Share

Kabanata 5

I didn‘t get the job. Obvious naman na hindi ko talaga siya makukuha.

Fourth day since I get interviewed at wala akong natanggap na tawag sa tatlong iyon. Ayos lang naman. Maybe it is meant to be. I can just work in Porah‘s nightclub. Ayos lang din naman ang kinikita ko roon. I am stable at may naitatabi. 

Mag-po-post na lang din siguro ako ng maraming artworks sa mga art groups upang mas maraming makakita ng mga likha ko at makabenta pa rin. 

I am now working on a form. Mayroon kasi akong nakitang isang paligsahan kung saan kapag nanalo ang tatlong artworks na nilahok mo ay maaari kang mapasama para sa isang art gallery tour na hindi lamang sa bansa natin kung hindi pati na rin sa iba pang malapit na bansa. 

Ngumiti ako. Itong gawa kong ito ang lagi kong naiisip na siyang magbibigay recognition sa akin bilang isang artist. I have a lot of dreams for myself. It looks too big for my parents, akala nila ay ‘di ko magagawang abutin. 

Sa ngayon ay hindi pa. Pero magagawa ko siya. In time. 

Nag-stretch ako. Ang kamay at leeg. Medyo nangangalay na ako at masakit na ang mga mata. Medyo mahirap kasi ang posisyon ko. Nasa baba ako ng double deck at madilim dito. Nakapatong lamang din ang tablet ko sa mga hita. 

I should take a break. 

Lumabas ako at planong bumili ng pandesal. Maaga akong nagising kanina dahil akala ko ay may sakit pa rin ang trabahante ni Porah pero maayos na sila. 

Sa isang maliit na panaderya ako lagi bumibili. Malunggay pandesal ang paborito ko. Simula nang matikman ko ito ay parang ‘di ko na gaanong gusto kapag plain lang. 

Tatlong tao ang naabutan ko roon. Isang lalaki ang nasa gilid ko. Naka sando siya at nakikita ko ang tingin na ibinibigay sa kanya ng nagtitinda ng lugaw na nasa gilid lamang namin. Kahit ang dalawang babae sa harap ko ay panay ang sulyap. 

Tumikhim ang lalaki at medyo lumapit sa rails ng panaderya. “Sampung piso lang po. Toasted.“

Hindi ko maiwasang sundan din siyang tingin habang inaabot niya ang bayad sa tindero. Parang pamilyar ang boses niya. 

Matapos iabot ang bayad ay humarap siya sa akin. Iyong Lazarcon! 

Nanlaki ang mga mata ko pero nagawa ko namang kontrolin kaagad ang gulat kaya umusog ako pagilid upang padaanin siya. Lumapit ako sa tindero at sinabi ang sa akin. 

Malapit lang ba rito ang lalaking iyan? Mukhang dito lang din siya sa neighborhood namin. 

Lumayo na ako sa harap ng tindahan at tumayo kasama ang iba upang maghintay. 

Nahihiya ako sa Lazarcon na iyon. It‘s just a second hand embarrassment every time I look back at my answer during the interview. Hindi talaga ako satisfied at medyo na-ki-cringe talaga ako. 

Pero sa totoo lang ay dapat siya ang mahiya dahil hindi niya ako tinaggap. Sayang ako ah? 

Nakakainis! Sana ay hindi na lang kami nagkita! 

Sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin lang siya sa lalaking may dalang aso na nasa tabi niya. Hindi man lang siya tumingin sa akin maski kanina. Madami nga naman kasi siyang kinausap ng araw na iyon. Siya ang nag-interview sa iba‘t ibang babae at mukha. Malamang ay hindi na niya ako maalala. No need for the embarrassment. 

“Sampung pisong toasted mo pogi!” sigaw ng tindero upang tawagin ang nag-hihintay. 

Kaagad na sumunod ang sa akin na siyang kinuha ko kaagad. Sa magkaibang direksyon kami dumaan ni sir Lazarcon. 

Sana ay ito na ang huli. 

Mabilis lamang ang pagdaan ng araw sa akin. Gabi na agad. Gano‘n siguro talaga kapag tutok ka sa ginagawa mo. 

