LOGINSobrang lakas ng ulan pero ayaw na bumalik ni Aragon sa kubo. Ayaw niyang makita si Olive. Naiinis siya dahil sinamantala nito ang ipinakita niyang kabaitan at pag-aaruga dito. Alam niyang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa pamilya nito kaya nagawa niyang maging mabuti rito. Bukod pa rito, matalik na magkaibigan ang mga pamilya nila kaya’t pamilya na rin ang turing niya kay Olive. Subalit iba ‘yata ang nais nito. Gusto ni Olive na palagi lang siyang nasa tabi nito. His marriage to Luna is already planned. His future is set. And because of that, he no longer wants anyone telling him what to do—or whether he should change any of it. Kahit na si Olive pa ‘yan...Naglalakad si Aragon sa gilid ng kalsada, basang-basa, pero wala siyang pakialam. Kahit kumakapit na sa balat niya ang lamig, tuloy-tuloy lang siya.Humigpit ang panga niya habang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari.“Damn it…” mariin niyang bulong.Hindi niya matanggap.Hindi niya matanggap na kayang g
Ngumisi ako ng bahagya. “Kuya Aragon?” tawag ko sa kaniya. Wala akong natanggap na tugon. Fine.Kung ayaw mong magsalita, ako na ang kikilos.Dahan-dahan akong lumapit para tumabi sa kaniya. Hindi ako tumalikod, nakaharap ako sa kaniya. Pinagmasdan ko siya sandali. Walang pagbabago. Gwapo pa rin. Nakakainis pa rin.Unti-unti akong gumalaw palapit sa kaniya hanggang sa halos magdikit na ang mga braso namin. Wala pa rin siyang reaksyon.“Kuya Aragon…” mahina kong tawag.Walang sagot.Tulog na ba?O nagpapanggap?Bahagya akong ngumiti.Mas mabuti.Dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko hanggang sa tumabi ako nang tuluyan sa kaniya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya kahit may manipis na pagitan lang ng hangin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi ako tumigil. Inilapat ko ang ulo ko sa balikat niya at sumandal ako. Tahimik.Walang galaw.Kaya mas lalo akong naging kampante.“Wala ka namang gagawin, ‘di ba?” bulong ko sa sarili ko.Hindi ko alam kung para sa
HINDI napaki-usapan ni Ninang Cherry ang Principal sa Carmelo University. Hindi sila pumayag na ibalik ako dahil may sinusunod na rules and regulations ang school at kasama doon ang pag suspinde sa mga lumalabag sa batas ng school. Suspended ako ng 2 weeks! "Mom, Dad. May gagawin kaming research ngayon at mas gusto ng mga ka-group ko na dito kami sa bahay gumawa." Nabaling ang isip ko sa nagsalita at hindi ako nagkamali. It was Aragon. Mukhang may group research sila. Naririnig ko ang boses niya mula sa Garden. Tatlong araw na ang lumipas, tatlong araw na hindi man lang ako kinausap ni Aragon. Para sa kanya, isa lamang akong hangin na dinadaan-daanan. Pasimple akong sumilip mula sa bintana upang hindi nila mahalata ang presensya ko. Umupo sila sa nakapabilog na upuan sa round table. May isang laptop at mga papers ang nakalagay sa table. Mukhang puspusan ang aaralin nila ngayon. Palayo na sana ako ng makita ko si Luna. Kararating lang niya at diretso siyang naupo sa tabi ni Arago
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses na iyon. Hindi ako nagkamali sa boses na pabebe at matinis. Umasim ang mukha ko ng makita ang kabuan ng isa pang plastic. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy ako sa ginagawa kong pagdampot ng mga tuyong kahoy. Hindi siya nag-iisa. Kasama niya 'yung mga ka-group niya na abala sa gawain nila. Inaaksaya niya ang oras para sa akin? Tanga! Pinalandas niya ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa, bago ulit magsalita. "Wala kang ka-group? Bakit? Siguro kasi ayaw nila sa'yo, no?" Maarte niyang sabi. "Puwede ba, Kiana? Wala akong panahon sa'yo. Sayang ka lang sa oras ko." Prangkang usal ko. "Oh, really?" Tumango-tango ako habang may pekeng ngiti at nilampasan ko siya ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng magsalita siya ulit na nakapagpatigil sa akin. "Alam mo bang ilang araw akong grounded because of you?" Inis na akusa niya. Napakunot-noo na lang ako sa pang-aakusa niya. "At bakit ko naging kasalanan?"Pinagkrus niya ang braso sa tap
