"KAHIT ANO'NG MANGYARI, huwag kang lalabas kapag gabi."
Lagi iyong ipinapaalala ng kanyang lola simula pa noong nagkamuwang siya. Mahigpit na ipinagbabawal kay Ashley ang paglabas kapag wala na ang araw at madilim na ang kapaligiran.
Hindi na niya naabutan ang mga magulang na namatay sa aksidente noong snggol pa lamang siya. Kaya naman, sa lola siya lumaki. Bagamat istrikto ito pagdating sa curfew, hindi naman masusukat ang pagmamahal at pag-aaruga nito sa kanya.
Tumutupad siya sa utos nito bilang isang masunuring bata. Pero iyon ay noong bata pa lamang siya.
Nang tumuntong na siya sa taong sixteen, nagbago iyon.
Nagkaroon na siya ng mga katanungan kung bakit bawal siyang lumabas sa gabi, na hindi din naman sinasagot ng lola. Lagi itong umiiwas o di kaya naman ay sasabihing madaming nangyayaring delikado kapag gabi para sa teen ager na tulad niya.
Pero sa tingin niya ay may mas malalim pang dahilan kung bakit bawal.
Ang gusto lang naman niya ay mabuhay bilang normal na teen ager.
"Nasa labas na kami," ani Jake, na boyfriend niya, sa kabilang linya ng phone na hawak niya.
Isang linggo pa lang simula nang maging sila. Si Jake ang pinakasikat na lalaki sa kanilang campus dahil isa itong magaling na manlalaro ng basketball. Sikat din ito pagdating sa mga babae. Kaya naman nang manligaw ito sa kanya, tinulak siya ng mga kaibigan na sagutin ito.
Siya kasi ang pumalit na cheerleader sa kanilang paaralan nang nag-graduate ang dati. Lagi siya nitong nakikita tuwing may practice sa gym.
Bumaba siya ng higaan at tinungo ang kanyang bintana upang silipin ang lalaki na kasama ng ilang kaibigan nila.
"Hintayin niyo ako," aniya saka pinatay ang tawag.
It was already pass seven in the evening, on the last night of October.
Ilang beses na siyang inaya umattend ng mga party sa gabi pero hindi siya nagpupunta dahil nga sa bawal ito. Pero ngayong huling taon na niya sa junior highschool, kailangan din naman niyang subukan kung anong nangyayari sa labas kapag madilim na ang paligid.
Inanyayahan siya ng mga barkada sa isang halloween party na inorganize ng pinsan ni Jake. At tatakas siya sa gabing iyon upang dumalo.
Sinuot niya ang itim na high knee boots na terno sa kanyang hapit na dress na may kulay itim din. Parehas nito ang cat ears na headband na binili niya online. Kanya itong kinuha sa drawer pagkatapos maglagay ng liptint sa kanyang perpektong hugis na labi.
Hawak-hawak ang kanyang headband, dahan-dahang binuksan niya ang bintana pataas upang hindi marinig ng kanyang lola na nasa ibabang palapag.
May kaya kasi sila sa buhay at malaki ang sweldo ng lola na bumuhay sa kanya bago ito nagretiro, kaya naman may kalakihan ang kanilang bahay.
Halos hindi na siya humihinga upang hindi marinig ang mga yapak niya sa bubong.
"Psst!" mahinang sitsit sa kanya ni Jake.
Napangiti siya at lumapit sa dulo ng bubong kung nasaan ito nakaabang mula sa ibaba. Inihanda nito ang mga bisig at sinenyasang tumalon. Nakadamit ito ng purong itim at may maliit na sungay na pula sa ulo. Maitim ang paligid ng mga kumikinang na mata nito dahil sa eyeliner.
Walang alinlangang tumalon siya dito at nasalo naman siya.
"Hi, there kitty," nakangising bati nito nang nasa bisig na siya nito na para bang isang bride.
"Hello sa demonyong sumalo sa akin," biro niya at tumawa ito ng mahina.
Ibinaba siya nito at hinila ang kamay upang tumakbo papunta sa kabilang parte ng daan kung nasaan ang kanilang mga kaibigan. Malakas na sinalubong siya ng pagbati dahil sa wakas, nakalabas na rin siya ng gabi kasama ang mga ito.
