Share

CHAPTER EIGHT

“I’M ON a vacation, Lorielle. No, huwag kang pupunta rito!” narinig ni Dannah ang maawtoridad na tinig ni Gunther habang pababa siya ng hagdan. Napatunghay ang binata sa kanya. “Alright, alright. I’ll call you later. Sige, bye,” he ended up. Ibinulsa nito ang hawak na cell phone, saka nakangiting bumaling sa kanya. “Nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita,” anito.

Umiling siya. “S-sino si Lorielle?” wala sa loob niyang tanong. Napahinto siya sa ikatlong baitang ng hagdan.

Tila natigilan si Gunther sa mga katagang lumabas sa bibig niya. Marahil ay hindi nito inaasahan ang tanong niyang iyon.

“Never mind answering,” biglang bawi niya. Baka isipin pa ng binatang masyado siyang pakialamera at usyosera gayong wala naman siyang karapatang alamin ang personal na buhay nito.

“No, it’s okay. I’ll answer,” he said. “Lorielle is one of my flings, my partner in bed,” he frankly confessed while intently glaring at her na tila pinag-aaralan ang magiging reaksyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status