Share

Chapter 3

Chapter 3

Kinabukasan ay nagising akong wala sa tabi ko si Jaxon. Bumangon ako at bumaba na. Wala na rin ang sasakyan niya sa garahe. 

'Hays'

Pagkatapos nang nangyari sa amin ay hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya o kung paano ko siya pakikiharapan.

Naputol ang mga iniisip ko nang marinig ang tunog ng doorbell. May bisita ng ganito kaaga?

Lumabas ako at pinagbuksan ng gate ang bisita. Ngunit hindi ko inaasahan ang taong nakatayo sa labas ng bahay namin.

"Rusty?"  bungad na tanong  ko ng makita ko siya. 

"Good morning."

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa. Sa halip na sumagot ay may itinaas siyang paper bag sa harap ko. Galing sa isang kilalang restaurant ang dala niyang paper bag. 

"May dinaanan kasi akong kakilala malapit dito kaya naisipan kong dumaan sa inyo."

"Gano'n ba."

"Ang tahimik yata ng bahay niyo?"

Lumingon muna ako sa bahay bago sagutin ang tanong niya.

"Kaalis lang ni Jaxon," tipid na sagot ko.

"I see. Paano kunin mo na lang itong almusal na binili ko. 'Wag kang mag-alala walang lason o gayuma yan," biro niya sabay tawa. 

Kinuha ko ang paper bag na hawak niya saka nagpasalamat dito.

"Hindi ka na sana nag-abala pa pero salamat."

"No problem. Haha. Paano mauna na 'ko. Kumain ka okay?"

Natawa ako sa sinabi niya. Daig pa niya ang isang asawa.

"Sige na. Salamat ulit."

"And I forgot to tell you last night na ako ang kinuhang engineer ng asawa mo para sa ipapatayong hotel niyo. Alam mo na ba?"

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Rusty. Wala akong alam sa mga ginagawa ni Jaxon patungkol sa trabaho niya. Dahil hindi rin naman niya sinasabi sa akin. 

"Ah, oo nasabi niya nga pero hindi ko alam na ikaw 'yon," pagsisinungaling ko na lamang upang itago na hindi ko alam ang bagay na iyon. 

"Ngayon alam mo na."

"Oo nga," pilit na ngiti ko. Nagpaalam na siya sa akin kaya pumasok na ako sa bahay at tumuloy sa kusina.

Paano nagkakilala si Jaxon at Rusty? May alam kaya si Jaxon na kilala ko ang taong kinuha niya bilang engineer sa hotel na balak niyang ipatayo?

Lumipas ang ilang oras at naboring ako sa loob ng bahay kaya naisipan kong lumabas at magpunta sa mall na malapit sa subdivision na tinitirhan namin.

Maraming tao ngayon dahil araw ng Miyerkules. Sa isang buffet restaurant ako dinala ng mga paa ko at hindi ko inaasahang naroon si Jaxon at may kasamang babae. Ibang babae at hindi 'yung Bettina. Nasa may bungad sila kaya naman dinig ko ang malanding boses ng babaeng kasama ng asawa ko.

"Babe after this sa bahay mo tayo dumiretso. Please?" 'Yung babae at humawak pa sa kamay ni Jaxon.

Tiningnan ko si Jaxon na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo at halata sa mukha na hindi niya gustong naroon ako.

"Babe?"

Napukaw ang atensiyon niya sa muling pagtawag ng babae. 

"Sorry. What was that again?" tanong niya rito.

"Sabi ko sa bahay mo tayo later."

At walang pagdadalawang isip na pumayag siya sa suhestiyon ng babae.

Iniwas ko na lamang ang tingin sa kanila at lumabas na lang sa lugar na iyon.

Napapikit ako kasabay ng mahinang pagbuntong-hininga. 

 Ang sakit pala. Sobrang sakit.

"Ate Lhaurize?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin.  It's Hawk.

"Hawk."

