Share

Waves Of Costa Fuego
Waves Of Costa Fuego
Auteur: Almodine

Simula

"Laura dali tignan mo ito!" Tawag ni Lea sa akin habang sabik na ipinakita ang mga nakuha niyang shells sa dalampasigan.

Ngumisi agad ako at lumapit sa kanya habang bitbit ang paper bag na nilagyan ko rin sa mga shells at bato na napulot ko kanina.

"Ang ganda naman nyan..." 

Namamanghang sabi ko habang siya naman ay ngumiti ng abot tenga. 

Inabot niya sa akin ang isang malaking pulang shell na hugis puso na medyo may biyak na rin sa kilid dahil siguro sa hampas ng naglalakihang alon sa dagat, ganun paman hindi parin nawala ang ganda nito dahil sa unique nitong kulay.

"Sayo na yan Lau..." Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya. 

"Alam kong hilig mo ng mga ganyan, at isa pa hindi ako mahilig sa mga... Alam mo na" sabi niya sabay kibit balikat.

Hindi na ako nag-dalawang isip na kunin sa kanya ang shell na bigay niya at masayang ngumiti, dati pa lang nakahiligan ko ng mamulot ng shells dito sa dalampasigan ng Costa Fuego para gawing bohemian Jewelry at palamuti sa mga kurtina.

"May sabi-sabi raw na uuwi na silang Don Anton at Donya Mathilda mamaya... o baka bukas" Natigilan ako at humarap kay Lea. Ngumisi naman ito at hindi pinansin ang pagkabigla ko "at syempre kasama raw si Senyorito Sebastian... diba crush mo yon Laura?"

Biglang uminit ang pisngi ko at napayuko.

Humahagikhik na tumawa lang si Lea sabay akbay sa akin. 

"Naalala pa kaya tayo ni senyorito?... Halos isang taon rin silang hindi naka-uwi dito sa Costa, naalala ko pa dati na parati ka lang nakatingin sa kanya sa malayo tuwing bibisita siya dito" 

"Siguro hindi na...at tsaka crush lang naman ito simpleng pag-hanga dahil ang bait niya sa atin"

Pabirong tinulak lang ako ni Lea sabay pabirong umirap.

"Ang sabihin mo mabait at tsaka gwapo... At sa ganda mong iyan, sigurado akong naalala ka niya no, sa rami-rami ba naman ng mangliligaw mo, tanging si Senyorito Sebastian lang ang nakakuha ng interest mo... Kaya kung ako sayo, ako na ang gagawa ng first move, malay mo Laura ikaw pala ang hinihintay niyang mapangasawa"

Natigilan agad kami ng biglang may sumigaw mula sa itaas ng cliff habang kumakaway sa amin.

"Lea! Laura?!... Hinahanap na kayo ni Madam Isa" 

malakas na sigaw ng aming kaibigang lalaki na si Lukas.

"Alam mo, Isa pa yang si Lukas... Matagal ka na rin niyang gusto, kaso ang torpe nga lang." 

Pabulong niyang sabi sabay napaunang lakad.

"Anong pinagsasabi mo..." Natawa ako at agad nang hinila si Lea patakbo sa hagdanan paakyat sa itaas ng cliff kung saan nakatayo at naghihintay si Lukas.

"B-bakit raw..." Hinihingal kong tanong habang hawak-hawak ang kamay ni Lea na hininingal na rin.

"H-hindi ko alam..."

sabay iwas ng tingin niya sa akin at nanguna ng lumakad. 

Pagkarating namin sa likod ng mansion ng mga Del Fuego agad naming nakita si Madam Isa, na nagkasalubong ang kilay, bakas rin sa mukha niya ang pagka-irita. 

"Saan kayo nangaling?" Naiiritang bungad niya sa aming dalawa ni Lea.

"Ngayon o bukas ang uwi nilang Don at Donya Mathilda kasama ng mga senyorito! Tumulong nga kayo kung hindi sisisantihin ko talaga kayo..." Galit na sigaw niya. 

Napayuko naman ako at agad itinabi ang paper bag kong saan nakalagay ang mga shells ko na napulot, nilagay ko rin doon ang wallet ko kasi wala akong mapaglagyang bulsa.

"B-break p-pa kasi namin...ma'am" pangatwiran ni Lea, pero hindi na kami pinakingan ni Madam at nag-martsa na sa malapit na hardin at sumigaw ulit.

