Share

Chapter 6

Wala na'kong nagawa ng sunduin na ako ng tatlo para sumama sa kanila sa sinasabi nilang bar na lugar. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang sumama ako sa kabila. Katabi ko ngayon sa likod na upuan ng kotse si Kio.

Habang si Klerk naman ang nag mamaneho ng sasakyan sapagkat siya ang may ari ng sasakyan na ito. Mayayaman ang tatlong 'to 'di gaya kong, lumaki sa hirap kaya parang nanliliit ako kapag kasama ko ang tatlong 'to pakiramdam ko'y hindi ako naaanib sa kanila.

Katabi ni Klerk si Hero sa may unahang upuan. Sinandal ko ang likod sa upuan at tumingin ang nga tingin sa labas na malapit nang dumilim. Ang kalangitan na nababalot na ng kulay Kahel na kalangitan sanhi ng papalubog na araw.

“Ang tahimik mo diyan par, mukhang malalim ang iniisip mo ah. Ano okay kalang ba? Malapit na naman tayo sa pupuntahan natin, kunting minuto nalang.” ngumiti ako kay Hero na nakaupo sa unahan. Sumilay pa ang ulo nito para silipin kaming dalawa ni Kio.

Si kio namang hindi ma istorbo sa ginagawa. May usap ito sa selpon gamit ang tex. Ang gaganda ng mga selpon nila mastalang ako'y keypad lang ang gamit-gamit na selpon. Kaya nahihiya tuloy akong ilabas at gamitin. Gusto ko mang makabili ng mamahaling uri ng mga selpon ngunit hindi kaya ng kita ko. Mahal ang mga ganiyang selpon.

Mag t-tiyaga nalang ako sa keypad ko. Mas kailangan namin ng pera sa pagkain kesa ang mga hindi namang importante na gamit o bagay.

“Anong klaseng lugar ba kasi ang pupuntahan natin?” pangungulit ko sakanilang sabihin ang lugar o ang paligid nito.

“Basta makikita mo mamaya kapag nandoon na tayo. Baka mamaya hindi kana umalis sa lugar na'yon.” dahil sa isinambit na mga salitang 'yon ni Hero'y mas lalo akong nagtaka at napaisip.

“Inip kana ba? Ilang minuto nalang 'to.” singit ni Klerk na nakapukos ang mga mata sa kalsada. Medyo dilim na ang paligid hindi tulad kanina na may liwanag pa, ngayon ay dumidilim na ang langit at ang buong paligid.

“Hindi naman, kinakabahan lang ako.” sagot ko't bumuntong hininga saka pinagsiklop ang dalawang mga palad dahil sa pinagpapawisan ito.

“'wag kang kabahan, Ano kaba sigurado ngang magugustuhan mo ang lugar na'yon. Baka roon mo pa matikman ang lutong langit.” malakas namang nagsitawanan ang dalawa sa harap na para bang nang aasar.

Hindi naman ako bobo para hindi malaman ang lutong langit na sinasabi nila ito ay ang nangyayari sa pagitan ng dalawang tao ang babae at lalaki. Pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung pa'no at ano ginagawa roon. Wala naman kasi akong alam tungkol sa ginagawa o mga galaw pagdating sa kama.

Masiyado akong inosente sa mga bagay-bagay. Hindi tulad ng mga tao rito na may mga telibisyon at mga selpon na maaaring magamit, sa probinsiya naman ay wala miski isa. Wala nga kaming kuryente roon at ang tanging ilaw lang ang nagmumula sa gasera, kandila at buwan kapag gabi.

“We are here!” sigaw o anunsyo ni Klerk dahil ramdam kong tumigil ang sasakyan sa pagtakbo nito. Isa-isa silang bumaba ng sasakyan kaya sumunod narin ako kay Kio na katabi ko bumaba.

Pagkababa ko ng sasakyan ay bumungad sa'kin ang isang gusali na may nakapaskil na Crexel Bar. Binasa ko pa ang nakapaskil roon na umiilaw-ilaw pa para makita parin kahit madilim na ang paligid.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Tahimik ang lugar pa'no naging masaya ito? Parang wala ngang katao-tao sa lugar dito. “Eto naba 'yon?” takang tanong ko habang kinakamot ang ulo.

