LOGIN
"Ma, Pa, alis na 'ko! Kailangan ko nang magmadali dahil alam niyo naman ang boss ko!" malakas kong sigaw sa loob ng bahay habang napapailing. Nai-imagine ko na naman kasi ang mukha ng boss ko na palaging galit sa mundo kapag titignan. Laging nakasimangot na para bang walang kaibigan sa buhay.
"Mag-iingat ka, anak! Maggagabi na kaya mag-iingat, ah? Si Papa mo nasa kwarto niya at nagrorosaryo na," I heard from my mother that is probably cooking their dinner. I nodded as if she could see me. "Okay ma!" I shouted again before going out of our house. Hindi naman malaki ang bahay namin at hindi rin naman gano'n kaliit. Sakto lang sa aming tatlo. At tiyaka, masaya na 'ko kung anong meron ako lalo na't hindi naman kami nagugutom. May nakakakain kami dahil sa mga trabaho namin. Si Papa ay driver ng jeep, si Mama naman ay nagbabantay sa karinderya namin na siya rin ang nagluluto. May kasama naman siya at kailangan niyang may kasama talaga dahil sa rami ng customers araw-araw. Habang ako naman, ay isang.. pole dancer. Well, naka-graduate naman ako ng kolehiyo pero hindi pinapalad sa mga pinapasukan kong trabaho lalo na sa mga restaurants at hotels. HM kasi kinuha ko at alam ko naman na kayang-kaya ko ang mga gawain at tiyaka, plakado ang requirements ko dahil sa may flying colors ako nang maka-graduate. Pero dahil nga sa mukhang malas talaga, kinuha ko na lang ang offer na 'to galing sa bff ko. Malaki ang kita, 'no! Hindi naman nakakapaghinayang dahil para rin lang naman akong nasa restaurants dahil minsan, suma-sideline rin ako bilang bartender at waitress. Pero focus ko talaga ay pagiging dancer dahil 'yon ang work ko. I arrived early kahit alam kong eight pa ang pagbubukas ng bar. At tiyaka, ayaw ko rin kasing ma-disappoint sa'kin ang boss ko. Palagi pa naman 'yong galit pero, hindi naman ako napapagalitan dahil nga sa masunurin naman ako. "Hello!" sigaw ko sa loob na iilan pa ang tao. Mga stuffs ng Octagon Bar. Kumaway pa ako sa kanila na siyang ikinahagik nilang lahat lalo na ang bff kong mas maaga pa sa akin. Parehas kasi kami na ayaw mapagalitan kaya kung maaari, mas maaga, mas maganda. At tiyaka, maganda naman talaga tignan kung ang isang empleyado ay maaga kaysa sa boss. "Heaven! Excited ka na ba? Nako, marami daw customers ngayon kaya galingan mong sumayaw mamaya, ah?" I smirked because of what I've heard from my bestfriend. "Nako Breach, alam mo naman na palagi kong ginagalingan diba? At tiyaka, may bago akong moves ngayon kaya maghanda sila," nagtawanan na lang kaming dalawa na pati ang ibang stuffs na naglilinis ay napapangisi at napapailing dahil sa kagagahan namin. Mula highschool habggang college kasi, magkaibigan na talaga kami ni Breach kaya hindi na talaga ako nagdalawang-isip na tanggapin ang trabaho na 'to. Maliban na sa palagi kaming magkasama, maganda rin ang suweldo. Hindi naman pamomokpok ang ginagawa ko, sumasayaw lang naman ako to entertain the customers. Alam 'yon ng mga magulang ko. At first, ayaw nila. Well, sino ba namang mga magulang na gugustuhing makita ang anak nila na sumasayaw sa bar? Kahit ako rin naman pero, I convinced them. Sinabi ko na hanggang sayaw lang naman. No touch, no kiss at tiyaka no sex. Virgin pa 'ko at ayaw kong makuha lang ng kung sino-sino diyan ang perlas ng silanganan ko. Two hours later, naghanda na kaming lahat. Nag-make up na 'ko dahil maya-maya, sasayaw na 'ko. Dumating na rin si Boss at sa inaasahan, kunot na naman ang noo ni Madame. May kung ano na naman atang problema. "Ipakita natin sa kanila kung gaano kabongga ang bar na 'to, Heaven. Ipakita mo na hindi sila nagsisising pumunta rito," turan ni Breach nang pumasok siya rito sa loob ng room ko. Room ko alone kasi ako lang naman ang dancer at wala nang iba. Pero feel ko naman kasi kapag may mga dancer pa, kasama ko sila dito. "Hay nako Breach, alam mo naman ang kakayahan ko. Baka nakakalimutan mong hiphop dancer ako? Gusto