Share

Kabanata 16.2

Kinabukan ay medyo nagmamadaling umalis si Osmond dahil mayroon daw maliit na problema. Na siya ring sa tingin kong dahilan kung bakit wala pa siya ngayon. Malapit nang mag-eight ng gabi at wala pa rin siya. 

Inayos ko na lang muna ang lamesa pero hindi pa nag-hain dahil baka dumating na siya. Ilang minuto pa akong naghintay. Ilang buntong hinga at tapik na ako sa sarili. Nadidismaya ako na hindi siya makasabay ngayon. Nakasanayan ko na kasing kasama siya sa hapunan. 

Tumayo na lang ako kahit na bagsak ang balikat at walang gana. Pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko. 

Naiintindihan ko naman siya. Mayroon siyang trabaho at siguro hindi talaga maliit ang emergency na iyon dahil inabot na siya ng ganitong oras. 

Narinig ko ang seradura ng pintuan. Ang kaninang patay kong katawan ay nagbalik sigla. Napangiti pa ako ng malawak dahil sa naririnig na mga tunog. Kumakabog ang dibdib ko sa kaalamang si Osmond na ito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status