May mga utang na kahit anong takbo at pag tago natin ay kailangan pag bayaran, malaki ang utang na loob ko sa taong nag aruga at tumanggap sa akin ng buo. Hindi siya nagkulang sa pag paparamdam sa akin kung ano nga ba ang pagmamahal, kung ano nga ba ang pag papahalaga. Ang mundo kong walang buhay ay binigyan niya ng kulay at binigyan niya ako ng bagong pag asa. Naging sandigan ko siya sa masalimuot 'kong mundo, at hindi ako nagsisisi na makilala ang isang katulad niya. Mahigit apat na taon na ang nakalipas simula nung mawala ang taong iyon, apat na taon na ang lumipas nang makarating sa akin ang masamang balita na tuluyan na siyang inagaw ng mundo sa akin at kahit sa huling pagkakataon ay hindi ko siya makikita pa.
Kasabay ng kanyang pagkawala, ay naiwan sa akin ang malaking halaga na kanyang pagkakautang at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay aking binag babayaran. May kumatok na lamang sa aking pintuan at may dala dalang isang kasulatan at kasunduan Sinasabing sa akin hinabilin ang malaking halaga ng kanyang pagkakautang, at upang mabayaran iyon ay kailangan kong pumasok sa loob ng arena at lumaban. Sa unang taon ay labis akong nahirapan, hindi ko alam kung paano ako makaka bangon at makaka uwing may buhay.
Labis na nasisiyahan ang mga taong nasa underground na makita akong sugatan at duguan, hindi ko mabilang ang buto na nabali sa aking katawan. Gusto kong sumuko, ngunit hindi ko magawa. Ang maging buhay ang tanging paraan upang mabayaran ko ang malaking utang na loob ko sa kanya, kung kaya kahit nais kong sumuko ay hindi ko magawa.
Bigla ko na lamang naalala ang singsing na aking natanggap kahapon, kinuha ko iyon at humiga sa aking kamay. Sinuri ko ng maigi ang singsing, may disenyo itong tila isang ahas sa harapan, hindi ko maintindihan. Sinuot ko naman iyon sa aking daliri at kasyang kasya ito sa akin, na tila ginawa ito upang aking suotin.
Pumasok ako sa loob ng library ng tahimik, nabalitaan kong hindi pumasok ang aming guro kung kaya naman ay mas pinili ko na lamang na bisitahin ang library at magbasa ng libro tungkol sa medisina. Pangarap kong maging isang doktor balang araw, hindi ko maalala kung kailan ko ninais ang propesyong iyon ngunit nagising na lamang ako isang araw na iyon ang nais 'kong makamit sa buhay.
Habang sinusuyod ko ang shelves ay may narinig akong usapan, kinuha ko ang isang libro na naka agaw sa aking paningin sabay binuklat iyon. Tungkol iyon sa mga iba't ibang halamang gamot, hindi ko alam na may mga ganito palang libro rito. Natagpuan ko ang sarili ko na binabasa iyon, bigla akong nag karoon ng interes.
"So ito na nga, mag research daw kami tungkol sa pre colonial sabi ng guro namin. Hindi ko ba alam kung bakit kailangan pa natin itackled ang prehistoric era." Napa lingon ako sa babaeng nagsasalita.
"Sira, mahalaga kaya iyon. Huwag mong minamaliit ang mga katutubo natin." Anas ng kaibigan niya. Nag patuloy lang ako sa pagbabasa.
"Malaki kaya utang na loob natin sa kanila, walang lahing pilipino kung wala sila 'no" Dagdag pa ng isa, hindi ko na lamang pinansin ang dalawa at napag pasyahan na mag hanap ng pwesto upang magpatuloy sa pagbabasa. Nakaraan ang dalawang oras, at hindi ko namalayan na nalunod na ako sa aking binabasa.
Naputol lamang iyon ng bigla na lamang tumunog ang aking telepono na nakapatong sa lamesa, kaagad kong naramdaman ang titig ng kapwa ko estudyante sa akin. Kung kaya naman ay wala akong choice kundu sagutin iyon, at sabay lumabas sa library. Tinignan ko ang tawag at walang iba iyon kundi si Mr. Chu, napa buntong hininga na lamang ako at kaagad na sinagot iyon. Ano nanaman kaya ang kailangan ng insek na ito at may araw pa lang tumatawag na.
