LOGINThird Person’s Point of View
“Mr. Del Valle, the clients from Singapore are waiting in the conference room.”
Dave nodded coolly, adjusting his cufflinks as he strode down the hallway. Crisp white shirt, polished shoes, confidence in every step—parang commercial ng luxury watch. Employees straightened up when he passed, but the real hush fell when another pair of heels clicked behind him.
Daphne Wilson.
She swept in like she owned the building, cream suit hugging her frame, red lipstick screaming power. Ang mga empleyado, agad na bumati, “Good morning, Miss Wilson,” with smiles bordering on worship. If Dave was the king, Daphne was the queen everyone already accepted.
Ayah watched from her desk, pen tapping against her notepad. “Ay wow. Barbie in real life. Kung may coronation sa office, siya na ang naka-sash at crown. Queen of Everything, pati printer siguro luluhod sa kanya.”
Siyempre, jackpot si Ayah—kasi siya ang coordinator na assigned kay Daphne. Out of all employees, siya pa talaga. “Lord, ito ba ‘yung tinatawag na malas in disguise?”
Later that day, Ayah trailed behind Daphne with a stack of files. Dave was walking beside them, a casual smile plastered on his face.
“Daphne, thanks for dropping by,” he said smoothly.
“I thought I’d surprise you,” Daphne replied, voice calm but commanding. “Besides, I should always remind you why I invest in this company.”
Ayah forced a neutral expression, but her inner voice was screaming, “Pa-surprise daw. Eh sana nagdala ng ensaymada, hindi presensya.” she rolled her eyes behind Daphne letting Dave witness kung paano siya makipag-plastikan sa sugar business woman nito.
In the pantry, two employees whispered:
“Bagay na bagay sila, no? Miss Wilson and Mr. Del Valle.”
“Parang power couple. Ang lakas ng aura.”Ayah sipped her coffee, rolling her eyes. “Power couple? Eh ‘di wow. Baka pati electricity, sila na rin ang supplier.”
Pero nang marinig niya yung, “Ma’am, nagsabi raw na nag-dinner sila last week,” her grip on the mug tightened. “Dinner? Sure. Baka pati dessert, kinain din. Congrats, queen.”
Time ran so fast at gabi na, Dave leaned on her office doorway.
“Working late again, Miss Cruz?”
Without glancing at him, she muttered, “Some of us actually work, Mr. CEO. Hindi puro gala at dinner.”
His smirk deepened. “Dinner, huh?”
Ayah finally looked at him, arms crossed. “Or should I say… Daphne?”
“Jealous?”
She scoffed. “Of what? Lipstick stains? Hindi ako mahilig sa collectibles.”
Dave chuckled. “But you noticed.”
Ayah narrowed her eyes. “Everyone noticed. Sir, you’re too obvious.”
For a second, Dave laughed under his breath, clearly entertained. “Still feisty.”
And then, out of nowhere, Ayah blurted, “Alam mo, ‘di ka naman ganyan kagaling mag-English nung una. Kairita ka.”
Dave blinked, then laughed, shaking his head. “What does that even have to do with this conversation?”
Ayah suddenly giggled, covering her mouth. “Ewan. Nairita ako sa’yo, okay? You have no choice, so deal with it.”
Dave tilted his head, studying her, his smile softening in a way that unnerved her. “Still the same Solene,” he murmured.
Ayah rolled her eyes, trying to shake off the weird flutter in her chest. “Still the same pain in the ass,” she shot back, though the corners of her lips betrayed her as they curved into a reluctant smile.
Then she grabbed her bag and brushed past him. “Umuwi ka na, Mr. CEO. The queen might be waiting.”
As she marched down the hall, she whispered to herself, “Sana sumabit ‘yang necktie mo sa pinto.”
The days blurred, filled with meetings, Daphne’s demanding presence, and Dave’s teasing smirks. At first, Ayah thought she was just stressed—pero lately, mas mabilis siyang mainis, mas sensitive siya, at minsan bigla na lang siyang natatawa kahit walang joke.
“Grabe, mood swings ba ‘to o possession? Kung hindi hormones, baka multo.”
One day while at the meeting room, dumating si Daphne in another power suit, this time bright yellow. Employees immediately gushed, “You look amazing, Miss Wilson!”
Ayah’s jaw clenched. “Wow, highlighter edition. Kumpleto na yata rainbow collection niya. Next week, baka violet na with a matching magic wand.”
Then Daphne leaned toward Dave, whispering something that made him chuckle. Ayah almost rolled her eyes out of their sockets. “Ay nako, kung pwede lang ipasa sa akin yang joke na sinasabi mo, ihahalakhak ko nang malakas. Feeling mo ikaw lang nakaka-entertain sa kanya?Eh, ako nga apple of the eye ng siraulong ‘yan.”
