Share

Chapter 5

Penulis: lilystellanis
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-29 07:45:00

Wonderful Places

"Tao po!" Sumigaw ako nang malakas sa tapat ng bahay ni Cha dito sa Jubilation South. Bingi pa naman ang babaeng 'yon. Laging nakasalpak ang airpods. Mabuti na lang at bumukas ang kanilang gate. Unang tumambad sa aking paningin ay si Aling Lina, ang matandang kasambahay nila Cha.

"Lala! Naparito ka. Pasok ka." Nilahad niya ang kaniyang kamay para makapasok ako. Sinundad ko siya papasok ng pintuan hanggang sa makarating kami sa engrandeng living room.

"Upo ka muna at tatawagin ko lang si Charlene," sumunod naman ako sa sinabi niya at naupo sa couch.

Nilibot muna ng aking paningin ang mediterranean style house nila Cha. Malawak ang kanilang bahay dahil sa kanilang garden sa labas. Ang alam ko, limang lote ang binili ng magulang niya. Mahilig kasi si Cha sa makukulay na bagay at kasama na roon ang bulaklak.

Tumayo ako sa aking inuupuan at nagtungo sa kanilang garden sa labas. Para kang nasa gubat pagkalabas mo pa lang. May puting Arko doon bago makapasok sa mismong hardin. There was a pebbled pathway leading to the heart of their garden—the pavilion. I followed the pathway as my eyes roamed around varieties of flowers ranging from roses, carnations, sunflowers, and even exotic plants and vines. Marami ring bulaklak ang hindi pamilyar sa akin.

I stop in front of a cluster of dusty pink roses. I plucked one flower and smelled it.

Amoy bulaklak. Nothing new.

"That's memory lane roses," Lumingon ako sa taong nagsalita. Ngumisi sa akin si Cha at naglakad papalapit sa akin. Kinuha niya ang rosas sa aking kamay. Inamoy niya rin ito at saka inobserbahan.

"Beautiful, right?" Her eyes twinkled in astonishment.

"Yeah,"

Ginala ko ang aking panigin sa mga rosas na mayroong iba't ibang kulay at klase. Kung ihahambing mo ito sa garden namin, di hamak na mas malawak at mas maganda ang kanilang hardin. Ang mga tanim lang namin ay puro halaman at ni-landscape lang iyon ng aking tatay kaya gumanda. Pero gustong-gusto ng mga kaibigan ko tumambay sa bahay namin tuwing gabi dahil malamig ang simoy ng hangin. Palayan kasi ang likod ng bahay kaya ang lakas maka probinsya kahit nasa ciudad.

"Pasok na tayo sa loob," tumango ako sa sinabi niya at sabay na kaming naglakad pabalik ng kanilang bahay. Umakyat kami sa kaniyang kwarto at doon nagkulong buong araw. Naglaro lang naman kami ng GTA, fortnite at COD sa kaniyang playstation. Dinalhan pa nga kami ni Aling Lina ng lunch dahil tinatamad kaming umalis ng kwarto.

Nang dumilim, nagpasya kaming tumambay sa Pavillion Mall. We decided to have our dinner outside. Nakakatamad naman kasi kumain sa bahay nila. Nakisakay na lang si Cha sa vios ko.

"Anong order mo?" Me and Cha were casually waiting for our turn to order, here in Army Navy.

"Steak burrito akin," I gave her my money and left her order our food. Umupo ako sa isang corner at nilabas ang phone ko. Walang ganap sa messenger ngayon. Isang message, wala. Patay na ba mga tao? Hindi naman ako informed. Sana'y sumama na pala ako.

"My gosh, Lala, ang dami kong chika sa'yo!" Cha squealed in excitement as she sat down in front of me with a huge smile plastered on her face.

"Anong ganap?" I did not hesistate to look at her reactions, instead, I scanned through my newsfeed in f******k and look for new memes.

Luminga-linga si Cha sa paligid at humilig siya sa lamesa para ilapit ang kaniyang mukha sa akin. Mukang seryoso itong chismis niya.

"Natanggal daw sa trabaho si Juri," bulong niya sa akin.

"Seryoso? Ano daw nangyari?" I also leaned forward to clearly hear her.

"Naalala mo yung sinabi ni Ae na nilandi ni Juri si JD?"

"Oh tapos?"

"E diba pamilya ng Alfonso de Lopez ang may-ari ng St. Alphonsus, ayun, tinanggal siya sa hospital," my face suddenly lit up from excitement.

"Tapos?" By now, I sounded like a jolly kid who's eager to meet jollibee in a kid's birthday party.

