“O-OKAY lang ba kung kilalanin natin ang isa’t-isa, Andrea?” Alanganin man ay mas pinili na rin ni Vincent na itanong iyon sa dalagang ina.Kailangan talaga nilang magkakilala nito. Dahil kahit ano pa ang sabihin, may nag-uugnay na sa kanila ngayon. Ang kanilang anak.Magkaharap silang nakaupo sa sofa nang mga sandaling iyon habang si Vince ay hinayaan na lamang ni Andrea sa pagkakahimbing nito sa sa stroller.Binuksan niya ang telebisyon at kunwari’y nakatutok ang mga mata sa panghapong programa, pero wala naman doon ang atensyon niya kun’di nasa ama ng anak niya. Nakakailang. Nakakapanibago. Pero umpisa ngayon, kailangan niyang masanay sa presensiya nito. “O-oo naman. Wala naman akong choice, ‘di ba? ‘Andito ka na eh.” Biro ni Andrea. Pinipilit maging kaswal at nilalabanan ang pagkailang.Napangiwi si Vincent. “Napilitan ka lang na tanggapin ako rito?”Parang naalarma si Andrea sa narinig. “H-hindi naman sa ganoon. Mas tama sigurong sabihin na – nabigla lang ako." Napatango si Vin
HUMANGA si Vincent sa ganda ng tanawin sa lugar na iyon nina Andrea. Kung doon nga lang sa barangay na iyon, humahanga na siya ng husto, ano pa kaya kung i-explore niya ang buong probinsiya?Mula sa kamalig na nakaharap sa karagatan, kitang-kita niya ang ganda ng kalikasan na biyaya ng Maykapal. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kabuoan nitong abot tanaw ng kan’yang mga mata. Ayon sa naalala niyang pag-aaral noon, ang Catanduanes ay isang pulong lalawigan sa silangang bahagi ng Pilipinas at direktang nakaharap sa Pacific Ocean. Napakalawak pala nito.Babalik at babalik siya sa lugar na ito. Hindi lamang para sa anak niya kun’di maging para sa magandang pakiramdam na dinaranas niya nang mga sandaling iyon…Ang sarap damhin ng hangin na tumatama sa kan’yang balat. Nakakagaan sa emosyonal at pisikal. Para bang, kung may problema ka, pag naririto ka sa lugar na ito, all your worries will disappear, ika nga. Mawa-washed out ang mga kabigatan sa puso mo kahit pansamantala lang.Sariwa ang h
“RJ - ?” tawag ni Vincent sa anak-anakan matapos silang kunan ng pictures nito.Lumingon ang binata na pabalik na sana sa kamalig.“Huwag mong ia-upload sa face&book ‘yan, ha?” nakangiti pero tila may banta ang tingin ni Vincent sa anak.Tumawa si RJ. “Yes, ‘Pa. Alam ko po. Don't worry."“Pero i-forward mo sa akin ‘yan. Lahat nang kuha mo sa amin, okay?”“Ikaw ang mag-a-upload?" Tumawa si RJ."Well, let's see."Ngumisi si RJ. "Okay, 'Pa. Noted!" at bumalik na ito sa kamalig na sinalubong naman ni Mary na inusyoso agad ang mga litrato.Si Andrea nama'y natigilan. Ayaw ipa-upload ni Vincent ang mga pictures nila. Bakit? Dahil ba may iniingatan ito? Pinu-protektahan ba nito ang sarili niya? Kasi baka may magselos o magalit? Sino? Si Trina pa rin ba? O, ‘yong tumawag kanina na tinawag nitong – honey? Sino kaya 'yon? Si Trina pa rin ba, o, ibang babae na this time?Ipinilig ni Andrea ang ulo. ‘Andami niyang tanong. Ano ba ang pakialam niya sa buhay ni Vincent?Eh, ano naman kung hanggang
HINDI MAIWASAN ni Andrea, kahit sabihin pang wala siyang karapatan - ang magselos. Bakit nga ba ang hindi, inamin niya na sa sarili na ‘hinahangad’ pa rin niya ang ama ng kan’yang anak.Iilang oras pa lang niyang nakakasama si Vincent pero hayon at nagkukukot nang mabuti ang kalooban niya sa isiping anomang oras ay pwede siyang ma-etsa puwera nito dahil may iba nga itong pinaglalaanan ng puso niya.“Yes, honey. We’re still here at the province. I’m sorry I missed your calls.” ani Vincent sa tumawag na kasintahan. “Our flight back to Manila will be on five in the morning tomorrow. Yes of course, honey. Before you know it, I'll be at the Manila airport again tomorrow night to pick you up.” Iyon ang mga sagot ni Vincent kay Yuri na bahagya lamang naulinigan nina Andrea.Foreigner ba ang tinatawag nitong honey? Tanong pa ni Andrea sa sarili. Panay ang English nito, eh."You too, honey. Take care. Hmmnn, yes. And I love you too." Pinutol na ni Vincent ang tawag.Iyon ang malinaw na naul
