Share

CHAPTER SEVEN

“ISASAMA kita sa hacienda,” sabi ni Gunther kay Dannah habang magkaharap silang nakaupo sa terasa ng bahay nilang mag-ina. Kasalukuyan siya nitong ipinagbabalat ng pinaglilihian niyang mangga.

Pabigla siyang napahinto sa kasusubo at napatitig sa binata. “Bakit?” tanong niya.

Nagkibit-balikat ito. “I just want to. Makakalanghap ka roon ng sariwang hangin. Makakabuti `yon para sa inyong dalawa ng anak natin,” nakangiti nitong tugon.

“Kailan naman tayo pupunta r’on?” wala sa loob niyang tanong. Sunod-sunod na naman siyang napasubo ng mangga. She just loved the sweet and sour tastes of the mango.

“This coming Saturday and we will stay there for less than two months. Babalik na lang tayo rito kapag kabuwanan mo na at sa tuwing magpapa-prenatal ka,” anito.

“What?!” gulat niyang bulalas. She wasn’t expecting na magtatagal sila roon. Ang buong-akala niya’y babalik din sila agad.

Ngumiti ito. “Hindi ka pa naman manganganak. Magpipitong buwan pa lang naman ang tiyan mo kaya doon ka lang muna para mabantayan kita palagi.”

Tila tumalon sa galak ang puso niya sa sinabi nito. Siya? Babantayan ng binata? For the first time, hindi nito sinabi na dahil sa ipinagbubuntis niya kaya nito ginagawa ang lahat ng iyon. May sumilay na mumunting ngiti sa mga labi niya. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Gunther.

“Bakit ka nangingiti? Masaya ka ba dahil ako mismo ang magbabantay sa `yo? Sa inyo ng anak natin?” pilyo ang pagkakangiting tanong nito.

She blushed delicately. 'Lintik! Mukhang nahulaan pa ng herodes ang bagay na iyon!' himutok ng isip niya. Subalit hindi siya kailanman aamin dito. Never! “Okay ka lang?!” kunwari’y inis niyang bulyaw. “Why should I be happy for that? Hambog talaga nito, oh! Napakahangin!” She rolled her eyes.

Gunther laughed loudly. “Is it really hard for you, Dannah, to at least, somehow, be true to yourself?” he teased.

Tiningnan niya ito nang masama. She must admit she was holding back her emotions. She doesn’t want to accept even just a smallest strand of reality which keeps on haunting her. Nasa puso pa rin niya ang takot. “I-I’m true to myself, okay?” she said stiffly. “Bakit pa kasi pupunta r’on? Eh, nandito naman si Nanay na magbabantay sa akin,” pag-iiba niya sa usapan. She felt unease.

“Naipagpaalam na kita kay Nanay,” anito. “Nanay” na rin kasi ang tawag nito sa kanyang ina. Ganoon ka-close ang dalawa.

“At pumayag naman siya agad? Pinagkakaisahan niyo ako, ah,” nakaismid niyang turan.

“Siyempre, papayag `yon. She likes me for you,” anitong may ngiti sa mga labi.

“Hindi ko alam kung ano ang ipinakain mo r’on at gustong-gusto ka niya,” wala sa sariling komento niya.

Gunther cackled. “Because I’m easy to be liked. I can use my charm wherever and whenever I want to. I’m easy to be loved, as well. Iyon nga lang, hindi ko `yon nagagamit sa `yo. I can’t make you love me,” he said softly. Tila may narinig siyang pait sa boses nito ngunit nang sulyapan niya ang binata ay pormal ang mukha nito. Wala siyang mabasa ni anumang emosyon.

Napahalakhak siya. “Ayos ka ring magdrama, parang totoo. You’re indeed a best actor, Mister Man-who-can’t-be-moved. A man who doesn’t believe in love,” tumatawa niyang wika, but deep inside ay natuliro siya sa iginawi nito. Tila gusto niyang magpadala at maniwala sa narinig niyang paghihirap sa tinig nito.

Nang dahil sa kunwaring kakatawa niya ay hindi niya nasilayan ang mapait na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Gunther.

---

“INAY, sumama na lang po kasi kayo, eh,” lambing ni Dannah sa ina. Nakaabrisyete siya rito. Ito ang araw na isasama siya ni Gunther sa hacienda ng pamilya nito.

“Huwag na. Sagabal lang ako sa inyo,” humahagikhik na tudyo ni Nanay Dina.

Napanguso siya. “Ayaw niyo talagang magpapilit.”

“Kayo na lang, anak. Hindi ka naman papabayaan ni Gunther doon. Nangako siya, `di ba, hijo?” Nakangiting bumaling ang nanay niya kay Gunther.

Pabirong sumaludo ang binata. “Oo, ako ang bahala sa mag-ina ko. Aalagaan ko sila,” pangako nito, saka bumaling sa kanya. “I will be your handsome and hunk slave,” simpatiko nitong saad.

Iningusan niya si Gunther. Ngunit sa kaloob-looban niya ay talaga namang nagrambulan sa kilig ang puso niya. Pilit nga lamang niya iyong inignora.

