Naririnig ko ang malakas na sigawan ng arena, naramdaman ko ang sakit sa aking buong katawan habang patuloy na tinatanggap ang suntok at sipa na galing sa aking kalaban. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay malakas kong sinipa ang tiyan nito kung kaya napa talsik ito papunta sa kabilang dulo ng ring. Tumayo ako ng matuwid at mas ikinuyom ang aking mga kamao ng mahigpit. Hinintay ko siyang maka tayo at atakihin ako muli, pinagmasdan ko ang bawat galaw na kanyang gagawin, binabasa ko ang susunod niyang magiging atake sa akin.
Masyado na akong nag tatagal sa loob ng ring, kailangan ko na itong tapusin ayon sa pinag usapang oras. Sinuntok niya ako ngunit na ilagan ko kaagad iyon, pag ilag ko ay kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay bago niya pa tuluyan mabawi iyon. Nilagay ko ang aking lakas sa aking buong paa, at buong lakas na binuhat sabay binalibag ang aking kalaban sa sahig at sa isang iglap lang ay natumba ito.
Hindi doon natapos ang aking ginawang pag atake, mabilis kong inipit ang kanyang leeg gamit ang aking paa at hinila ang kanyang kamay. Naririnig ko ang kanyang mahinang pag daig at pilit siyang kumawala sa akin. Ngunit mas lalo kong hinigpitan ang pag kapit sa kanya, hindi ako tumigil hanggang tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Natapos ang aking laban sa loob lamang ng kalahating oras tulad ng pinagkasunduan, tila nabibingi ako sa lakas ng sigaw at hiyawan sa loob ng arena. Lumabas ako sa ring at napa tingin sa aking kalaban, hindi ko siya binawian ng buhay ngunit hindi ko rin siya maaaring talunin kahit na sumuko pa siya at may malay. Hindi ito basta bastang labanan sa loob ng underground fights swerte mo na lang kapag nakalabas ka pa ng buhay, pumasok na ako sa loob ng locker at doon ay nakita ko si Mr. Chu naka ngisi.
"That was a good fight Amira, good job. Gaya ng pinag usapan huh?" Napangisi naman ako dahil alam kong nais nitong matalo ako upang mas lalong madagdagan ang pagkaka utang ko sa kanya. Dahil kapag natapos na ako sa pagbabayad ay tuluyan na akong mawawala pati na rin ang pinagkakakitaan niya sa arena.
"Hindi kita kailanman bibiguin Mr. Chu." Anas ko, lumapit naman siya sa akin sabay binigay sa akin ang isang envelope na alam kong may laman na pera. Tinanggap ko naman iyon at ikinaya pasiya palabas ng aking locker. Kahit sino pa ang ipadala niya sa akin upang aking makalaban ay hindi ako papayag na matalo, nanggagalaiti na ang aking mga paa na mawala sa lugar na ito.
Napatingin ako sa aking mukha sa salamin, binuksan ko ang aking bag sabay kumuha ng panlinis ng sugat at pagkatapos kong linisin ang aking sugat ay nilagyan ko ng band aid. Napangiwi pa ako sa hapdi at sakit ngunit ininda ko na lamang iyon.
Lumabas ako sa underground arena at inunat ang aking katawan. Sa wakas ay naka langhap na rin ako ng preskong hangin, napatingin ako sa aking relo at saktong alas sais na iyon ng umaga. Nakita ko ang pagsikat ng araw tanda na panibagong araw na naman ang sumisibol, hinawakan ng aking kanang kamay ang manibela ng aking bisikleta saka ako sumakay sa upan nito. At inayos ko ang pag kakaupo ko bago simulan ang pag pipedal. The morning wind greets me. I badly need to sleep.
May klase pa ako mamayang 10 hanggang 1 tapos matutulog ulit, depende kay Mr. Chu ang oras ako pupunta sa arena upang lumaban. Mabilis ang pag pedal ko kaya mabilis din ang takbo ng aking bisikleta, walang masyadong dumadaan na sasakyan sa aking dinadaanan kung kaya malaya akong mag patakbo ng mabilis.
Gaya ng palagi kong ginagawa ay nag shortcut ako pauwi, at hindi dumaan sa highway imbes ay sa mga eskinita ng mga kabahayan. Habang patuloy sa pagpapatakbo ay bigla na lamang isang matandang sumulpot sa aking harapan, nanlaki ang aking mata at mabilis na ikinilos ang aking sarili. Mabilis 'kong iniliko ang manibela ng aking bisikleta sabay binitawan iyon.
