Share

Chapter 3: The Visitor

Binuksan ni Aaliyah nang dahan dahan ang pinto para hindi lumikha ng kahit na anong ingay. Alas-kuwatro pa lang ng umaga at ito ang unang beses na lumabas siya ng kwarto sa oras na magising siya nang hindi pa sinusundo ni Sandro.

She even makes sure na hindi pa gising o magigising si Sandro. Balak niyang magluto ng breakfast bilang pambawi sa binata. Palagi kasing si Sandro ang nagluluto para sa kaniya kaya naisipan niyang i-surprise ito.

Ipinusod niya ang buhok niya saka naghilamos ng mukha, kinuha at sinuot din niya ang apron na nakasabit sa dingding ng kusina para magsimula nang magluto. This is not the first time that she’ll cook, although, hindi siya masyadong marunong magluto, tingin niya magwo-work out naman ang plano niya. Hindi rin naman komplikado ang putahe na lulutuin niya, typical breakfast lang.

Binuksan na niya ‘yung malaking refrigerator para tingnan kung ano ba ang mga puwede niyang lutuin.

Halos isang oras din ang inabot bago siya natapos sa pagluluto. Medyo napabagal rin ang paghahanda at pagluluto niya dahil ingat na ingat siya na hindi makalikha ng ingay na puwedeng gumising kay Sandro sa mahimbing niyang pagkakatulog.

Naisip din niya na puyat ito, hindi na kasi niya naabutan ang pagdating niya kagabi dahil sa sobrang tagal niyang umuwi, nakatulog na siya. Sumagi rin sa isip niya na baka hindi ito umuwi kagabi pero naisip rin niyang imposible ‘yon dahil laging nauwi si Sandro sa gabi.

Kasalukuyan na niyang hinahanda yung mga plato at kutsara sa mesa at mayamaya lang pupuntahan na niya sa kwarto si Sandro para gisingin nang biglang marinig niyang may nag-doorbell sa pinto.

“Teka, ang agad naman yata ni Jairus ngayon,” sabi niya sa sarili. Si Jairus lang kasi ang ini-expect niyang pupunta ng maaga sa bahay ni Sandro.

Narinig niya ulit na tumunog yung doorbell kaya hindi na niya natanggal yung suot niyang apron dahil sa pagmamadali. Hindi na rin siya nakapaghugas ng kamay na medyo madumi dahil sa pagluluto.

“Nandyan na, teka lang Jairus,” medyo malakas na sabi niya nang medyo malapit na siya sa pinto.

Pagbukas niya ng malaking pinto, natigilan siya nang hindi si Jairus ang bumungad sa harap niya.

A beautiful and sexy woman is standing infront of her, nakalagay ang isang kamay nito sa bewang niya at ang isa naman ay may hawak na hand bag. She’s wearing a black mini-skirt dress and a color beige heels. Mahaba at kulot ang buhok niya na parang isang shampoo endorser sa TV. Pulang pula rin ang magandang labi niya at tila nag-go-glow ang balat niya kahit na hindi pa masyadong maliwanag ang paligid.

Saglit na nagulat din ang itsura niya nang makita si Aaliyah. Tumaas ang makapal at well-shaped niyang kilay.

“Who are you?” mataray na tanong niya.

Aaliyah looked puzzled. ‘Yun din mismo ang gusto niyang itanong sa babaeng kaharap niya ngayon pero naunahan siya nito.

“Ako si Aaliyah, ikaw, sino ka?” magalang na tanong niya.

“What do you mean na sino ako? Sino ka ba at bakit ka nandito sa bahay ni Sandro?” lalong na inis ang boses niya.

Tuluyan nang binuksan ni Aaliyah yung pinto para maayos na humarap sa babae. Hindi niya gusto ang pananalita nito sa kaniya pero kailangan niyang maging magalang dahil hindi naman niya alam kung sino ‘to. Isa pa ay kilala niya si Sandro.

“Isang lingo na rin akong nakatira dito, hindi kasi kita kilala, hindi rin niya nasabing may darating siyang bisita ngayon, puwede ko bang malaman yung pangalan mo?”

Kitang kita sa mukha ng babae na hindi niya gusto ang sinabi ni Aaliyah.

“Sandro let you live with him? Kaano ano ka ba niya?”

“A-Ano kasi-“

“Never mind, where is he?” She cut her and stormed inside the house.

“Teka lang miss,” pigil niya dito pero dire-diretso lang siya sa kusina.

“Sandro?” malakas na tawag niya.

Nakita niya yung mga pagkain na nakahanda sa mesa pero wala si Sandro kaya napatigil siya at humarap ulit kay Aaliyah.

“What? Nasa’n siya?” medyo tumaas na ang boses niya kaya naalarma bigla si Aaliyah.