"Kinausap ni JD si Juri na huwag na siyang lalapit kasi off limits na daw siya," sabay kaming kinilig sa sinabi niya.

"Sana all talaga! Swerte naman ni Ellaine," ngumuso si Cha para maitago ang kilig sa mukha niya.

"Buti nga sa p****k na 'yon," napatawa tuloy ako ng malakas sa sinabi ni Cha at halos lahat ng customer sa loob ay nagtinginan sa aming dalawa. Bahagyang itinago ko ang aking mukha sa hiya at nag-peace sign sa kanila.

"Ikaw Cha, may jowa ka na," banta ko sa kaniya. Inirapan niya na lamang ako at tumayo dahil luto na ang pagkain namin. Kinuha niya ang isang tray ng pagkain at inilapag sa harap ko.

"Picture-ran mo tapos inggitin natin si Ae," nilabas ko ang cellphone at saka kinuhanan ng litrato ang pagkain namin. I posted a picture of me and Cha in my i*******m story.

"Musta na work?" Hindi siya nagsalita ng mga ilang segundo dahil abala sa paghiwa ng burrito niya.

"Okay lang," nagkibit-balikat na lamang siya at saka sumubo sa pagkain.

Kilala ko naman itong si Cha. Naging harsh din kasi ang past nitong babaeng 'to. Siguro kung ako ang tatanggalan ng karapatang pumili ng kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko, e baka lumayas na lang ako. Cha's too transparent. She's not the type of person to open up but you can clearly see the way she moves and reacts to certain things.

Natapos na kaming kumain kaya sa pumunta kaming Chef RV sa may San Antonio, Biñan para mag chill at tumambay. Ang sarap lang kasi ng mga cheesecake ni Chef RV. Ang pinaka favorite ko doon ay iyon Real Ube Cheesecake at saka yung carrot cheescake. Dahil sa kaniya, naging favorite food ko na ang cheesecake.

Mabuti na lang at ni-libre ako ni Cha. Aba'y dapat lang. Siya naman ang may malaking sweldo sa aming magkakaibigan. Di pa nga pala ako na-sweldo.

It was a nice long talk with Cha. Matagal na noong huling hangout namin. Nakakalungkot nga at wala si Ae. Kumpleto sana kami ngayon, kaso hindi. Lagi kaming incomplete. Busy si Cha sa company niya tapos si Ae naman, busy sa hospital. Ako naman, busy sa kagaguhan. Joke, busy sa pag-aaral.

"Kailan mo ba balak magkaroon ng boyfriend, Lala?" She quickly changed the topic from the issues of West Philippine sea to personal things. Seriously? This girl loves to talk about current issues. Dati puro mga gwapong ini-is-stalk niya ang bukang bibig. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig.

"Wala. Baka single na lang ako forever." Giit ko sa kaniya.

"Hopeless na ba talaga si Eros?" Hindi siya tumingin sa akin at nakatuon lang ang kaniyang mata sa paghiwa niya sa carrot cheescake niya.

Hindi ko din alam, Cha. Hindi ko alam kung ano ba itong sinusugal ko. Bakit ba hinahayaan kong umasa at masaktan para lang sa taong nagugustuhan ko na hindi naman ako gusto?

All I want for him is to be happy because he is broken hearted. Now that she already found a girl I think he likes, shouldn't I be happy for him? Plus, I am not the type of person to meddle with people who are in a relationship. I am not desperate.

"Ewan ko. As of now, med school ang boyfriend ko," I pouted my lips as I crossed my arms across my chest.

"Wala tayong magagawa. Hindi na ata iyon makaka-move on," hindi na ulit ako kumibo sa sinabi niya. Ayaw ko nang palalimin pa ang usapan namin.

Oo. Nalugmok ang puso ko sa sinabi niya. Pero ba't ganoong kadali lang sa kanila ang sumuko? I can see it with my own eyes that Eros is trying to move, day by day. Matagal nga lang. But his little steps will eventually lead him to a path that he truly deserves. Sabagay, hindi naman niya nakikita si Eros araw-araw.

"Mayroon na siya, uy." Kumunot ang noo niya ng marinig iyon.

"Seriously? Baka naman fling lang," She said as she took a sip from her coffee.

"Hindi. Iba iyong kislap ng mata niya kapag kasama niya si Ate girl,"

"Wow. Alam na alam ah," ngumisi siya sa akin. Ano na naman ba iniisip nitong babaeng 'to? Obvious naman na crush ko siya. Malamang, expert ako sa stalking.