"Ano ang kailangan mo?" Deretsahang tanong ko rito, wala ng paligoy ligoy pa.
"Gusto ko lang ipaalam sa iyo na alas diyes ang iyong laban ngayong gabi, huwag mo sana akong biguin Amira." Napa irap naman ako.
"Huwag kang mag alala boss, hindi ako katulad mo." Anas ko sabay pinatayan ito ng tawag, hindi na umaabot ng isang milyon ang utang na dapat kong pagbayaran sa kanya at panigurado akong susulitin niya ang pagkakataon na gawin lahat ang nais niya upang mapakinabangan ako. Hindi niya magawang kunin ang pinaka nais niya sa akin kung kaya ganon na lamang ang pagpapahirap na binibigay ng matandang iyon upang bigyan ako ng leksyon, mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang ibenta ang aking katawan.
Agad kong binalikan ang lamesa at ang libro pagkatapos kong putulin ang tawag, napa kunot noo naman ako at laking pagtataka dahil may babaeng nakatayo malapit sa aking pwesto.
"Excuse uupo po ba kayo?" Tanong ko sa kanya, at napa lingon naman siya kaagad sa akin na may ngiti sa labi.
"Hindi po, hinintay ko talaga kayo, By the way I'm addy at narito ako upang anyayahan kayo. I'm from historical clubs, ate can you give mo a favor can you please read this book? Para po sa activities namin." At may inabot siyang libro sa akin, nag dalawang isip akong tanggapin iyon pero kalaunan ay tinanggap ko rin naman.
"Ipinapangako ko sa iyo na marami po kayong matutunan d'yan sa loob ng libro na maari niyong magamit sa balang araw, basta basahin niyo lang po." Saad niya, napa tango naman ako.
"I'll try."
"Sige po, after niyo po basahin ang libro puwede po ba namin makuha ang opinyon niyo about sa pre colonial in the philippines or kung anong natutunan niyo?" hindi ko alam kung Oo ba ako or hindi sa sinasaad nitong babae ey pero diko maiwasan.
"Sige." saad ko, at nasilayan ko nanaman ang ngiti nito.
Binaba ko ang mga mata ko sa libro at tinignan kung anong hitsura ng libro pag titigan, at hindi ako makapaniwala. Parang napaka luma na nito, at nabaon na sa lupa ng ilang taon.
Inangat ko ang ulo ko upang mag salita ulit, ngunit laking gulat ko ay wala na ang babae sa harapan ko. Napakurap ako ng ilang beses, ang bilis ng nawala ng hindi ko man lamang namamalayan. Napa buntong hininga naman ako at tingnan ang libro, wala akong balak buklatin iyon. Basta ko na lamang nilapag ang libro sa lamesa ko at pinag patuloy basahin ang librong tungkol sa mga halamang gamot.
While reading I write the important words to my notes. The time passes and I am drawn to the deep reading and not recognizing the time has run so fast and it's already dark outside. I don't know but when I started reading the book, I couldn't take it off and it's like I'm intensely interested in it.
Until I checked the time on my phone and it's already six in the evening. So I decided to stop reading and put the books on the shelves and bring it back where it belong, at iyong libro na binigay sa akin ng babae ay nilagay ko sa bag ko dahil tinanong ko sa Liberian kung meron ba silang ganitong libro at sinabi nito ay wala.
Wala talaga akong balak basahin iyon, malaki ang university na ito at tiyak akong hindi na ako mahahanap ng babaeng iyon. Pagkatapos kong ayusin ang bag ko ay sinukbit ko ang aking bag sa aking likod. Hindi pang karaniwang ang bag ko, kasi malaki talaga ito.
Tahimik ako lumabas sa library at agad na pumunta sa parking lot upang kunin ang aking bike, kailangan ko nang umuwi sa bahay upang makapag ayos at makatulog kahit isang oras lang kailangan ko ng kumilos upang mabayaran ang pagkakautang ko.
