Share

Walang Kapalit
Walang Kapalit
Penulis: Black_Angel20

KABANATA 1

"AYUSIN MUNA ninyo ang mga bakod na dinaanan ng mga kabayo ng makalabas sa mga kuwadra kanina. Mukha kasing kailangan ng matinding pagsasaayos dahil sa insidente." Utos ni Lexi sa kanyang mga tauhan.

"Opo ma'am,"

"Nandito na po si Hultor ma'am. Sa may dayamihan ko natagpuan." Sigaw ni Gaston na hilang-hila ang kabayong may magandang klase bago ipinasok muli sa kuwadra nito.

"Itali mo ng maayos Gaston!"

"Opo!"

Muli ay binalingan ni Lexi ang iilang mga tauhan na siyang matuturong salarin sa nangyaring pagwa-wild ng mga kabayo kaya nagmukhang racing arena ang rancho kung isusuyod niya ang tingin sa kabuuang lugar. Kagagaling niya pa lang sa anihan ng mga gulay sa farm at pagod na pagod siya ng itinawag ni Maleng ang insidenti o sadya mang ginawa iyon para magkaganoon ang mga hayop sa rancho. Ikiniskis niya ang dulo ng bota sa lupa at hawak ang latigo ay malakas niyang inihampas iyon sa gilid ng puno kung saan siya nagpatawag ng pagtitipon.

Napaigtad ang lahat. Wala siyang balak manakot. Pero kapag ganitong pagod siya at may masamang balitang darating sa tainga niya ay talagang tumataas ang presyon niya.

"Sino ang salarin sa nangyaring ito ngayon dito sa Rancho?"

Walang nagsalita. Lahat nakayuko at pinakikiramdaman lang siya. Nang makabalik si Gaston galing sa kuwadra ni Hultor. Ang huling kabayo na naibalik sa kulungan ay pumila rin ito katulad ng mga kasamahan. "Walang magsasalita?" Her patience is wearing thin. Tumaas ng bahagya ang kilay niya nang makitang may nagtaas ng kamay sa dulo kaya kinailangan niya ang tumingkayad para makita ang kabuuang mukha niyon.

"Sino iyang nagtaas ng kamay?" Tanong niya. Struggling to see who it was dahil kahit ano pa man ang kanyang gagawin ay nahihirapan siyang makita ang mukha nito. Lahat ng mga tauhan niya ay biniyayaan ng tangkad. Samantalang siya na 5'2 ay nagmukhang duwende kapag ang mga ito ang kaharap.

"Kung sino ka mang nariyan sa dulo. Pumunta ka ngayon dito sa harapan ngayon din!"

"Okay," shocked. Napapantiskuhan si Lexi sa magaspang, at baritonong boses ng lalaki. Parang naglikha iyon ng kakaibang musika sa tainga niya dahil bukod sa fluent ang salita. Pakiramdam ni Shyra ay tunog banyaga ang boses nito. Nahawi ang iilang mga tauhan niya para bigyan ng daan ang lalaking—ewan niya kung bakit ganoon na lang kalakas ang hatak ng karisma nito habang naglalakad palapit sa kanya. He would passed as a ramp model ng kahit anong endorsement product dahil swak ang mga muscles nito na hapit sa suot na long sleeve jacket. He has a broad shoulder too. Gusto ni Lexi ang lunokin ang sariling laway na sunod-sunod niya nang ginawa dahil kakaiba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

Hindi niya pa rin nakikita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan iyon ng sumbrero na yari sa rattan. Pero gayunpaman, sa lahat ng mga tauhan niya. Ito lang yata ang may karisma.

Umiling si Lexi. Hindi siya pwedeng malinlang sa physical na anyo. Kung tutuusin ay natatakpan ang mukha nito. She should never expect big dahil baka ma-dissappoint lang siya kapag aalisin na nito ang sumbrero sa ulo.

Nabalik siya sa reyalidad ng makarinig ng eksaheradong tikhim.

"Nandito na ako ma'am." Yaman lang din. Si Lexi lang yata ang nakapansin sa sarkasmo ng banggitin nito ang huling salita. Nanliit ang mga mata ni Lexi. How come this man was so confident to act like that in her front. Taas noo siyang humakbang palapit dito na sana ay hindi niya ginawa dahil nagmukha talaga siyang ewan habang nakaharap sa lalaki.

Urg! Bakit nawawala ang poise niya bigla?

"Hubarin mo ang sumbrero para makita ko ang mukha mo." That was a command.

"What If I won't?" Kumpirmado. Hindi ito pangkaraniwang tauhan lang. Kadalasan sa mga tauhan niya'y nakakaintindi man ng Ingles. Ngunit walang maglalakas loob na bigkasin ang lengguwaheng iyon sa takot na baka mapuna at matukso pa ng kung ano-ano. Pero ang lalaking ito ay kakaiba.

"Are you challenging me?"

"If you feel like it. Then, are you really challenged?"

