Share

Chapter 47

PAGPASOK sa dressing room ay agad kong kinuha ang damit na sandaling iniwan dahil kailangan kong suotin ang hinandang damit ng designer. Matapos ay binalik sa staff na sumunod sa akin ang sinuot na damit.

Nahinto naman ako ng mapansin na wala sa pinaglagyan ko ang cross body bag. Nasa loob pa naman ang ilang mahahalagang bagay at cellphone.

“Tapos ka na?” ang tanong ni Gab matapos pumasok sa dressing room.

“'Yung bag ko?” Wala kasi sa pinag-iwanan ko.

“Nasa van na, kinuha ko na agad habang nagpi-pictorial ka pa kanina.”

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay nawala na o may nangahas kumuha.

“Tara na para makakain na tayo,” aniya sabay tingin sa suot na relo. “Past twelve na.”

Pero nang makapasok sa van at hanapin ang bag ay wala ito. “Ang sabi mo ay narito ang bag ko?”

“Pero kinuha ko ang mga gamit mo sa dressing room kaya imposibleng wala r'yan,” ani Gab at tin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status