“O siya, sige. Humayo na kayo para hindi kayo gabihin,” anang nanay niya na halatang nag-e-enjoy sa kakamasid sa kanila.

Humalik muna sila ng binata sa pisngi ng kanyang ina bago tuluyang umalis.

---

“ANG GANDA pala rito,” namamanghang wika ni Dannah habang inililibot ang paningin sa buong hacienda. Kakarating lang nila ni Gunther at agad niyang napansin ang kagandahan ng naturang lugar.

Naggagandahang puno at mga halaman ang sumalubong sa kanyang mga mata. Naroon din ang iba’t ibang uri ng bulaklak na ngayon lamang niya nakita. Nakadagdag iyon sa ganda ng hacienda dahil na rin sa iba’t ibang kulay at desinyo. Naghahatid din iyon ng halimuyak sa preskong hangin na nalalanghap niya. Sa isang bahagi naman ng hacienda ay nakita niya ang rancho kung saan naroon ang iba’t ibang uri ng mga hayop na kasalukuyang pinapakain ng tagapamahala roon.

Hindi maitatago sa maganda niyang mukha ang paghanga sa nasisilayang obra ng Diyos. “Ang presko ng hangin. Malayo sa polusyon at ingay ng siyudad,” aniya pa habang nakapikit na sinasamyo ang simoy ng preskong hangin.

Ngumiti si Gunther habang maingat siyang inaalalayan sa siko. “Kaya nga kita dinala rito. This is the right place for a pregnant like you,” anito.

Hindi siya umimik, bagkus ay nakangiti lang siyang nakamasid sa napakagandang tanawin kaya’t hindi niya namalayang mataman na pala siyang tinititigan ng binata. Waring nahihipnotismo ito sa kagandahang taglay niya. “B-bakit?” naiilang niyang tanong nang mapansing titig na titig ito sa kanya.

“Wala.” Nagbawi ito ng tingin. “Magpahinga ka na muna. Paggising mo’y ililibot kita sa buong hacienda,” anito, saka inutusan ang naroong binatilyo na dalhin ang mga gamit niya sa gagamiting kuwarto.

Nginitian na lamang niya ang binatilyo na tantiya niya ay nasa labing-anim na taong gulang pa lamang.

---

“PAANO ang mga naiwan mong trabaho sa kompanya?” tanong ni Dannah kay Gunther habang nasa rancho sila at pinanonood ang mga kabayong naroon. Matapos niyang makapagpahinga ay kumain muna sila, saka siya inilibot ng binata sa buong hacienda gaya ng naipangako nito.

“The Senior Vice President will take charge of it. Anyway, for the meantime lang naman ito habang nandito pa tayo. And besides, dadalaw naman ako roon, one to two times a week perhaps.”

Napatango-tango siya. “Kung sabagay, kayo naman ang may-ari niyon kaya magagawa mo ang gusto mong gawin.”

Gunther softly snorted. “Baka isipin mong malakas ang loob ko dahil doon. It’s not that, Dannah, gusto ko lang talagang ako ang mag-asikaso sa `yo, sa inyo ng iluluwal mong sanggol. I felt safe kapag alam kong malusog kayo pareho,” he seriously explained.

Lihim siyang nagalak sa narinig buhat dito. “Salamat, Gunther.”

“It’s my obligation. I’m the father of your child,” anito, saka ngumiti. “Kapag manganak ka na, sasakay tayo kay Apollo,” he added na ang tinutukoy ay ang paborito nitong puting kabayo. “Hindi naman kasi kita puwedeng isakay ngayon, baka mamaya manganak ka pa nang wala sa oras.” Tumawa ito nang malakas sa sariling biro.

Napahalakhak na rin siya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong narinig niya ang pagtawa ni Guther na may kaakibat na ngiti sa mga mata. She felt something upon hearing and seeing him on that scenic situation. It was something different that she could hardly explain. Sinabayan na lamang niya ang paghalakhak ng lalaking ama ng kanyang anak. Ngunit bigla rin siyang natigilan. Paano mangyayaring isasakay pa siya ni Gunther sa paborito nitong kabayo? Paano mangyayaring makakapunta pa siya sa haciendang ito kung sa oras na mailuwal na niya ang sanggol ay kakaharapin na niya ang kaakibat na katotohanang igigiit nito ang karapatan sa bata?

Wala sa oras na napahawak siya sa kanyang tiyan.

“Why, Dannah?” Napansin marahil nito ang biglang pag-iiba ng aura niya. Marahil ay napansin nito ang kalungkutang bahagyang rumehistro sa maamo niyang mukha.

“N-nothing,” she replied briefly, then managed to bestow him a curt smile kahit sa kaloob-looban niya’y nagsisimula na siyang kabahan sa oras na dumating ang kinatatakutan niyang mangyari.

Ngumiti na lamang ang binata. Alam ni Dannah na hindi ito kumbinsedo sa sinabi niya. Ngunit hindi na lamang ito nagtanong pa. “Halika, doon naman tayo sa may manggahan,” yakag nito na ikinaliwanag ng mukha niya.

She absolutely loved mango. Iyon ang pinaglilihian niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status