Share

WHEN I FOUND YOU MY LOVE
WHEN I FOUND YOU MY LOVE
Author: Angelita NOBELISTA

PROLOGUE & CHAPTER ONE

PROLOGUE:

KANINA pa paikot-ikot si Andrea sa harap ng full size mirror sa kanyang silid. Binibistahan niyang mabuti ang sarili.  Hindi ba masyadong makapal ang make up niya?  Ang labi niya, hindi ba parang nagdurugo sa tingkad ng lipstick na ini-apply niya dito?

Hinila niya pababa ang bestidang suot. Half of her thigh was out of the contour that reached her slender body. Hindi siya sanay sa gano’n kaikling damit na hakab sa kan’yang katawan. Lagi na’y uniporme ng guro ang suot niya. At kas’wal lang kapag naka-civilian siya.

Mukha ba siyang kaakit-akit sa itsura at suot niya’ng sleeveless dress na iyon with black and red combination? Will she give attraction to the man she has chosen to be the father of her future child?

This night is the fulfillment of her dream. Maglaho man ang kan’yang dignidad. Mawasak man ang kan’yang dangal. Who cares? Ngayon pa ba siya mag-aalala? Ngayong nag-iisa na lamang siya?

Gusto niya ng anak. Kahit isang anak lang na kukumpleto ng kan’yang pagkababae. Na makakasama niya sa kan’yang pagtanda. Na ipagkakaloob sa kan’ya ng isang lalaking pinili niya na nagtataglay ng magagandang katangian.

Si Vincent…

Si Vincent na hindi niya kakilala. Ni kaano-ano. At ganoon din ito sa kan’ya. Estranghero sila sa isa’t-isa.

Ni hindi nga nito alam na basta na lamang siya susulpot sa buhay nito ngayong gabi. At pinag-aralan na niya kung paano niya iyon gagawin. She had already practiced the strategy she needed to do, to catch his attention.

Ang binhi nito at ang binhi niya ay magtatagpo. Mabubuntis siya nito. Ganoon siya ka-positibo.

At buo na ang pas’ya niya. Hindi na mababago ninuman. Kahit ng nanay niya na tila ba pinanlilisikan siya ng mata sa tuwing sasagi ito sa balintataw niya.

“Malaya na ako sa inyo, ‘Nay. Ako na lang mag-isa ang magde-desisyon sa buhay kong ito..” sabi niya sa sarili.

Nagpakawala muna siya ng isang malalim na buntonghininga. Bago niya inihakbang ang mga paa palabas ng bahay. Patungo sa nag-aabang na magiging kaligayahan niya matapos ang maraming taon ng pagdurusa…

CHAPTER ONE

SI ANDREA…

“AALIS ka na ba, anak?” ani Aling Selya sa anak na si Andrea nang umagang iyon.

Si Andrea ay guro sa isang public school sa kanilang bayan.

Silang mag-ina lamang ang namumuhay sa lumang bahay na iyon na pamana kay Aling Selya ng mga magulang niya. Maliit pa si Andrea nang abandonahin siya ng asawa at nakisama sa ibang babae.

“Opo, ‘Nay. Nag-text na ako kay Aling Adel. On the way na raw siya. Siya na uli ang bahala sa inyo habang nasa eskwela ako. May ulam na ho sa ref. Pakisabi kay Aling Adel na initin na lamang niya bago kayo mananghali.” H******n ni Andrea sa noo ang ina.

“Magbaon ka ng ulam. Hindi namin mauubos ni Adel ‘yan.” anang matanda. 

“Hindi na ho. Birthday ng Principal namin ngayon. Sagot niya ang lunch naming lahat. Ubusin n’yo ‘yang gatas ninyo. At h’wag ninyong kalimutan ang mga gamot n’yo. May mga prutas akong binili kagabi, kainin ninyo.” Tumalikod na ang dalaga.

“Umuwi ka sana ng maaga. Nag-aalala ako sa’yo kapag naaatraso ka ng uwi.” pahabol dito ni Aling Selya.

