Share

Chapter 05

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-07-28 21:27:31

-Daisy-

Tahimik akong humiga sa tabi ni Vince, at halos kasabay noon ay kusang umakyat ang braso niya at pumulupot sa bewang ko, dahilan para bahagya akong mapapitlag.

“Where have you been, baby?” paos niyang bulong sa aking tenga habang ibinabaon ang mukha sa gilid ng leeg ko.

“Bumaba lang ako saglit,” mahina kong sagot, pilit na kinokontrol ang boses ko para hindi manginig. “Uminom lang ako ng tubig.”

Tumalikod ako sa kanya, umaasang hindi niya mapapansin ang mga luhang kanina ko pa pinipilit punasan. Ngunit sa halip na bitawan ako, lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit.

Marahang dumampi ang kanyang mga labi sa batok ko. Sunod-sunod at magagaan na halik ang iniwan niya roon. Mga halik na noon ay nagpaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako.

Pero ngayon, bawat dampi ng kanyang mga labi ay parang kutsilyong unti-unting tumatarak sa puso ko. Nanatili lang akong nakahiga at nakatitig sa dilim ng silid habang muling namumuo ang mga luha sa aking mga mata.

Ilang sandali pa ang lumipas, naging pantay na ulit ang kanyang paghinga. Nakatulog na ulit siya. Pero ako, ayaw akong dalawin ng antok.

Dahil sa unang pagkakataon simula noong ikasal kami, napatanong ako sa sarili ko. Naging akin ba talaga ang lalaking inalok ako ng kasal dahil iniwan siya ng babaeng pinakamamahal niya?

Kinabukasan ay Sabado kaya wala kaming pasok sa opisina. Gayunpaman, sinabi ni Vince na kailangan niyang umalis dahil may mahalaga daw siyang meeting sa isang kliyente.

Ang mas ikinagulat ko pa, ang lumang itim na sedan ang gagamitin niya. Ang parehong sasakyan na kagabi lang ay tuluyang dumurog sa puso ko matapos kong makita ang GPS history nito.

“Why are you using that car? Luma na ‘yan ah.” hindi ko napigilang itanong habang nilalapitan siya sa garahe.

Halatang nagulat siya nang makita ako.

“Oh, this...” nakangiti niyang sabi habang kaswal na ipinapasok ang susi sa ignition. “Matagal ko nang hindi nagagamit ang kotse na ito. Gusto ko lang tingnan kung maayos pa rin ang makina. Sayang naman kung pababayaan ko lang itong mabulok dito sa garahe, hindi ba?”

Napakakalma ng boses niya. Napakanatural. Ni katiting na kaba o guilt ay wala akong nabasa sa mukha niya. Kung hindi ko nakita mismo ang GPS records kagabi, malamang ay naniwala na naman ako sa kanya.

“Okay,” nakangiti kong sagot habang pilit na nagpapanggap na kumbinsido ako sa sagot niya.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. “I'll be back before dinner, hon. I love you.”

Sandali akong natigilan. “I'll wait for you,” sagot ko, at hindi sinagot ang i love you niya, pero mukhang hindi naman niya ito nahalata.

Ngumiti siya sa akin bago niya pinaandar ang sasakyan palayo. Tahimik ko siyang pinanood hanggang sa tuluyang makalabas ng gate ang kotse niya.

Kasabay ng pagkawala nito sa paningin ko ay ang pagkawala rin ng ngiti sa mga labi ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng kahit isang segundo. Mabilis akong tumakbo papunta sa sarili kong kotse.

Bahagyang nanginginig pa ang mga kamay ko habang ina-unlock ang p***o at nang makasakay ako sa driver's seat, agad ko itong pinaandar.

“Please...” pabulong kong sambit habang mahigpit na hawak ang manibela. “Please... sana nagkakamali lang ako.”

