Share

CHAPTER FOUR

NAGDUDUDUWAL si Dannah nang umagang iyon. Nangangasim ang sikmura niya at paulit-ulit siyang pabalik-balik ng banyo.

“Anak, ano’ng nangyayari sa iyo?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina na bigla na lamang napasugod sa kinaroroonan niya.

“Nangangasim po ang sikmura ko kaya duwal ako nang duwal. Pero puro laway lang po ang lumalabas sa bibig ko,” aniyang pinagpapawisan nang malapot.

“Diyos ko!” napatutop sa sariling bibig na bulalas nito.

“Bakit po, `Nay?” nagtatakang tanong niya.

“H-hindi kaya buntis ka?”

Napamulagat siya sa narinig na sinabi nito. Hindi imposible iyon sapagkat may nangyari nga sa kanila ni Gunther, at two months na siyang delayed.

“P-pero paano mangyayari iyon? Wala ka namang asawa, ni boyfriend man lang,” dugtong pa nito, saka napatingin sa kanya sa mapang-arok na titig. “Sabihin mo nga, Dannah, buntis ka ba?”

“I-inay—”

“Buntis ka ba?!” Mas malakas sa dati ang boses nito.

May namuong luha sa kanyang mga mata, saka marahang tumango.

“Diyos kong mahabagin!” mulagat nito. “Sino ang ama niyan?”

“I-inay…”

“Sabihin mo! Sino?!” galit nitong tanong.

“N-nagpabuntis lang po ako para mapagbigyan ko po ang kahilingan ninyo,” lumuluha niyang tugon.

Natigilan ito, saka pabigla siyang niyakap. “Anak, hindi ko naman sinabing magpabuntis ka para lang mangyari ang kagustuhan ko.”

“`Nay, huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Kagustuhan ko rin naman po ito, eh. Gusto ko lang magkaroon ng anak pero ayokong mag-asawa. Wala po akong pinagsisisihan sa ginawa ko. Masaya po ako na nandito na sa sinapupunan ko ang batang ito. Sana ay ganoon din po kayo,” umiiyak niyang usal.

Mas lalo siya nitong niyakap. “Anak, ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa `yo? Na disgrasyada ka at walang ama ang anak mo?” Masuyong hinaplos nito ang buhok niya.

“Kaya ko pong indahin ang mapanghusga nilang sasabihin. At gagawin ko po ang lahat para mapalaki nang maayos ang anak ko kahit wala siyang kikilalaning ama…”

 

__________

“ANG SARAP ng mangga!” palatak ni Dannah habang nakaupong nilalantakan ang manggang hilaw na nilagyan ng bagoong. Marami na siyang nauubos ngunit hindi pa rin siya nagsasawa sa kakakain niyon. Kasalukuyan silang umuwi ng kanyang ina sa probinsya para lang maghanap ng manggang hilaw. At hindi naman sila nabigo sapagkat nakahanap sila niyon. Pinaglilihian pa man din niya ang mangga.

“Anak, hinay-hinay lang sa pagkain. Baka mamaya tumaba ka niyan, tiyak na mahihirapan kang manganak,” natatawang sabi ng Nanay Dina niya. Nakatayo ito sa harapan niya, at waring aliw na aliw na pinagmamasdan siya.

“Eh, `Nay, masarap kaya! Tikman niyo po,” aniyang patuloy pa rin sa pagsubo.

“Huwag na, baka kulang pa `yan sa `yo,” biro nito. “Baka babae ang anak mo. Napakaganda mo kasing buntis, anak,” puri nito.

“Ay, sus! Maganda po talaga ako dati pa, mana ako sa inyo, eh,” nakangiti niyang wika.

Natawa ito sa sinabi niya ngunit mayamaya’y napabuntong-hininga.

“Bakit po, `Nay? Ang lalim yata ng buntong-hininga natin?” tanong niya.

“Wala. Naisip ko lang na mas mainam siguro kung may asawa kang nagbabantay sa `yo,” tugon nito.

Dahan-dahan siyang tumigil sa kakasubo. Biglang rumehistro sa balintataw niya ang guwapong mukha ng ama ng kanyang anak. Kumusta na kaya ito? Agad niyang ipinilig ang ulo para burahin sa alaala ang binata. “Inay, bakit? Nagsasawa na ba kayo sa pagbabantay sa buntis ninyong anak at mukhang gusto niyo na akong ipamigay?” bagkus ay kunwaring patampong biro niya.

“Aba! Hindi, `no!” bigla nitong tugon. “Hindi ako magsasawang bantayan ang unica hija ko.” Nakangiting yumakap ito sa likuran niya.

Napangiti siya, kasabay ng isang pangakong binitiwan sa isip—pangakong gagayahin niya ang kanyang ina sa pagpapalaki nito sa kanya.

 

____________

“HELLO, Sandy!” masayang bungad ni Dannah sa kaibigang tumawag sa kanyang cell phone.

“D-Danz…” nahimigan niya ang pag-aalangan sa tinig nito.

“Napatawag ka?” nakangiti niyang tanong habang masuyong hinahaplos ang sobra limang buwan na niyang tiyan.

“F-friend, ano… k-kasi… Hinahanap ka ni Kuya Gunther,” pagbabalita ni Sandy na siyang nagpatigagal sa kanya.

Bakit siya hahanapin ng binata gayong malinaw naman ang binitiwan nilang mga salita sa isa’t isa na iyon na ang huli nilang pagkikita? “B-bakit daw?”

“He wanted to see you. Iyon lang ang sinabi niyang rason.”