Inaayos ko na lang ang make up ko at ang suot na damit at ayos na ako. Wala ngayon si Porah dahil mayroon daw siyang pupuntahan. Wala man akong taga-push ngayon ay alam ko naman na ang mga gagawin ko. 

Naka ilang bote na ang lalaking kakwentuhan ko. Sobra siyang broken hearted. Iyak siya nang iyak dahil sa pagbe-break nila ng girlfriend niya at pinapakinggan ko na lang siya.

“Tangina! Kung tutuusin ay mas maganda ka nga d‘on eh!”

Pinalo niya ang mesa na nakapagpagulat sa akin at tsaka ako nilingon. Mapungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. May kung anong emosyon doon. Ang labi niya ay unti-unting kumurba para sa isang ngiti. 

He hummed and lean a little lower for me. “Ang ganda-ganda mo nga. Magkano ka ba?”

I am taken aback. Pakiramdam ko ay nabastos ako! Mabilis akong lumayo sa kanya pero hinawakan niya ang likod ng ulo ko! Tinulak ko siya sa dibdib pero hindi siya natitinag. Pakiramdam ko ay ang hina-hina ko dahil tumatawa lamang siya sa mga ginagawa ko. 

Naiinsulto ako sa nga tawa niya. Naninikip ang dibdib ko at bahagyang natataranta. I am never in this kind of position. I never felt violated before. I am sheltered that's why having this guy tries to make his way to me makes me panic. Hindi ko alam ang tamang gagawin. Hindi nagre-react ng tama ang katawan ko. Naninigas ako at hindi makalaban. 

“B-bitawan mo 'ko.” Nasa isang maselang parte na ng katawan ko ang isang kamay niya habang pinipigil ng isa pa niyang kamay ang mga braso ko. 

I can‘t scream because nobody would hear me from this big crowd. Ang mga taong dumadaan naman sa amin ay walang pakialam sa nangyayari. Hindi man lang sila sumusulyap papunta sa direksyon ko. 

“Stop!”

Pinipisil niya ang dibdib ko. Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Sobrang naninikip ang puso ko sa sakit. Nagagalit ako. Naaawa ako sa sarili ko. Gusto kong lumaban pero hindi ko matapatan ang lakas niya. Tumutulo na ang luha ko at nais ko ng magsisigaw. 

“Stop... stop... bitawan mo 'ko, please. I am begging you. Bitawan mo na ako!”

He smirks and snickers. “Ganyang-ganyang din naman magmakaawa ang malandi na iyon sa akin dati. Gustong-gusto niya itong gan‘tong paghawak ko sa kanya...” He's enjoying my reaction! 

Sinubukan kong sumipa ngunit ang hita niya mula sa ilalim ng mesa ay dumagan sa akin. I can't move. 

“Stop! Please! B-bouncer! Hel—” I was cut off immediately with a big impact! He slapped me! 

My mouth opens with the sting. Ang hapdi ay kumakalat sa buong mukha ko. Pakiramdam ko ay nag-iinit ito. 

Tumawa siyang malakas ng may lalaking napahinto sa kanyang ginawa. Hindi ako kaagad nakagalaw o nagkapagsalita. I am too shock. I am scared. Nanghihina ako at parang naagawan ng lakas sa ginawa niya. I just cried. Ayaw nang bumuka ng bibig ko. 

Umiling siya sa lalaki. “Wala ‘tol. Nag-away kasi kami nitong girlfriend ko. Malandi eh.”

Ang kahalayan at insultong bato niya sa akin... lahat ay pinanglalabo ang paningin ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Humihikbi ako at ‘di na malaman ang gagawin. Manhid pa ang pisngi ko.

“J-ust stop,” bulong ko. 

“May sinasabi ka ba? Hindi kita marinig e,” he mocked then laughed. 

Hindi niya pa rin binibitawan ang dibdib ko. Pinipisil niya iyon. Pakiramdam ko ay madumi ako dahil sa paghawak niya. Pakiramdam ko ay ang sakit-sakit na nito. 

Nabitawan niya ako! 