"Laura! Diligan mo ito, ikaw Lea doon ka sa harap ng mansion at ikaw naman Lukas sa mga kabayo ka, magsikilos na nga kayo at ako'y natataranta na" 

Agad naman naming sinunod si Madame Isa, kahit pa may pagka-masungit siya at strikta na mayordoma, ay hindi na namin yon binibig-deal dahil sa laki na rin ng tulong niya sa aming pamilya dahil sa pagpayag niyang manarbaho kami dito sa Mansion ng mga Del Fuego. 

Ang pamilyang isa sa mga makapangyarihan at mayaman sa buong lalawigan dito sa Batangas, Isa rin sila sa may ari ng mga naglalakihang plantation dito at ekta-ektaryang lupain ng may mga tanim na mga ubas na ginagawa nilang wine, sabi pa nila na hindi lang ang pag-eexport ng wine ang negosyo nila dahil ang pamilya nilang senyora Mathilda ay may-ari rin ng isa construction firm sa maynila na siyang pinapatakbo ng kanyang panganay na anak na noon paman ay hindi ko pa nakita o nakilala. 

Nang natapos na ako sa pagdidilig ng mga halaman ay winalis ko na lang ang ilang mga natirang tuyong dahon sa bermuda grass, it's almost 6PM na kaya malapit na rin ang out ko kaya pagkatapos ng pag-wawalis ay agad ko ng niligpit isa-isa ang mga gamit na pang-hardin na naiwan ng ibang trabahante kanina sa pagtri-trim ng damo. 

Nang makitang malinis na ang area ko ay nagmadali na akong lumapit sa kay Madam Isa na ngayo'y naka-upo na sa isang ratan na bangko sa harapan ng portico habang nagpa-paypay sa kanyang sarili. 

"Madam, tapos na po ako..."

Nilingon niya muna ako bago tinignan ang likuran ko kong saan ang nilinisan na hardin. Ismid niyang tinignan ang orasan sa kanyang kamay at nagtaas ng kilay.

"Pwede ka nang umuwi, pero bukas kailangan mong mag early-in dahil baka maging busy tayo dahil sa pagdating nilang ng mga amo natin..." 

Tumango naman ako at tinignan pa niya ako ng isang beses at lumingon na sa ibang nagtra-trabaho sa di kalayuan. 

Na-una na akong umuwi at nagpa-alam na kila Lukas at Lea, hindi pa sila pinauwi ni Madam dahil hindi pa sila tapos sa kanilang ginagawa. 

Habang naglalakad pauwi naisip ko na hindi na muna dumaan sa dalampasigan gaya ng nakasanayan ko at nagshort-cut na lang sa routa kong saan ang bahay namin dahil sa pagod ko. 

"Ma..." Tawag ko pagpasok sa bahay. 

Walang sumagot kaya dumiretso ako sa kwarto niya at kumatok bago pumasok. Nakita ko agad siya na mahimbing na natutulog kaya inayos ko na lang ang kumot niya at hindi na nag-abalang gisingin siya. 

Nagbihis agad ako ng pambahay at nagluto na ng ulam namin, pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto upang mag-aral, hindi ko na ginising si Mama dahil baka napagod rin siya sa kanyang trabaho kanina, isa rin siyang trabahante ng mga Del Fuego pero hindi gaya ko, siya ay na-assign bilang taga pitas ng mga ubas sa kanilang planta, gusto ko rin sana na doon rin mag trabaho para magkasama kami kaso hindi ako pinayagan ni Madam Isa, dahil nag-aaral pa raw ako at sa halip na ma-trabaho doon kinuha niya na lang ako na maging isa sa mga tao niya sa mansion, part-time lang kaya hindi ako nahihirapan sa pag-balanse sa oras ko sa mansion at sa paaralan.

Nang natapos na ako sa pag sagot sa mga aralin ko ng bigla kong naalala ang paper bag kong saan linagay ko ang mga pinulot ko na shells kanina kaya agad ko itong hinanap. 

Napatampal na lang ako sa nuo ko ng maalala na naiwan ko pala iyon sa hardin kanina pati narin ang wallet ko na nalagay ko rin doon. 

Kinuha ko agad ang jacket ko sa tukador at lumabas na ng kwarto, saktong paglabas ko ay pagbukas rin ng kwarto ni Mama, napatingin naman agad siya sa akin.

"Kanina ka pa?..." Tanong niya at tumango naman ako at kumuha muna ng pingan at kutsara sa bangera. "Kumain kana?" Malumanay niyang tanong uli.

"Opo ma..." sagot ko at umupo na siya sa harap ng lamesa at muling ibinaling ang tingin sa akin. "San ka pupunta Laura?..."