Napasinghap si Lexi. Lumagpas ang tingin sa iilang mga tauhan niya na mangha at gulat ang nakabalandra sa mukha ng mga ito. Mukhang ang mga ito man ay walang ideya kung sino at ano ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Lexi scoffed. Ayaw na ayaw niya ang mapahiya sa mga tauhan. Inangat niya ang kamay para alisin ang sumbrero nito dahil naiinis na siya nang biglang hinawakan ng lalaki ang pulsohan niya. Tila siya nakuryente. Hindi masakit ang pagkakahawak. Sapat lang para maramdaman niya ang ipinarating nitong pambabanta.

"Not my hat."

Saglit siyang nawalan ng salita. Kanina lang ay ang tapang-tapang niya. Pero isang salita lang ng lalaki ay tila nahihipnotismo siya. Sapat bang dahilan iyon para mawala siya sa katinuan? Damn it. Wake up Lexi! Tauhan mo lang ang lalaking iyan.

"Hindi ka na nakaimik. Are you scared? Inamin ko ng ako ang may kagagawan ng nangyaring iyon kanina. What would you do now? Punish me? Sure!"

Walanghiya!

"Gaston! Tawagin mo ngayon si Maleng at pakisabi na may marahas na lalaki dito at walang modo bilang isang tauhan lang." Ngunit hindi agad kumilos si Gaston.

"Gaston!"

"Ha? A-ano po iyon ma'am?"

Napapalatak siya sa iritasyon. Hindi lang pala siya ang nahipnotismo ng lalaki dahil maging ang iilang mga tauhan rin niya.

"Xorxell! Xorxell!"

Lahat sila ay napalingon sa bagong dating. Suot ang mamahaling business attire. Ang mga tauhan niya ay nakilala agad ang lalaki. It was Richard Diaz. Ang kaibigan ng kanyang ama. "Lintek kang lalaki ka. Kung saan-saan kita hinanap e nandito ka lang pala." Tinalon nito ang iilang mga bakod na nakaharang bago inangat ang tingin sa kanya. Ngumiti at nagbigay galang.

"Magandang araw binibining Lexi. Sinusundo ko na ang pamangkin ko."

Pamangkin? Kumunot ang noo niya. Gusto niyang sabihan ang bagong dating na baka nagkamali lang ito ng nakita pero humarap ito sa lalaking nasa harapan niya. Noon lang rin niya napansin na naalis na ni Richard Diaz ang sumbrero ng lalaki kaya gustong mangisay ni Lexi sa lupa dahil...laglag ang panga niya nang makita ang kabuoang mukha ng lalaking matigas pa sa bato para hindi sundin ang utos niya. Nagpang-abot ang mga kilay nito na nakatingin na rin kay Richard Diaz.

"I'm telling you not to messed my hat."

"At bakit? Kung saan-saan na kita hinanap. Pati sa gas stove ay nahalungkat ko na. Come on Xorxell!" Binalingan siya ni Richard at humihingi ng dispensang nginitian siya. "I'm sorry for my nephew's action Miss Montejano. Masyado lang talaga siyang explorer sa mga bagay-bagay."

"Uncle. Alam mo ang dahilan kung bakit nandito ako—" pinanlakihan nito ng mata ang lalaking tinawag nitong Xorxell. "Still you trespassed on their territory. Tara na kay Jeric. Natitiyak ko na masaya ang kaibigan kong iyon na makita ka." Richard was referring to her father. Isa lang ang kahulugan niyon. Bisita rin niya ang lalaki? Shocked. Lexi was now eyeing the man's back na wala man yatang pakialam kung gaano kasexy iyon kahit hanggang sa pang-upo. Lihim na nakagat ni Lexi ang labi dahil talagang kay gwapong lalaki na iyon na may pangalang Xorxell.

"Paano siya napunta dito sa rancho gayong bisita mo pala siya ma'am? Akala ko nga kanina ay bagong salta. Magaling namang magmanipula ng kabayo. Duda ko na hindi siya ang may kagagawan kung bakit naging marahas ang mga kabayo kanina." Untag ni Gaston.

"At sino ang may sabi sa'yong magbigay ka ng persepsyon Gaston?"

"Sabi ko nga ma'am. Hindi na."

"P-pasensya na 'ho ma'am Lexi," nabaling ang tingin niya sa medyo may katandaan ng tauhan niya na si Mang Armand. "Ako po ang huling tao na nandito sa kuwadra pero hindi ko po alam kung bakit nagwild nalang ang mga kabayo bigla. Ang lalaking iyon ay naagapan niya ang iilang mga kabayo pero ang iilan ay dumaan na sa bakod para maglayas at maglaro."

"So sinasabi mong ang lalaking iyon ay walang kinalaman sa nangyari?"

Tumango ang matanda. "Hindi ko nga po alam kung bakit mas may alam pa siya kaysa sa'kin pagdating sa pagpapaamo ng kabayo." Dagdag nito. "Patawarin 'ho sana ninyo ako ma'am."

Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para hindi patawarin ang matanda. "O siya! Walang problema. Sa susunod Mang Armand. Kung hindi mo kaya. Huwag ka nalang magpresentang pakainin ang mga kabayo okay?"

"Opo."