Pinatakbo ko ang sasakyan at dahan-dahan akong lumabas ng driveway. Sinadya kong may ilang sasakyan sa pagitan namin para hindi niya mapansing sinusundan ko siya.

Habang tumatagal ang biyahe, lalo ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Noong una, tinahak niya ang pamilyar na daan palabas ng village namin hanggang sa makalabas siya ng highway.

Saglit na nabuhay ang pag-asa sa dibdib ko dahil tinatahak na niya ngayon ang daan papunta sa office. Baka nga nagsasabi siya ng totoo. Baka meeting lang talaga ang pupuntahan niya.

Pero pagdating sa huling intersection bago ang kalsadang papunta sa Lawrence Group building, bigla siyang lumiko sa kabilang direksyon.

Mahigpit kong napisil ang manibela nang marealize na hindi siya papunta sa opisina. Tinatahak na niya ang eksaktong rutang nakita ko sa GPS history.

Parang may malaking bato ang biglang bumara sa lalamunan ko. Kahit inaasahan ko na ang makikita ko, mas masakit pa rin pala kapag sarili mong mga mata ang makakasaksi sa katotohanan.

Pakiramdam ko, isa-isang itinutusok ang matalim na kutsilyo sa dibdib ko. Patuloy ko siyang sinundan mula sa ligtas na distansya. Bawat stoplight ay tila napakatagal, at bawat pagliko ay lalo lamang nagpapabigat sa paghinga ko.

Halos thirty minutes din ang lumipas bago namin marating ang mansyon na wala sa loob ng village, kung hindi sa isang private property kung saan iilan lamang ang makikitang kapitbahay. Hindi na rin kailangan pang dumaan sa gate ng village.

Natulala ako nang makita ng personal ang malaking bahay. Totoo ngang kaparehong-kapareho ito ng bahay namin ni Vince. Napatingin ako sa garden nito na perpektong inaalagaan. Ang mga pulang rosas dito ay namumukadkad sa ganda.

Unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan ni Vince nang pumasok na ito sa loob ng mataas na gate kung saan isang tap lang ng card niya ay bumukas ito.

Kasabay noon ay tila huminto rin ang tibok ng puso ko. Mula sa labas ng bahay, ilang metro lang ang layo ay tahimik ko siyang pinanood mula sa loob ng kotse ko.

Pagbukas ni Vince ng kotse ay unti-unting nagsara ang bakal na gate sa likuran niya. Mabilis kong ipinarada ang kotse sa lilim ng isang malaking puno sa kabilang bahagi ng kalsada upang walang makapansin sa akin.

Nanatili akong nakaupo roon at nakatitig lamang sa mansyon. Hindi ako makahinga at hindi rin ako halos makagalaw.

Ilang segundo ang lumipas, bigla namang bumukas ang main door ng bahay at mula roon ay lumabas ang isang babaeng nakasuot ng puting dress.

Maliwanag ang ngiti sa kanyang mukha at halos patakbong lumapit kay Vince. Bago pa man tuluyang makababa ng sasakyan ang asawa ko, agad na nitong niyakap si Vince ng mahigpit.

Sa sandaling iyon, parang tuluyan nang nadurog ang puso ko. Nagkatinginan sila na para bang silang dalawa lang ang tao sa mundong iyon. Para silang isang perpektong larawan. Isang larawang hindi ako kailanman naging bahagi.

Tama nga ako. Si Rose nga babaeng itinatago sa akin ni Vince. Ang babaeng nang-iwan sa kanya noon nang akalain nitong wala na siyang pera. Ipinagtayo pa talaga niya ito ng mansyong kaparehong-kapareho ng ipinagawa niya para sa akin. Ano bang iniisip niya? Anong pinaplano niya?

Akala ko iyon na ang pinakamasakit na kaya kong makita. Nagkamali pala ako dahil bigla ulit bumukas ang p***o ng mansyon at isang maliit na batang lalaki ang masayang tumakbo palabas.