"S-sa Mansion lang po Ma, naiwan ko kasi ang wallet ko sa hardin kanina... "

"Uh-huh?...Gabi na ipagpabukas mo na lang yan hija..."

"Pero nandoon po ang allowance ko Ma, at baka masali yon sa mga basura... " 

Nabuntong-hininga na lang siya at tsaka tumango na. "Fine, basta mag-ingat ka lang..."

Ngumiti agad ako at hinalikan si Mama sa kanyang nuo. "Opo Ma... Eat well" masayang sambit ko at tinakbo na ang distansya ng pintoan at tsaka binuksan. 

Malamig na hangin ang agad na sumalubong sa akin habang naglalakad papunta sa Mansion.

Dahil sa lamig at nipis ng jacket ko ay niyakap ko na lang ang sarili ko at nagmadali ng lumakad papunta doon. 

Sa likuran na ako dumaan at nakita ko agad si Manong Tonyo, na nagbabantay sa likurang gate kasama ng Ama ni Lukas na si Manong Pedro. 

"Laura?...hija, Bakit ka pa nandito gabi na ah" tanong ni Manong Pedro ng palapit na ako. Nagmano muna ako sa kanya at tsaka tipid na ngumiti. 

"Manong, na-iwan ko kasi ang wallet ko sa loob kanina pwede ko bang makuha saglit?" 

Binagbiyan niya naman ako kaya dumiretso na ako sa kong saan ko nalagay ang paper bag ko kanina. 

Medyo madilim na dito at tanging mga lampshade sa itaas ng gate ang nagsisilbing ilaw sa hardin isabay pa ang LED na ilaw sa Fountain. 

Nagmumukhang sumasayaw tuloy ang tubig dahil sa ganda ng ilaw. 

Nang nakita ko ang paper bag sa kinanalagyan ko kanina agad akong napabuntong-hininga. 

"Hayss... Buti na lang at hindi ka inakalang basura ng mga taga linis dito kanina." 

Maligayang sabi ko, napatingin ulit ako sa fountain at hindi ko mapigilan na lapitan ito. 

"Grabe ang ganda..." Wala sa sariling sambit ko. 

Bigla akong may naisip na gagawin tinignan ko pa ang paligid at wala namang ibang tao except kila manong Pedro na nagrorunda sa labas. 

Kumuha ako ng isang barya sa wallet ko at tsaka nag-wish sa fountain. Pumikit ako saglit at pagkatapos tinapon ko na ang barya sa tubig, lumubog naman agad ito ngunit napansin ko na ako lang yata ang nag tapon ng barya dito dahil wala namang ibang barya akong nakikita sa ilalim ng tubig.

Sino ba naman kasi ang hihiling dito eh, sobrang yaman naman ng may-ari nito. 

Tatalikod na sana ako kaso bigla kong napansin na may tao pala sa kabilang dako ng Fountain pero dahil sa liwanag ng ilaw sa gate ay natabunan ng anino ng poste ang kalahati ng mukha niya.

"Who are you?..." 

his cold baritone voice sent shivers in my spine.

Natigilan ako at na-alerto, nakita ko ang paghakbang niya kaya agad akong napa-atras. 

"What are you doing here?..." He asked icily. 

Pinanliitan ko siya ng mata. 

His wearing a white T-shirt at dahil nakatayo siya sa madilim na parte ng  fountain, hindi ko medyo maaninag ang mukha niya, pero base sa kanyang panga-ngatawan at tangkad, nagbabakasakali ako na baka bagong gwardya siya dito dahil sa laki ng braso niya at naka-depina niyang panga, nakita ko ang pag-igting nito, at mukhang naiirita na dahil sa hindi ko pagsagot sa tanong niya.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot, hinigpitan ko pa ang hawak ko sa aking paper bag, bago tumingin sa kanya.

"Ah...M-may na iwan l-lang po... Sir " kinakabahang sambit ko. 

"S-sige po lalabas na po ako sir...p-pasensya po, hindi na po mauulit"

Nangangatal kong sabi at tumakbo na pabalik sa gate kong saan nakabantay si Manong Tonyo at Manong Pedro.

Hindi na ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila dahil sa kaba. 

Hindi ko rin lubos maisip kung bakit nenerbyos ako ng grabe dahil sa lalaking nakatayo kanina sa fountain. 

His low, cold baritone voice really crept my whole out of me. Para yatang ngayon ko lang narinig ang boses niya. Nakaka-kaba at nakakapanindig ng balahibo dahil sa lamig. 

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status