Ipinalakpak niya ang mga kamay. "Balik sa trabaho! Ang mga baka, kalabaw at kambing. Pakiayos na rin ang bakod."

"Opo ma'am!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito bago kanya-kanyang tumalikod para bumalik na rin sa trabaho. Ngunit buong maghapon ay nanariwa pa rin sa sistema ni Lexi ang boses ng Xorxell na iyon. Gusto niyang palakulin ang sarili dahil nagmistulang sirang plaka ang boses ng lalaki sa tainga niya. Nagpupuyos siya sa galit. Hindi pwedeng dahil lang sa lalaking iyon ay magkakaganoon na siya. Hah! Ano ang lalaking iyon siniswerte?

"Ma'am Lexi!"

"O ano?"

"Sa likod nyo po!" May itinuro ang tauhan niyang kakaibang bagay sa likod kasabay ng pagdagundong ng dibdib niya ng makita ang malaking kabayo na si Hultor na paparating sa kanyang direksyon.

Hindi agad nakagalaw si Lexi dahil nagulat siya. Kung anoman ang binabalak ng hayop ay tiyak. Katapusan na ng buhay niya.

"Ho! Ho! Ho!"

Nagslowmotion ang takbo ng kabayong si Hultor na kalaunan ay naglakad na lamang ito. She was even capable of catching her own breath nang marinig ang boses ni Xorxell. Haplos nito ang mukha ng kabayo paitaas sa mga mata at ang kaliwang kamay ay may hawak na latigo. Suot pa rin nito ang long sleeve jacket kanina. Wala ng sumbrero na nakapatong sa ulo. Kaya ang makitang ganoon ang kabayo sa lalaking ito. Sigurado si Lexi na may alam nga ito sa pangangabayo. Walang sinoman ang makapagpaamo kay Hultor. Tanging ang ama niya lang at si Gaston.

Nang biglang humarap si Xorxell sa kanya. Humakbang palapit at naroon sa mukha nito ang aroganteng awra at kayabangan. Parang ipinaparating nito sa kanya na hindi sa lahat ng bagay ay siya lamang ang may alam. Sa palaisipang iyon. Umahon na naman ang galit ni Lexi sa didbdib. At iritasyon para sa sarili dahil abnormal na yata ang tibok ng puso niya.

"Bakit parang natatakot ka sa alaga mo? Di'ba dapat ay magaling kang magmanipula ng kabayo dahil may-ari ka nga sa rancho na ito?"

Umaandar na naman ang consciousness niya sa sarili. Gayunpaman, hindi si Lexi nagpadaig. Pinameywangan niya ang binata at malditang inirapan si Xorxell.

"Porket may-ari ay dapat ng walang kinatatakutan?"

"Oo nga pala. Hindi ka nga halatang natakot kanina ng hinampas mo ang hawak na latigo sa puno. Maangas ang dating mo pero..." Sinadya talaga nitong bitinin siya.

"Pero ano?"

"Mukha kang kuting na takot lapain ng tigre nang makitang tumatakbo si Hultor papalapit sa'yo. Tanggal angas mo. Hindi ka na astig sa'kin,"

Tumalikod ito at muling hinaplos ang pisngi ng kabayo bago tinawag si Gaston para muling ipasok si Hultor sa kuwadra. Sa iritasyon ay tinakbo niya ang distansya sa pagitan nilang dalawa at handa ng sipain ang likuran nito ng biglang humarap si Xorxell dahilan kung bakit tumama ang kamao niya sa matipuno nitong dibdib.

Nanlaki ang mga mata ni Lexi. Sandali pang pakiramdam niyang nakamasid sa kanilang dalawa ang mga tauhan niya. Hindi man lang tuminag ang lalaki. Bagkus, ang pagsinghap lamang nito ang naging daan upang matauhan siya. Binawi niya ang kamay.

"Masakit din 'yon ah." Hinaplos nito ang tinamaang didbdib. "God! May sa lahing boksidor ka yata."

"Sino ka ba at bakit nandito ka sa lupain namin?"

"Hindi mo pa ako kilala? Nasuntok mo na ako't lahat ngayon ka pa lang magtatanong?"

"Kahit pa ingudngod ko iyang mukha mo sa popo ng kambing at kalabaw. Idagdag pa ang popo ng mga kabayo. Wala akong pakialam kung kaninong matris ka nanggaling!"

"Xorxell Diaz ang iyong lingkod, kupal na binibini."

"Anong—" itinaas niya ang kamay para sampalin ito ulit.

"Hep! Once is enough. Nasuntok mo na ako. Hindi pa naman ako tapos magpakilala mainit na agad iyang ulo mo." Biglang sumeryoso ang mukha nito. Nagdulot iyon kay Lexi ng kakaibang kilabot.

"Naparito ako sa lupain ninyo particularly dito sa rancho upang bilhin ang lugar na ito para gawing pabrika. Ngayon kung magmamatigas ka. Kausapin mo ang abogado ko at sa kanya ka magmakaawang bigyan ka pa ng ilang taon para ayusin ang pamamalakad ng mga tauhan mo dito. Intiendes?"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status