Share

Chapter 60

La Consolacion, seven months later…

“Ano ka ba naman Liana… Sinabi ng ako na lang dito,” agad na kinuha ni Jake ang mga papel na bitbit niya.

“Kaya ko naman,” aniya at pilit na inagaw sa lalaki ang mga dala-dala.

“Anong kaya? Eh tingnan mo nga ‘yan, ni hindi mo na makita ang dinadaanan mo,” anito sabay nguso sa malaki niyang tiyan.

Bahagya naman siyang napangiwi at napahawak doon ng maramdamang sumipa ang baby niya. Mabilis naman siyang inalalayan ng lalaki na makaupong muli sa kanyang pwesto.

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko… ang tigas kasi ng ulo,” panenermon pa nito.

Liana tried to do an inhale-exhale exercise upang mawala ang nadaramang pagod at para marelax sila ng baby niya. Turo iyon ng kanyang doktor. Napapadalas na kasi ang paggalaw nito nitong mga nakalipas na araw at natutuwa naman siya dahil ibig sabihin lang noon ay malusog ang kanyang anak.

Nang umalis sila sa Maynila, hindi niya alam na nagdadalantao na pala siya. Lumipas pa ang isang buwan ng makalipat sila saka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status