Diretso itong lumapit kay Vince at tuwang-tuwa niya itong niyakap ng mahigpit. “Daddy!” malakas nitong sigaw.

Napasinghap ako. Parang may humawak sa puso ko at marahas iyong piniga.

Nakangiting binuhat ni Vince ang bata at iniikot-ikot ito sa ere habang kapwa sila tumatawa.

Daddy?

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

May anak sila?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 144

    -Daisy-Bago kami tuluyang lumabas ng boutique, muli akong nakatanggap ng message mula kay Mr. Torres.Sinabi niyang pumunta na rin daw ako sa venue para i-confirm ang mga detalye dahil matagal na siyang nagpa-reserve roon at bayad na rin ang lugar.Kaya agad kong sinabi kay Vince na dumiretso kami sa Shangri-La Hotel. Pagkarinig nito, agad na kumunot ang noo ng mommy niya.“At ano namang gagawin natin doon, aber?” Hindi ko siya sinagot agad. “Huwag mong sabihing doon ang reception ng kasal niyo!” halos sumigaw siya. “Aba, Daisy! Sumosobra ka na!”Nginitian ko lang siya. “Malalaman natin pagdating natin doon.”Pagdating namin sa Shangri-La Hotel, agad akong pumasok sa loob at kinausap ang isang staff. Ipinaliwanag ko ang pakay ko at sinabi kong may existing reservation na sa pangalan ni Mr. Torres.Sumunod sa akin sina Vince at ang mommy niya. Pero pagdating nila sa entrance, bigla silang hinarang ng guard.“Sorry, sir. Ma’am. Hindi po puwedeng pumasok ang walang reservation.” sabi ni

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 143

    -Daisy-“Vince, gusto ko ’tong dress na ’to.” Nakangusong yumuko ako at tinignan ang wedding gown na suot ko.Pagkatapos ay pailalim kong tinignan ang mommy niya, na kanina pa halatang hindi natutuwa sa inaasta ko.“Of course, babe.” Hindi man lang pinansin ni Vince ang nanay niya. “Bibilhin natin ’yan.”“Thank you!” Nakakalokong ngumisi ako kay Mrs. Lawrence bago ako sumandal sa balikat ni Vince, at kunwari ay sobrang saya ko dahil mas kinampihan niya ako kaysa sa nanay niya.Kung tutuusin, wala naman talaga akong pakialam kung gaano kamahal ang gown na ito.Ang gusto ko lang ay makita kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa pekeng kasal na ibibigay nila sa akin.Pagbalik ko sa loob ng dressing room para muling magpalit, hindi nagtagal ay narinig ko ang boses ng mommy ni Vince.“Alam mo ba kung magkano ang halaga ng wedding gown na ’yon, ha, Vince?!” Napangiti ako habang dahan-dahan kong isinara ang pinto at saka nagsimulang magbihis.“Mom, it’s just a wedding gown. Ano bang

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 142

    -Daisy-“Exactly!” agad na sumabat si Mrs. Lawrence. “Mabuti pa si Rose, alam niya ang tama at mali. Kung sana lang…”“Kung sana lang ano?” tanong ko sa kanya, pero hindi siya sumagot, kaya si Vince ang hinarap ko. “Vince, mukhang gusto ng mommy mo na si Rose na lang daw ang pakasalan mo.” gusto kong mag-away-away sila sa harap ko ngayon din, bilang ganti sa pang-iistorbo nila sa akin.Biglang napalingon si Vince sa kanyang ina.“Mommy, what are you even saying?” Iritableng singhal niya. “At ikaw!” Humarap naman siya kay Rose. “What are you even doing here? Bakit ba kasi sumama ka pa dito ha? Hindi ka naman kasali, di ba? Wala ka bang pasok sa office at palagi kang nakabuntot sa amin?”Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ni Rose at saka napayuko.“Vince, ano ba! Ako ang nagsabi sa kanya na sumama sa akin!” galit na sagot ni Mrs. Lawrence.Napahalukipkip ako. “See? Mas kinakampihan niya pa si Rose kaysa sa akin na manugang niya. Gusto mo, Vince, si Rose na lang ang magsukat ng weddi