Nakita ko na lang ang bigla niyang pag-angat sa upuan at pagtilapon sa sahig kasama ang ilang mga bote dahil bigla iyong nahatak kasama siya. 

Mas naiyak ako pero nakahinga rin ng maluwag dahil wala na siya. Naiinis ako at nandidiri! Bakit pakiramdam ko ay nasa akin pa rin ang hawak niya?! I hate it! I hate this! 

Nanatili akong humihikbi at hindi makagalaw. Para akong naubusan ng lakas. Hinarang ko ang braso sa dibdib ko at pinikit ang mata para makalma. I am now fine. I am fine. 

Nabibingi ako. Parang may isang diretsong ingay lamang ang pumapasok sa tenga ko. Malakas na ugong. Somehow, it helps me to calm down. I feel like I am just alone. The voice of the pervert and his words is slowly fading away. Humihina na ang hikbi ko at umaayos na rin ang paghinga.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata at kasabay no‘n ay ang unti-unting pagpasok sa aking tenga ng mga boses, tugtug, at pagkabasag. Suminghap ako nang malakas matapos makita ang nasa harapan. 

Sinusuntok ni Osmond ang lalaking iyon! 

I didn‘t feel anything but the need to compensate for the same feeling he caused me. I watch the guy being punched. The people that‘s dancing earlier are now going around them. Ngayon lang nila pinansin ang komosyong nangyayari sa pwestong ‘to… ngayon lang kung kailan hindi ko na kailangan ng tulong. 

Dumating ang bouncer at kaagad na inawat si Osmond. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso niya kaya napatayo ako.  Nakakagalit ang hindi nila pagpunta kanina at sa nakikitang ginagawa nila ngayon ay mas nadagdagan lamang no‘n ang bigat na nadarama ko. 

Madiin kong hawak ang damit ko sa magkabilang dulo ng damit. Dahil sa nangyari ay pakiramdam ko ay expose ako. I hate the feeling. 

Nilapitan ko ang dalawa na pinapagalitan si Osmond at tinutulungan na tumayo ang gago. Dumiretso ako sa harap nila at hinawakan si Osmond sa kamay. Napatingin sa akin ang dalawang bouncer. 

“He save me. Binabastos ako ng lalaking ‘yan.” Matalim na tingin ang ginawa kong pagbaling sa lalaki. 

Dugo ang ilong at namamaga ang pisngi at mata niya. He deserve it. 

“Gano‘n ba, Dion? Sige a. Pasensya na.”

I nodded even though I felt offended to receive a stern apology from them who lack to do their job. I felt offended because I felt like they could see right through me what had happened earlier. I am ashamed and mad for all these overwhelming feelings. I am mad because I felt like some of it is my fault because I work here.

I groan lowly when my tears fell. Inis ko ‘yong pinunasan. 

Binitawan na si Osmond at dinala na nila palabas ang lalaki. Hinawakan ako ni Osmond sa braso na nakapagpapitlag sa akin. Gulat ko siyang tinignan pero umiwas din kaagad dahil sa seryoso niyang mata. 

He looks like he is ready to scold me even though his lips are tight together. His eyebrows are more closer now, there is anger in his eyes. I can't look straight at him. I feel a little irritation at him after remembering our conversation the other day. I don't know why he's here... if it is for that same reason... or maybe because of something else, but whatever it is, I like that I see him today. Kung walang dumating ay… nakakatakot mang isipin pero mas malala ang maaaring nangyari.

“Are you–” Napailing siya at napapikit. “I'm sorry. I should not ask that.” He looks like he have something more to say. Pakiramdam ko ay parte roon ang mapagalitan ako. 

I gritted my teeth. Nanubig na naman ang mga mata ko. “Sige na! Sabihin mo na sa akin na ‘sabi sa 'yo eh!” Inis kong pinunasan ang luha, yumuko ako. 

Nobody there tried to save me except from him, I am just annoyed because he have told me before that someone might take advantage. 

Hindi siya umimik. Hindi siya lumapit o nainis sa pag-sigaw ko. Naluluha pa rin ako na patuloy ko namang pinupunasan. 