mo, maghiphop ako?" natatawang tugon ko sa kaniya na siyang ikinahampas niya sa balikat ko. Agad akong napangiwi dahil sa ginawa niya. "Aray!" "Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Pero no kidding aside, nas gandahan at ayusin mo. Rinig ko kasi kay Bossing na may mga bago ng customers. Bigatin daw," agad akong napaisip sa sinabi niya hanggang sa sumilay na naman ang ngisi sa mga labi ko. Edi mas maganda. I could show them my new moves. "Teka, ang maskara ko? Saan ko ba 'yon nalagay?" "Please help me welcome, Maskareyna!" lips stretched into smirk when the host finally announced my screen name. When I walked onto the stage, the spotlight immediately found me and the excitement quickly filled my wholeness. Hindi nila nakikita na natutuwa ako ngayon dahil sa pula na maskara na nakatabon sa buo kong mukha. Pero sa likod ng suot kong maskara, kitang-kita ko kung gaano kasabik ang mga taong nasa ilalim ng entablado. Kitang-kita ko ang sabik sa kani-kanilang mga mata at kahit napakaliwanag ng ilaw na nakatapat sa akin, kitang-kita ko pa rin ang paglunok ng karamihan habang nakatanaw sa kabuuan ko. I am wearing a daring red silk that almost reached my knees that shows my snow white skin until I touched the pole seductively and raised my right leg. I let my leg kissed the pole as well and then swayed my hips a bit. And until I heard the loud screams and loud applause because of what I am doing right at this moment. I squinted my eyes when the door opened and a group of men went inside. They were laughing as if something entertaining them. From where I am standing, kitang-kita ko ang isa nilang kasama na nasa gitna ng grupo nila na may angking sobrang tangkad na siyang nakatitig nang diretso sa akin.. pero napailing na lang ako at sumayaw na ulit. For sure, they will enjoy the rest of the night.Hindi ko alam kung ang kaba ko na 'to ay normal pa ba pero siguro ay hindi na. Kada hatid ko kasi ng mga orders sa mga tables, pakiramdam ko ay aatakihin na 'ko sa puso! It feels like someone is always watching me behind as if I am a prey that needs to be hunted! Na para bang isa akong daga kung saan-saan na lang pumaparoon tapos may isang pusa na naghihintay ng tamang oras para kainin ako.This is getting weird.When I saw that foreigner's face again, I almost had a heart attack. I saw the lights from his emerald eyes as if he really wanted to show me how those orbs were hypnotizing when you stared at them. If it is not because of my friend calling me, I am sure that I already fell in his spell and I would really have a hard time disspelling it. He was like a gigantic wall that was so impossible to climb up, covering my wholeness as if he was trapping me. That guy was really dangerous. "Hoy, Heaven!" Lumapit sa'kin si Breach na nakakunot ang noo, "Ayos ka lang ba? Para kang wala sa
"Pagod ka na ba, 'nak?" napalingon ako kay Mama habang nagluluto ng mga lumpia. Agad kasing naubos ang lumpia at ngayon ibang batch na naman. Ang sarap rin kasi talaga magluto ni Mama, at siyempre, namana ko 'yon sa kaniya. "Nako Ma, hindi ako napapagod kapag sakto ang tulog ko. At tiyaka, masayang nakikita na napakarami pa rin talagang kumakain sa karinderya natin," ngiti kong tugon kay Mama at inilibot ulit ang mga mata sa paligid. The customers were so expressive while eating their food and I think it is not just because they were with their classmates, their workmates or friends and family, but because of the food they were eating. It was good, I could vouch for that since I tasted my Mama's food since I was a child. "Oo 'nak, grasiya mula sa Diyos ay marami palagi ang bumibili at nagpabalik-balik rito sa karinderya natin," ngiting tugon sa akin ni Mama. Ngumiti ako sa kaniya kahit hindi niya nakikita bago napalingon kay Layla na abala ngayon sa pagtitinda ng mga ulam. Halos a