"Crush mo lang naman siya, 'di ba?" Her teasing face shifted to being serious. Crush nga lang ba itong nararamdaman ko para sa kaniya?

"Oo naman," I gave her a fake smile. Gosh. Crush lang 'to. Hinahangaan ko siya kasi matalino, gwapo at wala nang iba pa.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng cheesecake habang malalimang iniisip ang nararamdaman ko. Bakit ba ako affected na may kasama siyang iba? Hindi ba dapat masaya ako para sa kaniya? Kasi nakahanap na siya ng tao na makakapag pasaya sa kaniya. Support him, Lala.

"Why don't you try date other guys?" Napangiwi ako sa sinabi ni Cha. Ha?

"Huh? Ba't ko naman gagawin iyon?" I raised an eyebrow to her at siya naman ang umiwas ng tingin sa akin.

"Ayaw mo bang mag-asawa?"

"Hindi naman sa ayaw. Sino ba ang i-de-date ko?"

"Jusko, andaming lalaking halos magkandarapa na sayo pero tinatanggihan mo lang!" Inirapan ko siya at pinagpatuloy na lamang sa pagkain.

"Hindi naman kasi sila sincere 'no. Ano ba nagugustuhan nila sa akin?"

"Huwag kang hambog. Ang ganda mo kaya! Panget nga lang ng ugali!" Tinawanan niya lang ako na para bang wala ng bukas. Nakakainis. Pupurihin ka pero iinsultuhin ka rin nitong babaeng 'to e.

"Ewan ko sa'yo," na-tuhog ko nang tinidor ang carrot cheesecake sa sobrang inis.

I sighed. Maybe she's right? Maybe I need to change my attitude toward my suitor.

Napansin siguro ni Charlene na kanina pa ako nakatitig sa aking cheescake. So, she waved her hand in front of me, grabbing my attention.

I arched my brows in response. "Hm?"

"Ang seryoso mo naman. Ano bang iniisip mo?"

Napanguso ako sa tanong niya bago sumubo sa cheesecake. Bakit ba ako nahihirapan kay Eros? It means something why he cannot be mine. I have this attitude that if I like something or someone, I would pursue them with no hesitation. Heck, I would do my best to earn them. But why am I not that motivated to pursue him?

Maybe because I know my boundaries when it comes to him? Na ang puso niya ay para lang kay Andeng.

I am probably attracted to the fact that I need to heal him—a nature of mine that I've developed throughout my journey in nursing school. Maybe, my heart is calling for a nursing intervention with him.

"Cha." I called my friend, stoping herself midway from devouring her cake.

It wouldn't hurt to give myself a chance, right?

"Do you know any guy I can try to date?" I stared at my friend with a blank expression while she's still in a state of shock.

"Oh! The day of valor has finally came! The cold Athanasia Mare finally wants to be soft! Aww!"

Charlene dramatically clapped her hand. She even wiped her fake tears. Matapos ang kaniyang pagdadrama ay mala-demonyo siyang tumawa. Her nose even flared.

"Get to the point, Charlene!"

"I know someone." She quickly typed something on her phone and even dialed a number!

"Hoy! Sino tinatawagan mo? Huwag mong papuntahin! Nagtatanong lang naman!" I tried to grab her phone. The table is a bit long, so reaching or her was an extra challenge.

She wrinkled her nose when no one answered her call.

"I guess he's busy." She shrugged her shoulder as she subtly took a bite of her cake.

Napahinga ako nang maluwag. Buti na lang at hindi sumagot! Nakakatakot naman tanongin ang babaeng 'to! Baka kung kanino ako i-reto!

"Sino ba 'yon?"

"He's a business tycoon. You probably know him since he's famous among our social circle."

Napangiwi ako sa sinabi niya, "Mayaman?"

"Bakit? Ayaw mo? You don't want to be a trophy wife?"

I scoffed at her question, "I want to be the breadwinner."

"You can be a breadwinner while being a trophy wife. It's a win-win situation for me."

Napamasahe ako sa aking sentido sa sinabi ni Cha.

"Describe him. Baka kilala ko nga."

"He's the top of his class, and athletic, too! He knows how to cook, a very reliable brother, respectful to his parents, he is stoic but I guess he has a great sense of humor if he'll be in a relationship..." she wiggled her brows, emphasizing the last statement. Meanwhile, I only gave her a confused look. "And! He has tons of titles after his name."

I still don't know who she is talking about. How the heck would I know? We're not on the same tax bracket!

Pinapanood lang ako ni Cha habang malalim na nag-iisip.

Who?

