“Anong gusto mong malaman?” kaagad na tanong nito ng makalabas sila ng silid ng ina. Nasa mga mata nito ang matinding kalungkutan at pag-aalala ng mga sandaling iyon. Sa anyong iyon ng lalaki, ibang tao na ang nakikita niya dito. Hindi na ito ang maangas na si Domeng na nakilala niya noon. He’s a very different man right at this moment at hindi pa rin niya mapaniwalaan ang nakikita. Huminga muna siya ng malalim bago nagsallita. “Kailan mo pa nalaman na may sakit si Inay?” tanong niya dito. Marahas na pinaraanan ng mga daliri ng lalaki ang buhok nito. “Matagal na. Nagpasama siya sa aking magpacheck-up dito pagkagaling niya noon sa mansyon. Ang alam ko binigyan mo siya noon ng pera,” tugon nito. Bahagya namang napasinghap si Liana ng maalala iyon. Ang perang iyon ay galing kay Henry at hindi sa kanya. “Pagkatapos noon palagi na siyang nagpupunta dito. Tumigil lang siya sa pagpapacheck-up ng tumira siya sa inyo,” dugtong pa nito ng hindi siya umimik. “Ano pang nalalaman mo tungkol
Ilang beses pa niyang sinubakang tawagan si Henry ng mga sumunod na araw ngunit sa tuwina’y busy ito. May palagay siyang sinasadya talaga iyon ng binata upang iwasan siya at hindi niya alam kung ano ang dahilan ng ipinagkakaganoon nito. Hindi naman niya ito mapuntahan sa hotel dahil sa ospital siya dumederetso upang magbantay sa kanyang ina pagkakalabas niya ng trabaho. Pero ganoon pa man, sinusubukan pa rin niyang i-text ito at tawagan ngunit ganoon pa rin. Hanggang sa hindi na siya nakatiis na puntahan ito. She was expecting na masaya siya nitong sasalubungin, subalit iba ang naabutan niya. Hindi pa man siya nakakapasok ng hotel ng makita niyang palabas ito at may kaakbay na isang matangkad na babae. Nagtatawanan pa ang mga ito at kaylambing sa isa’t isa. At hayon na naman ang puso niyang parang pinipiga sa sobrang sakit. Upang hindi na mas tumitindi pa ang nararamdaman, mabilis siyang tumalikod at nagmamadaling pumara ng taxi at umuwi na sa kanila. Pinakiusapan naman niya si Dom
“Buti pala naabutan ko pa kayo,” ani Domeng ng makita nitong nagkakarga na sila ng mga gamit sa van. Nagtatakang hinarap ito ni Liana. Magaling na ang mga sugat na tinamo nito mula sa mga suntok ni Henry at labis-labis ang paghingi niya ng paumanhin dito. Naintindihan naman iyon ng lalaki at bago sila maghiwalay noon pagkatapos ilibing ang inay niya’y nagpasalamat siya dito sa lahat-lahat ng ginawa nito. “Paano mo nalamang aalis kami?” tanong niya sa lalaki. Nagkibit-balikat ito. “Alam ko lang na iyon ang gagawin mo,” anito sabay abot ng isang kahon sa kanya na lalo niyang ikinapagtaka. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya iyon pagkuwa’y ang lalaki. “Mga gamit iyan na naiwan ng nanay mo. Mas tama lang na ikaw ang magtabi ng mga iyan,” saad nito. Napatango naman siya at tinanggap iyon. “Sige… hanggang sa muli Liana...” at pagkasabi noo’y pinaandar na nito ang motorsiklo at iniwan na siya doon. “Ano daw iyan?” takang tanong ni Aling Perla ng lapitan siya. Sinundan pa nito ng
La Consolacion, seven months later… “Ano ka ba naman Liana… Sinabi ng ako na lang dito,” agad na kinuha ni Jake ang mga papel na bitbit niya. “Kaya ko naman,” aniya at pilit na inagaw sa lalaki ang mga dala-dala. “Anong kaya? Eh tingnan mo nga ‘yan, ni hindi mo na makita ang dinadaanan mo,” anito sabay nguso sa malaki niyang tiyan. Bahagya naman siyang napangiwi at napahawak doon ng maramdamang sumipa ang baby niya. Mabilis naman siyang inalalayan ng lalaki na makaupong muli sa kanyang pwesto. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko… ang tigas kasi ng ulo,” panenermon pa nito. Liana tried to do an inhale-exhale exercise upang mawala ang nadaramang pagod at para marelax sila ng baby niya. Turo iyon ng kanyang doktor. Napapadalas na kasi ang paggalaw nito nitong mga nakalipas na araw at natutuwa naman siya dahil ibig sabihin lang noon ay malusog ang kanyang anak. Nang umalis sila sa Maynila, hindi niya alam na nagdadalantao na pala siya. Lumipas pa ang isang buwan ng makalipat sila saka
