Nakaharap si Seraphina sa HR representative, nakaupo ng tuwid at maingat na nakapulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Muling sumulyap ang opisyal sa kanyang resume bago ngumiti ng magalang.
"Seraphina Faye Dee-Singson," aniya, binibigkas ang pangalan niya nang malinaw bago muling tumingin sa kanya. "Maraming salamat sa pagpunta ngayon."
Bahagyang tumango si Seraphina at gumanti ng magaan na ngiti. Pamilyar na sa kanya ang prosesong ito—una, babasahin ang kanyang pangalan, susundan ng ilang katanungan.
"Batay sa iyong resume, may hawak kang mga degree sa Early Childhood Education at Economics." Bahagyang tumango ang HR officer habang iniikot ang ballpen sa pagitan ng mga daliri. "Impressive credentials, However, most of your professional experience has been as a company secretary for nearly fifteen years. Could you tell me more about that career path and what led you to apply for a teaching position now?"
Tahimik na tumingin si Seraphina sa opisyal, panatag ang kanyang ekspresyon. "Of course" panimula niya."For the past fifteen years, I dedicated myself to supporting my husband’s company, handling administrative and operational tasks. While that role was fulfilling in its own way, my passion has always been teaching. Now that I have the opportunity, I want to transition into academia, where I can make a more direct impact."
Tumango ang HR officer at tila may isinulat sa papel. "That makes sense. Given your background, how do you see yourself applying your experience in a classroom setting?"
Bahagyang lumambot ang ngiti ni Seraphina. "My administrative experience has refined my organizational and communication skills, both of which are essential in teaching. More importantly, my academic foundation in both education and economics allows me to bridge theory with real-world applications. I believe I can offer students a dynamic perspective—especially when it comes to early childhood learning and economic literacy."
Muling sumilay ang ngiti sa HR officer. "That’s a great perspective." wika nito bago inilapag ang hawak na papel. "As part of our hiring process, we require a teaching demonstration. Would you be available tomorrow to present a short lecture on a relevant topic?"
Nagningning ang mga mata ni Seraphina."Absolutely. I’ll prepare accordingly."
"Great," sagot ng HR officer, tumango nang may kasiguraduhan. "We’ll send you the details via email. Thank you, Ms. Singson. We look forward to seeing your teaching approach."
Tumayo si Seraphina at iniabot ang kanyang kamay, matibay ngunit banayad ang kanyang pakikipagkamay. Habang lumalabas siya ng opisina, isang matatag na kumpiyansa ang bumalot sa kanya. Alam niyang ito ang simula ng isang bagong kabanata—ang matagal na niyang pinapangarap.
Naroon ang ngiti sa labi ni Seraphina habang lumalabas siya ng opisina at diretsong nagtungo sa nirentahang sasakyan. Ang layunin niya ngayong araw ay makahanap ng boarding house na malapit sa paaralang kaniyang magiging bagong pinagtatrabahuhan.
Sa kabutihang-palad, agad siyang nakahanap, bagama’t medyo malayo ito sa paaralan. Napabuntong-hininga siya habang tinitingnan ang paligid ng bagong titirhan.
"Kaya ko naman siguro ito," bulong niya sa sarili habang iniisip kung paano siya makakabiyahe araw-araw.
Naroon pa rin ang bahagyang pagod sa katawan ni Seraphina habang inilalagay ang kaniyang mga gamit sa loob ng kaniyang kwarto. Nang matapos, napaupo siya sa kama at saglit na nagpahinga. Malinis naman ang silid, pero halata niyang kailangan pa niyang bumili ng ilang gamit para mas maging kumportable ito.
Wala nang patumpik-tumpik pa, agad siyang tumayo, kinuha ang bag, at lumabas. Sinigurado niyang naka-lock ang pintuan bago tumungo sa parking lot. Pagkapasok sa sasakyan, saka lang niya napagtantong wala pala siyang cellphone.
"Paano ko naman 'to nalimutan?" bulong niya sa sarili, sabay iling.
