa pa ito kapag nakikita nito na asar talo na siya lalo't pakiramdam niya ay namumula na ang pisngi niya sa pagkairita.

"Bitawan ko lang ang kamay mo unless nakasakay na tayo sa bus. Diyan tayo sasakay sa bus na 'yan patungong Iloilo." sabay turo ni Calyx sa bus na nakapark sa si kalayuan.

"Ayoko nga." Protesta ni Margaux.

"Akala ko ba nagmamadali ka?"

"Huh! Sinusundan mo ako kanina pa?"

"No, nagkataon lang na magkasunod tayo at iisang province lang din ang pupuntahan natin. Manonood ka ng Dinagyang?" Tanong ni Calyx.

"Hindi, may appointment ako." Shit! Mura niya sa sarili nang maalala ang appointment niya kay Mr Wong. Tiningnan niya ang wrist watch ang relong pambisig na suot-suot niya. Pasado alas-otso pa lang ng umaga kaya medyo mahaba pa ang oras niya. Ngunit kung hindi siya magkakamali higit kumulang sa tatlong oras ang tatakbuhin ng bus patungo sa probensiya ng Iloilo. Hindi naman siya nag-aalala tungkol sa traffic, she's pretty sure wala silang traffic na madadaanan. Maliban lang kung makarating na sila sa city mismo ng Iloilo dahil sa Dinagyang festival.

Naramdaman na lamang ni Margaux na muli siyang hinatak ni Calyx sa kamay. "We need to go."

"Kung gusto mo, ikaw na mag-isa. Atsaka Mr, hindi tayo magkakasama." Kontra niya.

"Sasama ka at maglalakad o bubuhatin na lang kita." Kumindat pa ito.

"Maniwala ako." Hinakbang ang mga paa niya. Nakailang hakbang pa lamang siya at huminto. Paano naman hindi pa rin ni Calyx binibitawan ang kamay niya na hawak-hawak pa rin nito simula kanina pa.

"Don't dare me, Sweetie." Seryosong sabi ni Calyx. "You have a meeting, right?"

"Yeah, but I don't want to go with you. Go on your own way." Pagmamatigas ni Margaux.

"Look, you have a meeting at about one o'clock in the afternoon. You need to travel more than 3 hours. You knew that? Maglalakad ka o ipapagko kita." Nakakalokong nakangiti Sabi ni Calyx.

Tila hindi naman nagbibiro si Calyx. Kaya sumunod na lamang siya, tsaka may point naman ito kapag aantayin niya pa ang van na sunod na byahe patungong Iloilo magkakaroon pa siya ng aberya sa kleyente niya. Ayaw naman niyang mangyari iyon. Higit sa lahat ayaw niyang mailagay sa kahihiyan ang real estate na pinagtatrabahuhan niya.

Nasa loob na sila ng bus naghahanap si Calyx ng puwede mauupuan para sa pandalawan tao. Nang makakita na ang binata ay huminto ito sa paglalakad.

"Mauna ka na." Si Calyx na binigyan pa siya ng space para sa ganun makadaan si Margaux.

"You go first." Taas kilay na sabi ni Margaux.

"Lady's first." Nakangiting sabi ni Calyx. "Baka tatakasan mo pa ako mamaya. You owe me my food. Remember?"

Sasagot pa sana si Margaux ng narinig niyang may nagrereklamo sa kasunod nila nasa kanyang likuran. Kaya naman sa ayaw o gusto napipilitan ang dalaga na dumaan sa tabi ni Calyx. Naamoy niya tuloy ang mabangong pabango na gamit ng binata. Nauna siyang umupo at sumunod naman si Calyx sa kanya. Ang ending magkakatabi pa rin sila sa upuan ng bus na babyahe papuntang Iloilo Province.

"Good girl." Nakangiting sabi Calyx na tumingin pa sa gawi niya.

"Manonood ka ba ng Dinagyang?" Out of curiosity na tanong ni Margaux. Alam niya ang katulad ni Calyx ay palaging busy. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na basketball players ito ng kupunan ng Pilipinas. Dapat nag-eensayo ito o di kaya naman pumapasok ito sa kumpanya na pagmamay-ari mismo ng pamilya nito.

"Your here, that's why." Hindi mapuknat-puknat ang ngiti nakapaskil sa mga labi nito.

"Im not joking. Why..." Hindi niya natapos ang dapat niyang sasabihin ng magsalita si Calyx.

"Like you, I have a business trip at Iloilo." Pagbigay alam nito. May kasunod na buntong-hininga iyon . "First time mo bang pumunta nang Iloilo?" Balik tanong nito.

pabalik-balik na ako sa Iloilo, for business trip. Ako palaging pinapadala ng kumpanya namin dito." Nakangiting sagot ni Margaux.

"You know what mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti." Tila na amazed na sambit ni Calyx.

"Huwag mo na akong bolahin. At may hawak ka ng bola."

"Nagsasabi ako ng totoo. You look prettier."

