Share

[7] Hiding Behind The Pain

P.E. ang klase nila bago ang break time. Nasa silid-aralan sila at ang aralin nila ay tungkol sa larong basketbol. Ang nagtuturo ay si Coach Kiko. Dahil coach siya ni Elm, halos puro pangalan niya ang nababanggit sa buong klase nila. Siya ang ginagawang halimbawa at ang mga nakamit niya dahil sa pagiging manlalaro ng kanilang eskwelahan.

“Sigurado sa susunod na linggo, okay na ang paa mo, Elm. Pwede mo na akong tulungang mag-demo sa kanila,” ani Kiko habang nagbabanat ng braso konti. Matangkad siyang lalaki at bakas din sa masikip niyang damit ang matipuno niyang pangangatawan. Isang tipikal na pangangatawan ng isang manlalaro. Halata rin sa pagtuturo niya na matagal na niyang gamay ang laro na iyon.

“Yes, sir,” tugon ni Elm.

“Okay class, next week, kailangan naka-PE uniform na kayo sa klase natin dahil sa gym na tayo. Maglalaro tayo ng basketbol.”

Biglang tumunog ang bell.

Break time na. Natanguan lang sina Leaf at Clover at kinuha na ang mga pitaka nila bago lumabas ng silid.

Nakaup
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status