Share

Chapter 14

Chapter 14

Uwian na. Pinauna niya na si Nancy at humugot ng lakas ng loob para kausapin si Shin.

Nagpapractice ang mga ito dahil bukod sa battle of the bands ay malapit na rin ang Foundation day ng school.

Habang palapit ay taas baba ang dibdib niya sa inis, paano ay kausap na naman nito si Corene. Ang mga kabanda naman nito tulad ni Grant ay abala sa pagsi-set up ng kanya-kanyang hawak na instruments.

"Shin, mag-usap tayo," tawag pansin niya sa boyfriend nang lapitan niya ito sa gilid ng stage.

Napatingin siya sa mga kamay ni Corene na naka-abrisiyete pa sa braso ng boyfriend. Nakatingin din sa kanila ang banda. Tila ramdam ang tensiyon sa pagitan nila.

"Saka na lang Marion medyo busy kasi kami," tila walang ganang sagot ni Shin kaya nagpanting talaga ang tainga niya.

"Busy? Lagi ka na lang busy! Pero sa babaeng 'yan nakikipagtawanan ka pa?" medyo mataas na ang boses na sita niya saka niya binaklas ang kamay ni Corene na nakaangkla dito.

"Hey!" gulat na saway ni Corene sa ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status