Nagawa 'kong tumalon sa ere at inikot ang aking katawan upang maka balanse at upang iligtas ang aking sarili sa isang malaking pader. Naka landing ako sa lupa ng balanse at matiwasay higit sa lahat hindi nasaktan. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ko dahil kung hindi nabangga na ako sa pader, napa hawak ako sa aking puso at malakas ang pagtibok nito. Kinabahan naman ako doon, that was close. Napatingin ako sa matanda at mabilis siyang dinaluhan, naka upo ito sa lupa marahil dahil na rin sa gulat.
"Ayos lang po ba kayo lola? Pasensya na po, may masakit po ba sa inyo?" Tanong ko sa kanya, sabay inalalayan siyang tumayo. Napa tingin sa akin si Lola sabay napa iling iling.
"Ayos lamang ako hija, pasensya na rin." Wika nito, pansin kong kakaiba ang kasuotan ni lola. Tila galing siya sa sinaunang panahon, she's like one of those indigenous people. Bukod sa kanyang kasuotan ay marami rin siyang accessories na suot suot at puno ang kanyang kamay ng mga tattoo na tila hindi na nag eexist sa kasalukuyang panahon.
"May maitutulong po ba ako sa inyo? Naliligaw po ba kayo?" Tanong ko sa kanya, napa ngiti naman sa aking si Lola.
"Maaari mo ba akong tulungan na makalabas? Tila naligaw ako at hindi ko alam kung saan pupunta." Napatango tango naman kaagad ako, mukhang hindi nga taga rito si Lola at hindi makapag tataka na makikigaw ito sa pasikot sikot na daanan. Kinuha ko ang aking bisikleta na natumba at pinatayo ko iyon at nagsimulang naglakad kasabay si Lola, halos isang oras ang nagdaan ng makarating kami sa labas ng pasikot sikot na daan. Inihatid ko si Lola sa malapit ng sakayan ng bus.
"Maraming salamat sa iyong tulong hija." Napa tango naman ako at napa ngiti.
"Walang anuman po, sige po mauna na po ako lola. Mag iingat po kayo." Anas ko at akmang tatalikod na ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at tila may nilagay sa aking palad, pag lingon ko ay nawala ng parang bula si Lola. Napakurap ako ng ilang beses, at napa lingon sa paligid.
Dahan dahan kong binuksan ang aking kamay at nakita ko ang isang singsing na nakapatong sa aking palad. Tila pinag lipasan na ng panahon ang naturang singsing, may kakaiba rin itong disenyong. Tila hindi ito lamang ordinaryong singsing, bakit naman ito ibibigay sa akin ni Lola? Nakapagtataka ngunit pakiramdam ko hindi ito ang unang beses na nakita ko ang naturang singsing, tila pakiramdam ko may malakas akong koneksyon dito.
Itinago ko ang perang napanalunan ko, kailangan kong mag ipon ng malaking halaga para sa aking pangarap. Kahit may malaki akong utang sa intsik na iyon ay binibigyan niya parin ako ng parte upang itira sa aking sarili, simple lamang ang dahilan upang may pang kain ako. Hindi niya ako magagamit sa underground kung hindi ako malusog, at mamatay na sa gutom kung kaya wala itong pagpipilian kundi ang ibigay sa akin ang kalahati. Hindi ako mismo ang may malaking utang sa kanya, naipit lamang ako sa sitwasyon at kailangan 'kong pagbayaran iyon.
