Hindi na hinintay ni Sebastian na magsalita pa si Jude. Tinalikuran niya ito at agad na sumakay sa kanyang sasakyan, diretso pauwi. Habang nasa daan, ramdam niya ang kumukulong galit sa kanyang dibdib—galit sa asawa niyang animo'y laging humihingi ng atensyon, galit sa lahat ng nangyayari sa kanya. Para bang hindi pa sapat ang lahat ng pinagdaraanan niya, may idinagdag na namang panibagong sakit ng ulo.
"Akala ko, pagkatapos naming ikasal, mawawala na ang problema ko. Punyetang pamilya!" singhal niya bago malakas na sinuntok ang manibela.
Napapikit siya saglit, pilit nilalabanan ang bumabalik na alaala—ang araw na ipinakilala siya ng kanyang lolo kay Seraphina.
-Flash back-
Habang nasa date si Sebastian kasama ang kanyang kasintahan na si Diane, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pinilit niyang balewalain ito, ngunit nang paulit-ulit itong nag-ring at nakita niyang si Lolo ang tumatawag, napabuntong-hininga siya at napilitan itong sagutin.
"Come to my office. Let’s have lunch together," wika ng kanyang lolo sa kabilang linya.
Napatingin si Sebastian kay Diane, na nakangiti sa kanya, saka tumingin sa labas at huminga nang malalim bago sumagot.
"No, I’m having lunch with my girlfriend. I can have dinner with you later," matigas niyang sagot. Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ng kanyang lolo mula sa kabilang linya.
"Lolo, let’s have lunch. Don’t wait for him anymore, he’s busy," sabad ng isang boses na agad niyang nakilala—ang taong labis niyang kinamumuhian.
Napakuyom ang kamao ni Sebastian. Damn it.
"Okay, I’m on my way," sagot niya nang malamig bago ibinaba ang tawag.
Bumalik siya sa mesa kung saan naghihintay si Diane, halatang nag-aalala.
"What happened, love? Is everything okay?" tanong nito.
"Yeah, tinawagan lang ako ni Lolo. How about we have a dinner date later? Babawi ako, promise," aniya sa malambing na tono. Tumango naman si Diane, kahit may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata.
Ngumiti si Sebastian, kinuha ang isang ATM card mula sa kanyang pitaka, at iniabot ito kay Diane.
"Pay for everything, and go shopping. Buy whatever you want—para mabawasan stress mo," dagdag niya bago mabilis na tumayo at lumabas ng restaurant, patungo sa kumpanya.
Habang patungo sa kumpanya, hindi na maitago ni Sebastian ang inis na nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit tutol ang kanyang lolo sa relasyon niya kay Diane. Para sa kanya, walang dahilan para tratuhin ng ganoon ang kasintahan niya. Kagaya ngayon—alam naman nitong kasama niya si Diane, pero tinawagan pa rin siya para pilitin siyang mag-lunch kasama ito.
Parang sinasadya talaga. Pero bakit? Kung yaman ang habol ng pamilya niya, mayaman naman si Diane. Anak siya ng isang kilalang aktres at ng kasalukuyang Bise Presidente. Ano pa bang kulang? Kung negosyo ang usapan, may sarili ring negosyo ang pamilya ni Diane. So what’s the problem?
Pagdating niya sa kumpanya, agad siyang sinalubong ng personal na butler ng kanyang lolo at iginiya papunta sa opisina nito. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang dalaga na nakasuot ng all-white uniform, mukhang hindi pa lalagpas ng labing-pitong taong gulang. Katabi nito ang isang matandang lalaki, halos ka-edad ng kanyang lolo.
"Good afternoon, sir," magalang na bati ng dalaga.
Napakunot-noo si Sebastian. Ano ‘to?
"What does this mean, Lo?" tanong niya, halatang litong-lito.
Tumingin sa kanya ang kanyang lolo, walang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha nito.
"What do you mean, ‘what does this mean’? Meet your fiancée—Seraphina Faye Dee," sagot nito, diretsong-diretso.
Para bang binuhusan ng malamig na tubig si Sebastian. Fiancée?
Biglang nagdilim ang paningin niya.
Ang dalagang nakaupo sa silya ay walang kahit anong reaksyon sa mukha, na lalo lang ikinainis ni Sebastian. Ano ba ‘to? Bobo ba siya? Bakit parang wala siyang pakialam? Naiintindihan ba niya ang nangyayari? inis niyang bulong sa sarili.
"What the hell?! You're arranging a marriage for me? Alam n’yo namang may girlfriend na ako!" galit na sabi ni Sebastian, saka tiningnan ang dalaga, umaasang makakakita ng kahit anong reaksyon. Baka sakaling kapag nalaman nito na may kasintahan na siya, tumutol man lang ito.
Pero nabigo siya.
Sa halip, tumayo lang ang dalaga at kalmadong sinabi, "Don’t worry, sir. I’m just your fiancée. I won’t intervene in your relationship." May bahagyang ngiti pa ito sa labi, tila ba walang kahit anong bigat ang sitwasyon.
Lalong nag-init ang ulo ni Sebastian.
"Are you dumb—"
"Don’t you dare speak to her like that, Sebastian!" mariing putol ng kanyang lolo. "Huwag na huwag mong babastusin ang dalaga! Pinagkasunduan na ‘yan ng lola mo at ng pamilya niya. Kung ayaw mo, madali lang—ibibigay ko na lang ang kumpanya sa pinsan mo."
Nanigas is Sebastian.
Parang sinakal siya ng sariling pangalan. Alam niyang hindi siya basta makakatakas sa sitwasyong ito.
Wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng opisina, puno ng galit. Malakas niyang isinara ang pinto bago mabilis na sumakay sa kanyang sasakyan. Nanginginig ang kanyang kamao sa manibela, ngunit wala siyang magawa—isa siyang bilanggo sa larong ito.
-End of flashback
Katok mula sa bintana ng kanyang kotse ang gumising kay Sebastian mula sa malalim na pag-iisip. Nang ibinaba niya ang bintana, tumambad sa kanya si Manang Jelly, mukhang pagod at tila wala pang tulog. Napatingin siya sa relo—ala-una na pala ng madaling-araw.
"Good evening, sir," bati ni Manang Jelly.
Humakbang ito paatras nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Lumabas si Sebastian at malalamig na tinanong, "Hindi pa bumalik si Seraphina?"
Tahimik na sumunod si Manang Jelly habang naglalakad siya papasok ng bahay. Hindi agad sumagot ang matanda, kaya nilingon niya ito. Nakayuko lang ito, tila nag-aalangan.
"Hindi pa po, sir. Parang hindi pa po siya uuwi. Kitang-kita ko pong galit na galit siya nang umalis," sagot ni Manang Jelly sa mahinang tinig.
Natigilan si Sebastian. Si Seraphina… nagalit?
Napailing siya at mapait na napatawa. Sa pagkakakilala niya kay Seraphina, wala iyong emosyon—parang robot. Palaging mahinahon, parang laging may script ang bawat kilos at salita. She’s so prim, so proper… almost unrealistic.
Nagagalit ba talaga ang isang Seraphina Faye Dee?
Natawa ulit siya sa sarili, pero sa ilalim ng halakhak na iyon, may bahagyang pagdududa na gumapang sa kanyang isip.