Share

Chapter 5

Dhenzell Aaron Wellenzo POV:

“Bar?” takang tanong ko habang nag a-ayos ng mga tinda rito sa puregold. Dinayo ako rito ng tatlo kong mga kaibigan para yayain ako sa bar. Ano ba ang Bar? Hindi pamilyar sa akin ang salitang bar, ngayon ko lang ata narinig ang katagang 'yan.

“Oo, par gusto mo bang sumama sa'min mamaya? Pupunta tayo sa bar, mag sasaya lang tayo. For sure mag e-enjoy ka roon.” pangungumbinsi sa'kin ni Klerk na sumama sa kanilang pupuntahan.

“Pasyalan ba ang tinutukoy niyong 'yan?” inosente kong tanong. Napakunot naman ang noo ko't tinignan sila ng nagtataka dahil sa malalakas at 'di mapigilang tawa. “Hindi ba pasiyalan ang lugar na iyon?” muli kong itinanong sa kanila.

“O-oo p-pasiyalan nga ang lugar na 'yon kaya nga sumama kana sa'min mamaya.” si Hero ang sumagot sa akin habang natatawa parin.

“B-bakit kayo nag sisitawanan? Mali ba ang aking hinuha?” napalunok ako habang iniintay ang kanilang responde. Nagpipigil silang matawa habang tintakpan ang kanilang bibig para itago ang mga labing natatawa. “Hindi ako sasama sa inyo mamaya. Mukhang niloloko niyo lang ako sa pupuntahan natin.” tinanggal ko ang pansin sa kanilang tatlo at binaling ang pansin sa ginagawa.

“Hindi nga, sumama kana dali. Huwag kanang maging kj diyan! Sumakay kanalang sa'min Dhen! Sigurado akong magugustuhan mo rin sa lugar na 'yon!” patuloy na pangungumbinsi ni Hero. Umakbay pa ito sa aking balikat at ginulo ang buhok ko.

“Oo nga, Dhen! Sumama kana lang mamaya.” sabat bigla ni Kio na kumbinsihin ako na sumama mamaya.

“Ano ba kasing lugar ang pupuntahan natin? Bar? Anong klaseng lugar 'yon?” takang tanong ko habang ang mukha'y puno ng kainosentehan. Umiling-iling ang tatlo at tinapik-tapik naman ni Hero ang likod ko.

“Napaka inosente mo talaga Dhen, parang mas marami pa atang alam ang bata sa'yo eh.” iling-iling na sambit ni Kio. Bumuntong hininga naman ako. Tama sila, kakaunti lang ang alam ko sa mga bagay-bagay. Lalo na sa mga lugar, dahil hindi naman ako nakapag aral. Hindi nga ako maalam mag sulat, pagbabasa lang ang kaya ko.

Lumaki rin ako sa probinsya at ang tanging ginagawa ay mag tanim ng mga palay at mag araro ng palayan. Mag alaga ng baboy at ng kung ano-ano pang hayop. Ang tanging alam ko lang naman ay ang mga bagay na ginagawa sa probinsya. Hindi nga rin ako maalam mag salita ng wikang ingles.

Palayan, gubat, ilog o kung ano-ano pang lugar sa isang probinsya ang alam kung mga lugar ngunit dito sa maynila, hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano-anong klaseng lugar ang naririto.

Isang linggo palang naman ako rito sa maynila at ilang araw palang ako na nag t-trabaho rito sa may puregold. Naging kaibigan ko naman ang tatlong 'to dahil palagi itong mga nakatamday dito sa loob ng puregold para mag ingay.

Dinala ako rito ng tita ko para dito nalang mag trabaho dahil kulang sa tauhan ang kaniyang pamilihan. Siya ang may ari ng puregold na ito, kaya kinuha niya ako bilang isang empleyado. Kaagad naman akong pumayag na walang pag aalinlangan para kumita ng mas malaki kesa sa pangangalakal.

“Paumanhin, wala kasi akong pinag aralan.” nahihiya kong saad kaya napayuko ako para itago ang kahihiyan sa aking mukha. Hindi ako tulad nila na nakakapag aral sa edad na'to at patambay-tambay lang kung saan-saan nila gustuhin. Bigla silang natahimik sa'king sinaad.