“Ninang Cherry, alam po ba ninyo kung nasaan si Kuya Aragon?” Tanong ko kay Ninang. Sabay kaming nag-aagahan at napansin ko, wala si Aragon. Where is he? Sumimsim ng kape si Ninang Cherry, bago sumagot. “Nagpaalam kanina. Ang aga nga niya, e. Ang sabi niya lang may lakad daw sila ni Luna.” Masaya ang naging gabi ko, pero mukhang mawawala sa mood dahil wala si Aragon. Kahit kailan talaga, epal sa buhay ko si Luna. Wala kaming pasok ngayong Lunes dahil may seminar ang mga Professor at kagabi ko pa iniisip, pagkakataon ko na para tanungin si Aragon kung may babae ba siyang nagugustuhan. Kasi kung wala, aamin ako at kung meron naman. Argh! Aamin pa rin ako. Malay mo, meron akong pag-asa, ‘di ba? Seriously, Olive? Paano ka ba nakakasiguro? Pagtatanong ko sa sarili ko. Ngayon lang ako nabaliw sa isang lalaki ng ganito. “Olive? Are you okay?” Pukaw ni Ninang sa magulo kong isip. “I’m fine, Ninang.” Tumaas ang isang kilay niya at tiningnan ang hawak ko. “Look, nilalagyan mo ng margar
"Olive." Tawag pansin ni Ninang sa akin. Nilingon ko si Ninang. "Bakit po?"Nararamdaman ko na parang may gustong sabihin sa akin si Ninang. It's Sunday and I'm here in the garden, with Ninang Cherry. She invited me to have breakfast here in the garden. We are sitting at a small table, in the middle of the garden, enjoying our breakfast. May pag-aalinlangan siya, kaya naman ngumiti ako para ma-assure na okay lang sa akin na magsabi siya ng kung ano man ang gusto niyang sabihin at iparating sa akin. “Ninang, ano po ang gusto ninyong sabihin?” Ninang inhaled deeply. "I suggest that you consult a medical professional for advice and treatment. Gusto ko maayos ang nararamdaman mong bigat. Alam kong mabigat pa ang pakiramdam mo at may trauma ka sa nangyari sa mga magulang mo. Napag-usapan namin na baka makakabuti kung may titingin sa’yo para maging maayos ang pakiramdam mo." Hindi ako nakapagsalita kaagad. Alam kong kaya niyaya ako Ninang ay dahil sa gusto nila akong ipa-check up. Narin
Nasaan sila? Ibig sabihin, hindi sila umuwi kagabi? “Baka po sinusulit nila ang pagdalaw sa Maynila-” “Hi, Mom.” Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Aragon... Lumapit si Aragon kay Ninang at nagmano siya. Automatikong napaharap siya sa akin. Shit! Bakit ba ako nakakaramdam n
WALA sa sarili at panay ang tango ko lang habang nagkukwentuhan si Aragon at ang mga kaibigan niya. Sinasakyan ko na lang iyon sa pamamagitan nang pagtango-tango ko at pag-ngiti ko ng peke sa kanila. Hindi kasi talaga ako sanay na maraming kasama at maingay. Hindi ko na rin gustong kumilala ng iba.
I LAZILY got up from my bed when I heard someone knocking and calling me at the door. Balak ko sanang baliwalain na lang iyong kumakatok at pilitin ang sariling matulog pero alam kong hindi rin naman ako tatantanan nito kahit magbingi-bingihan pa ako. Mas lalo lang nila akong kukulitin. Binuksan ko
Ikatlong araw na ngayon at kahit pa paano ay may pagbabago sa kalagayan ni Mom. Responsive na siya dahil sa tuwing kakausapin ko siya iginagalaw niya ang kanyang daliri. Si Dad naman, wala pa rin sa sarili niya. Mas napuruhan siguro sa aksidenteng nangyari kaya ganoon. Dumating ang mga pulis at sina







