Share

Chapter 5: New Treatment

Tinanghali na siya ng gising kinaumaghan. Nagulat siya nang makita na alas-otso na ng umaga at hindi rin siya pinuntahan ni Sandro para gisingin. Bigla na naman niyang naalala yung nangyari kagabi.

“Hindi kaya narinig niya yung pagbagsak ng vase kagabi?” nasabi niya sa sarili at sinapo ang noo dahil sa inis.

Agad siyang  naghilamos. Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa living room. Nagulat siya nang makitang nagtatawanan sina Sandro at Jairus habang nag-uusap na nakaupo sa sofa.

“Baby A! Gising ka na pala?” agad na bati sa kaniya ni Jairus sa oras na mapansin siya nito.

She smiled and her eyes shifted to Sandro who’s also looking at her. May kakaiba sa mga tingin nito. Napalunok siya ng sariling laway nang bigla na namang pumasok sa utak niya na baka alam talaga ni Sandro na nasa labas siya ng pinto.

Umiwas siya ng tingin dito at awkward na naglakad papalapit sa kanila.

“Tinanghali ka yata, napuyat ka ba kagabi?” tanong sa kaniya ni Sandro. Hindi seryoso ang boses nito at wari niyang napapangiti pa nang bahagya nang tanungin siya.

“H-Hindi naman,” utal na sagot nya. Bigla siyang nailing sa ekspresyon ng mukha ng binata.

Nagpalinga linga siya sa paligid na parang may hinahanap. Siguradong nandito din si Vanessa, wala namang ibang puwedeng maka-sex kagabi si Sandro kung hindi siya kaya siguradong dito na rin siya natulog.

“Nasaan si Vanessa?” tanong niya.

“May inaasikasi siya sa office niya. Busy siya masyado ngayon, eh. Ewan ko ba do’n kakarating lang dito busy na agad,” sagot ni Jairus na nagpakunot sa noo niya.

Baka maaga lang siya umalis. Naisip niya.

“Hindi siya dito natulog? ‘Di ba magkasama kayo kahapon?” tanong niya ulit.

“Ha? Bakit naman siya dito matutulog. Saglit lang din kaming nagkasama sama kahapon dahil may kailangan siyang gawin.”

Lalong naguluhan ang mukha niya. Samantalagang si Sandro ay nagpipigil na mapangiti.

“Teka, bakit ba bigla kang na-curious kay Vanessa?” sa wakas ay nagsalita na si Sandro.

“W-Wala naman, natanong ko lang.”

“Teka…” parang biglang nagliwanag yung mukha ni Jairus. “Don’t tell me iniisip mong girlfriend ni Sandro si Vanessa?”

Hindi agad nakasagot si Aaliyah.

Ilang segundo ang nagdaanan at halos humagalpak ng tawa si Jairus sa katatawa.

“Sinasabi ko na nga ba! Nako, kung yun ang iniisip mo mali ka. Bestfriend din naming siya, kaya gano’n siya ka-close samin.”

“Huh? May bestfriend bang gano’n ka close?” tanong niya sa isip niya.

Napakamot na lang sa ulo si Sandro pero hindi siya nagsalita.

Kahit naguguluhan iwinaksi na lang nia yun sa isip lalo na ang pang-yayari na nasaksihan niya kagabi. Niyaya ng kumain ng dalawa si Aaliyah dahil hinihintay lang talaga nila itong magising na ipinagtaka niya dahil palagi naman siyang ginigising ni Sandro.

Nang sabihin ni Jairus na aalis silang tatlo ngayon, halos mapatalon siya sa tuwa. Sa wakas ay makakasama na rin siya sa mga ito at makakaalis ng bahay.

May surfing training ngayon sina Sandro at Jairus. Naisipan nilang isama si Aaliyah dahil nakikita nilang nalulungkot na itong mag-isa.

“I thought you like her,” panimula ni Jairus habang inaayos ang surfing board niya.

“Who?” takang tanong ni Sandro na gano’n din ang ginagawa.

“’Wag mo nga akong ma-who who diyan. Alam naman nating dalawa kung sino ang tinutukoy ko eh.”

Napataas lang ang kilay ni Sandro na parang nag-iisip.

“Oww.”  sagot niya nang malinawan sa tinutukoy nito.

“Oh, anong reason mo? Bakit parang ang cold yata ng treatment mo sa kaniya?”

“Wala lang, ayoko lang na isipin niya na espesyal ang trato ko sa kaniya.”

“Ulol!” sabay batok sa kaniya ni Jairus.

“Gag*! Seryoso ako pre. Saka gusto mo bang mapagalitan ako ni Kap Arthur kapag pinormahan ko ‘yang si A? Baka isipin pa ng ibang tao na sinasamantala ko yung pagkawala ng ala-ala niya, eh.”

“Sa bagay, pero kung ayaw mo, pwede namang ako na lang ang pumorma sa kaniya.” Napatigil sa Sandro sa ginagawa niya at napatingin sa kaniya.

Ilang segundo silang natigilan nang humagalpak na naman ng tawa si Jairus.

“Gag*, pre. Biro lang!”

Napailing na lang si Sandro, alam naman niyang nagbibiro lang si Jairus dahil kilala niya ‘to, ilang napakagandang babae na ang nireto niya sa kaniya pero ni isa wala siyang matipuhan.

Nagsimula na silang dalawa sa surfing practice nila. Bago lumusong, tinanaw muna ni Sandro si Aaliyah na may kasama nang ibang mga babae na naka-suot ng swimsuit. Napangiti sila pareho ni Jairus dahil nakahanap agad siya ng mga makakausap.