Dahil doon, bago pa man bumili ng ibang gamit, dumiretso muna siya sa bilihan ng cellphone sa mall. Pagpasok niya sa tindahan, diretso siyang tumingin sa mga display. Sa huli, pinili niya ang pinakabagong modelo ng Samsung at walang pag-aalinlangang binayaran ito nang cash.
Habang inaayos ng cashier ang resibo, napansin niyang panakaw siyang tinitingnan ng isang staff. Maya-maya pa, may lakas-loob itong nagtanong.
"Ma’am, single ka ba?" pasimpleng sabi ng lalaki, may halong pilyong ngiti sa labi.
Napatawa si Seraphina. Ano nga bang status ko? Kakahiwalay? Hindi naman…
“Unknown,” sagot niya, kasabay ng isang makahulugang ngiti. Halatang hindi inasahan ng staff ang sagot niya, dahil nagkibit-balikat na lang ito at hilaw na ngumiti.
Matapos masuri ang bagong cellphone—nag-test call, nag-picture, at siniguradong maayos itong gumagana—agad siyang umalis at ipinagpatuloy ang pagbili ng iba pang gamit na kailangan niya.
Pagdating niya sa grocery area, agad siyang kumuha ng isang cart at dalawang basket. Unang tinungo niya ang hygiene section, kung saan isa-isa niyang kinuha ang mga pangunahing pangangailangan: shampoo, sabon pangligo, sabon panlaba, sanitary pads, cotton, at tissue. Sinuyod niya ang bawat aisle, maingat na sinusuri ang mga produkto bago ilagay sa cart.
Pagdating niya sa rice aisle, napatigil siya at nagdalawang-isip. Sampung kilo o dalawampu’t limang kilo? Tahimik niyang tinimbang ang desisyon. Kung sampung kilo, magaan dalhin pero baka kulangin. Kung dalawampu’t lima, mas matagal bago siya muling bumili pero mabigat buhatin.
Napansin ng isang staff ang kaniyang pag-aalinlangan at lumapit ito.
“Kailangan mo ng tulong, ma’am?” tanong ng staff, may magalang na ngiti sa mukha.
Napangiti naman si Seraphina at tumango. “Palagay na lang nito, dito please.” Sabay turo niya sa sako ng dalawampu’t limang kilo ng bigas.
Agad namang tinawag ng staff ang isa pa nilang kasama. “Pare, patulong dito.”
Hindi nagtagal, lumapit ang isa pang empleyado upang tulungan silang iangat ang bigas papunta sa cart ni Seraphina. Habang pinapanood niya ang dalawa, hindi niya maiwasang mapangiti. "Mukhang kaya ko na talagang mabuhay mag-isa," bulong niya sa sarili, ramdam ang kakaibang saya sa simpleng pagbili ng mga gamit para sa bagong yugto ng kaniyang buhay.
“Thank you po.” wika ni Seraphina, sabay ngiti sa dalawang staff. Tumango naman ang mga ito bago umalis.
Matapos iyon, itinulak niya ang kaniyang cart patungo sa meat section. Isa-isa niyang tiningnan ang mga karne—manok, baboy, baka. Ngunit nang mapagtanto niyang wala pa siyang refrigerator, napabuntong-hininga siya.
“Wala akong ref… Ano namang gagawin ko?” bulong niya sa sarili. Saglit siyang tumingin sa kawalan bago natawa nang bahagya. “I guess kailangan ko pang bumili ng refrigerator.”
Sa halip na mga sariwang karne, kumuha na lang siya ng ilang ready-to-cook foods, de-lata, at ilang pagkaing hindi madaling mapanis. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa cashier para bayaran ang lahat ng kaniyang pinamili.
Habang hinihintay niyang matapos ang pag-scan ng cashier sa kaniyang mga pinamili, kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Jude. Dalawang beses siyang nag-dial bago ito sa wakas ay sumagot.
“Seraphina.”