Naglakad ako papunta, at nang nakarating na ako sa parking lot ay agad kong inayos ang aking bike, pinatayo ko ito ng matuwid at napag pasyahan ng lumabas sa gate.
Hindi na ako pinansin ng guard dahil base sa uniform ko, kanina pa tapos ang aming klase. Mamaya pang seven ang uwian ng iba. Kaya hindi pa ako nasaraduhan ng gate, talagang madilim na nga.
Napabuntong hininga na lang ako at nag simula nang patakbuhin ang aking bisikleta pauwi. Pero bago iyon binaba ko muna ang aking pajama na aking suot sa ilalim ng aking palda, hindi ko maatim na mag bike ng naka palda lang. I was wearing a uniform na kulay pula ang palda at puti ang damit.
Malapit lang naman ang bahay ko dito, hindi naman ganun kalayo, pero kailangan ko pang tumawid ng isang tulay. Buti na lang at sa highway naisipan ng gobyerno na mag lagay na kahit konting espasyo na daanan sa gilid ng kalsada para may madaanan ang mga nag lalakad at nag ba bike.
Naisipan kong dumaan muna sa isang convenience store para mamili. Wala na rin kasi akong groceries sa bahay kaya ganon.
Mabilis din naman akong nakapamili kaya naman agad akong lumabas para makauwi na. Pagod na pagod ang katawan ko pero kailangan kong kumilos upang mabuhay. Sumakay ulit ako sa bike ko na nakasandal sa pader ng groceries store.
Mabilis ang aking pagpapatakbo, malamig na hangin ang sumasalubong sa akin at ang dumadampi sa aking balat. Nililipad nito ang aking buhok, napaka sarap ng himig ng gabi.
Patuloy ako sa pagpapatakbo ng aking bisikleta at dahil doon ay hindi ko namalayan na may isang malaking bato na nakaharang sa aking dinaraanan. Nanlaki ang mata ko at pilit na pinapa hinto ang pagtakbo ng aking bisikleta ngunit nabigo ako dahil hindi kona kayang pigilan ang pagtakbo nito. Tila nawalan ng preno ang aking bisikleta, at hindi ko alam ang aking gagawin. Nais kong iligtas ang aking sarili ngunit huli na ang lahat.
"Ahhhh!" Malakas kong pag tili, humiwalay ang katawan ko sa aking bisikleta nilipad ako nito sa era. Dahil sa bato tuloyan akong nawalan ng balanse at wala na akong magawa kundi ang hintayin na lamang ang masakit na aking pagbagsak. Nakita kong umilaw ang singsing ko na mas ikinalaki ng mata ko. Wait? Glowing in the dark bato? Tila parang may humihila sa aking katawan. Naging mabigat iyon na hindi ko maigalaw, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. Sana naman hindi ako mamatay ng birhen!
Amirah's POVNaka higa kami ngayon sa kama, naka patong ang ulo ko sa balikat niya. Naka harap ako sa kanya habang niyayakap siya. Hindi pa tuloyan natapos ang kasiyahan pero kami ito nag papa hinga na. Maaga pa kasi kami bukas aalis. Kailangan na naming umuwi, sabi ni Hubby Hunky nakapag paalam naman daw siya kay andula pero, kailangan parin naming maka uwi. Baka kasi may maka pansin pag kawala namin.Naka yakap kami ngayon sa isa't isa, dinama ko ang mainit niyang katawan. Hindi ko alam kung maliiy lang ba talaga ako para yakapin niya ako ng parang unan lamang. Kasi saktong sakto ako sa bisig niya. Sobrang saya ko, wala akong pag sisidlan sa saya ko. Ganito ba talaga ang feeling pag mahal ka nang mahal mo? Napaka bilis ng pangyayari, parang kisap mata lang. Hindi ko akalain na nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Gusto kong mag tanong tungkol sa nararamdaman niya kay marikit pero baka masaktan lang ako. Ayokong mag overthink, paniniwalaan ko siya sa sinabi niya. Pang hahawakan ko
Amira's POVTinahak ko mag isa ang banwa nila lolo, nag lakad ako ng mag isa sa gubat. Ano naman? Wala naman akong kinatatakotan, I can protect myself!Na miss ko bigla yong bata at ang masayang bayan nila. Maybe maari naman ata akong bumisita sa kanilang tagong banwa. Tanging ang pag tama ng paa ko sa tuyong dahon at ang pag dampo ng hangin sa mga puno ang maririnig ko. Kung sana hindi low bat yung phone ko magagamit ko iyon pag lakbay, habang naka earphone.Nadaanan kona ang butas kung saan kami nahulog ni maisog. Unting lakad na lamang at makikita kona ang naturang banwa.Napa ngiti na ako nung nakita ko ang maari kong pasokan, ang lagusan, may mga halamang naka tabon sa butas ng kweba kaya naman hindi agad nakikita ito. Buti na lang at nilagyan ko ito ng marka.Wala na akong inaksayang oras at agad kong hinawi ang mga halaman at pumasok sa naturang lagusan. Binalik ko din naman agad ito sa dati para hindi halata. Ito iyong dahilan kung bakit, tago ang kanilang lugar.