“N-Natutulog pa siya. Gigisingin ko pa lang kasi sana siya pero bigla kang dumating,” paliwanag niya.

“So it’s my fault now?” she crossed her arms.

Naglakad ulit siya papunta sa living room, nilapag niya yung dala niyang bag sa sofa. Sinundan naman siya ni Aaliyah na hindi pa rin alam kung sino ba siya. Natatakot siya na baka magalit si Sandro dahil nagpapasok siya nang hindi niya alam.

“Gigising ko na lang siya, teka,” sabi niya dito. Akmang tatalikod na sana siya para umakyat sa kwarti ni Sandro pero nagsalita ulit yung babae.

“No need, I will do it.”

Habang sinasabi niya yun, tiningnan niya mula ulo hanggang paa si Aaliyah. Medyo nahiya siya dahil hanggang ngayon suot pa rin  niya yung maduming apron na ginamit niya sa pagluluto. Alam din niyang sobrang dugyot ng itsura niya dahil kakagaling lang sa pagluluto. Pakiramdam tuloy niya ay hinuhusgahan ng babae ang buong pagkatao niya dahil sa mga titig nito sa kaniya.

“A-Ako na…” Aaliyah insisted.

“Hindi ka ba nakakaintindi? Ako na. Alam ko na, siguro katulong ka niya dito. Ipagpatuloy mo na lang yung pagluluto mo sa kusina and mind your own dirty business in the kitchen. Naiintindihan mo ba ‘ko?” nakataas ang kilay na sabi nito sa kaniya.

“Anong nangyayari dito?”

Bago pa makasagot si Aaliyah sabay silang napalingon sa hagdan nang bigla nilang marinig ang boses ni Sandro.

The woman behind Aaliyah automatically smiled, “omg! Sandro I miss you!” she cheerfully said habang tumatakbo sa kinatatayuan ni Sandro at saka hinalikan ‘to sa pisngi at niyakap ito nang mahigpit.

“I miss you too! Kelan ka pa dumating?” sagot sa kaniya ni Sandro habang niyayakap rin siya pabalik.

She must be his girlfriend? Pero bakit ngayon ko lang siya nakita? At bakit hindi niya nabanggit sakin na may girlfriend siya?

Sabi ni Aaliyah sa isip niya habang pinapanood kung paano magyakapan nang mahigpit yung dalawa sa harap niya. Mukha ring masayang masaya si Sandro na makita yung babae na kanina lang ay ininsulto siya. Bakas sa mukha niya ang magkahalong gulat at saya.

As usual, topless na naman ang binata at boxer short lang ang suot.

“Ehem,” pekeng ubo  niya para matigil na sa pagyayakapan ang dalawa dahil mukhang nakalimutan na nilang may kasama sila sa living room.

Kumalas ng yakap yung babae kay Sandro at bumaling ulit sa kaniya.

“Who is she?” tanong niya kay Sandro.

“Ah, she’s A. Dito muna siya tumitira pansamantala. A, this is Vanessa.” Pakilala niya dito saka hinawakan sa bewang si Vanessa.

Vanessa faked a smile.  “Do you mean, katulong mo siya?” sabay tingin ulit niya kay Aaliyah mula ulo hanggang paa.

“What? No.”  Binalingan ni Sandro ng tingin si Aaliyah saka nagsalita ulit. “Sandali, bakit ganyan ang itsura mo, A? At bakit ang aga mo naman yata nagising? Anong ginawa mo?” sunod sunod na tanong niya.

“Ahm…” “Nagluto kasi ako ng umagahan.” sagot niya.

“Bakit? Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan. Ako naman yung palaging nagluluto, dapat hinintay mo nalang ako o ginising mo ako kung nagugutom ka na.”

“Ano kasi…” halos hindi niya masabi yung dahilan bakit ba siya nagluto. “Gusto ko sanang bumawi sayo, sa pagpapatuloy mo sakin dito sa bahay nyo.”

Saglit na napatigil si Sandro sa narinig.

“Ano ka ba, A. You shouldn’t be worried about it. Hindi mo na kailangang isipin ‘yon.”

Sasagot pa sana si Aaliyah pero bigla na namang sumingit si Vanessa na nakayapos pa rin sa braso ni Sandro.

“Don’t mind it na, hayaan mo na siya. C’mon, let’s eat na lang. Para naman hindi masayang ‘yung niluto niya. Gutom na rin ako, eh.”

Hindi na rin nakapagsalita si Sandro dahil hinila na siya ni Vanessa papunta sa kusina.

Like Jairus, feel at home na si Vanessa sa bahay ni Sandro dahil sa palagi rin siyang nandito. Pero no’ng nakaraang buwan, nagbakasyon si Vanessa sa states dahil nandoon ang mga magulang niya kaya matagal silang hindi nagkitakitang tatlo.

