Share

Chapter 17

Pasakay na siya sa sasakyan niya nang bigla niyang maalala ang babaeng aksidente niyang nabunggo kahapon na nagngangalang Ezra.

Mag-isa lang ito at bukod sa iniinda nitong nabaling braso ay halatang-halata na may iniinda rin itong problema, kitang-kita niya 'yon sa muka nito, kahit pa ngumingiti ito sa kaniya at wala siyang makitang emosyon sa blangko nitong mga mata.

'Yon ang pinagtatakhan niya; ngayon lamang siya nakakita ng taong may gano'ng ka-blangkong mga mata; nararamdaman niya naman ang sinseridad sa mga sinasabi nito, pero ang hirap talagang basahin ng mga mata nito. ‘'Cause it's really dull.’ Gusto niya sana'ng magtanong, pero baka isipin nito na masyado na siyang nanghihimasok, samantalang hindi pa naman talaga sila masyadong magkakilala.

Pero sa kabila ng blangko nitong mga mata, napakaganda naman ng ngiti nito, kahit pa alam niyang may iniinda itong problema at pinipilit lamang na ngumiti sa harapan niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status