Share

Chapter 88

Penulis: Anne Author
last update Terakhir Diperbarui: 2026-02-03 21:00:56

Mara’s POV

Pagkatapos ng weekend na puno ng tawanan, yakap, at pakiramdam na may lugar ako sa mundo… bumabalik ako sa katahimikan ng penthouse ni Liam Villarreal.

Isang lugar na walang bakas ng buhay maliban sa kanya.

Pagpasok ko, sinalubong ako ng parehong tahimik na espasyo. Walang ingay. Walang amoy ng lutong ulam. Walang boses na nagtatanong kung kumain na ba ako.

Tanging ang bigat ng responsibilidad.

Inayos ko agad ang mga naiwan niyang gamit mula sa nagdaang gabi isang basong ma
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 88

    Mara’s POV Pagkatapos ng weekend na puno ng tawanan, yakap, at pakiramdam na may lugar ako sa mundo… bumabalik ako sa katahimikan ng penthouse ni Liam Villarreal. Isang lugar na walang bakas ng buhay maliban sa kanya. Pagpasok ko, sinalubong ako ng parehong tahimik na espasyo. Walang ingay. Walang amoy ng lutong ulam. Walang boses na nagtatanong kung kumain na ba ako. Tanging ang bigat ng responsibilidad. Inayos ko agad ang mga naiwan niyang gamit mula sa nagdaang gabi isang basong may bakas ng alak, isang relo sa mesa, at jacket na basta na lang iniwan sa upuan. Parang palaging may bakas ng pagod sa paligid niya. At ako ang nag-aayos noon. Paglabas niya mula sa kwarto, tulad ng dati maayos, tahimik siya. “Today’s schedule,” sabi niya, diretso. Walang please. Walang good morning. Walang kahit anong pahiwatig na may taong kaharap siya. Inabot ko ang tablet. “9 AM meeting with investors. 11 AM legal briefing. 3 PM press strategy,” sagot ko, pantay ang tono.

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 87

    Mara’s POV Ako si Mara Elise Cortez. Dalawampu’t walong taong gulang. Bunso sa tatlong magkakapatid. Executive assistant at sa totoo lang, higit pa roon. Para kay Liam Villarreal isa akong robot. Isang mekanismong dapat gumana nang, walang palya at perpekto At marahil iyon ang dahilan kung bakit ako tumagal. Bilang bunso, lumaki akong sanay mag-adjust. Sanay umunawa bago magsalita. Sanay unahin ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Hindi ako ang pinakamalakas ang boses sa pamilya, pero ako ang laging nakikinig. Hindi ako ang sentro, pero ako ang laging nariyan. At ganoon din ako napunta sa mundo ni Liam isang mundong walang puwang para sa damdamin. Bago ako pumasok sa opisina niya, dumadaan muna ako sa penthouse niya. Palagi. Parte na iyon ng routine ko. May sarili akong access code. sa penthouse niya Hindi dahil espesyal ako kundi dahil may obligasyon akong kailangan gampanan doon Malaya akong makapasok at makalabas, at dahil doon, mas mabilis kong natutupad ang mga

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 86

    Liam’s POV Sa mundo ng negosyo, sanay akong kontrolado ang lahat mga numero, tao, desisyon, pati reputasyon. Pero may mga bagay na kahit gaano ka katalino o kayaman, hindi mo kayang ikontrol. At isa roon… ay ang takot. Kinabukasan, bumalik ako sa opisina nang mas maaga kaysa sa karaniwan. Tahimik pa ang buong floor ilang employees pa lang ang naroon, at ang ilaw sa boardroom ay hindi pa bukas. Gusto ko iyon. Mas malinaw akong mag-isip kapag walang istorbo. Binuksan ko ang tablet at agad sinimulan suriin ang revised projections para sa Southeast expansion. Kagabi, pagkatapos kong umuwi galing sa bahay ng magulang ko hindi ko magawang agad matulog. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ng mommy ko. “You don’t always have to be like your father.” Isang masakit na katotohanang na baka tama siya. Isang katok ang pumutol sa iniisip ko. “Come in,” malamig kong sabi. Pumasok ang ilang taon ko ng executive assistant, si Mara propesyonal, matalino, at sanay na sa ugali ko.