"Si Ashley ba talaga 'to?" tanong ni Angel na nakabihis bilang anghel.
Isinuot niya ang headband saka umikot sa tapat nito.
"The one and only," aniya saka nakitawa sa kanila.
Agad na hinarang ng isa sa barkada nila ang kapang itim sa likuran niya.
"Huwag kayo dito! Nakakabulabog kayo. 'Tong mga batang 'to."
Narinig niya ang kanyang lola na sumigaw mula sa kanilang bahay. Kaya pala siya tinakpan. Napatigil sila saglit. Ngunit nang marinig nila ang pagsara ng pintuan nila, muli na naman silang nag-ingay.
Iginalaw ng isa sa kaibigan nila ang kapa na ipanantakip sa kanya na para bang pakpak ng paniki. "Oh, umalis na daw tayo. Let's go!" excited na aya nito.
Inakbayan siya ni Jake at nagsimula na silang maglakad patungo sa isang sasakyan na gagamitin nila papunta sa venue ng party.
Ngayon, alam na niya ang pakiramdam sa labas--masaya at sobrang exciting. Bagamat malamig ang hangin, hindi niya iyon alintana dahil sa pagkaka-akbay ng boyfriend.
Hindi tuloy siya makapaniwalang ipinagkait sa kanya ang ganitong bagay. Lalo tuloy siyang nanggigil dahil sa curiosity.
Malakas na nakikisabay sila sa tugtuging naka-play sa dashboard ng sasakyan. Kumakanta ang lahat kahit pa wala naman sa tono ang iba. Isa sa kanilang kaibigang lalaki ang nagmamaneho niyon at batid niyang wala pa itong lisensiya. Gayon pa man, marunong na itong magmaneho at para bang handa na makipagkarera.
"Hoy! May tao!" malakas na sigaw ni Angel na nakasakay sa tabi ng driver.
Malakas silang nagsigawan sa pagkakabigla.
Bigla na lang kasi may lumitaw na lalaki sa gitna ng daan. Mabuti na lang at agad na naikot ng nagmamaneho ang manibela at naapakan ang break.
"Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!" galit na tanong ng nagmamaneho sa taong kanilang nalagpasan.
Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki sa gitna ng daan at iniangat ang nakayukong ulo. Masama itong nakatingin sa kanilang sasakyan.
Nagtaasan ang balahibo sa kanyang batok sa paraan ng pagtingin ng lalaki.
Inilabas ni Jake ang kamay sa bintana at tinaas ang gitnang daliri dito. Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan bago nila tuluyang iwan kung sino man ito.
"What a creepy piece of shit," mahinang sabi ng boyfriend.
Napahalukipkip nalang siya at nakisama sa kasiyahan ng mga kaibigan kahit pa hindi na maganda ang kabang kanyang nararamdaman.
Malakas at maingay ang bahay kung saan ginaganap ang party. Moderno at talaga namang malaki ang bahay. May pool din sa likod at may ilan nang nakatampisaw dito. Bukod sa mga ilaw at kandila, may mga disenyong bungo at pumpkins na nakasabit at nakakalat sa malawak na bakuran.
Bawat isa ay naka-costume ng pang-halloween. Ang ilan sa mga tao dito ay pamilyar na sa kanya dahil galing din ito sa paaralang pinapasukan. Ang iba ay hindi niya kakilala. Nasa bawat kamay ng mga ito ang mga party cups na alam niyang naglalaman ng inuming hindi pa pwede para sa kanilang mga wala pa sa tamang edad.
Mukhang masaya ang party. At dahil doon, nakalimutan niya ang kabang naramdaman kanina lang.
