Share

CHAPTER NINETEEN

MAHIGIT TATLONG BUWAN ang matuling lumipas…

Kung ikukumpara ang dating itsura ni Andrea noong hindi pa niya nakikilala si Vincent, at sa itsura niya ngayong dinadala niya na ang ‘binhi’ ng lalaking ‘natagpuan’ niya, mahahalata na ang umbok ng kan’yang tiyan. Bahagya na ring nagkalaman ang kan’yang mga pisngi dahil sadyang napapalakas talaga ang kain niya sa paglipas ng mga araw.

Totoo nga pala talaga ang sinabi ni Meldy. Magtatakaw siya sa pagkain. At madalas, marami siyang gustong kainin. Lamang, hindi niya mabili lahat o makaing lahat.

May mga gabi kasi na bigla siyang maaalimpungatan. Hindi naman siya nagugutom pero kung bakit parang gusto niya lang kumain.

Noong minsan nga, parang ibig niyang kumain ng balot. At parang tanga siya na manunungaw sa bintana upang mag-abang ng nagtitinda ng balot pero bigo siyang makabili kasi bihira ang naglalako ng penoy-balot sa dakong iyon ng lugar nila.

Noong nakaraan naman, buti maaga-aga pa, parang nasabik siyang bigla na kumain ng lugaw na m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
go lng Andrea para sa magiging anak mo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status