Share

Chapter 31

ILANG ARAW na akong ayaw kausapin ni Mama, sa tawag man o sa personal. Nagtatampo siya dahil sinaktan ko raw si Noreen.

Kaya hinayaan ko na lang ito. Mawawala rin siguro ang tampo niya sa akin sa pagtagal.

Habang si Noreen ay nagpasalamat kahit hiyang-hiya sa nagawa. Nagpasalamat siyang hindi ko sinabi ang totoong dahilan. Ayaw niyang sumama ang loob ni Mama lalo na at tinuring na rin niya itong isang tunay na Ina.

“Kumusta?” ang tanong ni Gab. Pero umiling lang ako pagkatapos ay binalik sa bulsa ang cellphone.

Muli ko kasing sinubukang tawagan si Mama pero ayaw niya talagang sagutin. “Ayaw talaga akong kausapin, e.”

“Kung hindi ka ba naman sira*lo, ba’t ka nagsinungaling? Dapat sinabi mo ang totoo sa kanya.” Nakatingin siya sa akin at napailing. Parang sinasabing ang tanga-tanga nang ginawa ko.

“Ayokong mag-iba ang tingin niya kay Noreen.”

“Ay ang gag*, ano? Mahal mo pa rin ba ‘yun?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status