“Papasok palang tayo sa loob. Tara na!” nagumpisang mag lakad ang tatlo kaya sumunod nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko dahil sa nakita ko pagpasok sa loob ng lugar na'to.

Ito naba ang tinatawag nilang Bar? Napakurap-kurap pa'ko. “E-eto naba 'yon?” utal kong tanong saka napalunok nalang bigla. Parang gusto ko nalang umalis sa lugar, gusto ko na itong lisanin ngunit nakakahiya kina Klerk.

Maingay ang buong lugar sa ibaba, amoy na amoy ko rin ang amoy ng alak sa mga taong nakainom na nagsasayaw. Sumasakit din ang mata ko dahik sa neon light na nagbibigay saya sa loob.

“Oo, bakit hindi mo ba gusto? Halika roon tayo sa taas, sumunod ka lang.” nagpatuloy sa paglalakad ang tatlo habang ako'y naglalakad na nakasunod sa kanila. Inililibot ko rin ang paningin sa buong paligid para suriin ito.

Hindi ko kinakaya ang nakikita ko, may mga naghahalikan sa gilid na parang aka mo'y sila lang ang tao sa lugar na'to. Marami ang mga lasing na, at patuloy na nag iinom. Ang mga babaen naman dito na halos ang damit ay kita na ang kanilang kaluluwa. May mga nagsasayaw, at ang pinaka malalang nakita ko'y hubad na babaeng hinahayaan ang mga lalaking hawakan siya.

Nataranta naman ako ng biglang mawala sa aking paningin ang tatlo. Kaya kinabahan ako, baka kung ano pa ang mangyari sa akin sa lugar na'to. Lumunok ako dahil hindi ko mahagilap ang tatlo. Asaan kaya nagpunta ang tatlong 'yon? Biglang nawala sa aking paningin.

“Oy par! Ginagawa mo diyan?” bigla akong napalingon sa isang sumigaw, nakahinga naman ako ng maluwag ng makita si Hero na sinusundo ako. Siguro'y napansin ng mga ito na nawawala ako.

Lumapit ako kay Hero para makasunod sa kanila. Nasa ikalawang palapag ito, ang ikalwang palapag ay hindi gaano maingay at walang gaano na tao. Ngunit ang makikita mo naman ay mga lalaking nakaupo sa kutson at may nakakandong na babae.

“Akala ko'y umalis kana eh. Halika rito tayo maupi.” sumunod ako kay Hero hanggang sa makarating kami sa may bandang dulo. Nakaupo na ang dalawa sa kutson may katabi namang dalawang babae ang dalawa kaya napaiwas ako ng tingin agad-agad.

May roon na ring bote ang nasa lapag ng babasagin na lamesa. Mukhang mamahalin ang lugar na'to, sa desenyo palang at kalidad ng mga prudokto. “Maupo kana Dhenzel, magsasaya tayo ngayong gabi!” sigaw ni Klerk at tinaas ang isang bote ng alak. Ginaya naman ito ng dalawa at pinagtama ang kaniyang-kaniyang baso na may lamang inumin.

“Cheers!” sabay-sabay na sigaw ng tatlo. Hindi naman ako makapagsalita at kumilos. Gulat ang biglang lumabas sa aking mukha ng bigyan nila ako ng isang bote ng alak.

“'wag kana mag dalawang isip at mag isip ng kung ano-ano diyan. Tara't mag inom nalang tayo!” sambit ni Kio, na may ngisi sa kaniyang labi.

“P-paumanhin ngunit hindi ako nag iinom.” pagtanggi ko't napakamot sa sariling ulo. Kita ko naman ang pagkadismaya sa mukha ng tatlo. “H-hindi k-kasi ako sanay u-uminom.” nauutal kong sambit. Kinagat ko ang pang ibabang labi saka 'yon binasa gamit ang labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status