Nilingon ni Andrea ang ina. “Nag-aalala o natatakot?” may pasaring sa tono niya. “H’wag kayong mag-alala, ‘Nay. Wala na akong magiging katanan ngayon. Wala nang magkakagusto sa akin. Matanda na ho ako.” sabi pa niya at lumabas na ng bahay.

Naiwang napatigagal si Aling Selya. Hindi niya nagawang sagutin ang sinabing iyon ng anak. Kagya’t siyang napaisip ng malalim.

SAKAY NG JEEP patungong eakwelahan, parang biglang nagsisi si Andrea sa binitiwang salita kanina sa ina. Minsan talaga, hindi niya maiwasan ang magpasaring dito.

Alam niya, nasaktan niya ito. Pero bakit ba kahit lumipas na ang maraming taon, hindi niya pa rin tuluyang maiwasan na paminsan-minsan ay kantiin ang damdamin nito, na nanakit din ng sobra sa damdamin niya?

Minsan, naiisip niya, kung wala lang sigurong sakit ang nanay niya, baka iniwan niya na lang ito.  Na-diagnosed kasi ng doktor si Aling Selya na may inflammantory heart desease. Isa iyon sa pumipigil sa kan’ya na talikuran ito, at aaminin niya, mahal niya pa rin naman ang ina kahit sabihin pa na --- sinira nito ang kan’yang buhay. Na inalisan siya nito ng karapatan na maging maligaya. Mananatiling naroroon ang katotohanan na hindi niya ito magagawang talikuran.

Minsan pa, muling nanariwa sa isip niya ang nakaraan…

“Pare-pareho lang ang mga lalaking ‘yan! Wala kang mapapala sa kanila! Lolokohin ka rin nila katulad ng ginawa sa akin ng ama mo!” gigil na gigil si Aling Selya habang sinasabi iyon.

“’Nay, hindi po totoo 'yan. Hindi sila pare-pareho. Malay ninyo, makatagpo ako ng lalaking hindi katulad ng tatay ko? ‘Yong mamahalin ako ng totoo at hindi ako ipagpapalit sa iba?”

Nanlisik ang mga mata ni Aling Selya. “Bakit gan’yan ka na lang ka-determinado, Andrea? Sa kabila ng pagpigil ko sa ‘yo na umiwas ka sa mga lintek na lalaking ‘yan? Bakit? Nobyo mo na ba ang Carlos na iyon? Nobyo mo na? Ha???”

Ang Carlos na tinutukoy nito ay ang manliligaw niya na bukod tanging hindi nagpasindak kay Aling Selya sa panunuyo sa kan’ya.

Sa dami ng mga lalaking nagka-interes kay Andrea, si Carlos ang siyang naging masigasig sa lahat. Harangan man yata ito ng sibat, at pakitaan ng bagong hasang itak, hindi ito maaawat makamtan lang ang pagtatangi niya. Kaya naman nahulog ang loob niya rito. Na kalaunan ay kan’ya na ring minahal.

Hindi makasagot noon si Andrea. Tanda ng pag-amin. Kaya isang malakas na sampal ang pinadapo ni Aling Selya sa pisngi niya. Na halos tumulig sa kanya.

“Napakatigas ng kukote mo! Suwail ka! Wala kang utang na loob! Ito pa ba ang igaganti mo sa akin matapos akong magsakripisyo sa ‘yo? Ang suwayin ako?

“Nagpakahirap ako para mapalaki ka, Andrea! Ginawa kong araw ang gabi upang mapagtapos ka! Ni singkong duling hindi itinapon sa ‘yo ng walanghiya mong ama! Pagkatapos heto ka? Susuwayin lang ako? Pareho lang kayo ng ama mo! Iiwanan ako! Gagawin mo ring miserable ang buhay ko!”

Nagwala si Aling Selya. Lahat ng madampot ay ibinabato. Binabasag. Hindi ito magawang awatin ni Andrea. At napilitan siyang mangako rito mapakalma lang ito.

Nakipagkalas siya kay Carlos. Kay Carlos na kasama na niyang humahabi ng pangarap. Para sa pamilyang nais sana nilang buoing dalawa.

***

NAGTATAGIS ang bagang, hindi matanggap ni Carlos ang naging pas’ya ni Andrea.