At hindi pa natapos doon. “Miss Cruz,” Daphne said sweetly, handing her a folder, “make sure the tabs are color-coded. I prefer pastels.”
Ayah forced a smile. “Of course, Miss Wilson.” Pero sa loob-loob niya, “Pastels? Ano ‘to, art project sa kindergarten?”
Pagkatapos ng meeting, umalis agad si Daphne na nag-iwan pa talaga ng matamis na halik sa pisngi ni Dave.
After that some time, Dave walked beside her. “You were quiet today.”
Ayah snapped, “Because if I open my mouth, baka masabi kong hindi ka naman ganyan ka-fluent noong ako’y nag-aaral pa. Kairita kayong pareho! Lumayo ka nga, nangangamoy kang sunog na karne!”
That night, inihatid pa rin siya ni Dave sa apartment niya. Pero bago ‘yon, nagpadaan muna siya sa botika dahil lately stressed na ata ito sa work, kaya naman bumili ito ng stress tabs but ended up buying something making Dave not notice it.
Nakaupo itong mag-isa sa kusina ng apartment, hawak-hawak niya ang isang maliit na kahon na kanina pa niya tinititigan, hindi makapaniwala. Nanginginig ang mga kamay niya habang binuksan iyon, ramdam ang kaba na parang sasabog ang dibdib niya.
At doon nagsimula. Pumasok siya sa banyo upang gamitin ang test kit, then after some minute…
Ayah sat frozen, staring at the pregnancy test in her trembling hand.
Clear. Bold. Two red lines.
Her knees buckled. “No… no, no, no…” she whispered, voice cracking. Tears blurred her eyes.
Pero kahit nanginginig, hindi niya napigilang magbitaw ng sarcastic thought. “Congrats, Ayah. From secret fling to… secret baby. Next level ka, girl.”
She laughed shakily, half-hysterical, half-terrified. Covering her face, she muttered, “Lord… please tell me this is just an expired kit. Kasi kung hindi… paano na ‘to?”
And just like that, the girl who swore she’d never fall again was staring at a future she never signed up for.
Dave Lorian’s Point of ViewMatagal ko nang hindi naririnig ang sarili kong boses. Hindi ‘yung ginagamit ko sa meeting o sa conference, kundi ‘yung totoo. ‘Yung boses na marunong umamin.Isang umaga, habang nakaupo ako sa veranda, may lumang frame akong nakita sa isang istante — ako, si Daddy Lau, nasa harap ng kotse, parehong nakangiti. Hawak niya ‘yung balikat ko, sabi pa sa likod ng litrato…To my son, who will build something great one day.Pinikit ko ang mata ko. “Sorry, Dad.”Hindi ko alam kung ito ba ‘yung “great” na tinutukoy mo. Kasi kung basehan ay pera, oo, siguro.Pero kung ang basehan naman ay katahimikan,
Dave Lorian’s Point of ViewKinabukasan, mas maaga akong nagising kaysa sa araw. Sa veranda, may manipis na ulap na bumabalot sa paligid, at sa malayo, tanaw ko pa rin ang Taal Lake — kalmado, parang wala talagang nangyari. Kinuha ko ‘yung kape na inihanda ng isa sa mga caretaker, si Mang Lando.“Good morning po, Sir Dave,” bati niya, nakangiti. “Ang tagal n’yo pong hindi nakadalaw. Akala namin, di n’yo na babalikan ‘tong lugar na ‘to.”Ngumiti ako nang mahina. “Matagal din, opo.”Tiningnan ko ang paligid — malinis, maayos pa rin kahit halatang luma na ang ilang bahagi. “Kamusta po kayo rito?”“Pareho lang po, sir,” sagot niya, habang pinupunasan ‘yung mesa sa veranda. “Wala naman pong masyadong nabago simula nang mawala si Sir Lau.”Tahimik ako saglit.“Lagi pa rin po naming inaasahan na babalik kayo,” dagdag niya, “kasi sabi ni Sir Lau noon, ‘Pag bumalik si Dave dito, ibig sabihin gusto na niyang magpahinga.’”Ngumiti ako, pero ‘yung ngiti, mabigat. “Gano’n ba?”“Opo. Lagi n’yang si