Clement Crescenciano?

Crescell Entella?

Adarius Yatco?

Si Garrett? Um... no thanks.

I was in the middle of deducing the list of men that Charlene might be talking about when my phone began ringing.

Incoming call

Dr. Earl Almenanza

Ano kailangan nito? Sinagot ko naman iyong tawag.

"O? Bakit?"

"Wow, galit agad?"

Hindi ko naman namalayan na tumaas ang boses ko. Nakakainis kasi kapag tatawag 'tong lalaking 'to. Pano ba naman kapag tumatawag, lagi na lang humihingi ng update o 'di kaya'y nag-aayang gumala.

"Wala ako sa Maynila. Nasa Laguna ako. Kung aayain mo akong lumabas, ikaw ang lumabas ng Maynila."

Irita kong pagkakasabi. Kahit hindi ko siya nakikita, halata sa boses niya na naka ngisi siya ngayon. Tinititigan lang ako ni Cha na naka-ngisi. Ba't ba lahat ng tao naka-ngisi ngayon?

"Paano kung sinabi kong nasa Laguna na 'ko?"

Nanlaki ang mga mata ko at nahulog na rin ang panga ko sa sinabi niya. Bumilis ang pintig ng puso ko at halos magwala na ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"Seriously? Where are you then?"

"Nasa likod mo."

Napatalon ako sa gulat nang may kumulbit sa likod ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib ng makita ko si Earl sa likod. Hawak pa din ang kaniyang cellphone na naka-lapat sa kaniyang tainga at naka-ismid sa akin.

"Paano mo nalaman na naandito ako?" Hindi pa rin ako makapaniwala na naandito siya.

"Cha." Luminga siya kay Cha at binati ang kaibigan ko. Masama kong tinignan si Cha na naka-ngisi ngayon sa aming dalawa.

"Sinabi mo?"

"Huh? Baka nakita niya i* story ko," Binuksan niya ang phone niya at pinakita ang bagong post niya sa story.

"Kaka-post mo lang. Paano mo naman nalaman agad?" Luminga naman ako kay Earl na umupo sa tabi ko. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya dahil halos magdikit na ang braso namin. His arms flexed revealing his veins as he placed his elbow on top and scooped his chin with his callused hands. His dreamy eyes are now on mines.

"Pwede ba'ng dahilan na pumunta ako dito para makita ka?"

Napalunok na lamang ako dahil sa kaniyang titig na nakaka-tunaw. I bit my lower lip and looked away. Nakaka-silaw ang kaniyang side profile. You can see how his jaw clenched and how his adam's apple move. Hindi ako magtataka kung bakit andaming taong nakatingin sa table namin. Naandito ba naman si Doctor Earl Henreed Almenanza.

Na-distract lang ako nang biglang tumunog ang phone ni Cha.

"Order lang ako. Do you need anything?" He stood up from his chair and looked me in the eye.

"Wala," I simply said. Naglakad siya papuntang counter kaya nawala ang tingin ng mga tao sa table namin dahil nakabuntot kay Earl. Nang umalis siya, parang may nawala sa akin. Hindi ko alam kung ano.

"Lala. Sorry pero kailangan ko nang umalis,"

"Sunduin na kita," tatayo na sana ako pero hinawakan ni Cha ang palapulsuhan ko, dahilan para ako'y mapaupo.

"Huwag na. Tinawagan ko na si Kuya Verdan, papunta na siya," ngumiti siya sa akin.

"Wala pa naman. Upo ka muna," ngumuso ako doon sa upuan niya para ituro ito.

"Naandyan na actually," aniya. Tumango na lamang ako at ngumiti.

"Ingat ka," paalam ko.

Inayos niya ang bag niya at tumayo. She leaned and gave me a peck on my cheeks. "Bye my love," bulong niya. We both giggled.

"Aalis ka na?" Tanong ni Earl na may dalang tray nang kape at mango dulce de leche cake.

"Yeah. Hinahanap na ako ni daddy," Cha lightly tap his shoulder and wave her hand at us before leaving the place. Kaming dalawa na lang ni doc ang natira. This is going to be hell. Umupo siya sa pwesto ni Cha kanina at nilapag ang pagkain.

"Masarap ba 'to?" Tinuro niya yung cake.

"Diba dapat tinanong mo sa akin kanina kung ano masarap para alam mo kung ano ang oorder-in mo?" Iritado kong pagkakasabi.

"Ano ba dapat oorder-in ko?" inosente niyang tanong.