Amira's POVNagising ako nang may iniinadang sakit sa aking ulo. Kasalanan ko naman kung bakit ko ito nararamdaman. Kahit hindi ako masyadong nalasing kagabi ay nataaman parin ako ng alak na iyon. Damn!Napa hilot na lamang ako sa sintido ko. Nais ko ng tubig kung kaya't naisipan kong tuloyang imulat ang aking mata. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang mabigat na bagay sa aking bewang. Naka pulopot ito ng sobrang higpit. Agad naman akong na alarma. Fuck!Nanlaki ang mata ko dahil, hindi lamang ako ang nag iisang tao na naka himlay sa kama ko. Kasama ko ang lalaking hindi ko inaasahan.Dahil sa gulat ko ay wala sa sariling na sipa ko ito dahilan upang mahulog siya sa kama at lumagapak sa kawayan na sahig.Nagising ang ginoo sa aking ginawa at agad na tumayo. Naka kunot noo siya sa akin."Bakit mo ginawa iyon?!" inis na saad niya, ngunit kahit ganon hindi parin mawala sa boses niya ang nakaka pang akit na tinig. Napa kagat labi na lamang ako,
Amira's POVMalaki ang ngiti ko sa nakita ko. Hindi lamang si maisog ang nakita ko, kundi kasama niya din ang butihin kong kaibigan si maganda. Hindi na siya nag taka, marahil ay sinunod nito ang payo niya sa kaibigan na, mapapalapit ang loob niya sa ginoo pag kusa na siyang kumilos para dito. At sa totoo lang ay ang kaibigan na niyang ito ang namimitas ng halaman para sa kanya. Ngunit sa araw na ito nais ko lang talaga lumabas sa aking silid upang makapag isip isip."Narito ka pala ganda.'' saad ko may ganda. Tumango siya sa akin. Narito na ako sa harden ni maisog at kasalukoyan ko silang nakikitang sabay na nag uusap habang abala sa papatubig ng mga halaman. Masaya panga silang nag tatawanan nang dumating ako. Feeling ko tuloy na abala ko sila sa moment nila. Naku naman oh.Agad naman akong sinalubong nung dalawa pero mas nauuna si ganda. Nginitian ko silang parehas at ganon din sila sa akin."Oo, at bakit ikaw narito ka?" tanong niya. nakibkit ba
Amira's POVHindi ko alam kong panaginip lang ba iyon. Ngunit nakita ko sa aking panaginip na hinalikan ni makisig ang aking labi. Marahil ay isa lamang iyong panaginip. Hindi naman siya umuwi kagabi. Hindi ko alam kung saan siya namamalagi. Kasi pag gising ko ay wala naman siya sa aking tabi kaya hindi maaring hindi iyon panaginip.Napaka bigat sa pakiramdam, ginawan ko siya ng haponan. Nag effort ako para sa kanya, tumupad ako sa aking pangako ngunit hindi naman siya interesado doon."Magandang umaga mahal na arami." Bati sa akin ni andula, wala akong gana kaya naman ay tumango na lamang ako sa kanya. Kailangan ko pa palang matuto kung paano sumulat ng Philippines script na badlit. Buti nalang talaga at masunurin akong bata kaya ginagaw
