Mag-log inMainit at eleganteng tingnan ang loob ng private restaurant na kanilang pinuntahan. Nagbibigay ng malambot na gintong liwanag ang mga crystal chandelier na nakasabit sa kisame. Nagre-reflect ang liwanag sa mahabang dining table na puno ng iba't ibang klase ng pagkain.Sa likod ng malalaking glass window, napakaganda ng tanawin ng Netherlands sa gabi. Makikita ang mga kanal na nagre-reflect sa mga ilaw na nakahilera sa mga kalsada.Nakaupo si Rheana sa pagitan ng dalawa niyang kuya habang kumikislap ang mga mata sa paghanga. “Wow... ang dami namang pagkain!” manghang sabi niya.Suot niya ang isang puting damit, katulad ng suot ng kaniyang ina. Gayunpaman, mas angkop at disente ang disenyo ng damit niya para sa isang batang kaedad niya.Mabilis na tumango si Rayan. “This is the coolest dinner ever!”Bahagyang ngumiti si Riven na kalmadong nakaupo sa tabi nila. “Hindi mo pa nga natitikman ang pagkain. The only thing you've been staring at is the table.”“Eh, ang ganda naman kasi!” d
Maaga pa lang nang umagang iyon, maingay na ang villa na tinutuluyan nila kahit hindi pa gaanong mataas ang sikat ng araw.“Mommy, hurry up!” sigaw ni Rayan mula sa living room.Suot na niya ang makapal na navy blue na coat, kumpleto pa sa scarf na nakapulupot sa leeg niya. Nakapasok ang dalawang kamay niya sa mga bulsa ng coat, ginagaya ang estilo ng mga matatandang madalas niyang nakikita sa paligid.“I'm ready! Kanina pa ako naghihintay!” dagdag niya nang naiinip.“Eh, kanina lang naghahanap ka pa ng medyas,” komento ni Riven habang kalmadong nakaupo.“I couldn't find it.”“Hindi mo maalala kung saan mo nilagay o magulo ka lang talaga?”Napairap si Rayan sa sinabi ng kuya niya. Napatawa naman nang mahina si Riven.Sa ikalawang palapag, tinutulungan naman ni Jenesis si Rheana na isuot ang cream-colored na wool coat nito. Bagay na bagay iyon sa maliit na knitted hat na suot ng bata. “Mommy... maganda ba si Rheana?” tanong niya habang bahagyang umiikot.“You look so pretty, sw
“WHAT?!” pinakamalakas na sigaw ni Rayan.Nanlaki rin ang mga mata ni Rheana. “Lilipat tayo?”Napatingin din si Riven sa ama na hindi makapaniwala. “Really, Dad?”Kalmadong tumango si Raoul. “If that's what you want.”Agad na tumayo si Rayan mula sa kinauupuan niya. “I want!”“Rayan, umupo ka muna,” malumanay na saway ni Jenesis.Muli namang umupo ang bata, pero hindi nawala ang malawak na ngiti sa mukha niya. “If we move here, does that mean I can learn about airplanes every day?”“Hindi naman araw-araw,” sagot ni Raoul.“But I can, right?”“Of course.”“I WANT!”Napatawa nang mahina si Riven habang pinagmamasdan ang nakababatang kapatid. Samantala, hindi pa rin makapaniwalang nakatingin si Jenesis sa asawa.“Kuya, seryoso ka ba talaga?”“I'm serious.”“Paano naman ang trabaho mo?”“I can manage that.”“Paano ang bahay natin?”“Mananatili naman iyon.”“Pati ang pamilya natin?”“Hindi naman mawawala ang private jet natin. We can always fly back whenever we miss them.