"Ikaw bahala kung anong trip mo." Humalukipkip ako at saka inirapan siya. Humalakhak naman ito nang malakas, dahilan kung bakit lahat ng tao ay bumaling sa lamesa namin.

"Hinaan mo nga," Tinignan ko siya nang masama at luminga-linga sa paligid kung naka-tingin pa din ba ang mga tao. His laugh faded but people kept on staring at our table, specifically Earl. Halos lahat ng mga babaeng taga perps ay masama akong tinitignan.

Anong problema ng mga 'to? Akala mo naman inagawan ko sila ng korona sa beauty pageant.

"Nagtatanong lang naman ako," uminom siya doon sa kape niya na naka-titig pa din sa akin. I arched my left brow, questioning him why is he looking at me. Ngumisi lang siya sa akin. Ugh! Sarap namang tanggalan 'to ng mukha! Nakakainis yung ngisi niyang akala mo ay nanalo siya sa isang argumento.

"Kumain ka na nga lang d'yan." at manahimik na lang.

Kumain naman siya habang ako naman ay nag-vi-view nang i* story. Nakita ko i* story ni Earl na picture nang cake niya'ng naka live focus. Inirapan ko na lamang iyon dahil kita ako sa likod. I narrowed my eyes on the screen. Hindi ko makita yung caption ng story niya.

Nilipat ko na lamang ito at napaawang ang labi ko nang makita ang i* story ni Eros. Grabe! Minsan lang 'to mag i* story.

Picture nang isang lumang bahay dito sa Santa Rosa! Mas nagulat ako dahil yung lumang bahay na pinicture-ran niya ay ancestral house ng mga Flores, pamilya ng mommy ko.

If we could turn back time to the good old days.

Iyon ang caption. Hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko. My gosh, kahit saan ako magpunta, may Eros na umaaligid. Is he my guardian angel? Fudge ang gwapo naman ng guardian angel ko!

Teka, may kasama ba s'ya? Dinala niya ba yung Danica na 'yon dito?

"O, ba't ka nakasimangot?" Kunot noong kumakain si Earl. Hindi ko namalayan na naka-simangot na ako dito.

"Wala," padarag kong binaba ang phone ko at umirap sa kawalan.

"Anong wala? 'Wag mo akong niloloko, Mare." Bumilis ang pintig nang puso ko ng tinawag na naman niya akong Mare.

Tinignan ko siya nang masama habang naka-ngisi niya akong pinagmamasdan. Ano ba'ng dahilan ng ngisi nito? Hindi niya ba nakakapa ang sitwasyon? Na naiinis na 'ko tapos siya ngingiti lang d'yan? Mas stress ata ako sa pagmumukha ng lalaking 'to e.

"Wag ka ngang ngumisi d'yan! Baka tawagan ko si Dra. Ortillano para operahan 'yang mukha mo e!" Iritado kong pagkakasabi. Narinig ko na naman ang tawa niya. Ewan ko ba! Naiinis ako tuwing natawa siya! gina-gago lang ako nitong bwiset na 'to e.

"Why are you so pissed at me, huh?" unti-unting napawi ang pagtawa niya, saka pinagmasdan ang mukha ko. He raised an eyebrow at me while his elbows are now resting on top of the table, hands clasped together like he's consulting a patient. Oh how I hate that gesture of him.

"Nakakairita kasi ang mukha mo," diretso kong sagot. Tinanong niya ako, e'di sasagutin ko nang diretso.

Napaawang ang labi niya sa sinabi ko at ngumiti na lamang sa akin, yung ngiting peke. Na-guilty tuloy ako sa sinabi ko. Masyadong pasmado bibig, Mare. Tumikhim ako at inayos ang aking pagkakaupo. Pinagpatuloy niya ang pagkain niya sa cake habang ako naman ay pinagmamasdan ang kaniyang mga kilos.

He looks upset. Walang gana niyang kinain ang cake. Anong gagawin ko? Hindi naman ako sanay na ganito siyang umakto. Hoy, Earl!

Kumunot ang noo niya nang isubo niya ang natitirang cake. He then looked at me in the eyes. Halata sa mukha niya na naiirita siya.

"Why are you looking at me?" napalunok tuloy ako nang marinig ang galit niyang boses. It's my first time to see him this serious. Hindi ako sanay. Anong gagawin ko? Anong isasagot ko?

I bit my lower lip and looked away. Hindi ko kayang tignan ang kaniyang mapupungay na mata.

"Sorry." I said in a low voice. Humalukipkip siya nang isandal niya ang likod sa upuan. He then raised an eyebrow.