Dave Lorian’s Point of ViewMaaga pa lang, gising na ako.Pero hindi dahil nakatulog ako nang mahimbing, kasi wala naman akong tulog. Buong gabi akong nakatingin sa kisame, pinakikinggan ‘yung katahimikan ng bahay. Tahimik, pero parang sumisigaw.Sa bawat segundo, paulit-ulit kong naririnig ‘yung sinabi ni Ayah kagabi.“Baka itong lahat ng meron tayo, matagal nang palabas din.”Paulit-ulit. Hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako mas nasasaktan, sa hiya, o sa katotohanang baka nga totoo ‘yung sinabi niya.Bumangon ako, dumaan sa kusina. Walang tao. Walang iniwang almusal, walang note. Tiningnan ko ‘yung mesa, ‘yung upuang madalas niyang inuupuan tuwing umaga, parang ang layo na. Hindi ko alam kung gaano kalayo ‘yung malayong-malayo, pero sigurado akong hindi ko na siya abot.Huminga ako nang malalim, sabay tingin sa paligid. Lahat ng bagay dito, pamilyar, pero wala nang init.“Siguro, oras na talaga para umalis.”Pumasok ako sa kwarto, binuksan ang malaking maleta. Sinimulan kong il
Dave Lorian’s Point of ViewAng hirap magkunwaring maayos kapag alam mong hindi na. Buong araw akong nasa opisina —may bukas na laptop, may hawak na reports, pero ni isang linya, wala akong natapos. Ang dami kong gustong gawin, pero mas marami ‘yung ayaw ko nang simulang isipin.Sa labas ng glass wall, abala ang mga tao. Lahat nagmamadali. Pero ako, parang nakaupo lang sa gitna ng buhangin habang lahat sila lumilipas.Tumunog ang telepono, may sunod-sunod na email notifications, pero wala na akong pakialam.I leaned back, closing my eyes. “Ganito na ba talaga ‘yung punto ng buhay ko? Abala pero walang direksyon.”Hanggang sa mapansin kong hapon na pala. Wala pa rin akong nagagawa. Tumayo ako, kinuha ang coat, at huminga nang malalim.“Uuwi na lang ako. Baka ro’n, kahit papaano, tahimik.”Paglabas ko ng office, dumaan ako sa department ni Ayah — hindi ko alam kung bakit. Maybe gusto ko lang makita siya, kahit sandali. Kahit ilang segundo lang.Pero pagdating ko ro’n, wala na siya. Empt
Dave Lorian’s Point of ViewFew days have passed, pagpasok ko sa opisina, tahimik lang ang paligid. Wala ‘yung karaniwang ingay ng mga staff na nagmamadali, wala rin ‘yung malalakas na tawanan sa lobby. Baka dahil maaga pa. O baka dahil ramdam nila ang bigat ng hangin ngayon.Pagdating ko sa executive floor, sinalubong ako ni Karen, my newly hired secretary because Ethan just resigned, mag-a-abroad daw.“Good morning, sir,” bati niya, mahina pa ang boses.“Morning,” sagot ko lang habang tinatanggal ang coat. “Any updates?”“May meeting po kayo with the board at nine. Then a lunch appointment with the Del Monte group—pero tinawagan po ni Ma’am Daphne kanina, mukhang gusto niyang ipagpaliban muna kasi may press conference siya for the foundation project.”Tumango lang ako. “Cancel the lunch. I’ll stay in the office.”Medyo nagulat siya. “Sir? Hindi po kayo sasama kay Ma’am Daphne?”“No need,” sagot ko. “Let her handle it.”Tahimik na tumango si Karen at lumabas. Pagkapasok ko sa loob ng
Dave Lorian’s Point of ViewPagdating ko sa bahay, madilim pa rin ang paligid. Tahimik. Walang ilaw sa gate, walang tunog ng telebisyon, walang yabag ng tao. Eksaktong gano’n ang gusto ko—katahimikan na bihira kong maramdaman sa araw-araw na puno ng mukha at boses ng mga taong kailangan kong pagbigyan.Ipinarada ko ang kotse at ilang minuto lang akong nanatili ro’n. Mas madaling sabihing pagod lang ako kaysa aminin na may dala akong mas mabigat pa sa trabaho.Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng amoy ng niluto ni Ayah. Sa mesa, may isang mangkok na tinakpan ng plato, may nakasulat na maliit na note sa tissue,“Kumain ka, kung guto ka.”Napangiti ako kahit napakalamig. Simple lang, pero tinamaan pa rin ako sa gitna. Hinaplos ko sandali ’yung sulat bago ko itinabi. Hindi ako kumain. Hindi ko kaya. Mas mabigat ’pag busog ang sikmura pero gutom ang konsensya.Umakyat ako sa taas, tahimik na tahimik ang bawat hakbang. Pagdaan ko sa room ni Ayah, bahagya kong binuksan ang pinto. Dim lang







