Alas nuwebe ng gabi nang makauwi sina Sebastian at ang kanyang anak na si Chantal. Pagpasok ng sasakyan sa gate, nag-aalangan pa rin si Chantal na bumaba. Ayaw niyang umuwi dahil nandoon ang kanyang ina.
“Chantal, kailangan mo nang umuwi. Samahan mo ang mama mo,” sabi ni Aunt Diane.
“Anak, kung ayaw mong bumaba, susunduin ka ng mama mo dito,” dagdag ni Sebastian.
Wala nang nagawa si Chantal. Kahit labag sa loob niya, bumaba na rin siya at pumasok sa bahay.
Pagpasok nila sa bahay, nagsalita si Sebastian.
“You can stay here, Diane. Sa guest room ka na lang matulog. I will ask Manang Jelly to prepare it,” sabi niya.
Masaya namang ngumiti si Chantal at agad na kumapit kay Diane.
“Aunt Diane, baka magalit si Mom kapag nandito ka. I really hate her,” sabi ni Chantal, halatang may inis sa kanyang boses.
Tumingin si Sebastian sa anak at lumuhod para magpantay ang kanilang mga mata.
“No, Mom won’t be angry,” sagot niya sa mahinahong tinig.
Dahan-dahang lumambot ang mukha ni Chantal at tila gumaan ang kanyang pakiramdam.
Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ni Manang Jelly.
“Good evening, sir. Good evening, ma’am,” bati nito.
“Manang, pakihanda na lang ang guest room,” malamig na sabi ni Sebastian.
Tumango si Manang Jelly at agad na tumalima.
Naglakad si Manang Jelly patungo sa guest room, at sumunod naman sa kanya si Diane.
“No, Dad! Aunt Diane can sleep in my room, right?” sabi ni Chantal, sabay tingin kay Diane.
Napatingin si Diane sa bata at bahagyang ngumiti. “It’s okay, Chantal. Sa guest room na lang ako matutulog. Besides, your mom wants to sleep with you tonight—”
“No! I want Aunt Diane to sleep beside me! Dad!” sigaw ni Chantal, halatang nagpipilit.
Tiningnan siya ni Sebastian, saka mahina ngunit matigas na sinabi, “Chantal, go to your room now.”
Napayuko si Chantal at wala nang nagawa kundi sumunod. Tahimik siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto. Sumunod naman sina Manang Jelly at Diane patungo sa guest room.
Saglit na tumigil si Sebastian at tiningnan ang paligid. Sa ganitong oras, madalas niyang makita ang kanyang asawang si Seraphina na nakaupo sa dining hall, abala sa kanyang laptop. Ngunit ngayong gabi, wala siya roon.
Naalala ni Sebastian ang sigaw ni Chantal kanina—siguradong narinig iyon ni Seraphina. Dapat ay bumaba na ito, pero wala pa rin siyang nakita.
Umiling siya sa sariling iniisip at naglakad papunta sa master’s bedroom. Pagpasok niya, agad niyang napansin ang isang bagay sa sahig—nakataob ang kanilang wedding picture ni Seraphina, at may mga bubog na nagkalat sa paligid.
Maliban doon, malinis pa rin ang kwarto. Ngunit isang bagay ang bumagabag sa kanya—wala roon si Seraphina.
Baka kasama niya ang kanyang kaibigan.
Napalingon si Sebastian sa pintuan nang bumukas ito, at bumungad sa kanya si Manang Jelly, may dalang brown envelope.
"Gusto n'yo po bang ihanda ko na ang inyong pampaligo?" tanong ni Manang Jelly.
Tumango lang si Sebastian bilang tugon. Inilahad naman ng matanda ang hawak na brown envelope sa kanya.
"Pinaabot po ito ni Ma’am Seraphina," aniya.
Tinitigan ni Sebastian ang envelope pero hindi niya ito binuksan. Kaswal siyang nagtanong, "Nasaan siya?"
"Umalis po si Ma’am Seraphina. May dala siyang maleta, pero hindi ko po alam kung saan siya pumunta. Kayo po, sir, alam n'yo ba?"
Hindi agad sumagot si Sebastian. Sa halip, tumalikod siya at naglakad papunta sa lugar kung saan nagkalat ang mga bubog ng salamin.
"Umalis siya?" bulong niya sa sarili.
Biglang nag-ring ang cellphone ni Sebastian. Napatingin siya rito sandali bago inilapag ang brown envelope sa bedside table. Saglit siyang nag-atubili, pero nang makita ang pangalan sa screen, agad niyang sinagot ang tawag.
"Jude," wika niya, malamig ang tono.
Walang anumang pag-aalinlangan, mabilis niyang ibinaba ang tawag at lumabas ng kwarto. Mabilis ang bawat hakbang niya pababa ng hagdan, kinuha ang kanyang susi sa ibabaw ng console table, at agad na sumakay sa kanyang sasakyan. Hindi niya na nagawang magpaalam kay Manang Jelly.
Madilim na ang kalangitan nang marating niya ang destinasyon. Isang park—tahimik, halos walang katao-tao. Ang tanging maririnig ay ang mahina at paminsan-minsang huni ng mga kuliglig. Sa ilalim ng malabong liwanag ng poste, bumungad kay Sebastian ang isang pamilyar na pigura.
Si Jude.
Nakatayo ito sa gitna ng parke, nakayuko nang bahagya, tila may dinaramdam. May hawak itong isang bagay, pero hindi niya maaninag kung ano. Lumapit si Sebastian, ramdam ang malamig na hangin ng hatinggabi na dumadampi sa kanyang balat.
"Ano ‘to, Jude?" tanong niya, bahagyang nakakunot ang noo.
Hindi agad sumagot si Jude. Sa halip, unti-unting tumingin ito kay Sebastian, mabigat ang ekspresyon, bago iniabot ang hawak nitong bagay.
"Ano 'to? At tinawagan mo pa ako kahit malalim na ang gabi," inis na wika ni Sebastian habang tinitigan si Jude.
Galit na tumawa si Jude, isang mapait na tawa na puno ng paninisi. "For real? Wala ka talagang pakialam sa asawa mo? Paano kung nasa panganib siya? Ni hindi mo man lang naisip 'yon?"
Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Sebastian. Blangko, malamig, walang kahit anong bahid ng pag-aalala.
"Kung mamatay man siya..." aniya, walang pag-aalinlangan sa boses. "Edi sana mamatay na lang siya. Para maging malaya na ako sa kanya."
Nanigas si Jude sa sagot ni Sebastian, hindi makapaniwala sa narinig. Nanginginig ang kanyang kamay habang mahigpit na hawak ang dala niyang bagay.
"Sebastian..." mahina ngunit puno ng poot ang kanyang tinig. "Hindi mo alam ang sinasabi mo."
Ngunit hindi na sumagot si Sebastian. Tahimik siyang tumingin kay Jude, tila wala na siyang pakialam sa usapan.
“Sana mamatay nalang siya.”