"What? I didn't hear you." Aniya. Halos dumugo na ang labi ko sa pagkagat ko dito.

Ang arte naman ng lalaking 'to!

"I said I am sorry," naglakas loob akong tignan siya na ngayon ay naka-ngisi. Ako naman ang napakunot ang noo. What is he thinking?

"Papatawarin lang kita kung sasama ka sa akin bukas," His face suddenly lit up. Ugh, that annoying face again. Ayaw ko naman siyang tanggihan, baka masaktan ko na naman siya.

"That will be the last one. Hear me?" giit ko sa kaniya. Mas lalo lang lumaki ang ngisi niya.

"Just say yes, Mare," Humilig siya sa lamesa para magtama ang tingin namin.

"Alright,"

Umuwi na ako sa bahay at nakita kong nag-aaral itong si Keith.

Shit kailangan ko rin pala mag-aral!

Ang plano ko talaga ay mag-aral ng one week. Napasarap na naman akong gumala. Ayaw ko naman tanggihan ulit si Earl. I already said 'yes' to him. Siguro magpapaturo na lang ako sa kaniya bukas.

"Hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin nung lalaking 'yon e," bulong ko sa sarili kong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Bumukas yung pintuan ng kwarto at nakita ko ang paghikab ni Keith.

Bunk bed ang kama namin. Ako sa taas, siya sa baba. Humiga siya sa kaniyang kama at pinatay na ang lamp shade niya.

"Good night," aniya at natulog. Ang liwanag nang buwan ang siyang nagsisilbing ilaw sa kwarto namin.

Pilit kong ipinipikit ang aking mata para matulog ngunit hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Hindi pa rin ako makatulog kahit ala una na ng madaling araw. Binabagabag ako ng utak ko ngayon. Andami-dami kong iniisip.

Tulad na lang ni Eros. Naguguluhan ako sa kaniya. Ba't siya naandito?

Malamang bumisita iyon sa puntod.

Naalala ko na naman ang mga titig niya sa akin. Bakit sobrang sakit? Nasasaktan ba ako sa kaniya o nasasaktan ba ang sarili ko sa mga titig niya? Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan pagdating sa kaniya.

For some reason, bigla na lang lumitaw sa utak ko ang mukha ni Earl. Bigla na lang napawi ang lungkot na nararamdaman ko. For some reasons, napapangiti na lamang ako nang nakita ko ang kaniyang ngiting nagpapasaya sa mga paru-paro sa aking tiyan.

Teka ba't ko ba siya iniisip? May nakalimutan ba akong bayaran sa kaniya?

"Ate gumising ka na!" Yinugyog ni Keith ang kama namin.

"Pucha naman Keith! 'Di ako nakatulog!" I groaned in annoyance.

"Naandito si Dr. Almenanza"

Napabangon ako bigla at dali-daling pumasok ng banyo. Natataranta na ako sa pag si-sipilyo at paliligo. Ewan ko ba, bigla na lang nasasabik akong makita siya. Shit! Baka nga may utang ako sa kaniya!

"Keith! Pakisabi sa kaniya wait lang ng twenty minutes!" Sigaw ko sa kaniya habang nasa loob ako ng banyo at nagkukuskos ng leeg.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kwarto hudyat na umalis si Keith para pagsabihan ito.

Aba'y sana sabihin.

I wrapped my hair and body with a towel. Pumunta ako sa damitan ko at pumili ng isusuot.

Pucha ano ba dapat suot ko? Saan ba kami pupunta?

Nagsuot na lang ako ng casual attire. High waist ripped jeans, white and blue checkered puff crop top and brown flat platform sandals.

Naglagay lang ako ng bb cream at liptint sa mukha ko. Inayos ko din ang sling bag na dadalhin ko na may lamang, fisherman candy, vicks, liptint, suklay, wallet at decaned na pabango ko. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin kung okay na ba ang itsura ko.

Nang makababa ako, nakita ko si Earl na nakaupo sa dining table namin at nakikipag kwentuhan pa kay papa. Nakaupo siya doon sa upuan ko. Kumalabog ang dibdib ko nang makita siyang nakangisi. Ba't ba ako kinakabahan?

Mag-aaral nga pala dapat ako!

I am actually surprise to see my father this late. Hindi ba may work siya? It's already seven in the morning.

"Morning," b****o ako kay papa at naglagay ng tubig sa baso para uminom.

"Aba. Ang ganda naman ng anak ko." My dad complimented.

Napanguso ako sa sinabi niya. Of course papa. Manang-mana sayo e.

"Manang-mana ka talaga sa mommy mo," halos mandilim ang paningin ko sa sinabi niya.