Matuling lumipas ang mga araw and Leyra was growing so fast. Her daughter became their source of joy. Walang araw na hindi siya pinatatawa nito dahil sa angking kakulitan nito. She’s now two and a half years old at may kadaldalan na rin kahit na medyo may pagka-utal pa. “Mieeeeeee!” matinis ang tinig na tawag na iyon ni Leyra sa kanya. Sabado ng araw na iyon at wala siyang pasok sa law firm kaya nasa bahay siya.“What is it anak?” agad na tanong niya ng lapitan ito. Katatapos lang niyang magluto ng pananghalian nila. Naabutan niya ang nagkalat na kung ano-anong gamit sa sahig na palagay niya’y hinalukay yata nito sa ilalim ng kanilang higaan. “Kalat… dami ‘dun oh,” anito sabay turo sa kanilang kwarto. Napangiting napailing na lang siya. “Bakit mo naman po kinuha?” aniya at isa-isang dinampot ang mga papel na nasa sahig at ibinalik iyon sa kahon. “Nasaan ba ang Tito Lester mo?” muli niyang tanong sa anak ng harapin ito. “Ewan po…” sagot nito sabay kibit-balikat. “An sabi niya p
“Ate! Ate!” humahangos na tawag sa kanya ni Lester pagdating nito galing sa eskwelahan.Pawis na pawis ito ng lapitan siya habang nagpapahinga. Kakarating niya lang din galing sa trabaho.“Lester, di ba sinabihan na kita na huwag kang masyadong magpapapawis? Alam mo namang masama sa ‘yo ‘yan,” nag-aalalang sabi niya at kaagad na kumuha ng tissue sa kanyang bag at ipinunas iyon dito.“Eh, Ate, wala na naman akong sakit. Di ba nga magaling na ako?” pagdadahilan naman nito.“Kahit na. Masama pa rin sa ‘yo ang matuyuan ng pawis. Baka mamaya n’yan lagnatin ka pa,” giit niya.Hindi naman ito sumagot.“Ano ba iyong sasabihin mo at parang hindi na makakapaghintay pa?” tanong niya maya-maya.Kumibot-kibot ang labi nito at nag-isip sandali.“Lester…” naiinip na saad niya ng hindi ito sumagot.“Eh…” may pag-aalinlangang tugon sabay kamot sa ulo.“Eh, ano?” iritableng ng tanong niya at pinakatitigan ito.Nag-iwas naman ito ng mga mata at sa halip na sumagot, may dinukot ito sa bag at iniabot sa k
Dahil kailangan ng mas maayos na pasilidad para sa operasyon na iyon ni Leyra at wala noon sa kahit saang ospital sa La Consolacion, minabuti itong i-transfer sa mas malaking ospital sa Maynila. Isa ring espesyalista ang titingin dito at mag-oopera kaya palagay ang loob ni Liana na malalagpasan iyon ng anak.Nakapagleave na rin siya sa trabaho upang matutukan ang kalagayan ng anak. Madali naman siyang pinayagan lalo na’t alam ni Mr. Madrigal ang kalagayan niya bilang isang single parent.Naiwan sa probinsya sina Nanay Perla at Lester dahil pumapasok ito at kailangan nito ng makakasama doon. Siniguro naman niya sa mga ito na magiging maayos si Leyra pagkatapos ng operasyon kaya’t napanatag ang loob ng dalawa kahit na papapano.“Mie… blave ako ‘di ba?” tanong ni Leyra sa kanya pagkatapos itong ma-x-ray.Nakangiting tumango naman si Liana. “Oo naman. Ang galing-galing mo kaya.”“Di lin ako iyak. Sabi Tito Lestel siya din ‘di iyak noon eh. Totoo ba ‘yon mommy?” madaldal na tanong pa nito
“Liana you don’t have to explain anything from him,” pigil ni Jake sa kanya na noon lang niya napansin na nasa likuran pala ni Henry.Nabaling naman dito ang atensyon ng binata na kanina pa hindi maipinta ang mukha.“No, Jake… It’s useless kung hindi ko siya kakausapin ngayon dahil alam kong hindi niya rin ako titigilan,” aniya at hinarap muli ang nahihimbing na anak.Masuyo niyang hinalikan ito sa noo pagkuwa’y hinarap ang dalawang lalaki at walang sali-salitang nagpatiuna ng lumabas. Kaagad namang sumunod sa kanya si Henry at naiwan sa loob si Jake na inihatid pa sila ng nag-aalalang tingin.Umakyat sila sa may rooftop kung saan sa palagay niya'y walang tao. Doon malaya silang makakapag-usap kahit magsigawan pa silang dalawa.Si Henry na tahimik lang na nakasunod sa kanya ay pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito dahil sa tuwing magtatama ang mga mata nila, hindi niya iyon makayang salubungin at siya na rin mismo ang nagbabawi ng mga tingin dito.Ma