"Mag-isa ka lang ate?"

Tumango ako.

"I saw Kuya Jaxon kanina and he's with someone. New business partner niya."

Business partner? Lihim akong natawa sa sinabi ni Hawk. Gustong-gusto ko nang sabihin na babae iyon ng asawa ko ngunit itinikom ko na lang ang bibig ko. 

Hindi na lamang ako sumagot pa sa kanya. Agad na lang akong nagpaalam at nagpunta sa NBS. Limang libro ang binili ko bago napagpasiyahang umuwi.

Hapon na rin ng mga oras na iyon at nakita ko na agad ang sasakyan ni Jaxon. Nakauwi na pala siya.

Wala siya sa sala nang makapasok ako. Mukhang dumiretso na sila ng babae niya sa guest room.

Tumuloy lang ako sa kwarto namin at sa gulat ko ay naroon siya.

"Nandito ka pala," tipid na bati ko at tiningnan lamang niya ako.

"Nasa'n pala 'yung kasama mo?" tanong ko ng mailapag na ang pinamili ko.

"Pinaalis ko na. At kung pwede lang na ito na ang huling beses na magtatanong ka sa akin."

Nasaktan ako sa sinabing niyang iyon pero hindi ko na lamang pinahalata sa kanya.

"Mag-ayos ka ng sarili mo. May pupuntahan tayo mamaya."

"Saan?"

"Huwag ka ng maraming tanong, sumunod ka na lang."

"S-sige."

Katahimikan.

"Jaxon." Mayamaya ay pagtawag ko sa kanya. Tumingin nama siya sa akin.

"What?"

"Y-yung nangyari sa atin kagabi a-anong ibig sabihin niyon?-"

"Walang ibig sabihin ang nangyaring 'yon sa atin. Nadala lang ako ng kalasingan kaya kalimutan mo na lamang 'yon."

Daig ko pa ang binagsakan ng mabigat na bagay ng marinig iyon sa kanya. Wala. Walang ibig sabihin. Pareho lang kaming nadala ng emosyon namin.

"S-sige," pigil ang luhang sagot ko bago tumayo at pumasok sa banyo.

'Hanggang kailan ba kami magiging ganito? Maaayos pa ba ang relasyon namin? Kailan niya matatanggap na ako ang asawa niya?'

Lumipas ang mga oras at paalis na kami ng bahay. Wala kaming kibuan nang bumiyahe hanggang sa marating namin ang party na pupuntahan namin.

 Simpleng tube gown na itim ang suot ko na hapit sa katawan ko at manipis na make-up lang sa mukha pero alam kong hindi ako nahuhuli sa kagandahan ng mga babaeng naroon ng gabing iyon.

"Para saan ang party na'to?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot kaya hindi na muli akong nagtanong pa.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang huminto siya sa isang kumpulan ng mga lalaki na may dalawang babae.

"Jaxon Dela Vega," bati sa kanya ng mga iyon. Tumingin naman sa akin ang iba pa pati na rin 'yung dalawang babae.

"So you have a date now. Who is she? New chick?" Nakangiting tanong ng isang babae sa asawa ko.

"She's my-"

"I'm her new girl. Just for tonight," pagputol ko sa iba niyang sasabihin. Hindi ako tumingin sa kaniya nang sabihin ko iyon sa mga kausap namin. Alam ko namang ikakahiya niyang sabihin na asawa niya ako.

"Oh really? You must be lucky Jaxon to have this girl as your date. She's hot and pretty," wika ng isa sa mga lalaking naroon na hindi nalalayo ang edad sa asawa ko.

"Really?" simpleng tanong ni Jaxon rito at natatawang sumagot naman ang lalaki.

"Yeah. And I think she's also good in bed. Triny mo na ba?"

Napapahiya akong tumungo sa tanong na iyon ng lalaki. Mukha ba akong prostitute para gano'ng klase ng tanong ang marinig ko?