“Gusto mo bang yakapin kita?” marahan niyang tanong, mabagal pa iyon na animo‘y tinitimbang ang sasabihin. 

Masama ang tingin ko nang angatin ko ang ulo. “No. You don‘t need to.” Why does he need to make such offer? To comfort me? I already did it earlier. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay yakap at simpatya ng iba ang kailangan mo, minsan ay sapat na ang sarili.

I couldn't save myself. Masakit na aminin sa sarili ngunit hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. My father and mother will be mad and disappointed about themselves because they are not here to protect me. Isa iyon sa mga gusto kong mapatunayan pero kahit na wala pala silang mata sa mga nangyayari sa akin ay grabe pa rin ang pagkapahiyang nararamdaman ko. 

He stared at me and when his eyes went down in my torn clothes… I covered it again. 

“Tangina. Wala akong jacket,” narinig kong bulong niya. “Tsk. Here.”

Tinignan ko ang inabot niya sa akin na isang face towel. Medyo mahaba ito kaya naman tinanggap ko na. Matatakpan naman nito ang kaunting punit na nangyari. Binalot ko ito sa bewang ko, alam kong nakatitig siya sa akin kaya tumalikod ako. 

“Okay.” Rinig ko ang malakas niyang tikhim. “Do you… want to come with me?”

Tinitigan ko siya at biglang naisip ang offer niya sa akin kanina. Arogante ang lalaking ito. Mayabang ang datingan at bastos pero hindi siya manyak. Pinagtanggol niya ako at… mukha naman siyang mabuting tao. 

Hindi ko siya gaanong kilala pero pakiramdam ko ay ligtas ako sa presensya niya. 

“Saan naman?” I sniff and calm myself. 

“Diyan lang.” Nag-kibit balikat siya. 

Umirap ako. “May lugar bang diyan lang?”

Bumuntong hininga siya at umiling. “Eh ‘di manatili ka rito.” 

Hindi ko napansin na habang kausap siya ay nawawala na rin ang bigat na nararamdaman ko. Mas payapa na ako. 

“Magkano ang sweldo ko para sa trabaho na iyon?” tanong ko. Naisip ko kasi na baka kaya siya narito ngayon ay dahil pa rin doon sa trabahong inaalok niya. After what happened earlier, my trust for this place blows away. 

Umiling siya at napairap. “Hindi mo kailangang tanggapin iyon.”

Sarkastiko akong nagsalita, “Hindi ba at iyon naman ang dahilan kung bakit ka nandito?”

Kumunot ang noo niya. Nakatitig siya sa bibig ko tapos ay biglang umiwas. “Lumabas tayo. Hindi kita marinig.”

Mabilis na siyang naglakad papalayo. Hindi man lang siya lumingon at siniguradong susunod nga ako. Kahit na parang may pumipigil sa akin para sundan siya ay naglakad na ako at sinundan ang pupuntahan niya.

Ayaw ko na rito. Alam ko naman sa sarili ko nang pasukin ko ito na maaaring may mangyaring ganito pero naging confident ako at tiwala sa kakayahan na maipagtanggol ang sarili dahil sa gusto kong may mapatunayan. Pakiramdam ko ay ligtas din ako dahil sa sinabi sa akin ni Porah na may dadating na tulong basta tumawag ng bouncer. Pero paano pala kung nasa iba ka nang sirkumstansya at wala kang laban? Hindi ka makaalis o makasigaw? Paano ka tatawag ng tulong? 

I fought my tears. Damn, I hate the involuntary pop of flashbacks. 

Napahinto ako ng makita ko ang sapatos niyang tumigil sa isang sasakyan. Nag-angat akong tingin sa kanya para makita na nakatingin na siya sa akin. 

“It's okay if you‘ll cry.”

Bahagya ko siyang nginitian. I know that he's trying to comfort me. “I don‘t want to. And I don‘t need to.”

Umiwas na ako sa kanya at pumunta sa likod ng sasakyan niya. I don‘t know it‘s name but it is like that cool cars in the movies. Mayroong parang malaking space sa likod at ang maaring maupuan mo lang sa loob ng sasakyan ay iyong sa driver at passenger seat. 