INABUTAN SIYA NI JAKE ng inumin na sa una, may pag-aalinlangang tinanggap. Tutal tumakas na din naman siya, kaya sinulit niya ang kalayaang ngayon niya lang naranasan.Naka-isang baso pa lang siya pero ramdam na niya ang kaunting pagkahilo at pag-init ng katawan. Unang beses niya kasing uminom at hindi sanay ang kanyang sistema sa mga ganoong bagay."Excuse me, CR lang," paalam niya."Samahan kita?" tanong ni Jake."Hindi na. Saglit lang naman ako," aniya at hinalikan si Jake sa pisngi. Hindi na din naman na siya pinilit pa nito.Nakisingit siya sa mga nagsasayawan upang makadaan papunta sa CR ng bahay. Dahil sa hilo, mabilis lang siyang ma-out balance nang mabangga ng ilan.Ginamit niya ang kamay upang hindi tuluyang mapahiga sa lupang natatakpan ng damong pantay ang pagkakaputol. Tumama nga lang ang palad niya sa magaspang na sementadong pathway na may pebbles.Nakaramdam siya ng hapdi dito."Are you okay?" tano
BAGO TUMUNTONG SA edad na bente, kailangan na-isuko na ang pagkabirhen ng isang dalaga. Dahil kung hindi, maglalaho ito sa araw ng kanyang ika-dalawampung kaarawan. Iyon ang nakagisnang paniniwala ng mga taong naninirahan sa bayan ng San Andres, sa lalawigan ng Quirino.Dati itong parte ng capital ng lalawigan at malawak na sakahan. Nang dahil sa hindi mapigilang pag-unlad, bumukod ang lugar at tumayong mag-isa. Bagamat ilang taon pa lamang simula nang maihiwalay, nalagpasan na nito ang mga karatig na lugar pagdating sa ekonomiya.Ayon sa sabi-sabi, ilang mga negosyante ang nagtulong-tulong upang gawing sentro ng agricultural, commercial, at industrial businesses ang lugar na iyon sa buong lalawigan.Bagamat madami nang gusaling naipatayo dito, tulad ng paaralan, hospital, shopping malls, restaurants, hindi pa din iyon sapat upang punuin ang malawak na lupain.Patag ang mga konkretong daan mula sa sentro patungo sa labas kung saan nandoon pa
MABILIS ANG NAGING paglakad ni Ashley papasok sa hospital building.Ang Andreas Medical Hospital ang pinakauna at kaisa-isang pribadong hospital sa bayan ng San Andres. Mayroong limang palapag iyon at kahit pa sa pagdaan ng panahon, nanatili pa ding parang bago ang gusali. Maintained ang hitsura ng pagkakatayo nito dahil nagmula sa mayamang pamilya ang nagpatayo niyon.Lumilikha ng tunog ang bawat yapak niya sa malamig na sahig. Pumipilantik ang kanyang balakang sa bawat paghakbang dahil na rin sa suot na matangkad na sapatos. Hindi din siya masyadong makahakbang ng malalaki dahil sa maiksing skirt na halos hapit na sa kanyang mga hita. Maayos ang kanyang buhok na nakababa. Napakalinis niyang tignan sa puting unipormeng pang-nurse. Nakasabit sa kanyang kanang balikat ang tote bag na naglalaman ng ilang mahahalang kagamitan na ginagamit niya sa pang-araw araw.Sa kamamadali niya hindi na niya namalayang may nabangga. She looked up to see when the ma
"MISS AREVALO?"Napalingon siya nang muling tawagin ng Vice Director ang pangalan niya. Katatapos palang ng meeting at magsisimula na dapat siya sa trabaho."Pakisamahan naman si Doc Cuevas sa kaniyang office. He'll be using the office of Doc Samaniego. Besides, ikaw naman ang dating assistant, mas ikaw ang nakakaalam ng mga iniwang trabaho ni Doc," anito. "Remember, you're late. Again."Ngumiti siya saka naglakad. "This way, Doc," presenta niya sa daraanan.Nakapamulsa itong naglakad. Napatingin siya sa sapatos nito habang sila'y naglalakad. Napakatahimik nito at para bang hindi umaabot sa sahig ang mga apak.Siya na ang nagbukas ng pinto. "This will be your office, Doc." Ipinakita niya ang ilan sa mga mahahalagang dokumentong nandoon. Pati na rin ang ibang mga gamit."If you need anything, let me know. Huwag lang po gabi dahil wala akong shift kapag ganoong oras," aniya."Why?"Tipid ito magsalita at may matipun
CHAPTER 6 "HOY! MAY TAO!" malakas na sigaw ni Angel na nakasakay sa tabi ng driver. Malakas silang nagsigawan sa pagkakabigla. Bigla na lang kasi may lumitaw na lalaki sa gitna ng daan. Mabuti na lang at agad na naikot ng nagmamaneho ang manibela at naapakan ang break. "Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!" galit na tanong ng nagmamaneho sa taong kanilang nalagpasan. Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki sa gitna ng daan at iniangat ang nakayukong ulo. Masama itong nakatingin sa kanilang sasakyan. Nagtaasan ang balahibo sa kanyang batok sa paraan ng pagtingin ng lalaki. NAPAMULAT NANG WALA sa oras si Ashley. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa kanyang mesa. "Oras ng trabaho. Bakit ka natutulog?" Napaangat siya ng tingin sa lalaking nagsalita habang kinukusot ang mata. Agad siyang napatayo nang makita si Doc Cuevas, ang bagong doctor na sobrang gwapo.