Nakita siya ni Aaliyah na nakatingin kaya kumaway ito sa kanila. Enjoy na enjoy siya habang nasa tabi ng dagat kasama ang mga turistang nakilala niya. Mababait ito at sobrang enjoy kausap kaya naisip niyang hindi siya mabo-bored kahit na busy na sa practice ang dalawa niyang kasama.

“Baby A! Kumusta, are you having fun?”

Napalingon si Aaliyah kay Jairus na tumatakbo papalapit sa kaniya. Hawak nito yung surfboard niya na nakaipit sa kilikili niya.

“Ok naman, masaya. Ang ganda pala dito, ‘no? Ang babait pa ng mga tao kahit mga turista mababait rin,” sagot niya dito.

Halos dalawang oras din kasi siyang naiwan kasama ang ibang tao na nakikilala niya.

“Sabi ko naman sa’yo eh. Si Sandro lang naman ang hindi mabait sa islang ‘to,” sabi niya sabay halakhak.

Ibinaba niya yung hawak niyang surfing board saka umupo sa buhangin. Nakatingin lang sa kaniya si Aaliyah kaya nang mapansin niya yun tinapik niya yung buhangin sa tabi niya na nagpapahiwatig na umupo rin si Aaliyah sa tabi niya.

“Kapag bumalik na yung ala-ala mo, aalis ka na dito, ‘di ba?”

Hindi siya nakapagsalita. Pinagmasdan lang niya si Jairus habang nakatingin ito sa dagat.

She felt bad.

“Hindi ko alam… siguro,” sagot niya.

“Sa bagay, baka hinahanap ka na rin ng mga magulang mo o kung sino mang kasama mo sa buhay. Sure akong miss na miss ka na nila at nag-aalala na sila sayo.” Halata ang concern sa boses ng binata.

Lalo siyang hindi makapagsalita. Simula nang mapadpad siya dito ngayon lang napag-usapan ang topic tungkol sa pamilya niya. Gusto niyang sabihin na mali ang akala niya tungkol sa mga magulang niya pero hindi niya magawa.

“Pare! Ano tama na ba ‘tong practice natin?”

Nakahinga siya ng maluwag nang biglang sumulpot din si Sandro.

“Okay na siguro to sa ngayon, tumataas na rin yung araw. Masyado nang masakit sa balat,” sagot niya.

Bumaling ang tingin ni Sandro kay Aaliyah na nakaupo pa rin sa buhangin. Mula sa mukha niya gumapang ang tingin nito sa katawan ng dalaga. Kitang kita kasi ang underwear na suot nito dahil nagmistulang see through ang suot niyang puting t-shirt at manipis na short. Nabasa kasi siya dahil sa pags-swimming kanina.

Kitang kit ani Aaliyah ang pag ngiti nito habang tinitingnan ang katawan niya.

“Ehem.” pekeng ubo niya.

Agad natanggal ang tingin ni Sandro sa katawan niya at nginitian siya ng nakakaloko.

“Tara na? Mag-lunch na tayo, gutom na ako eh.” Si Jairus na ang nag-aya nang mapansin ang tinginan ng dalawa.

Hindi na nagsalita si Aaliyah, siya na ng naunang tumalikod at naglakad.

“Aray!” impit na d***g ni Sandro. Bigla kasi siyang binatukan ni Sandro dahil sa ginawa niya kanina.

Napailing lang si Jairus habang tumatawa.

Kahit sa pagkain nila hindi mapakali si Aaliyah dahil sa kakaibang kinikilos ni Sandro. Mula sa kakaibang mga tingin nito at nakakalokong ngiti, parang naging sweet na rin ito sa kaniya. Lalo lumalakas ang kutob niya na may kinalaman ang lahat sa nasaksihan niya kagabi.

“So, isasama ba natin mamaya itong si Baby A?”

Napaangat ang ulo ni Aaliyah dahil sa narinig.

Isasama? Saan?

Napatanong siya sa sarili dahil wala naman siyang alam na pupuntahan nila mamaya.

“Hmm…” umaktong nag-iisip si Sandro habang pinaglalaruan yung pagkain sa plato gamit ang kutsara niya.

“Saan?” tanong ni Aaliyah.

“Sa Foxx summer beach party. Big annual party ‘yun dito sa isla, at maraming pupunta. For sure mag-e-enjoy ka.”

Bigla siyang nakaramdam ng excitement.

“Isa rin yun sa inaasikaso ni Vanessa kaya sobrang busy niya at kaya rin siya umuwi dito sa isla.”

“Talaga? Puwede akong sumama?”

“Ano, pare. Isama na natin ‘tong si Baby A. Para maranasan niya yung isa sa pinakamasayang event dito satin.”

Saglit na dinapuan ng tingin ni Sandro si Aaliyah saka sinubo yung pagkain sa kutsara niya.

“Itatanong ko muna kay Kap. Arthur.” sagot niya.

Hindi alam ni Sandro kung bakit siya ang tinatanong tungkol kay Aaliyah dahil hindi naman talaga siya ang magde-desisyon. Pero dahil siya ang umako ng responsibilidad sa pagpapatira sa kaniya sa bahay niya. Ako rin niya ang responsibilidad kung sakaling may mabgyaring masama sa kaniya.

“Sus! Sigurado akong papaya ‘yun. Saka kasama naman niya tayo, walang mangyayaring masama sa kaniya.

Nakatingin lang si Aaliyah sa kanilang dalawa na nagtatalo. Gusto niya talagang sumama.

Ilang segundo ang lumipas bago ulit nagsalita si Sandro.

“Sige,” tanging sagot niya.

“Ayun!” napasuntok na lang sa hangin si Sandro.

Habang halos tumalon naman sa tuwa si Aaliyah nang marinig yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status