"Palagi mo bang dala-dala ang bola na 'yan kahit saan ka magpunta?." Pag-iiba ni Margaux sa usapan nila.

Tumingin muna si Calyx sa bola na hawak nito. Hindi niya maalala kung nilapag ba ni Calyx ang bola kahit saglit man lang. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang lungkot na nakalarawan sa mga mata ng binata. Subalit saglit lang iyon. Napalitan iyon ng ngiti.

"A special girl who gave me as a birthday gift." Nakangiti pa rin sabi ni Calyx. "This is my buddy all the time."

Pinalagay na lang ni Margaux ang special girl na sinabi ni Calyx na girlfriend nito ang nagbigay ng bola.

"Ako naman ang magtatanong. Puwede ba?" Si Calyx.

"Sure." Nakangiti rin sagot ni Margaux.

"Do you have a boyfriend?"

Sa halip na sagutin ang tanong ni Calyx, nagkibit balikat na lamang si Margaux. Isa-isang bumalik sa balintatanaw niya ang mga panloloko ng h*******k niyang boyfriend. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagkakausap. Paano nagawa ng h*******k na 'yon na lokohin siya sa mahabang panahon ng relasyon nila. Buong akala niya ay iyon na ang makakasama niya hanggang sa pagtanda and she's preferred for that. Subalit isang napakalaking kahibangan lang ang lahat ng mga iyon.

Napapitlag si Margaux ng marahan siyang kalabitin ni Calyx sa balikat. "Are you still there?" Bahagya pa nitong pinitik-pitik ang dalawang daliri malapit sa mata niya. "I guess, nasa dreamland ka na.”

“Huh?”kunot-noo Sabi ni Margaux.

Ngumisi si Calyx.”Ang sabi ko nasa dreamland ka na,kasama mo ba Ako sa dreamland?”

Sumimangot si Margaux.”On your dream.”

Tanging tawa lang ang naging sagot ni Calyx.”What about one night stand?”

“Talagang hindi ka ba marunong mahiya at pinagpipilitan mo pa talaga?” Naiinis turan ni Margaux atsaka pinukol ng masamang tingin si Calyx.

“Bat naman ako mahihiya? Eh,parehas naman tayo ang mag-eenjoy at paligayahin ang isa’t isa.”

“Talagang Hindi ka ba marunong um–tindi o sadyang Gago ka lang,”naiiritang sabi ni Margaux.

Ngumiti si Calyx na hindi man lang yata ito tinablan ng mga sinabi ni Margaux. “Gwapo lang ako at hot atsaka magaling sa kama.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Finale Chapter-Xandy Raider

    “XANDY, magkukulong ka na lang ba rito sa loob ng kuwarto mo?” Tanong ni Mommy Margaux na pinagmamasdan siya na nakahiga sa ibabaw ng kanyang kama. Nitong mga nakaraan mga araw ay wala na siyang ganang lumabas ng bahay at sa kanyang kuwarto ay nanatili siya. “Ma, iwan n’yo muna ako.” Aniya nagtalokbong ng komot.“Bumangon ka na at may pupuntahan tayo.”“Kayo na lang, Ma. Ayoko sumama,” turan niya sa mahinang boses. “Pakisara na lang ng pinto kapag lumabas na kayo.”“Hey, Tita Xandy! Get up!” Ani Bianca sa medyo may kalakasan ang boses. Pilit na hinihila nito ang komot nakatalokbong sa kanya. “Puwede ba, tigilan na ninyo ako! Basta ayoko sumama,” naiinis turan niya na mas lalong hinigpitan niya ang pagkahawak sa komot. “Please, leave me alone.”“Tita, please…Promise magiging masaya ka pagkatapos nito,” malapad ang ngiti nakapaskil sa mga labi ni Bianca. Naramdaman niya ang pagsampa ni Bianca sa ibabaw nitong kama. “Sige ka, pagsisihan mo kung hindi ka sasama sa ‘min.”

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 70-Xandy Raider

    “OH, MY GOD,” sabi ng Doctor mahihimigan ang pagla-shock nito. Narinig din niya ang pagsinghap ni Tita Isabel. Ilang segundo lamang ang lumipas, may dumaan sa tabi niya ang isa pang Doctor na nagmamadaling pumasok dito sa loob ng kuwarto ni Rod. Nilagpasan lamang siya nito. Naging slow motion ang paglingon ni Xandy roon sa kama na hinihigaan ni Rod. Tila hindi siya makakapaniwala sa kanyang nakikita. Ilang beses niya kinusot ang kanyang mga mata, sa inaakalang dinadaya lamang siya ng kanyang nakikita at dala lamang ng kanyang imahinasyon. Ngunit ang nakikita niya ay totoo. “Oh, my God. Tito Rod your back,” ani Bianca, unang nakahuma sa pagkabigla. Nanatiling nakatayo lamang si Xandy na nakatingin doon sa kamang hinihigaan ni Rod. Tila katulad siya sa kandila na itinulos doon mula sa kanyang kinatatayuan na hindi niya magawang kumilos ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya ay biglang namanhid ang buong katawan niya, higit sa lahat natatakot siya na sa pagkurap ng kanyang mg