Binuhat ko ang sarili paakyat sa sasakyan niya na nakababa ang maliit na harang at naupo doon.

He just watch me as he fixed his gaze in my face. Nilabanan ko ang tingin niya. “Bakit ba?”

Umiling siya at sumandal sa gilid ko. Ang layo niya. “I didn‘t help you to get your assurance… your trust or anything. Tinulungan kita kasi kailangan mo. At oo nandito ako para roon pero hindi mo naman kailangang pumayag dahil lang dito.”

Sinamaan ko siyang tingin. “You heard me.”

Tumango siya. “I just know that you are not comfortable there anymore,” he says and looks away. 

Huminga akong malalim. “Thank you at dumating ka. Thank sa pagtanggol mo sa akin. At... thanks to you kasi... hindi mo ako sinabihan ng... kung anu-ano na kahit na nag-back fire na ang sinabi ko noong nakaraan na kaya ko.”

Nag-bago ang tingin ko sa kanya dahil sa gabing ito. 

Wala siyang sinabi at nag-angat lamang ng tingin sa mga bituin. Walang emosyon ang mukha niya. Talagang kinuha ng ex-wife niya iyon sa pag-alis niya ‘no? He looks dead.

Huminga akong malalim at sumulyap sa kanya. “Actually... hindi ako natanggap sa mga in-apply-an ko. Kaya tatanggapin ko na ‘to.”

Lumingon siya sa akin at napailing. “Hindi mo nga kailangan. Wala kang utang na loob sa ginawa ko.”

Umirap ako. “Gusto ko nga. Although, I don‘t think I will be able to stay longer.”

Tumango siya, seryoso ang mukha. “Are you really sure?” he says with emphasis in each word. “Malinaw naman sa ‘yo na hindi kita niligtas nang dahil lang sa trabaho na ‘yon ‘no? Kasi gusto ko talagang tulungan ka.”

Binasa ko ang labi at nag-salita. “Alam ko naman. Naniniwala ako... p-parang... hindi ko na kasi kaya pang pumasok pa ulit sa lugar na ‘yan... saka... hindi ako natanggap doon sa mga in-apply-an ko nga hindi ba?”

“Dalawang anak ko ang babantayan mo at papasok na rin akong trabaho. Wala kang kasama,” babala niya. Sa tingin ko ay kaya ko naman. Madalas naman akong mag-alaga noon. 

I just nod as an answer. 

“Okay, then. Naisip ko rin ang mga sinabi mo kanina na mag-aaral ka pa at ang tungkol sa pamilya ko. Sa tingin ko ay mabuting aalagan mo ang mga anak ko at hayaan din ang mga kapatid kong dumalaw-dalaw habang nandoon ka para panatag sila at masanay ang mga bata sa ibang tao.” His face looks more relief now. 

Nag-proseso ang sinabi niya sa akin at nakuha na ang gusto niyang mangyari. “Okay at kapag nasanay na sila sa mga kamag-anak mo. Pwede na akong umalis?”

I am easily attached to someone. Basta malapit. Whether they like me or not. I feel like if I stay in their place for too long– or even for a little while, I will be attached to the babies. Sana ay matutuhan ko na mapigilan ito. 

He nods. “Right.”

Naalala ko ang dorm. Nang makuha ko kasi ang sahod ko ay kaagad ko nang binayaran ang upa ko at nag-advance pa para hindi ko na magastos pa ang pera. 

“Osmond,” pagtawag ko. 

Hindi siya lumingon. “Hm?”

Hindi ko alam kung papayag pa ba siya sa ganoting set-up namin kung sakali. Naging buo na rin kasi ang loob ko na tanggapin ito. “Nag-advance kasi ako roon sa dorm na tinutuluyan ko kaya... hindi ko kayang mag-stay doon sa inyo.”

Tumango siya at napabuntong hininga. Nakita ko siyang napatingala at napapikit. “Yeah... yeah. Of course. Ayos lang naman, basta ba ay mananatili ka roon hanggang makauwi ako... saka dapat din ay maayos na sila at handa nang matulog. I would be fine with that.”

I smile a little. “Thanks.”

He seems to be a good father after all. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status