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 85

    Liam's POV Sa mundo ng negosyo, iisa lang ang ibig sabihin ng apelyidong Villarreal iyon ay kapangyarihan. At sa likod ng apelyidong iyon, nakatayo ang panganay sa apat na magkakapatid ang isa sa tagapagmana ng imperyo. Si Liam Villarreal. Tatlumput-dalawang taong gulang. Bilyonaryo. CEO ng Villarreal Holdings. Isang lalaking kinatatakutan sa boardroom, hinahangaan sa industriya, at iniiwasan ng karamihan dahil sa lamig ng kanyang presensya. Matangkad siya, matipuno, palaging maayos ang tindig parang laging handang humarap sa digmaan. Ang kanyang mukha ay tila hinulma mula sa disiplina at kontrol matalim ang panga, seryoso ang mga mata, at bihirang magpakita ng emosyon. Kapag tumingin siya, para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao mo sa isang iglap. Walang puwang ang kahinaan sa kanya iyon ang panuntunang isiniksik ng ama niyang si Caleb Villarreal. sa kanyang isipan mula pa pagkabata. Isang alamat sa mundo ng negosyo. Isang lalaking kilala sa pagiging istrikto, m

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 84

    Caleb’s POV Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Parang kahapon lang, hawak-hawak ko sa kamay si Liam habang karga ko naman si Saphire na sanggol pa habang umiiyak. Ngayon, sila na ang nakaupo sa harap ng malalaking mesa ng kompanya ko nakasuot ng power suit, may kumpiyansa sa kilos at sa bawat salitang lumalabas sa bibig nila. “Dad, kami na ang bahala rito. Magpahinga ka na,” sabi nila minsan, seryoso ang mukha pero may lambing sa tinig. Doon ko lang naramdaman kung gaano siya kahinog. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa bilis ng panahon o maluluha. Minsan napapaisip ako kung saan nga ba natatapos ang papel ng isang ama. Sa umpisa, madali itong sagutin magbibigay, magtuturo, magtutuwid. Pero habang lumilipas ang panahon, natutunan kong hindi pala ito natatapos kailanman. Ngayon, may kanya-kanyang buhay na ang mga anak ko. Si Liam at Saphire ngayo’y matatag na CEO, ginagampanan ang papel na minsan ay pinasan ko. Nakikita ko sa kanya ang tiba

  • WHEN DESIRE BECOMES A SIN    Chapter 83

    Lyra’s POV Minsan iniisip ko, paano kaya kung hindi ko nakilala si Caleb? Nang isinilang ko si Saphire, akala ko doon na matatapos ang takot at pagod ko. Pero hindi pala, doon lang nagsimula ang tunay na laban bilang ina. Ramdam ko pa rin sa balat ko ang hapdi ng bawat contraction noon, ang bigat ng katawan ko, pero higit sa lahat ramdam ko pa rin ang init ng kamay ni Caleb sa balakang ko habang tinutulungan akong labanan ang sakit. “Love, kaya mo ’yan… konti na lang,” paulit-ulit niyang bulong sa akin. Noong unang beses kong mahawakan si Saphire, parang natanggal lahat ng sakit at pagod na naramdaman ko. Wala nang mas hihigit pa sa pakiramdam na may maliit na nilalang na bunga ng pagmamahalan namin. Lumipas ang mga taon, saktong tatlong taon si Saphire, dumating naman si Lucas. At pagkalipas muli ng tatlo pang taon isinilang ko naman si Amethyst. Doon ko mas lalo naramdaman na hindi lang pala ako asawa ni Caleb, isa na rin akong tunay na ina na may malaking respon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status