Share

Chapter 28

IN-OFF ko ang shower saka hinagod ang basang buhok. Inabot ko sa may sink ang towel at saka ibinalot sa bewang. Kahit tumutulo pa ang tubig mula sa katawan ay lumabas na ako ng banyo at lumapit sa side-table para kunin ang cellphone na kanina pa nagri-ring.

“Hello, ‘Ma?” ang sagot ko sa kabilang linya.

“Kumusta ‘Nak?”

“Okay lang ‘Ma, kailan ang balik mo?” Naglakad ako palapit sa cabinet at kumuha ng damit.

“Siguro next week pero hindi ko pa sigurado.”

“Hmm…” biglang sumagi sa isip ko iyong nangyaring pagtatalo namin noong huli. Nag-sorry na ako sa kanya pero parang hindi sapat iyon. Hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya dahil muli siyang bumalik sa probinsiya kasama si Tita habang may sakit ako.

Sa susunod, sisiguraduhin kong dadalaw ako sa bahay at hihingi ng tawad sa ginawa ko.

“Okay ‘Ma, dadalaw ako sa bahay pag-uwi mo.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status