“Daddy, magvi-video call si Rheana kay Rara mamaya, ha,” sabi ni Rheana nang marahang ihiga siya ni Raoul sa kama.“Video call?” Bahagyang nagtaas ng kilay si Raoul. “But Rara can't talk, sweetheart.”“It's okay.” Mabilis na umiling si Rheana. “Ako na lang ang magsasalita. Kawawa naman siya. Siguro malungkot siya kasi iniwan natin siya sa bahay. Isinama natin si Riri sa pamamasyal, pero hindi si Rara.”Napatawa nang mahina si Raoul sa paliwanag ng anak.“Alright. Pero ngayon, maligo ka muna kasama si Mommy. After that, kumain ka muna bago ka mag-video call kay Rara.”Agad na tumango si Rheana nang excited.“Okay!”Pero biglang naging seryoso ang mukha niya.“Daddy...”“Hmm?”“May secret ako.”Seryosong-seryoso ang tono ng maliit na bata. Bahagyang nagdikit ang mga mata ni Raoul sa pagtataka.“A secret?”“Oo,” masiglang sagot ni Rheana.“What is it?”Inayos ni Rheana ang pagkakaupo niya hanggang sa tuluyan siyang makaupo nang tuwid sa kama.“Pero hindi pwedeng sabihin ni
Sa wakas, maayos na nakalapag ang private jet ng pamilya Rodriguez sa airport sa Netherlands.Tanging sina Raoul at Jenesis lang ang gising habang isinasagawa ang landing. Samantala, mahimbing na natutulog sina Riven, Rayan, at Rheana sa kani-kanilang upuan matapos ang mahabang biyahe.“Baba na ba tayo, Kuya?” mahinang tanong ni Jenesis.Bahagyang ngumiti si Raoul habang tinatanggal ang seat belt niya.“Why? Are we planning to spend the night inside the plane?” pabirong sagot niya.Napatawa nang mahina si Jenesis.“Gigisingin na ba natin ang mga bata?”“Yes. Wake Riven and Rayan up. I'll carry Rheana.”Mahinang tumango si Jenesis bago lumapit sa dalawang anak nila.“Riven... Rayan... wake up, sweetheart. Nandito na tayo.”Si Riven ang unang dumilat. Marahan niyang kinusot ang mukha bago sumilip sa labas ng bintana.“Are we here already, Mom?”“Oo, anak.” Malambing na ngumiti si Jenesis. “Isuot mo muna ang jacket mo, ha? Malamig sa labas.”Kakagising lang din ni Rayan nang
Nang gabing iyon, mas tahimik ang private airport area kumpara sa regular na terminal ng paliparan.Isang puting private jet na may nakalagay na emblem ng pamilya Rodriguez ang nakaparada sa runway. Handa na itong lumipad papuntang Netherlands.Nakatayo sa ilalim ng hagdan ng eroplano ang tatlong anak ni Raoul. Halos hindi sila makagalaw habang nakatingala sa napakalaking private jet. Sabay-sabay na nakabuka ang mga bibig nila sa sobrang paghanga.“Wooooow!” pinakamalakas na sigaw ni Rayan.Samantala, halos itingala naman ni Rheana ang ulo niya nang husto kaya muntik na siyang mawalan ng balanse.“Sa atin ba ang eroplano na ito?” tanong niya na hindi makapaniwala.Tumango si Raoul na nakatayo sa tabi ng anak.“Oo.”“Ang laki naman!”“Oo.”“Kay Daddy talaga ito?”“Oo.”“Yeyyyy!”Agad na niyakap ni Rheana ang binti ng ama sa sobrang tuwa. Samantala, tumakbo-takbo naman si Rayan sa paligid ng lugar na pinapayagan silang puntahan.“Kuya Riven! Mas malaki pa ito kaysa sa mga e
Matapos ang almusal na nagtapos sa mabigat at tensyonadong atmosphere, lumipat si Jenesis sa kusina para hugasan ang pinagkainan ng buong pamilya.Mariin niyang pinipisil ang sponge laban sa plato, halos sobra na ang diin, parang gusto niyang kuskusin hindi lang ang dumi, kundi pati ang mga salitan
“Maghanap ka ng ibang lalaki para mabuntis ka, Jen.”Ang sinabi ni Caizer nang umagang iyon ay parang malakas na hampas sa dibdib ni Jenesis. Nanlaki ang mga mata ng dalagang asawa, hindi makapaniwala sa narinig.Paano nagawa ng sarili niyang asawa na sabihin iyon nang ganun lang kadali? Na para b
“Raoul…?” kakalabas lang ni Yngrid mula sa banyo matapos gumamit ng CR nang mapansin niyang walang laman ang kama.Agad siyang napasimangot. Tumingin siya sa paligid, gusot ang kumot, pero wala ang asawa niya.“Sigurado nasa study room na naman,” bulong niya, naka-pout pa. “Ba’t hindi na lang siya
“Ngayong gabi, naka-set na yung meeting mo sa lalaking binigyan ko ng business card kahapon.”Ang sinabi ni Caizer kagabi ang dahilan kung bakit parang kumikirot ang sikmura ni Jenesis kinabukasan. Hindi na siya makakatakas ngayong gabi. Kailangan niyang makipagkita sa lalaking mambubuntis sa kanya