Amira's POVHindi ko alam kung ano ang problema nina dino at tapang pero parang may nalalaman silang hindi ko na lalaman. Tsk! Napa kamot na lang ako sa batok ko. Umupo na lamang ako sa buhangin. Nawawalan na ako ng gana, dahil nalibot ko naman ang buong lugar na malapit dito.Naiinis ako sa sarili ko, dahil hinahanap ng puso ko si makisig, kaya naman itong isip ko tudo deny. Hayst!"Mahal na arami tumayo ka dyan. Maraming buhangin." Pag saway sa akin ni andula kaya naman ay napan simangot na lamang ako. At napa kunot noo ako dahil nakita kong nasa dalampasigan sina makisig at si marikit di kalayuan dito. Mag kasama pala sila. Saan kaya sila nag punta?Mas lalo pa akong nag taka ng nakita kong mukhang mag kabati ang dalawa. Ano
Amira's POV"Maraming salamat sa pag dating mo kanina." Wika ko kay makisig, nasa sala kami ngayon habang ginagamot ko ang galos niya nung nakaraang araw. Dahil sa kagagawan ko. Mabilis kaming naka uwi, dahil mabilis ang taga sagwan ng aking asawa. Ginamit ko nanaman ang mahiwagang emergency kit ko para gamotin siya."Sabihin mo sa akin, matagal na ba nila iyong ginagawa sa iyo?" tanong niya kaya napa angat tingin ako. Nag tagpo ang aming mga mata nang inangat niya ang kanyang tingin."Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Kunwaring walang alam na saad ko."Huwag mo nang ilihim sa akin. Alam kong sinasaktan ka ng iyong mga magulang. At pinipilit ka nilang sundin ang kagustoha
Amira's POVGaya nga nang sinabi ko pag katapos naming kumain ay agad nila akong dinala sa silid ng asawa ng datu, naka higa ito sa kama at may mga babaylan at alabay naka paligid sa kanya. Gusto niyang kamutin ang kanyang balat ngunit mariing itong pinipigilan ng mga alabay.Natunugan naman nila ang pag pasok namin sa kanilang silid kaya agad silang napa lingon. Ang pag kunot noo agad ang isang babaeng maraming boyloloy ang nakita ko."Pinuno, bakit may kasama po kayong tila hindi taga rito?" tanong nito at ginalang ang kanilang pinuno."Napa rito sila upang tulongan si danaya sa kanyang karamdaman. Siya si Arami, isang manggagamot." Saad ni lolo pascio. Mas lalo pang napa kunot noo ang babae."At ano namang akalaman ng isang iyan sa karamdaman ng asawa ng datu? Baka mas lalo pang lumala ang karamdaman ng mahal na danaya." pag tang
Amira's POV"Tulong, tulong. May tao ba dyan? Tulong!" buong lakas kong sigaw para may maka rinig. Siguro naman ay may dadaan dito diba? Naka lagay ang kamay ko sa bibig ko para mag ka echo man lang.Nilingon ko si makisig na naka upo parin. Sinimangotan ko siya. Halos wala na akong laway na malunok dito sa kakasigaw siya parang wala lang sa kanya."Anong bang ginagawa mo? Tulongan mo kaya ako?" inis na pakli ko sa kanya."Ayokong sumigaw, mag aaksaya lang tayo ng laway. Wala tayong tubig dito. Bawal mauhaw. " Saad niya, sabagay may punto siya. Pero kailangan parin naming umalis."Ano kaba? Pag hindi tayo maka alis dito baka mamatay tayo sa gutom hindi sa uhaw." Saad ko, kasalanan talaga ito ni ganda. Dahil sa kanya nag wawa ang bulate ko sa tyan. Gutom na gutom na ako. Napa himas naman ako sa aking tyan, kumukolo na ito, at nang hihina na din ang tuhod ko. Napa buntong hininga na lang ako at pinag patuloy ang aking pag sigaw o pag hingi ng tulog.