Share

Chapter 29

ILANG BESES akong nag-doorbell sa pinto ng apartment ni Gab. Kanina pa ako tumatawag sa kanya pero hindi naman niya sinasagot. Baka hindi pa iyon gising at nakalimutan ang usapan ngayon. Ang linaw-linaw pa naman nang sinabi ko na maaga kaming aalis dahil malayo ang airport.

“Gab!” ang sigaw ko pa na kulang na lang ay kalampagin ang pinto para lang makapasok. Kung bakit kasi wala akong duplicate sa susi ng apartment niya, samantalang siya kayang maglabas-masok sa condo ko.

Muli sana akong magdo-doorbell nang buksan na niya ang pinto. “Ano ba! Nabibingi na ako sa kaka-doorbell mo,” ang reklamo niya. Inis ang mukha pero hindi ko na iyon pansin at sa suot niya lang nakatingin. Hindi siya mukhang bagong gising at mukhang nakapanglakad.

“Ba’t kasi ang tagal mong buksan ang pinto? Kanina pa rin ako tumatawag tapos hindi mo naman sinasagot.”

“Nag-number two ako,” sabay pakita ng kamay sa akin. “Kung gusto mo, am
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status