Amirah's POVNaka higa kami ngayon sa kama, naka patong ang ulo ko sa balikat niya. Naka harap ako sa kanya habang niyayakap siya. Hindi pa tuloyan natapos ang kasiyahan pero kami ito nag papa hinga na. Maaga pa kasi kami bukas aalis. Kailangan na naming umuwi, sabi ni Hubby Hunky nakapag paalam naman daw siya kay andula pero, kailangan parin naming maka uwi. Baka kasi may maka pansin pag kawala namin.Naka yakap kami ngayon sa isa't isa, dinama ko ang mainit niyang katawan. Hindi ko alam kung maliiy lang ba talaga ako para yakapin niya ako ng parang unan lamang. Kasi saktong sakto ako sa bisig niya. Sobrang saya ko, wala akong pag sisidlan sa saya ko. Ganito ba talaga ang feeling pag mahal ka nang mahal mo? Napaka bilis ng pangyayari, parang kisap mata lang. Hindi ko akalain na nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Gusto kong mag tanong tungkol sa nararamdaman niya kay marikit pero baka masaktan lang ako. Ayokong mag overthink, paniniwalaan ko siya sa sinabi niya. Pang hahawakan ko
Amira's POVTinahak ko mag isa ang banwa nila lolo, nag lakad ako ng mag isa sa gubat. Ano naman? Wala naman akong kinatatakotan, I can protect myself!Na miss ko bigla yong bata at ang masayang bayan nila. Maybe maari naman ata akong bumisita sa kanilang tagong banwa. Tanging ang pag tama ng paa ko sa tuyong dahon at ang pag dampo ng hangin sa mga puno ang maririnig ko. Kung sana hindi low bat yung phone ko magagamit ko iyon pag lakbay, habang naka earphone.Nadaanan kona ang butas kung saan kami nahulog ni maisog. Unting lakad na lamang at makikita kona ang naturang banwa.Napa ngiti na ako nung nakita ko ang maari kong pasokan, ang lagusan, may mga halamang naka tabon sa butas ng kweba kaya naman hindi agad nakikita ito. Buti na lang at nilagyan ko ito ng marka.Wala na akong inaksayang oras at agad kong hinawi ang mga halaman at pumasok sa naturang lagusan. Binalik ko din naman agad ito sa dati para hindi halata. Ito iyong dahilan kung bakit, tago ang kanilang lugar.
Amira's POVNagising ako nang may iniinadang sakit sa aking ulo. Kasalanan ko naman kung bakit ko ito nararamdaman. Kahit hindi ako masyadong nalasing kagabi ay nataaman parin ako ng alak na iyon. Damn!Napa hilot na lamang ako sa sintido ko. Nais ko ng tubig kung kaya't naisipan kong tuloyang imulat ang aking mata. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang mabigat na bagay sa aking bewang. Naka pulopot ito ng sobrang higpit. Agad naman akong na alarma. Fuck!Nanlaki ang mata ko dahil, hindi lamang ako ang nag iisang tao na naka himlay sa kama ko. Kasama ko ang lalaking hindi ko inaasahan.Dahil sa gulat ko ay wala sa sariling na sipa ko ito dahilan upang mahulog siya sa kama at lumagapak sa kawayan na sahig.Nagising ang ginoo sa aking ginawa at agad na tumayo. Naka kunot noo siya sa akin."Bakit mo ginawa iyon?!" inis na saad niya, ngunit kahit ganon hindi parin mawala sa boses niya ang nakaka pang akit na tinig. Napa kagat labi na lamang ako,
Amira's POVMalaki ang ngiti ko sa nakita ko. Hindi lamang si maisog ang nakita ko, kundi kasama niya din ang butihin kong kaibigan si maganda. Hindi na siya nag taka, marahil ay sinunod nito ang payo niya sa kaibigan na, mapapalapit ang loob niya sa ginoo pag kusa na siyang kumilos para dito. At sa totoo lang ay ang kaibigan na niyang ito ang namimitas ng halaman para sa kanya. Ngunit sa araw na ito nais ko lang talaga lumabas sa aking silid upang makapag isip isip."Narito ka pala ganda.'' saad ko may ganda. Tumango siya sa akin. Narito na ako sa harden ni maisog at kasalukoyan ko silang nakikitang sabay na nag uusap habang abala sa papatubig ng mga halaman. Masaya panga silang nag tatawanan nang dumating ako. Feeling ko tuloy na abala ko sila sa moment nila. Naku naman oh.Agad naman akong sinalubong nung dalawa pero mas nauuna si ganda. Nginitian ko silang parehas at ganon din sila sa akin."Oo, at bakit ikaw narito ka?" tanong niya. nakibkit ba