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 141

    -Daisy-Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong bigla siyang natigilan. Nawala ang kulay sa mukha niya, at ang hawak niyang plastic ay unti-unting bumitaw sa kanyang mga daliri.Bumagsak iyon sa sahig, pero walang pumansin sa kanya. Maging si Vince ay hindi rin siya nilingon.“Oh…” Pinilit kong pigilan ang ngiti ko at muling tinignan si Vince. “You're so sweet, Vince.” Bahagya kong hinaplos ang kanyang braso. “Totoo ba ang lahat ng sinabi mo?”“Of course!” Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin at may paghalik pa siya sa tuktok ng ulo ko. “Hindi mo alam kung paano ako nahihirapan nitong mga nakaraang araw dahil wala ka sa tabi ko. I can't lose you, babe. You're my whole life.”Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Pero unti-unting nagbago ang ekspresyon ko. Mula sa isang simpleng ngiti, naging seryoso ang mukha ko at tumalim ang mga mata ko.“I believe you, Vince. Loyal na loyal ka sa akin bilang asawa mo. You never cheated on me.” Saglit akong tumingin sa kanya. “At walang i

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 140

    -Daisy-Pagdating namin sa hospital, saka naman sinabi ng doktor na maaari nang iuwi si Vince. Matapos siyang ma-check at masigurong wala naman siyang malubhang injury mula sa nangyari, agad na ring inayos ng pamilya niya ang kanyang discharge papers.Akala ko, didiretso na kami sa bahay ng mga Lawrence. Pero nagulat ako nang sa halip na doon siya dalhin, inuwi nila si Vince sa bahay namin.At mas lalo akong nagulat nang pagdating namin ay iniwan nila ako roon. Ako raw ang mag-aalaga sa kanya.Seriously? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.“Hindi ako maiiwan dito!” Agad akong tumayo mula sa gilid ng kama. “Uuwi na ako!”Hindi ko na hinintay na may sumagot. Dumiretso ako palabas ng kwarto, pero bago ko pa man mahawakan ang doorknob, biglang iniharang ni Vince ang kamay niya sa pinto.“Vince, ano ba?” naiinis na hinampas ko siya sa braso. Wala akong pakialam kung galing man siya sa hospital. Mukha namang mas malakas pa siya sa kalabaw eh.Ano pa bang aasahan ko, eh scripted la

  • When My Husband Chose His Ex   Chapter 139

    -Daisy-Namula ang mukha niya sa sinabi ko.“Isa pa,” dagdag ko, “hindi ko naman sinabi kay Vince na iligtas niya ako, ah?”Lahat sila ay natulala sa sinabi ko. Walang nakasagot.Bakit? Ginaya ko lang naman ang sinabi niya sa akin noon ah. Na hindi niya naman sinabing iligtas ko siya. So ngayon, ibinabalik ko iyon sa kanila para alam nila ang pakiramdam ko noong sinabi iyon ni Vince sa akin.Akala siguro nila, madali na naman nila akong matatakot o mamanipulahin dahil lang sa nangyari kay Vince. Never!Hindi na ako ang dating Daisy. Hindi na ako basta-basta magpapagamit sa kanila. Hindi na ako basta maniniwala sa mga luha at matatamis na salita nila.Wala nang sinabi pa sina ang mag-asawang Lawrence at Rose. Tumalikod na lamang sila at dumiretso sa kwarto ni Vince.Maya-maya, may dumating na mga pulis upang kunin ang statement ko. Isa-isa kong sinabi ang lahat ng naaalala ko.Kung saan ako nakatayo at kung paano mabilis na lumapit ang sasakyan sa kinaroroonan ko.Kung paano ako hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status