CHAPTER 7 "A-AAH! AH! AH! Masakit! Saglit lang Elijah! Dahan-dahan lang paki-usap!""Ashley! Huwag kang magulo! Hindi ko pa nasisimulan. Hindi ko pa nga naitutusok."Nakikita niyang galit na ito at halatang nauubusan ng pasensiya. Huminga siya ng malalim at saka pumikit. Muntik pa siyang mapatalon nang maramdaman ang hapdi sa ginawa ng lalaki.Hanggang sa tuluyan na nga nitong nabutasan ang kanyang tainga. Ngayon ay tatlo na ang hikaw niya.Ramdam niya ang pagpintig ng namumula niyang tainga. Marahan niya itong hinawakan pero namamaga na iyon at masakit magalaw."Ano? Sa kabila naman?" tanong ni Elijah na hinahanda ang pares ng hikaw sa piercing gun.Balak kasi nitong tadtarin ang tainga niya ng mga butas upang malagyan ng mga silver na alahas."Sa susunod na linggo, lagyan natin pati navel mo.""Kailangan ba talaga 'yan?" alanganing tanong niya."Oo. Kailangan. This will serve as your shield against those monsters. Silver will burn their skin if t
CHAPTER 8 NAPA-ANGAT ANG ULO niya at lumantad sa harapan ang isang lalaking itim lahat ang kasuotan. Ito ba ang kinatatakutan nila?Tanging sila na lang ang nandoon. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Animoy parang hindi yumayapak sa lupa ang mga paang kay gaan maglakad.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Hindi niya alam pero nanindig ang mga balahibo niya sa katawan, lalo na sa bandang batok.Matangkad ang lalaki at may matipunong katawan kahit pa nasa early twenties palang ito. Gayon pa man, mamula-mula ang mga bibig nitong napakaganda ng hugis, na umaangat dahit sa kaputlaan ng balat nitong parang wala nang dugo. Dinaig na din ata nito ang kaputian ng isang taong anemic. Patalim nang patalim ang pagtingin ng mga mata nitong litaw ang halos kulay gintong bilog dahil sa pangingitim ng gilid nito. Light brown din ang maalon at medyo magulong buhok nito. Para bang may lahi itong iba.Ang kabuuan nito'y sumisigaw ng panganib.Kung titignan, maayos
CHAPTER 9 "DOCTOR LUKE CUEVAS?" bulong niya sa lakas na hindi maririnig ng sino man. Maski siya.Hindi siya pwedeng magkamali. Madilim man ang paligid ay nakikita pa din niya kung sino ito. Bagamat kakaiba ito sa normal na hitsura ay ito din ang doctor.Napakakinang ng magaganda nitong mga mata na litaw ang kulay na pula. Tumutulong mula sa kamay nito ang pulang likido na malamang ay dugo. Bahagyang tumataas ang mga balikat nito na para bang kaylalim ng paghinga.Isa itong bampira?Humakbang siya upang tiyakin ang kanyang hinuha ngunit agad itong tumalikod upang umalis. Ngunit bago pa man ito makalayo, pinatamaan na niya ang balikat nito ng silver na bala.She can hear him groaned in pain as he stopped to give her his sharpest stares that could kill. Saglit lang ito ngunit nagtuloy din sa pagtakbo. Dahil nga sa ibang nilalang ito, mas mabilis pa ang naging takbo ng lalaki sa bilis na hindi na niya kaya pang habulin.Sakto namang dumating ang tinawagan n