Amira's POVHindi ko alam kong panaginip lang ba iyon. Ngunit nakita ko sa aking panaginip na hinalikan ni makisig ang aking labi. Marahil ay isa lamang iyong panaginip. Hindi naman siya umuwi kagabi. Hindi ko alam kung saan siya namamalagi. Kasi pag gising ko ay wala naman siya sa aking tabi kaya hindi maaring hindi iyon panaginip.Napaka bigat sa pakiramdam, ginawan ko siya ng haponan. Nag effort ako para sa kanya, tumupad ako sa aking pangako ngunit hindi naman siya interesado doon."Magandang umaga mahal na arami." Bati sa akin ni andula, wala akong gana kaya naman ay tumango na lamang ako sa kanya. Kailangan ko pa palang matuto kung paano sumulat ng Philippines script na badlit. Buti nalang talaga at masunurin akong bata kaya ginagaw
Amira's POVHindi ko alam kung ano ang problema nina dino at tapang pero parang may nalalaman silang hindi ko na lalaman. Tsk! Napa kamot na lang ako sa batok ko. Umupo na lamang ako sa buhangin. Nawawalan na ako ng gana, dahil nalibot ko naman ang buong lugar na malapit dito.Naiinis ako sa sarili ko, dahil hinahanap ng puso ko si makisig, kaya naman itong isip ko tudo deny. Hayst!"Mahal na arami tumayo ka dyan. Maraming buhangin." Pag saway sa akin ni andula kaya naman ay napan simangot na lamang ako. At napa kunot noo ako dahil nakita kong nasa dalampasigan sina makisig at si marikit di kalayuan dito. Mag kasama pala sila. Saan kaya sila nag punta?Mas lalo pa akong nag taka ng nakita kong mukhang mag kabati ang dalawa. Ano
Amira's POV"Maraming salamat sa pag dating mo kanina." Wika ko kay makisig, nasa sala kami ngayon habang ginagamot ko ang galos niya nung nakaraang araw. Dahil sa kagagawan ko. Mabilis kaming naka uwi, dahil mabilis ang taga sagwan ng aking asawa. Ginamit ko nanaman ang mahiwagang emergency kit ko para gamotin siya."Sabihin mo sa akin, matagal na ba nila iyong ginagawa sa iyo?" tanong niya kaya napa angat tingin ako. Nag tagpo ang aming mga mata nang inangat niya ang kanyang tingin."Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Kunwaring walang alam na saad ko."Huwag mo nang ilihim sa akin. Alam kong sinasaktan ka ng iyong mga magulang. At pinipilit ka nilang sundin ang kagustoha
Amira's POVGaya nga nang sinabi ko pag katapos naming kumain ay agad nila akong dinala sa silid ng asawa ng datu, naka higa ito sa kama at may mga babaylan at alabay naka paligid sa kanya. Gusto niyang kamutin ang kanyang balat ngunit mariing itong pinipigilan ng mga alabay.Natunugan naman nila ang pag pasok namin sa kanilang silid kaya agad silang napa lingon. Ang pag kunot noo agad ang isang babaeng maraming boyloloy ang nakita ko."Pinuno, bakit may kasama po kayong tila hindi taga rito?" tanong nito at ginalang ang kanilang pinuno."Napa rito sila upang tulongan si danaya sa kanyang karamdaman. Siya si Arami, isang manggagamot." Saad ni lolo pascio. Mas lalo pang napa kunot noo ang babae."At ano namang akalaman ng isang iyan sa karamdaman ng asawa ng datu? Baka mas lalo pang lumala ang karamdaman ng mahal na danaya." pag tang
Amira's POV"Tulong, tulong. May tao ba dyan? Tulong!" buong lakas kong sigaw para may maka rinig. Siguro naman ay may dadaan dito diba? Naka lagay ang kamay ko sa bibig ko para mag ka echo man lang.Nilingon ko si makisig na naka upo parin. Sinimangotan ko siya. Halos wala na akong laway na malunok dito sa kakasigaw siya parang wala lang sa kanya."Anong bang ginagawa mo? Tulongan mo kaya ako?" inis na pakli ko sa kanya."Ayokong sumigaw, mag aaksaya lang tayo ng laway. Wala tayong tubig dito. Bawal mauhaw. " Saad niya, sabagay may punto siya. Pero kailangan parin naming umalis."Ano kaba? Pag hindi tayo maka alis dito baka mamatay tayo sa gutom hindi sa uhaw." Saad ko, kasalanan talaga ito ni ganda. Dahil sa kanya nag wawa ang bulate ko sa tyan. Gutom na gutom na ako. Napa himas naman ako sa aking tyan, kumukolo na ito, at nang hihina na din ang tuhod ko. Napa buntong hininga na lang ako at pinag patuloy ang aking pag sigaw o pag hingi ng tulog.