Kinakabahan ako na hindi ko alam habang tinatahak ang daan papauwi sa bahay. Alam kong hindi ko pa oras para umuwi pero nang makita ko ang gulo at ang kagustuhan ng matandang 'yon sa'kin? Gusto ko na talagang umuwi ng bahay agad-agad at magpahinga. Gusto kong tabunan ang buo kong katawan ng kumot at agad matulog.It was so scary since it was my first time seeing such a scene. It was chaotic and it nonplussed me. It was the first time ever in my entire working life in Octagon Bar and seeing such a view was traumatizing. I know that Boss already warned all the customers that they really shouldn't touch not just me, a pole dancer, but other stuff as well. At kung hindi pa dahil sa lalaking 'yon, baka kung ano na ang nangyari sa akin."Diyan na lang po," turo ko sa driver ng taxi at saktong huminto rin naman ito agad sa tapat ng bahay. Patay na ang mga ilaw sa inaasahan dahil tulog na sina Papa at Mama. Matatanda na kaya sinasabihan ko na kapag tapos na ang trabaho, kailangan na nilang m
"Mabuti na lang ay mabait ang lalaking 'yon, Heaven, dahil kung hindi? Nako! Wala ka ng trabaho talaga ngayon," Monday na Monday na pero ang naiisip ko pa rin ay ang ginawa kong paghalik sa kano na 'yon at sa mga sinabi sa'kin ni Boss. Kaunti na lang talaga no'n ay matatanggal na 'ko! Mabuti na lang talaga ay may awa ang Diyos at hinayaan akong bigyan niya ng pangalawang pagkakataon. Hindi na talaga ako manghahalik! "Kaya nga eh, baka nagustuhan niya rin ang halik ko kaya hindi na siya nagpa-charge," biro ko pa pero kinakabahan pa rin ako dahil anytime, puwedeng magbago ang isip ni Boss kaya kailangan ko na talagang mag-ingat. Agad akong napangiwi nang maramdaman ang hampas sa'kin ni Breach. "Nagawa mo pa talagang magbiro! Nako, ikaw talaga," turan ng kaibigan ko na siyang ikinanguso ko lang at napatingin sa salamin."Nakakalito rin kasi alam mo 'yon? Ako 'yong babae kaya bakit magpapa-charge siya kung sakaling gagawin niya nga talaga? Lalaki siya, gusto ng mga lalaki ay nga halik
"Argh! Breach, anong gagawin ko?" I was so hysterical because of what I did last night! I don't know why I kissed that guy in front of everyone but I really just felt like kissing him! First time ko kasing makakita ng gano'ng kaguwapo at tiyaka, hindi ko kasi makita nang maigi ang mukha niya kaya lumapit ako! "Ikaw naman kasing gaga ka! Bakit mo ba 'yon hinalikan? Akala ko ba no kiss, no touch ka? Girl! Ginulat mo kaming mga stuffs sa ginawa mo dahil nga sa alam namin na hindi ka nagpapahalik! Tapos kagabi, ikaw mismo ang nanghalik?" ginulo ko ang buhok ko dahil sa naaalala ko pa rin ang mukha ng lalaki sa utak ko. Parang rehistrado na siya sa ulo ko na hindi ko na maalis-alis pa! "Hindi ko rin kasi alam. Parang may demonyong bumulong sa'kin na lapitan siya at.. halikan!" tugon ko at napatingin sa salamin na nasa harapan ko ngayon dito sa room ko. Hindi naman ako pangit. Bilugan ang mga mata kong itim at mapupula ang mga pisngi ko. Natural rin na mapupula ang mga labi ko. Depina ri
Nakauwi kami nina Papa at Mama na masayang busog. Hindi naman namin na first time lumabas magkasama pero kasi, first time naming kumain nang ganoong mga pagkain kaya para sa akin, memorable siya at napakasaya. Bagsak agad ang katawan ko sa kama nang makapasok ako sa kwarto. Hindi ko na napaandar ang electric fan dahil sa pagod ng katawan ko. Kailangan kong magpahinga lalo na't duty ko na naman mamaya at sa kung sino man ang nagbigay ng bonus kay Bossing, pagpalain pa sana siya ni Lord nang marami at nang magkasuweldo ako ulit nang ganoon kalaking halaga. "B-Bakit ang daming tao?" bulong ko sa sarili nang makalabas na ako sa stage. Ilang oras ako nagprepara dahil nga sa biyernes ngayon at inaasahan kong maraming tao pero, hindi ganito karami na para bang concert na ang nangyayari! Hinanap ng mga mata ko si Breach pero dahil sa rami ng tao, hindi ko na siya makita. Kasabay naman no'n ay ang malakas na hiyawan ng mga kalalakihan, I could even hear whistles from them and that fired me