“S-Sand, please, huwag na huwag mong sasabihin sa kanya kung nasaan ako. Huwag na huwag mo ring sasabihin kung saan ako nakatira diyan sa Maynila. Mangako ka,” nababahala niyang saad. Natatakot siyang baka bigla na lang nitong ipagtapat kay Gunther ang lahat ng impormasyon niya.

“Eh… Dan—”

“Promise me!”

“S-sige. O-oo. I won’t tell him.”

Doon lang siya nakahinga nang maluwag. As much as possible, she doesn’t want to see again Gunther sapagkat tila may hinihigop itong hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang buong pagkatao. Damdaming nagpapatuliro sa kanya. Damdaming kinatatakutan niya mula pa noon.

___________ 

NAPAG-ALAMAN ni Dannah buhat sa kaibigang si Sandy na sa Pilipinas na mamamalagi si Gunther. Inayos lang umano nito sa States ang mga naiwang negosyo kaya ito nagbalik doon. At ngayon nga ay nagbalik ito sa Pilipinas upang pangasiwaan na ang negosyo ng pamilya nito.

Labis din daw na nagtataka si Sandy sa agarang pagbabago ng desisyon ng kinakapatid nito. Dati-rati raw kasi ay walang kaplano-plano si Gunther na pangasiwaan ang negosyo ng pamilya nito sa Pilipinas, mas gusto raw nito sa ibang bansa.

Sa nalamang iyon buhat sa kaibigan ay mas lalo lamang siyang nabahala. Mas lalo lamang lumaki ang iniisip niyang problemang baka aksidenteng magkita sila nito. At paano kung dumating ang araw na igiit nito ang karapatan sa bata? Paano kung biglang na lang kunin nito sa kanya ang kanyang anak? Hindi niya yata iyon makakaya and she certainly doesn’t know what do when that time comes.

She sighed. Hindi lang muna siya mag-iisip nang ganoong mga bagay sapagkat hindi pa naman iyon nangyayari. Baka makasama lang sa sanggol na pumipintig sa kanyang sinapupunan kung mamomoroblema siya.

__________ 

“DANZ!”

Napalingon si Dannah sa tumawag sa kanyang pangalan. Kakauwi lang niya galing sa scheduled prenatal niya. Nakauwi na rin sila ng kanyang ina sa bahay nila sa Maynila matapos ang ilang linggong pamamalagi sa probinsya.

Napangiti siya nang masilayan ang matalik niyang kaibigang si Cel. “Best, what are you doing here? Long time no see,” aniyang hindi naitago ang pagkasabik sa kaibigan. Nakipagbeso-beso pa siya rito.

“Hindi mo man lang sinabi sa aking buntis ka na pala,” nakanguso nitong pagtatampo.

She softly chuckled upon seeing her best friend’s childish reaction. “Eh, paano ko sasabihin sa `yo? Palagi namang naka-off ang cell phone mo. `Tapos hindi pa kita ma-contact sa landline niyo, at saka wala ka namang F******k, Twitter, I*******m o kahit Friendster man lang,” napahagikhik niyang biro na ikinatawa naman ng kaibigan niya. Hinampas pa siya nito sa braso. Nagpatiuna siyang pumasok sa loob ng bahay. “Paano ka pala nakalabas sa inyo?” kapagkuwan ay tanong niya sa nakasunod na kaibigan.

“On travel si Francis kaya nagkaroon ako ng pagkakataon,” tugon nito na umupo sa couch.

Napatango-tango siya. “I just hope, palagi na lang siyang on travel so that you can do whatever you wanna do nang hindi napagbubuhatan ng kamay,” she sympathetically uttered. Hanggang ngayon ay naaawa pa rin siya sa kaibigan. Wala pa ring ipinagbago ang buhay-may-asawa nito, palagi pa rin itong bugbog-sarado.

She’d seen her friend’s curt smile. “This is my life, Danz. I vowed for it and I’m gonna stick with it for the rest of my life,” Cel muttered again those martyr lines she used to hear.

She glared at her friend. Hindi na siya umimik sapagkat alam na niya kung saan na naman hahantong ang usapan nilang iyon. She still couldn’t convince Cel na bawas-bawasan ang pagka-martir nito.

“Who’s the lucky father of that?” mayamaya’y nakangiting tanong ng kaibigan niya na hindi niya napaghandaan. Inginuso pa nito ang maumbok na niyang tiyan.

Dahan-dahan siyang umupo sa couch na kaharap nito. “H-hindi na mahalaga kung sino siya, Cel…” panimula niyang sambit, saka napagpasyahang ikuwento sa kaibigan ang rason kung bakit siya buntis.

____________ 

“SANDALI!” sigaw ni Dannah nang marinig ang sunod-sunod na pag-doorbell sa labas ng bahay nila.

Iniwan muna niya ang ginagawang katitipa sa harapan ng computer na nasa salas ng bahay nila. Aside from her work as a teller in a particular bank, she’s also a blogger of different sites. Kaya kahit naka-leave siya sa bangkong pinagtatrabahuan ay may ginagawa pa rin siyang home-based job na kahit papaano’y napagkakakitaan niya.

“Siguro may naiwan si Cel kaya bumalik,” bubulong-bulong niyang wika habang maingat na naglalakad patungong pintuan. Ilang oras din silang nagkuwentuhan ng matalik niyang kaibigan bago nito napagpasyahang umuwi na.

She gently combed her long-straight hair using her fingers nang mamalas ang sariling repleksyon sa malaking salamin ng bahay nila. “Hmm… Ang ganda ko pa rin kahit buntis!” she blurted giggling, saka nakangiting binuksan ang pinto. “Cel, bakit bumal—” Bigla siyang namutla at napatda sa kinatatayuan nang mamalas ng kanyang paningin ang taong nakatayo sa harapan niya.

It was Gunther!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status