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 69-Xandy Raider

    NAGISING si Xandy, bumungad sa paningin niya ang apat na sulok na kulay puti, kulay asul na kurtina. She's must be dreaming. Pinilig niya ang kanyang ulo. This scenario was happening a months ago. When she's sick. But this is different. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng kuwarto. Ganoon na lamang ang pagkadismaya niya ng hindi niya makita si Rod. “Rod,” mahinang usal niya sa pangalan ng lalaki. Kasabay ng mga mala butil niyang luha namalisbis sa kanyang pisngi. Nang maalala niya ang huling nangyari sa kanila ni Rod. Naaksidente sila at nagpagulong-gulong nahulog ang kotseng sinasakyan nila ng binata. Bumukas ang dahon ng pinto, iniluwa mula roon si Mommy Margaux. “Oh, God. Your awake already baby,” halos takbuhin nito ang distansya nasa pagitan nilang mag-ina. “May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw?” sunod-sunod na tanong ni Mommy Margaux na hindi alam ang gagawin. Punong-puno ng pag-alala ang Ginang. Umiling si Xandy, pilit pinapakalma ang kan

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 68-Xandy Raider

    NARAMDAMAN ni Xandy ang ginawang pagbuhat sa kanya ni Rod at ang paglipat nito sa kanya rito sa kama. She's half asleep. Sa halip na sitahin ang binata sa ginawa nito ay nagkunwari na lamang siya na natutulog. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata at hinayaan na lamang si Rod. Ramdam niya rin ang mga titig ni Rod sa kanya. Para saan ang malalim nitong pagbuntong-hininga? Tila pasan nito ang mundo. Marahil naiisip nito na pabigat lang siya rito. Kung bakit kasi sa dinami-dami ng kotse naroon sa parking lot sa sasakyan pa siya ni Rod nagtago. Kapag minalas ka nga naman. Nakapag desisyon na rin siya na kapag nakarating na sila roon sa Caticlan ay mag kanya-kanya na lamang sila. Nang marinig niya ang mga yabag ng stewilas ng sapatos na papalayo. Kasunod noon ay bumukas-sumara ang dahon ng pinto na sinundan ng pag-click ng padlock ng pinto. Paunti-unting minulat ni Xandy ang kanyang mga mata ng makatiyak siya na wala si Rod dito sa loob ng cabin. Pinalipas niya muna ang

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 67-Xandy Raider

    MABILIS ang pagpapatakbo ni Rod sa kotse minamaneho niya, habang binabagtas ang kahabaan ng coastal road patungo sa pier ng Batangas. Bago siya umalis doon sa hotel ay tinawagan niya ang pinsan niyang Kapitan ng Cargo vessel na patungong Caticlan. Nang marating niya ang Batangas fort ay dumiritso niya pinasok ang sasakyan niya sa loob ng cargo vessel na siya na lang ang hinihintay bago ito lumarga. Paibis ng kotse si Rod nang mapansin niya na hindi lamang siya nag-iisa sa loob ng sasakyan niya. Diyata’t may nakasakay na ibang tao na hindi niya napansin. Mabilis siya lumabas ng kotse, atsaka binuksan ang pinto ng passenger's seat. “Xandy!” Gilalas niya nang mapagsino ang naki ride on sa kotse niya. Nakabaloktot ang dalaga sa likod ng driver seat. Kung kani-kanina ay gusto niya itong pipilitin sa leeg sa ginawang pagtakas ni Xandy sa engagement announcement party nila. Nagawa nitong ilagay sa kahihiyan ang kani-kanilang mga pamilya. Naggising si Xandy mula sa mababaw nitong t

  • WAY BACK INTO LOVE(Calxy Raider)   Chapter 66-Xandy Raider

    NANG BUKSAN ni Xandy ang main door ng boutique ay bumungad sa paningin niya ang mga petals ng mga red, pink and white roses na nagkakalat doon sa sahig sa daraanan niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga staff niya na nakatingin din sa kanya. Tahimik lamang ang mga ito habang nagmamasid sa kanya naglalakad papasok. Sinira niya ang dahon ng pinto, atsaka hinarap ang mga ito. “Sino ang may kagagawan ng mga iyan?” Tinuro niya ang mga petals ng mga bulaklak na nagkakalat doon sa sahig. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nagsasalita. “Ano, magtitigan na lang ba tayo dito? Sinayang n’yo lang ang mga bulaklak na ‘yan. Isa pa dagdag pa ang mga iyan sa trabaho ni Mang Nestor.”Si Grace ang naglakas loob nagsalita. “Ma’am Xandy, dumiritso ka na lang sa loob ng opisina mo.” Nakangiti turan nito. “Go na, Ma’m Xandy.” Segunda naman ni Jaz, kinikilig pa ang bruha. Nagtaas siya ng isang kilay. “Kinikilig pa kayo, hah. Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ninyo sa office ko?”“

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status