Huh. May nanay pa ba ako?

"Pa." Pagbabanta ko sa kaniya. Matalim akong tumitig sa kaniya. Why would he mention that woman in front of me. Hindi ko siya kailanman tinuring nanay ko!

I took a deep breathe.

Kalimutan mo na lang ang sinabi niya.

"Good morning!" Masayang bati ni Earl.

Umaliwas ang mukha ko ng makita ko ang masaya niyang mukha.

"Aalis daw kayo sabi ni doc?" Nagtaas ng kilay sa akin si papa habang ako'y kumagat doon sa nilutong hotdog ni Keith.

"Opo," hindi ko na hinabaan pa. Mag-mu-mukha lang akong defensive sa kaniya. Baka isipin pa niya na mag-de-date kami. No way.

"Iuwi mo anak ko mamaya ah," aniya ni papa kay Earl.

"Opo, tito" ngumisi siya sa kaniya saka bumaling sa akin.

"Mag-ingat kayo," tumayo na si Earl sa upuan at hinintay na lang akong maunang lumabas ng bahay.

Naghugas muna ako ng kamay sa lababo para matanggal ang mantika sa kamay ko at umalis na sa dining table para lumabas ng bahay. Nakabuntot lang sa likod ko si Earl na nakapamulsa at pinaglalaruan ang susi ng kaniyang sasakyan.

Tumigil ako sa paglalakad kaya huminto din siya. Bumaling ako sa kaniya at nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Saan ba tayo pupunta?" Ngumisi lang siya sa akin habang nakapamulsa ang kaniyang kamay. He's wearing a simple grey v-neck shirt, black urban pipe shorts, and nike shoes.

Yumuko siya ng kaunti para makita ang mata kong nakakunot. Nakapatong ang kamay niya sa kaniyang tuhod at saka ngumisi sa akin.

"I'll take you to wonderful places, Mare." Inayos niya ang kaniyang tindig at saka nilagpasan ako. I am standing right in front of our house, jaws dropped as fire started to tickle my tummy.

A feeling that's familiar yet so foreign.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • War of Hearts (Papillon Series #1)   Chapter 31

    Spotlight"Hoy gaga gumising ka na!" Parang may giyera sa labas at sobrang lakas nang pagkatok sa pinto ko."Shut up, Aenna!" I hid my face with a pillow."May photoshoot pa sa kuwarto ni Cha! Alam mo, ikaw ang magpapalate sa kasal." I groaned and seated on the bed. Today is Charlene's wedding. We're in Isabela, malayo sa kabihasnan. "Hoy! Bilisan mo, Lala!" Padabog na naman ang pagkatok niya. Geez masisira ang pinto. Pinagbuksan ko siya ng pinto para mapanatag na ang loob niya na gising na ako. Wala pa akong gana nang ayusin ko ang gamit ko. My gown is in Cha's room. Doon na rin ako maliligo. Wala namang pake si Cha kung makita niya akong nakahubad.Nasubukan na rin naman naming maligo nang nakahubad noong kasama pa namin si Andeng. Nainggit pa sa akin ang mga gaga dahil ang laki raw ng boobs ko. "Maligo ka muna!" "Doon na ko maliligo." Tamad kong turo sa direksyon ng kuwarto ni Cha. Umiling si Ae."Saan si Cami?" I asked Ae as I closed my door. Nahulog pa ang susi nang kuwarto

  • War of Hearts (Papillon Series #1)   Chapter 30

    BackNa-upo kami ni na Karen at Des sa cafeteria at um-order ng kape. We plan to study while waiting for our turn. Andami kasing nag-e-enroll. Puro 1st year at iisa lang ang naka-deploy na secretary sa registrar office. Nasa pang 129 pa lang yung huling natawag nang umalis kami e pang 470 ako. "I can't believe that we're medical interns." Karen said out of the blue. Humihigop lang s'ya sa kanyang mainit na kape nang sabihin niya 'yon. Des and I both nodded."Parang dati first year lang tayo ta's hirap na hirap agad sa Physio." Des chuckled.Those were the days na sobra ang struggle ko. Kung noong high school, nakakatuwa ang biology lalo na kapag pinag-aaralan ang mga systems ng katawan. Noong Nursing days ko nga, hirap na hirap ako sa Anaphy pero noong tumungtong ako sa med school, pati microscopic anatomy ng bawat parte ng isang system ay inaaral. Wala naman akong Eidetic memory para makabisa ang lahat ng parte lalo na iyong function (anatomy is the study of the structure. Physiolo