Hindi rin akalain ni Sandro na ngayon ang uwi niya sa isla dahil hindi naman ‘to nagpasabi na uuwi na siya. Vanessa wanted to surprise Sandro too, pero hindi niya akalain na pati pala siya ay masosorpresa sa maaabutan niya.

Vanessa and her family own the Foxx Resort. Siya ang namamalakad dito dahil nasa ibang bansa ang mga magulang niya at dito rin niya nakilala sina Sandro at Jairus.

Sabay sabay silang kumaing tatlo habang kinikwento ni Sandro kung sino at bakit nga ba nasa isla si Aaliyah.

“So she’s just a free bedspacer here? Well, she really need to do you a favor dahil pinapatira mo siya dito ng libre.” Sabi ni Vanessa pagkatapos magkwento ni Sandro.

“C’mon, it’s really nothing.” Awat ni Sandro.

Kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Aaliyah, halos tango at oo lang ang sinasagot niya kay Sandro simula nang maupo sila sa mesa para kumain at magsimulang mag-usap. She really felt awkward on the way Vanessa talks to her. Halos silang dalawa lang din ang nag-uusap at nagkakamustahan.

Tahimik lang niyang kinakain yung pagkain sa plato niya at tahimik na hinihiling na sana matapos na agad silang kumain para makabalik na siya sa kwarto.

“Anyway, bakit wala si Jai dito?” pag-iiba ng usapan ni Vanessa.

“Hindi ko nga alma eh, dapat kanina pa nandito yung kumag na ‘yun.” sagot ni Sandro.

“It’s okay, let’s go to his place na lang if he doesn’t come here. Let’s bond today. I miss you both so muchhh.”

Halos mabilaukan si Aaliyah dahil sa sobrang arte niyang magsalita. May kasama pang hand gestures habang nagsasalita siya kaya mas lalo siyang na-cringe.

“Sure, puntahan na lang natin siya.” Sagot ni Sandro habang nakangiti.

Para siyang nanonood ng pelikula na hindi niya gusto at gustong gusto na niyang ilipat ang channel.

“Oo nga pala, A. Papapuntahin ko na lang si Aling Lorna dito, siya na lang ang bahalang magligpit dito sa kusina at maglilinis ng bahay.” Bumaling siya kay Aaliyah na kanina pa hindi nagsasalita.

“Ako nalang, kaya ko naman,” mabilis na sagot niya. Matamlay ang boses niya, nawala lahat ng excitement na nararamdaman niya kanina habang nagluluto.

Gusto rin niya gumawa dito sa bahay dahil wala naman siyang ibang mapagkakaabalahan. Mabo-bored lang siya lalo.

“’Wag ka nang magpilit. Hindi kita pinatira dito para maging katulong.”

Pansin din ni Aaliyah na nagiging casual ang boses ni Sandro kapag siya na ang kausap nito.

“Don’t tell me sasama siya satin?” singit ulit ni Vanessa na nakataas na naman ang kilay habang nakatingin kay Aaliyah.

Saglit na nagkatinginan si Sandro at Aaliyah.

“Of course not. Hindi siya umaalis ng bahay, kakagaling lang niya at hindi pa siya pamilyar sa isla. Next time na lang,” sagot ni Sandro saka binawi yung tingin sa kaniya at sumubo ng pagkain.

Tumango lang siya. Sanay naman siyang iniiwan ni Sandro sa bahay but it hurts her a bit.

“Great, let’s go.” Tumayo na si Vanessa at sumunod na rin si Sandro.

“Pupunta muna ako sa kwarto para magpalit.” Paalam ni Sandro sa kaniya at dali daling umakyat sa kwarto niya.

Buong akala niya sumunod na rin si Vanessa sa kaniya pero bigla ‘tong nagsalita mula sa likod niya, nakaupo pa rin kasi siya.

“Medyo walang lasa yung luto mo, do better next time,” sabi nito. Kahit hindi niya ‘to lingunin narinig niya ang mga yabag ng heels na suot niya papaalis ng kusina at paakyat ng hagdan para sundan si Sandro sa kwarto.

Napahinga na lang siya nang malalim. Naguguluhan siya kung bakit gano’n ang trato sa kaniya ni Vanessa.

May konti pang natitirang pagkain sa plato niya pero wala na siyang balak pang ubusin ‘yon dahil nawalan na siya ng gana.

Huminga na lang ulit siya nang malalim bago tuluyang tumayo at nilagay yung plato niya sa lababo.

Hindi ito ang ini-expect niyang mangyari.

Naghugas siya ng kamay at bumalik na rin sa kwarto niya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status