Share

CHAPTER THIRTEEN

MAHIGIT KALAHATING ORAS yatang naghintay si Andrea nang maya-maya’y nakita niya ang pagpasok ng isang grupo sa main entrance ng resto bar. Tatlong pareha ng lalaki at babae at isang binata na tantiya niya’y nasa pagitan ng disiotso hanggang beinte anyos ang sabay-sabay na pumasok habang nagkakatuwaan.

Sinalubong ang mga ito ng masayang pag-awit ng birthday song ng banda sa stage. At natiyak ng dalaga, naroon na ang birthday celebrant lalo na nang tawagin ito ng lead singer matapos itong kantahan para umakyat sa stage at magbigay ng mensahe.

All eyes si Andrea sa kasalukuyang nagaganap. Malikot din ang kan’yang mga mata sa paghahanap at paghihintay sa hindi pa sumusulpot na si Vincent.

Dama niya ang kasiyahan sa buong paligid. Lalo na nang nagsasalita na si Fael sa harap ng mikropono.

“Thank you everyone for your warm greetings. But you know me. Hindi ako nasisiyahan sa puro bati lang. Hindi ako yayaman kung puro greetings lang. How about a treat kahit sa Hongkong lang?” tumawa ito. Ga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
naku magtagumpay ka kaya Andrea parang ako ang kinakabahan sa ginagawa mo...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status