Share

Kabanata 8 : Livi

Hinatid ako ni Archival sa bahay namin bago siya umuwi sa mansion. Pagkapasok ko ng pintuan ay si Mama agad ang sumalubong sa akin.

Pinagbihis niya muna ako ng damit at tsaka pinapunta sa sala. Umupo ako sa lumang sofa namin at siya naman ay nasa harapan ko sumisipsip ng kape.

Mukhang seryoso si Mama at maraming iniisip kaya nagtataka ako kung bakit.

"Mama, may problema ba?"

nagaalalang tanong ko at mas lumapit sa kanya.

Tinignan niya naman ako at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Kaibigan mo ba ang Del Fuego na 'yon? Laura."

tumango naman ako at naguguluhang nakatingin sa kanya.

"Bakit po? K-kaibigan ko lang po si Archival..."

Tipid lang ngumiti si Mama at kalaunan ay napabuntong-hininga sa lalim ng iniisip niya na hindi ko maintindihan, ngayon lang kasi ganito si Mama sa akin.

"Laura, alam ko ang mga tinginan na may ibang ibig sabihin. Ang lalaking 'yon ay may gusto sa'yo at napapansin kong..."

"Naku! Hindi po 'yan toto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status