HINDI napigilan ni Andrea ang paghihikab makaraan ang ilang sandali na on and off nilang kuwentuhan ni Vincent. On and off kasi, kapwa pa rin naman sila naiilang na ipaalam sa bawat isa ang lahat nang kaganapan sa kanilang mga buhay.Nang umingit si Vince tanda na inaantok na ito, ipinagtimpla na ito ng gatas ni Andrea at inayos na sa higaan ang bata, katabi ng ama nito.“Inaantok na si Vince...” ani Andrea kay Vincent.“Ikaw din naman. Pansin ko, kanina ka pa naghihikab.” Sagot ni Vincent. “Sige na. Magpahinga ka na rin. Ako na ang bahala sa anak natin.” Humiga na si Vincent sa tabi ng bata.“Oo nga, eh. Maaga rin kasi akong gumising kanina dahil nga sa kasalan sa kabilang barangay. Sigurado ka ba na katabi mo talaga si Vince? Baka mapuyat ka?”“Namumuyat ba siya?”“Hindi naman. Maliban kung ‘yon nga, nagpupo. Hindi siya mapapakali kung may laman ang diaper niya kaya nanggigising talaga siya para linisan siya.”“Ah, okay. Now I know. Sana hindi magpupo.” Tumawa pa si Vincent. “Sige
HILAM pa rin sa luha ang mga mata, pasado alas singko’y bumangon na si Andrea sa kama at nagpasya nang payapain ang sarili.Himbing na himbing pa rin si Vince. Mataman niyang pinagmasdan ang anak. Pagkuwa’y kinuha sa drawer ang litrato noon ni Vincent na iniwan na nito sa kan’ya.Namasa uli sa luha ang mga mata ng dalagang ina nang ilapit niya sa mukha ni Vince ang litrato ng ama. Kung bakit para bang nananadya ang tadhana? Kapag nagbiro, talaga namang mamamangha ka.Akalain niya ba? Aakalain ba ng sinuman na si Vince ay kamukhang-kamukha ng ama nito sa ganoong edad?Kaya hindi rin nakapagtatakang ganoon na lamang ang pagmamahal na ipinakita ni Vincent sa anak.Bumuntong-hininga si Andrea. Kinalma niya na ang sarili at itinago nang muli ang lumang larawan ni Vincent.Binuksan niya na rin ang bintana sa silid nilang mag-ina. Nagpakawala uli siya nang malalim na paghinga bago nginitian ang sariwang hangin na dumapyo sa kan’yang mukha.Isang bagong umaga na naman iyon na dumatal sa buh
HINDI nakuntento si Vincent na tingnan lang ang mga larawan nila nina Andrea at Vince na kuha ni RJ sa cellphone nito at na-forward naman sa cellphone niya.Gusto niyang tawagan si Andrea. Gusto niya uling marinig ang boses nito at ang hagikgik ng kanilang anak. Napakasarap sa pakiramdam ang bawat tawa ni Vince na napapakinggan niya. Totoo nga pala na kaligayahan ang dulot ng isang pagiging ama. At si Andrea, sa tuwing ngumingiti ito sa kan’ya, para bang may humahaplos sa puso niya.Kung bakit parang kinasasabikan niya na agad na makita ang mga ito, samantalang iilang oras pa lang naman buhat nang lisanin niya ang lugar ng mga ito sa Catanduanes – hindi niya alam. Hindi niya sigurado.At hindi niya alam kung saan siya humugot ng ganoong klaseng damdamin na hindi niya itatanggi, sobrang kasiyahan talaga ang hatid sa kan’ya.Lingid din sa kaalaman ng dalagang ina, hiningi niya kay Meldy ang cellphone number nito. Hindi matatapos sa pag-alis nila kanina ni RJ doon ang pakikipag-ugnayan
ISANG mahigpit na yakap at mainit na halik ang iginawad ni Yuri Takahashi nang mga sandaling iyon nang salubungin ito ni Vincent sa arrival area ng paliparan.Pasado alas singko ng hapon nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nito buhat sa Japan. At makaraan ang maraming pagbusising pinagdaanan, bago mag-alas siyete ng gabi’y nagkita na ito at ang kasintahang si Vincent.Bakas sa anyo ni Yuri ang pagkasabik sa nobyo. Katunayan ang bugso ng damdamin na hindi nito napigilan dahil kahit sa harapan ng maraming tao, hinalikan nito sa labi si Vincent.“Oh, Vincent! How I miss you, honey! How are you?” anito matapos hagkan ang binata habang nakatitig sa guwapong mukha nito.Ang mga mata ni Yuri ay tila ba laging nakatawa bagama’t paminsan-minsan, noong magkasama sila ni Vincent sa Japan, ang mga mata na iyon ay madalas ding kabakasan ng kalungkutan ng binata. At batid niya na iyon ay dahil sa mga trahedyang pinagdaanan nito sa buhay na alam din ng binata na hindi pa nito lubusang nakakalimut