"Why don't you try her? Then tell me if she's good in bed or not."

Napakagat ako ng labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Hindi ko akalain na isasama niya ako rito para ipamigay sa ibang tao.

"Oh! Ibibigay mo sa akin ang babaeng ito?"

"Kung papayag akong mapunta siya sayo. Pero ngayon, akin lang ang babaeng ito. Naiintindihan mo ba?"

Napaangat ako ng tingin kay Jaxon nang marinig ang sinabi niya. Nagulat pa ako ng marahan niyang ipulupot ang braso niya sa bewang ko.

"She's all yours Dela Vega."

Hindi na ito sinagot ni Jaxon at hinila na lamang ako sa ibang kumpulang naroon.

"Lhaurize?"

"Rusty." Nakangiting bati ko sa kanya habang busy na nakikipag-usap sa iba si Jaxon.

"I never thought na makikita kita rito."

"Ako rin naman."

"So who's with you?"

"I'm with Jaxon," sagot ko at napayakap ako sa sarili ko ng pumasok ang hangin sa loob ng venue. Buwan ng Disyembre nga pala kaya malamig.

"Mukhang nilalamig ka."

Hindi na ako sumagot ng hubarin niya ang coat at pinatong sa balikat ko.

"Here. Para hindi ka lamigin. Kumain ka na ba? Samahan-"

"I can take of her Engineer Montelibañez." Mula sa kung saan ay sumulpot si Jaxon at inalis ang coat na nakapatong sa balikat ko at inabot iyon kay Rusty.

"You can take care of her Sir Jaxon? Kaya pala." Nahimigan ko ang pagiging sarcastic ng boses ni Rusty.

"Rusty, salamat sa coat. Jaxon tara na," pag-aya ko sa asawa ko pero hindi siya kumilos.

"Lumugar ka sa tama Engineer Montelibañez." Malamig na tugon ni Jaxon rito. Mukha lang silang nag-uusap ng maayos kaya hindi halatang may tensiyong nagaganap.

"Nasa tamang lugar ako Sir Jaxon. What's wrong with helping your wife?"

"Jaxon tara na please," pag-uulit ko pero hindi niya ako pinapansin.

"No you're not. You're making steps para mapansin ka. Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo?"

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya kay Rusty. Alam kaya niya ang ginawang pagbisita at pag-imbita sa akin ni Rusty?

"Jaxon enough. Rusty is just a friend," pangungulit ko at this time ay nilingon na niya ako ng may ngisi sa labi.

"Friends? Friends with what? Benefits?"

"Jax-"

"Lhaurize mauna na ako, ayoko ng gulo pasensiya na. I hope you enjoy this night," paalam ni Rusty pagkatapos ay tumalikod na.

"Rusty.."

"Let's go."

Malamig na namang saad ni Jaxon bago ako hinila patungo sa sasakyan niya at walang salitang nilisan namin ang party na iyon. Pagkarating sa bahay ay hawak pa rin niya ang kamay ko ng dumiretso kami sa kwarto namin.

"Bakit mo sinabing isa ka sa mga babae ko?" Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin sa tanong na iyon.

"Jaxon.."

"Answer me! Why?!"

Naiiyak akong sumagot dahil sa sigaw niya.

"Alam kong ikakahiya mong sabihin sa kanila na asawa mo ko kaya inunahan na kita.

"Fuck. So fucked up Lhaurize."

"I'm sorry."

"Hindi ko kailangan ng sorry mo."

"Jaxon.."

"Umamin ka may relasyon ba kayo ng Rusty na 'yon?"

"W-wala."

Nakita ko ang pagkawala ng galit sa mukha niya.

"I-I'm sorry.." Mahinang pagkakasabi niya na narinig ko naman.

Ang isang Jaxon Dela Vega ay humingi ng sorry sa akin. Totoo ba ito?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ewan ko sayo jaxon alam ko mahal mo na asawa mo pero ayaw mo pang aminin
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status