  • War of Hearts (Papillon Series #1)   Chapter 29

    Fresh StartI finished unpacking my luggage after I arrived at my Apartment."Ana!" Someone called from the kitchen."Yes?" I peek from my room to look at her while she's busy washing the dishes."Puwedeng ikaw na lang ang magluto ng dinner natin? Alam ko namang pagod ka pero kailangan kong pakainin si Mason.""Oo naman. Saglit lang." Inayos ko nang mabilisan ang aking mga damit at hindi na isinalansang nang maayos. Gutom na rin ako.Kakagaling lang naming ni Althaia sa Doctor dahil nagkasakit si Mason.It's been 2 years since I lived from my dorm. Masikip kasi doon at mataas pa ang renta kaya naghanap ako ng apartment na malapit lang sa school.Kaso, walang murang apartment na malapit lang. I badly wanted to stay in this apartment but it's already full. Ang sabi'y kung may umalis, e'di naka-reserve na ako, but I couldn't wait any longer. Ayokong masayang ang mga oras ko na dapat nag-aaral ako kaysa sa paghahanap nang malilipatan. Maybe it's a miracle that I happened to stumble upon,

  • War of Hearts (Papillon Series #1)   Chapter 28

    LetterInuwi kami ni Pao sa Laguna kasama si Cha. Nang makauwi ako'y agad akong nagkulong sa kuwarto. Sabi nila Papa tatlong araw lang ang burol ni Mama dahil nagpasya siyang magbakasyon kami sa Sta. Ana. I am so tired and drunk. Gusto ko na lang matulog pero kailangan ang presensya ko sa burol ni Mama. Mabuti na lang at naandito sa bahay ang sasakyan ko. Nagising ako ng ala-syete y media ng umaga dahil sa tawag ni Ae. Ang sabi niya'y dadalaw sila ni Cha sa burol. I also recieved at text message from Eros saying how sorry he was for kissing me knowing that I have a boyfriend that time. Well now, ex. I took a deep breath taking all of it at once. I'm going to be okay. Nagpalit na ako ng damit na kulay black at maong shorts bago tumulak papuntang burol. Pagkarating ko roon ay nakita ko si Papa na kinakausap ang kanyang mga kaibigan na pulis din.Naroon din si Tita Cecil, at ang mga Tito at Tita ko sa Flores at Lacsamana. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya.Ever si

  • War of Hearts (Papillon Series #1)   Chapter 27

    WallI lost my appetite but Papa made an effort to stay still and calm despite the circumstance. He bought us food and his little effort moved my heart. Hindi kami nagkikibuan nang kumain kami sa cafeteria ng ospital. Humihikbi pa rin si Keith at si Ate Gladys ang nagpapatahan sa kanya. Nakatitig lang ako sa aking pagkain at sinusubukang kainin iyon."Gladys, ang life plan ng Mama mo saan nakalagay?" Papa simply asked. "Nasa kuwarto ko po lahat ng dokumento." We were then enveloped by silence once again. Hindi ko alam kung anong maaari kong itulong dahil kahit ako'y tuliro na. I am also worried of my studies. Kailangan kong magpasa bukas. I have to go to Manila tomorrow but I don't know anymore. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."Pa. Ako na-na lang mag-aayos ng death certificate ni Mama. Ibibigay naman ng ospital yung cause of death 'di po ba?" Keith volunteered. Tumango si Papa at in-explain kay Keith kung ano ang mga gagawin.Ako... anong gagawin ko? "Mare. Magpapasa ka buka

  • War of Hearts (Papillon Series #1)   Chapter 26

    Emptiness Sobrang bilis ng panahon. I took my special exam last weekend and now I am back in Laguna for my Mom. Midterms na nila Keith samantalang ako ay patapos na ang finals. The Dean talked to me about it and they said that I can pass my works every weekend. I am thankful that I enrolled in SRCU. No wonder this school produces top notchers every year at kung hindi 100% ang passing rate, 99% ang pinakamababa. Nakahinga na rin ako nang maluwag nang ibigay sa akin ni Earl ang bagong number ni France. She's studying med abroad and was quickly challenged on how competitive students are. Minsan nga'y nagtutulungan kaming intindihin ang mga topics namin. I sat on a cold metal chair at the waiting area near the clinics of the hospital. Naandito ako para makahinga nang maayos. Ako lang ang nagbabantay kay Mama. Tulog pa rin siya. I am afraid that I'll be the first person she sees after a long period of coma. Nang bumisita si Tita Cecil at Tito Emman, I excused myself to grab a hot w

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status