“Paano ako? Tayo? Ang pagmamahalan natin? Ang mga pangarap natin?” sunod-sunod nitong usisa. Nakakuyom ang mga palad.

“H-hindi ko kayang suwayin ang nanay, Carlos…! B-baka, baka…may mangyaring masama sa kan’ya…!” iyak nang iyak si Andrea.

“Paano kung sa akin may mangyaring masama? ‘Di ka ba maaapektuhan?”

“Carlos --- !”

Pilit na iniharap ni Carlos ang nobya sa kan’ya. Hinawakan ito sa magkabilang balikat. “Mahal kita, Andrea, at mahal mo rin ako, ‘di ba? Bakit kailangan na siya lagi ang isipin mo? Bakit kailangang ganito ang mangyari sa ating dalawa? Nang dahil sa mga pagdidikta niya sa ‘yo, kailangan bang masira ang relasyon natin? Ano na? Magpapatianod ka na lang ba lagi?  Hahayaan mo na lang ba na magdusa ka at habangbuhay niyang kontrolin ang buhay mo? Hahayaan mo na lang ba na manatili kang nag-iisa? Hanggang kailan ka susunod sa nanay mo?” Ang haba ng litanya na iyon ni Carlos. At lahat ng mga sinabi nito, totoo. Pero may magagawa ba siya?

Pinalis ni Andrea ang mga kamay ni Carlos sa balikat niya. “P-patawarin mo ako…!” at tinalikuran na niya ito.

Naiwan si Carlos na hindi napigil ang pagluha. Kalalaking tao man nito.

“Ma’m, school na po.” ani driver ng jeep na pumukaw sa naglalakbay na gunita ni Andrea.

Pasimple’ng pinahid ni Andrea ang luhang malapit nang dumaloy sa kan’yang pisngi. Kailan niya tuluyang makakalimutan ang sakit na dinanas?

“S-salamat po, manong..” at umibis na siya sa jeep.

***

“GOOD MORNING, MISS DOMINGO!” Sabay-sabay na bati ng mga pupils niya pagpasok ng dalaga sa kanilang classroom.

Kahit kailan talaga, bibo ang kan'yang mga estudyante. Energetic lagi sa bawat pagbati ng mga ito sa kan’ya sa bawat umaga ng buhay guro niya. Katulad ngayon.

“Good morning, class. You may now sit down and I will check your attendance.” 

Tumalima ang mga bata.

“Okay, before we proceed, did everybody do the homework yesterday?” 

“Yes Ma’m!” Sabay-sabay na sagot ng mga bata.

“Very good!” at isa-isa nang tinawag ni Andrea ang pangalan ng kan’yang mga estudyante.

Kahit paano, sa mga oras ng kan’yang pagtuturo, sabihin man na hungkag ang kan'yang pakiramdam, sa mga senaryo na gaya nito ngayon, nagagawa niyang kalimutan muna ang malungkot na bahagi ng kan'yang buhay.

“Okay, CJ. It’s your turn. Tell us something about yourself.”

Tumayo ang bata. Napakamot sa ulo. Hindi alam ang isasagot.

Nagtaas naman ng kamay ang isa pang bata. May planong mam-bully. “Me, Ma’m!”

“Yes, Manolo?”

“CJ is iyakin!”

Nagtawanan ang buong klase.

“Quiet!” ani Andrea. Naggalit-galitan.

Tumahimik naman ang mga bata. “Manolo, tama ba ang ginawa mo? Ipinahiya mo si CJ.”

Napakamot sa ulo si Manolo. 

“Say sorry to your classmate. Lapitan mo siya. And do it right now.”

Tumalima si Manolo. Humingi ng ng paumanhin sa kaeskuwela.

Napabuntong-hininga si Andrea. Napailing. Sana, ganoon lang kadaling mag-sorry. Sana ganoon lang kadaling humingi ng pasensiya, lalo na sa sarili niyang pinili niyang tanggalan ng kaligayahan. 

At sana, isang araw, marinig niya rin ang nanay niya na humingi sa kan'ya ng sorry. Dahil sa pagdidiktang ginawa nito sa kan'yang puso.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hala grabe nman ung nanay mo Andrea..kawawa nman c Carlos
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status