Gusto ko man ang makapag aral ngunit, huli na'ko sa oras dahil labing walong taong gulang na ako. Kung papasok man ako sa eskwelahan kailangan kong pumasok sa ikaunang baitang ng elementarya.

“Okay lang 'yan ang importante, magkakaibigan tayo!” basag ni Klerk sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming apat. Tinapik naman ni Hero ang likod ko't humiwalay sa pagkaka akbay sa'kin.

“Basta sumama ka mamaya sa pupuntahan natin. Para naman 'di ka maboring dito sa maynila habang naririto ka.” saad ni Kio. Marahan akong tumango sa kanilang tatlo at ngumiti ng matipid sa kanila.

“Una na kami par! Puntahan kanalang namin mamaya pag ka out mo. Hintayin mo kami diyan sa labas ng puregold.” paalala ni Hero at sabay-sabay na naglakad ang tatlo palabas ng Puregold.

Nagbabago ang tingin ko talaga sa aking sarili kapag kasama ko ang tatlong 'yon. Pakiramdam ko nanliliit ako, dahil nagmumukha akong walang alam at tanga sa kanilang tatlo. Hindi ako tulad nilang maraming alam at nakapag aral. Ako'y isang mang-mang at walang kaalam-alam sa mga bagay-bagay.

Sa ilang linggo kong naririto. May mga salitang inglesh naman akong naiintindihan. Tulad na lamang ng thank you at welcome. At kapag tatawagin mo ang mga namimili, dapat ay Ma'am o sir kapag babae at lalaki.

“Oh tulala kana diyan tapos kana ba sa ginagawa mo?” biglang dating ni Ate Haze, isa sa mga kahera ng pamilihan. Mukhang may hinahanap ito base sa kaniyang mukha at expression.

“W-wala naman po Ate Haze. Sino ang 'yong hinahanap?” pag uusisa ko dahil sa kuryusidad. Umiling-iling naman si Ate Haze.

“Wala-wala, sige babalik na'ko sa counter.” wika nito't ngumiti. Tumango ako at ngumiti pabalik, nawala naman 'to sa aking harapan at bumalik sa may lugar kung saan ang mga kahera.

Binalik ko ang atensyon sa mga bagay na ginagawa hanggang sa matapos ng hindi inaasahan. “Kuya nasaan ang mga chi-chirya niyo?” tanong ng isang babae na pamilyar ang boses.

Isang babae ang lumapit sa'kin. Kilala ko kung sino ang babaeng 'to. Siya 'yung nakabunggo saakin ng cart nung nakaraang araw. Ngayo'y nandito nanaman siya para bumili.

“Nandoon lang po sa may fourth row sa may gilid harapan po ng mga inumin.” sagot ko't tinuro ang lugar kung saan ang aking tinutukoy. Ngumiti naman ang babaeng 'to saka tumango.

Pero bakit ganon. Ang ganda niya at ang perpekto ng katawan. Ang puti rin ng kutis nito at makinis ang balat. Hindi ko maiwasan ang mainggit sa kanilang balat. Ang balat kong kayumanggi 'di tulad nilang mala amerikana ang kulay ng balat.

Habol ng aking tingin ang lugar kung saan naglakad ang babaeng 'yon. Siya 'yung babaeng nakabangga at tinulungan kong buhatin ang kaniyang mga dala-dala. Hindi ko inaasahan na makikita siyang muli, nang una ko siyang makita'y kumabog kaagad ang dibdib ko ng wala man lang dahilan.

Inilig ko ang sariling ulo at dumako sa banyo para makapag bawas ng tubig sa katawan. Bakit nakakainggit din ang ibang lalaki? Mapuputi at hindi gaano kayumanggi ang kulay ng kanilang pagkalalaki, ngunit ang akin ay kayumangging-kayumanggi ngunit malaki ang sukat.

Namumula-mula rin ang dulo nito. Hindi naman malibag ang pagkalalaki ko sadyang kayumanggi lang talaga ang kulay nito gaya ng aking balat. Tuli narin naman na ang ari ko noong sampung taong gulang palang ako.

Labing limang taon naman ako natuto mag sarili. Dahik isang umaga ng magising akong naninigas ang aking alaga at nakakakiliti ng lamasin ko ito at doon ko na diskobre ang bagay na'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status